Chapter 1

1480 Words
Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Agad niya iyon sinapo, at pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya. “Wala kang kuwenta! Lumayas ka sa pamamahay ko na bruha ka!” nanggagalaiting singhal sa kanya ng Tiyahin. “Tiyang, parang awa mo na po... Wala na po akong mapupuntahan...” nagmamakaawang wika ni Anna sa tiyahin. Pero hindi ito pinansin ng ginang. Nagulat pa ang dalaga ng ihagis ng tiyahin nito ang kan’yang mga gamit. “Magnanakaw! Walang utang na loob! Matapos kita patirahin sa pamamahay ko nanakawan mo pa ako! Animal ka! Layas!” pinagtutulakan ng ginang ang dalaga palabas ng bahay nito. Samantalang hindi naman magkandaugaga si Anna sa pagpupulot ng kan’yang mga damit na nagkalat sa kung saan. Pinagtitinginan ito ng mga kapitbahay nila. Humihikbi ang dalaga habang isa-isang niyang inilagay sa loob ng backpack ang mga gamit na nadumihan. Kahit anong paliwanag niya sa tiyahin na hindi siya ang nagnakaw ng pera nito ay hindi siya pinakinggan o pinapaniwalaan. “Buti nga sayo, hahaha!” natatawang sabi ng pinsan niyang si Chloe. Malakas pa siya nitong sinarhan ng pinto. Si Chloe ang kumukupit sa pera ng mama nito at hindi si Anna. Nanlulumo ang dalaga habang nakaupo sa isang tabi yakap ang backpack nito. Hindi alam kung saan pupunta sa mga sandaling iyon. Awang-awa sa kan’yang sarili dahil sa sinapit sa malupit na tiyahin. Walang araw na hindi ito sinasaktan ng ginang, may pagkakataon na hindi rin ito pinapakain. Pero sadyang malakas ang fighting spirit ng dalaga dahil kahit gaano man kahirap ang pinagdaanan nito sa buhay ay patuloy pa rin ito kumakapit sa salita ng diyos. Na hindi ito papabayaan ng maykapal kailanman. ... “Anna, nahugasan mo na ba ang mga plato?” tanong ni Gina. Kasamahan ni Anna sa isang karenderya na pinasukan niya sa bayan. Mag isang linggo na siyang namamasukan bilang tagapag-hugas ng mga plato, at tagapunas na rin ng mga mesa sa karenderyang iyon. Mabuti na lang at naawa sa kanya si Ginang Agnes nang gabing makita siya nito na palaboy-laboy sa kalye at nauulanan kaya pinasilong siya nito sa bahay, at binigyan ng trabaho. “Oo, Gina, natapos ko na.” sagot niya habang pinupunasan ang bakanteng mesa. “Kumain ka na, anong oras na e. Ako nang bahala d’yan.” sabi nito na ikinatango naman niya. Bitbit ang basahan ay tumungo siya sa kusina. Wala pa naman mga customer sa labas. Nang sipatin niya ang malaking orasan sa dingding ay pasado alas-syete na ng gabi. Tahimik siyang naghahapunan hanggang sa maramdam niyang parang may mga matang nakamasid sa likuran niya. Nang lingunin niya ito ay napabitaw siya sa hawak na kutsara. “Mang Arel, ano’ng ginagawa niyo?!” wika niya kasabay ng pagtayo. Nakita niya kasing nakababa ang pantalon ng matanda at parang may kinakamot ito sa gitnang bahagi ng katawan nito habang ang mga mata ay nakatuon sa kanya. “Wala ito, Anna, sige ituloy mo lang ang pagkain mo d’yan, ‘wag mo na lang akong pansinin.” sagot ng matanda habang pinapatuloy nito ang ginagawang pagkakamot sa gitnang bahagi ng hita nito. At hindi naman bobo si Anna para hindi maintindihan ang ginagawa ng matanda. “Isusumbong ko kayo kay Manang Agnes pag hindi pa kayo tumigil d’yan sa ginagawa niyo,” may halong pagbabanta ang pagkasabi ng dalaga. Bigla namang lumusot si Gina at huling-huli nito sa akto si Arel. “Hoy, Mang Arel! Ang bastos mo naman! Isusumbong kita kay Ate Agnes na dimunyo ka!” singhal ni Gina sa lalaki. Agad itong lumapit kay Anna. Samantalang mabilis naman umalis si Mang Arel nang marinig ang pagbabanta ng dalawang babae. “May ginawa ba siya sayo, Anna?” umiling naman ang dalaga bilang pagsagot sa tanong ni Gina. “Mabuti naman kung ganon. Naku, ‘tong si Mang Arel talaga inaatake na naman nang pagiging manyak!” “Mukhang lasing siya,” saad ni Anna. Naamoy kasi niya ang matanda, at amoy alak nga ito. “Kahit hindi naman lasing ‘yang tanda na ‘yan, manyak pa rin e! Kakaloka, hindi na nahiya sa kapatid niya!” inis na turan ni Gina. Kapatid kasi ng amo nila ang matandang manyak na ‘yon. Natigil sila sa pag-uusap ni Gina nang marinig ang mga boses sa labas, tanda na may mga customer na dumating. “Tara na, Anna. Siguradong