"Man, I can't believe you would do that!" Inikotan na lamang ng mga mata ni Brett ang kaibigang si September. Nasa isang Bar sila ngayon na pagmamay-ari ni Rico. Hindi kasi siya tinigilan ng dalawa kanina hangga' t hindi siya pumayag na sumama sa mga ito sa Bar. Kaya imbes na dumiretso siya pauwi ng kanilang bahay, heto siya ngayon, nakatambay sa Bar kasama ang dalawang chismoso niyang kaibigan!
"Tsk! Ano sa tingin niyo ang gagawin kapag nakakita kayo ng babaeng sinasaktan? Papanoorin niyo lang ba?" binalingan niya ang kaibigang si Rico, "at ikaw Ric, pulis ka pero nanood ka muna bago ka umawat." komento niya. Tinungga niya ang basong may laman ng alak.
"Naunahan mo lang ako e. Saka, naka-leave ako remember? Kaya hindi ako basta-basta makagawa ng aksiyon. Tatayo na sana ako kanina pero nawili ako sa expression ng mukha mo e." wika ni Rico na may sinusupil na ngiti sa labi.
Natahimik siya sa isang sulok, pero hindi matahimik ang kaibigan niyang si September.
"I saw you kissed her, Man. Don't deny it." Muntik pa niyang maibuga ang iniinom sa narinig. Anong klaseng tao ba itong si September? His car is tinted kaya paano nito nakita ang ginawa niya!
"Nagulat ka kung paano ko nalaman no? Hahah! My friend, i have a camera recorder inserted in your car."
"What the f**k?" gulat niyang turan sa kaibigan. "Bakit— I mean, bakit ka may nilagay na gano'n? For what?" litong tanong niya kay September.
Si Rico naman ang sumagot sa katanongan niya.
"Nang gabing umattend tayo sa Bachelor's party, Sep and I, made a pustahan."
"Pustahan?" Nakakunot ang noong sabi niya.
"Yeah. Pustahan. Dahil likas na pihikan ka sa mga babae, nagpustahan kami ni Sep na kapag may naisakay kang babae sa car that night, it means panalo ako dahil iyon ang bet ko. But, kung wala naman, si Sep ang panalo dahil iyon ang bet niya." Ininom muna nito ang alak bago ituloy ang sasabihin. "Pero nakalimutan namin ang pustahang iyon, nawala na sa isipan namin e dahil sa kalasingan. Kanina lang nalaman ang resulta dahil kanina lang namin naalala ang pustahan na iyon." pahayag ni Rico. Napatampal naman siya sa noo. Ang daming kalokohan ng dalawang 'to!
"Oh, ngayon. Sinong nanalo sa inyong dalawa?" aniya.
"Si September." sagot ni Rico.
Umiling-iling na lang siya. Hamakin mo pinagpustahan siya ng dalawang abnoy na 'to na wala man lang siyang kaalam-alam!
"Mabalik tayo sa topic kanina bro. Why did you kissed her?" Napatingin siya sa dalawang kaibigan na hindi naalis ang titig sa kanya. Napalunok siya. Bakit nga ba niya ginawa iyon?
"I don't know." tipid niyang tugon.
"Oh, really? Sa pagkakaalam ko kasi hindi ka basta-basta nanghahalik ng babae, unless... Type mo siya." komento pa ni Rico.
"Hindi ko siya type or what. Tapos. Huwag nang makulit." inis niyang turan sa mga ito.
"Okay, sinabi mo e. Pero naalala ko, dinala mo pa pala sa hospital iyong magandang binibini. Hmm... Tapos, tinakot mo pa ang tiyahin niya." wika pa ni Sep na nakatukod ang isang kamay sa baba nito na tila aliw na aliw sa kakatanong sa kanya.
"I'm just concerned iyon lang 'yon. Now, kung wala na kayong i-interview sa'kin, can i go home?" walang gana niyang sabi.
"Okay!" sabay na wika ng dalawa.
Tumayo siya at naglakad palabas ng Bar. Sumunod naman sa likuran niya ang mga kaibigan. Bago siya pumasok sa kotse ay bumaling siya muna sa mga ito.
"Thanks bro. Mag-iingat kayo pauwi." aniya.
"You too, Man!" sabay-sabay na silang pumasok sa kani-kanilang kotse, saka iyon pinaharurot paalis sa lugar.
Paika-ikang naglakad si Anna papasok sa silid na inuukupa nila ni Gina. Kakauwi lang niya kasama ang kaibigan na sumundo pa sa kanya sa Hospital. Mabuti na lang hindi gaano kalala ang tinamo niya sa Tiyahin. Pero masakit pa rin ang buo niyang katawan, lalo na ang parteng balakang niya.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Anna?" si Aling Agnes iyon na humabol ng tanong sa kanya.
"Maayos lang po, Manang Agnes. Masakit po ang katawan ko pero may pain reliever naman pong binigay ang doktor." magalang niyang sagot sa Ginang.
Awa naman ang lumarawan sa mukha ng Ginang. Tinapik-tapik nito ang balikat niya.
"Pasensya ka na, Anna kung hindi ko napigilan si Mare. Pero mabuti na lang napigilan sila ng tatlong kalalakihang iyon. Kakilala mo ba sila Anna?" wika ng Ginang.
Oo nga no. Sa sinabing iyon ng Ginang ay naalala niya ang lalaking humalik sa kanya kanina. Bakit kaya nito iyon ginawa? Napailing siya sa kaisipang iyon. Pasalamat na lang siya dahil tinulungan siya ng mga ito na ilayo sa Tiyahin niya. Dahil kung hindi baka nalumpo na siya ng wala sa oras. Maka-tadyak ba naman ang Tiyahin niya e parang wala nang bukas.
"Hindi ko po sila kilala e. Basta na lang sila umeksena kanina. Mga kustumer po natin sila, Manang." pahayag niya.
"Gano'n ba? Naku, sana bumalik sila rito. Alam mo bang dumami ang mga kustumer natin kanina dahil sa kanila. Paano ang popogi kasi e!" tila kinikilig na saad ng Ginang.
Ngumiti lang siya saka nagpaalam nang magpapahinga. Bugbog kasi ang buong katawan niya kaya gusto niyang ihiga.
"Sige, Anna. Magpahinga ka na. Bukas day-off niyo naman ni Gina e. Kaya makakapagpahinga ka ng maayos." ani ng Ginang. Nang umalis ito ay isinara na niya ang pinto.
Wala pa si Gina dahil lumabas ito saglit. May pupuntahan pa daw sa kabilang bahay. Duda niya, jowa nito ang pinuntahan. Nahiga siya sa maliit na katre. Napangiwi siya ng tumama ang likod niya sa matigas na higaan, wala kasing foam iyon tanging banig lang ang sapin. Sanay naman siya sa gano'n dahil sa bahay ng tiyahin niya ay sa malamig na semento lang siya nahiga. Unan, kumot lang. Wala nang sapin sa sahig.
Pero ngayon mukhang lalo yatang sasakit ang katawan niya dahil sa tigas nang hinihigaan niya. Kaya muli siyang bumangon upang kunin ang mga damit niya sa kartoon. Inilatag niya lahat sa katre, pinagkalat-kalat niya iyon upang magsilbing sapin sa kan'yang likuran. Nang matapos sa ginagawa ay muli siyang nahiga. Kahit papano ay hindi na masyadong matigas ang hinihigaan niya ngayon.
Subalit hindi siya makatulog kahit na anong pilit niya. Bumabalik sa balintataw niya ang imahe ng lalaking nanghalik sa kanya. Napahawak siya sa sariling labi dahil pakiramdam niya'y naroon pa rin ang mga labi ng lalaki. Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang inaalala ang guwapo nitong mukha.
"First time kung makatikim ng halik... Bakit naman kasi niya ginawa 'yon?" tanong niya sa kan'yang sarili. Nakatulugan na lamang niya ang kaisipang iyon.
Kinabukasan tinanghali na siya ng gising. Nang magising siya ay wala pa rin sa higaan nito si Gina pero may bakas na doon natulog ang dalaga. Bumangon siya saka inayos ang higaan pati na rin ang mga damit na nilatag niya roon ay binalik niya sa loob ng kartoon. Naisip niya kagabi na bumili ng mumurahing foam sa Mall na malapit sa kanilang bayan, total naman may naipon siyang pera. Plus, iyong guwapong lalaki na tumulong sa kanya kagabi ay may iniwang limang libo sa kanya. Pambili raw ng gamot. Ayaw niya sanang tanggapin iyon pero basta na lamang iyon iniwan ng lalaki sa higaan niya kaya naman kinuha na lang niya. Magpapasalamat pa sana siya kaso nawala na lang itong bigla. Pero di bale na lang dahil kapag nakita niya ito ulit ay magpapasalamat siya ng sobra. Dahil hindi biro ang perang inilabas nito pambayad sa pagpapagamot niya sa Hospital, kasama ang mga test na ginawa sa kanya upang masigurong walang buto na nabali sa katawan niya.
Naabutan niya sa kusina si Gina na nagtitimpla ng kape. May sangag, itlog, at pritong toyo na rin ang nakahain sa mesa. Natakam siya kaya naman naupo siya kaagad sa silya.
"Kumusta na pakiramdam mo, Anna?" tanong ng dalaga nang bumaling ito sa kanya. Inilapag nito ang tasa na may lamang kape sa tabi ng pinggan niya.
"Salamat." kinuha niya ang kape saka hinigop. Nang maibaba ang tasa ay saka siya nagsalita, "maayos lang. Nakakatulong naman ang pain reliever." nakangiting wika niya. Sumandok siya ng kanin at ulam saka tahimik na kumain.
"Mabuti naman. Naku, iyang pinsan mo pag na-tyempuhan ko iyan d'yan sa labas, lalong puputla ang nguso niyan sa'kin! Nagkaroon tuloy ako ng singaw sa bibig dahil sa ginawa niya!" pagrereklamo ni Gina.
"Sus, baka kinagat lang iyan ng jowa mo e." pang-aasar niya sa kaibigan.
"Anong kinagat e, sinampal ako nang malakas ng impaktitang iyon kaya dumugo ang bibig ko. Kaya heto, naging singaw! Ang sakit pa naman. Pahinging tawas mamaya, lalagyan ko 'to para gumaling na kaagad." inis na wika ni Gina.
Tumango naman siya saka ituloy ang pag-ubos ng pagkain sa plato. Nang matapos sila sa pag-aalmusal ay siya na ang nag-prensinta na maghugas ng mga plato pero hindi pumayag si Gina. Baka raw mabinat siya kaya naupo na lang siya sa isang tabi habang pinapanood ang kaibigan.
"Ah, Gi, puwede mo ba akong samahan sa Mall ngayon?" tanong niya sa kaibigan nang matapos ito sa ginagawa.
"May bibilhin ka?"
"Oo e. Bibili sana ako ng foam, iyong mumurahin lang. Masakit sa likod iyong higaan natin e." aniya.
"Sige. Maghanap tayo ng buy one take one! Matagal na rin akong nagtitiis d'yan sa higaan natin e. Pakiramdam ko nga e, semento na sa tigas ang likod ko." komento nito na ikinatawa naman niya.
Kaya nang araw ding iyon ay pumunta sila ni Gina sa mall. Naglibot sila upang makahanap ng buy one take one na pansapin sa higaan. At sa wakas ay nakahanap naman sila.
"Ay, salamat nakahanap rin tayo!" bulalas ni Gina. Tig-isang bitbit sila no'n habang binabagtas ang daan papunta sa food court. Nagutom kasi sila sa kakaikot kaya napagpasyahan nilang dalawa na kumain na muna. Sa isang Siomai Stand sila tumambay ni Gina.
"Ate, apat na order po ng siomai!" sabi ni Gina sa tindera.
Habang hinihintay nila ang in-order ay nagsimulang magtanong si Gina tungkol sa lalaki kagabi.
"Alam mo, Anna, kakaiba iyong mga lalaki kagabi, lalo na 'yong lalaking bumuhat sayo. Hindi mo ba sila kilala?" tanong ni Gina na mabilis naman niyang nasagot.
"Hindi e. Concerned citizens lang ang mga iyon. Mabuti nga tumulong sila e, dahil nakakahiya na talaga sobra iyong ginawa nina Tiyang at Chloe." saad niya.
Dumating ang kanilang in-order kaya agad nilang nilantakan.
"Sinabi mo pa. Napaka-bastos ng mga ugali nila! Kung wala lang akong respeto sa matatanda, parang ang sarap ilibing sa lupa ang ulo ng tiyahin mo! Kakagigil!" gigil na turan ni Gina habang ngumunguya ito.
"Hayaan na lang natin sila. Mas gugustuhin ko pang iwasan sila kaysa patulan. Magkakasala lang ako sa panginoon." wika niya. Wala naman kasi siyang mapapala kong papatulan niya ang mga iyon.
"Kung sa'kin mangyari iyang nangyayari sayo, Anna. Naku, hindi ako papayag na ganyanin lang nila ako no! Lalo na kung wala naman silang proweba sa mga pinagbibintang nila! Lintik na ang walang ganti, baka pag-untugin ko pa ang mga ulo nilang mag-ina!" Natawa na lang siya sa sinabi ni Gina. Palengkera kasi ito, sanay sa away at hindi basta-basta nagpapa-api. Hindi kagaya niya na saktong iiyak lang sa isang tabi.
Nang matapos sila sa pagmemeryenda ay agad sila nagbayad sa tindera at nilisan ang lugar. Pero saktong palabas sila ng Mall nang makasalubong nila ang dalawang lalaki na tumulong sa kanila kagabi.
"Hey, mga binibini!"
"Hi!" Si Gina ang sumagot sa mga ito habang nahihiya naman siyang ngumiti sa mga ito.
"I'm Rico!" Pakilala ng isang lalaki na medyo mabalbas ang pisngi. Pero guwapo ito at makisig katulad rin ng kasama nitong lalaki.
"I'm September, ang pinaka-guwapo sa'ming dalawa!" Pakilala naman ng isa na hindi rin papatalo sa ka-guwapuhan at kakisigan. Tila mga modelo ang mga ito kong tignan.
"Buhay pa ba ang nag-pangalan sayo niyan? Ayos a! Bakit hindi na lang November? Para buwan ng lagim hahah!" suhestyun ni Gina sa isang lalaki na ikinasama ng tabas ng mukha nito. Siniko naman niya ang baliw na kaibigan kaya napatahimik ito. Pero naroon pa rin na tatawa-tawa ito.
"Of course buhay pa ang mommy ko!" Nakasimangot na turan ng lalaki kay Gina. Siya na lang ang humingi ng paumanhin dahil walang pakialam ang isang 'to.
"Pasensya na kayo. Sige mauuna na kami, maraming salamat pala sa tulong niyo kagabi. Pakisabi na rin sa isang kasama niyo na maraming salamat talaga sa lahat." magalang niyang sabi sa dalawang lalaki. Ngumiti naman ang mga ito sa kanya, maliban lang sa isang lalaki na masama ang tingin kay Gina.
"No worries, Miss?"
"Anna. Heto naman ang kaibigan kong si Gina." Pakilala niya sa sarili at kay Gina.
"Gina-natoto... Gina-makakain..." pakanta-kantang wika ng lalaking nagngangalang September. Masamang tingin naman ang ipinukol ng kaibigan niya sa lalaki. Gusto niyang matawa pero nagbabantang tingin ang ibinato ni Gina sa kanya.
"Gina-gago mo ba ako?" Maangas na tanong ni Gina kay September.
"Wala akong ginagawa, kumakanta lang ako rito!" Masungit naman na tugon ng isa.
Humalukipkip ang kaibigan niya sa isang tabi. Bad trip ito.
"O, siya sige na. Mauuna na kami," napakamot sa ulo si Rico habang pinagbaling-baling ang tingin sa dalawa na parang mga aso't pusa. "makakarating kay Brett ang pasasalamat mo, Anna. Nice meeting you two, again." wika ni Rico.
"Sige, salamat ulit. Bye!" Hinila na niya ang kaibigan palabas ng mall. Nag-prensinta ang dalawang lalaki na tulungan sila sa dala pero mariin nila itong tinanggihan.
Habang sakay ng jeep ay naalala niya ang pangalang binanggit ni Rico kanina.
Brett
Iyon pala ang pangalan niya...