dadagsa na naman ang mga customer natin ngayon dahil araw ng sabado.” wika ni Gina saka nauna na itong lumabas. Pag araw kasi ng sabado ay tumutulong siya sa pagse-serve ng mga order dahil hindi iyon nakakayanan mag-isa ni Gina. Hindi naman kalakihan ang karenderya pero binabalik-balikan iyon ng mga tao dahil masarap ang batchoy do’n. Iyon kasi talaga ang menu ng karenderya. “Anna, pahatid naman ako neto sa table number six,” utos ni Gina sabay abot ng tray sa kan’ya na agad naman niya kinuha. “Thanks, ang dami ng customer natin ngayon, mukhang mayayaman! Naku, tiyak na tatanghaliin na tayo ng gising nito bukas!” wika pa ni Gina. Araw ng linggo kasi ang pahinga nila sa trabaho. “Mabuti nga madami e, hindi nakakabagot.” ani naman niya. “Sige, trabaho na tayo, maya na ang chismis,” saad niya. Bitbit ang tray ay tinungo niya ang mesa na tinuro ni Gina kanina. Habang naglalakad siya ay nararamdaman niyang may mga matang nakatitig sa kanya. Sa isiping si Mang Arel na naman ‘yon ay napailing siya. “Magandang gabi po, Sir!” wika niya sa mga customer na umuukupa ng mesa na pinuntahan niya. Inilapag niya ang mga order ng mga ito. “May kailangan pa po ba kayo, Sir?” tanong niya sa mga lalaking customers. Bale tatlong mga kalalakihan kasi ang nakaupo roon. At sa postura ng mga ito ay masasabi mong mga mayayaman nga. “Ah, Miss, padagdag ng sabaw ha, mapapalaban kasi kami mamaya kaya kailangan namin ng maraming sabaw,” wika ng isang lalaki na binuntutan pa ng pagtawa. Sumagot naman ang isa nitong kasama habang ang isa naman ay tahimik lang sa isang sulok. “Katakawan mo talaga, Rico.” sikmat ng lalaki sa kasama nito “Katakawan saan? Sa babae ba? Pakilinaw naman, Sep, dali!” anang lalaki naman sa katabi niya. Ngayon niya lang napansin na ang guguwapo pala ng mga lalaking kaharap niya, pero mas guwapo sa paningin niya ang lalaking tahimik sa isang tabi habang humihigop ng sabaw ng batchoy. “Both!” sagot ng lalaki sa kasama nito. Nag-bangayan pa ang mga ito at tila hindi siya napapansin. Hindi na niya napigilan ang sarili kaya sumabat na siya sa usapan ng mga ito, marami pa kasing mga customer ang naghihintay ng order nila, sinenyasahan din kasi siya ni Gina, tulong daw sabi nito. “Excuse me po mga sir, may kailangan pa po ba kayo? Kung wala po ay kukunin ko na ang request niyong sabaw,” magalang na sabi niya sa mga customer. Pero mukhang hindi ‘ata siya naririnig dahil abala ang mga ito sa bangayan sa isa’t isa, kaya doon na lang sana siya magtatanong sa isang kasamahan ng mga ito na kanina pa tahimik at mukhang walang pake sa dalawa, pero nang ibaling niya ang paningin sa lalaki ay nagtama ang kanilang mga mata. “Ang guwapo niya! Teka, bakit gan’yan siya tumingin sa’kin?” ani niya sa isipan. Kakaiba kasi tumingin ang lalaki, animo’y kakainin ka nito ng buhay. “S-sir, may—” “Wala na.” tipid nitong sabi bago muling ibinaling ang atensyon sa kinakain. Kung na-nga-nga-in ito kung tumingin, nakakatunaw naman ang boses nito, dahil malamig ito kung magsalita. “O-okay po, Sir.” magalang na wika niya bago humakbang pabalik sa kusina. “Antagal mo naman do’n, Anna, kanina pa ako pabalik-balik sa ibang customer e. Nagagalit na ‘yong iba dahil matagal daw ang order nila,” bungad sa kanya ni Gina. Nagkanda-haba na ang nguso nito at hindi na magkandaugaga sa bitbit na Tray. “Pasensya ka na, Gina, nag-chismis pa kasi ang mga customer na hinatidan ko do’n,” sabay turo niya sa mesang inuukupa ng tatlong lalaki, “kaya natagalan ako. Saka, Gina, ako na lang ang maghatid niyang hawak mo, ikaw na lang ang maghatid ng extrang sabaw do’n.” sabay turo niya ulit sa mesang inuukupa ng tatlong lalaki. “Oy, mukhang ang guguwapo nila a, kaya ka natagalan noh?” tumawa pa ito, “sige ikaw na maghatid nito, ako nang bahala sa mga pogi!” mabilis na pagpayag ni Gina. Iiling-iling naman siya habang kinukuha ang hawak nitong tray. Naglakad siya patungo sa mesang pagdadalhan niya ng order nang bigla ay natapisod siya, hindi aksidente iyon, dahil sinadya iyon gawin ng kung sino man sa kanya. Tumilapon sa sahig ang laman ng tray na hawak niya, at kasabay no’n ay may biglang sumabunot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD