Nang makauwi sa bahay na tinutuluyan ay agad na inayos nina Gina at Anna ang kanilang kuwarto. Sa wakas ay mararanasan ring humiga ni Anna sa malambot na higaan at hindi na sa papag na tila pader sa katigasan.
"Ang sarap mahiga kung ganito kalambot ang higaan natin!" bulalas ni Gina na umiikot-ikot pa sa higaan nito. Natawa naman siya sa kaibigan. Matagal na itong naninilbihan kay Manang Agnes pero hindi ito makabili ng maayos na kutson dahil ang kinikita nito ay pinapadala sa pamilya sa Cebu. Panganay kasi sa magkakapatid si Gina kaya ito ang inaasahan ng pamilya nito.
"Kaya nga e. Hay, sana bukas um-okay na ang pakiramdam ko para makapagtrabaho na'ko ng maayos." wika niyang nakahiga.
"Naku, Anna, kung hindi mo pa kaya, huwag ka munang pumasok. Lunes naman bukas e. Hindi masyadong marami ang kustumer. Ako nang bahala basta magpahinga ka na lang muna." suhestyun ni Gina. Pero hindi siya papayag. Sayang ang kikitain niya sa isang araw. Ibabawas kasi ang absent niya sa sasahurin niya.
"Kaya ko na 'to Gi. Hindi naman na masyadong masakit ang katawan ko." saad niya. Tinaasan siya ng kilay ni Gina. Alam niyang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
"Sus, ang sabihin mo nasasayangan ka lang sa kikitain mo kapag um-absent ka! Loka ka talaga. Bahala ka, basta kung hindi kaya ng katawan mo, pahinga ka gurl." Tumango naman siya kay Gina.
"Okay." aniya. Alam niyang nag-aalala lang ang kaibigan niya para sa kanya, at ipinagpapasalamat niya iyon kay Gina. Dahil mabait ito at maaalalahanin. Nakakatandang kapatid na niya ito kung ituring.
"Ay, Gi. Magsisimba pala ako mamayang hapon, gusto mo bang sumama?" tanong niya sa dalaga. Simula no'ng magtrabaho siya kay Manang Agnes ay nakagawian na niyang magsimba tuwing linggo sa kabilang bayan. Iyon ang paraan niya upang magpasalamat sa panginoon dahil hindi siya nito pinapabayaan.
"Sige ba. Matagal-tagal na rin na hindi ako nagsisimba e. Teka—makakapasok pa kaya ako?" Kumunot naman ang noo niya sa itinanong ng kaibigan.
"Sa simbahan?" tanong niya.
"Oo."
"Aba syempre naman! Bakit mo naman natanong iyan?" nawi-weirduhan na siya sa minsan sa babaeng 'to.
"Kasi... baka sobrang haba na ng sungay ko e. Baka hindi na magkasya sa loob ng simbahan." Tatawa-tawang turan nito.
Kinuha niya ang unan at ibinato iyon sa babae. "Ang dami mong alam!" Pati siya ay natawa na rin sa kaibigan.
Nang hapong iyon ay magkasamang nagsimba ang magkaibigan. Nakasuot ng simpleng t-shirt si Anna na pinaresan niya ng skinny jeans, at flat shoes naman ang sapin sa paa.
Taimtim siyang nakikinig sa mga sermon ng Pari. Bawat pangaral nito ay kan'yang isinasapuso. Nang ianunsyo ng pari ang mag 'peace be with you' ay agad naman siyang sumunod. Una niyang niyakap ay ang kaibigan.
"Peace be with you." Gumanti naman ito ng yakap at pagbati sa kanya. Sumunod naman niyang binati ay ang mga tao sa unahan, at sa likuran nila ni Gina.
"Peace be with—" Natigil ang sasabihin niya nang makilala ang taong nasa likuran lang pala niya.
Brett...
Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang tumahip ang kaba sa dibdib niya kaya napahawak siya doon. Wala siyang emosyon na nakikita sa mukha ng lalaki. Blangko ang tingin nito habang nakatitig sa kanya. Nagbigay tango na lamang siya at ngumiti bago muling bumaling paharap sa altar.
Nang matapos ang misa ay tumungo sila ni Gina sa Plaza. Tumambay sila sa isang swing habang kumakain ng fishball. Gusto niya sanang magpasalamat kanina kay Brett pero nang lingunin niya ito ay wala na ang binata.
"Gi, hindi mo ba napansin iyong si Brett kanina? Naroon lang pala siya sa likuran natin e. Sayang, hindi man lang ako nakapagpapasalamat sa kanya ng personal." wika niya.
"Nakita ko siya no. Ako pa ba. Kasama pa nga niya ang November na 'yon e. Hindi ko lang sinabi sayo, nakakahiya naman kasi, masyado kang seryuso para istorbuhin." Nagulat naman siya sa kaalaman na iyon. Pero hindi niya napansin si September kanina.
"Paano mo mapapansin e, nakadikit lang ang titig mo sa kanya, haler!" Naipilig niya ang ulo para maiwaksi ang kaisipang iyon.
"Talaga? Teka, bakit ba November ang tawag mo sa kanya samantalang hindi naman iyon ang pangalan niya?" kunot-noong tanong niya kay Gina.
Tumawa naman ito bago siya sinagot, "Iyon ang trip ko e. Mas bagay kasi sa kanya!" komento pa nito. Naiiling na lang siya sa kalokohan ng kaibigan.
"Puwede pong sumakay?" napalingon siya sa pinanggalingan ng munting tinig na iyon. Isang batang lalaking na ubod ng guwapo ang nakatayo sa isang gilid ang kan'yang nakita. Tila nahihiya ito pero mababakas sa itsura na gustong-gusto nitong sumakay sa swing.
"Oo naman. Halika ka," tawag niya sa bata. Lumapit naman ito. "Dahan-dahan lang," aniya habang inaalalayan itong makaupo sa swing, "kumapit ka ng mabuti ha." dagdag pa niya na ikinatango nito.
Dahan-dahan niyang itinulak ang swing habang binabantayan ang bata na hindi mahulog. Tuwang-tuwa naman ito at napapapikit pa habang sinasalubong ang hangin na tumatama sa pisngi nito.
"Wow ha. Feel na feel mo iyang ginagawa mo, Anna a." ani ni Gina. Nag-si-swing rin ito habang nakatingin sa kanya. Imbes na sagutin ang sinabi nito ay iba ang isinagot niya.
"Ang cute ng bata no, Gi? Foreigner yata 'to e." nakangiting wika niya sa dalaga.
"Oo. Saka halata namang foreigner e. Sa kulay asul pa lang na mga mata niya." komento ni Gina. Kapagkuwan ay tinanong nito ang batang lalaki na parang hindi na yata sila nakikita ni Gina.
"Guwapong bata, sinong tatay mo?" tanong ni Gina sa bata. Hindi iyon pinansin ng bata kaya sumimangot ang dalaga. "Suplado pala." bulong nito. Pinandidilatan naman niya ang kaibigan nang mapansin niyang lumungkot ang mukha ng bata. Kaya agad ring binawi ni Gina ang sinabi nito. "Joke lang! I mean is ang guwapo mo talaga baby!" ani nito.
"Ang sabi ng daddy ko huwag raw po ako makipag-usap sa hindi ko kakilala... Kaya pasensya na po kung hindi kaagad ako nakasagot." saad ng bata kay Gina.
"Okay lang baby! Huwag mo nang intindihin ang sinabi ng babaeng iyan. Minsan kasi may sapi siya." wika niya sa bata. Sinadya pa niyang hinaan ang huling katagang binanggit. Pero narinig pa rin iyon ni Gina. Sinamaan siya nito ng tingin kaya napatawa na lang siya.
"Paolo!" Sabay silang napabaling ni Gina sa lalaking humahangos papunta sa kinaroroonan nila. Pawis na pawis ito at hindi maipinta ang mukha.
Saglit tumigil ang paligid ni Anna. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng kan'yang puso. Habang nakatitig siya sa mukha ni Brett na papalapit sa kanila ay parang may mga paru-parong nagsisilaparan sa loob ng puson niya. Napakurap lang siya nang marinig na nagsalita ang bata kaya doon bumaling ang paningin niya.
"Daddy..." tila takot ang rumehistro sa mukha ng bata nang makita ang lalaking palapit sa kanila.
Daddy...
"I told you not to disobey, right? 'diba sinabi ko sayo na hintayin mo ako sa Cafe? Bakit ka umalis roon? Hindi mo ba alam na kanina pa kita hinahanap?!" Napapitlag ang bata sa lakas ng boses ni Brett. Tila gusto nitong umiyak at napakapit pa sa t-shirt niyang suot.
Pati si Anna ay hindi alam kung magsasalita ba o hindi. Nakakatakot kasi ang anyo ng lalaki. Si Gina sa isang tabi ay napatigil at napatahimik rin.
"I-I'm s-sorry, D-dad—"
"Naku, baby hindi mo kailangang humingi ng sorry sa ama mo. Ako ang nagdala sayo rito diba?" Maang naman na napatitig ang bata kay Anna. Nginitian niya lang ito at hinaplos sa buhok, saka niya sinalubong ang matalim na tingin ni Brett. "Pasensya kana ha. Naawa kasi ako sa kanya kanina kaya sinama ko na siya rito. Gusto ko lang naman na maranasan niyang sumakay sa swing."
Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang sabihin iyon. Naaawa kasi siya sa bata at sa tingin niya ay takot ito sa ama.
"At sino ka para gawin iyon huh? Alam mo bang mababaliw na'ko sa kakahanap sa anak ko tapos malalaman ko lang na dinala pala siya ng hindi niya kaano-ano sa lugar na 'to." matigas na sabi ng lalaki. Binuhat nito ang bata at akmang tatalikod na sana pero pinigilan niya ito sa braso. Saglit itong natigilan sa ginawa niya, at gano'n din naman siya.
"P-pasensya ka na. Wala naman akong intensyong masama sa bata. Gusto ko lang naman na ipasyal siya rito." napakagat siya sa pang-ibabang labi habang sinasalubong ang matiim na titig ni Brett. Gumalaw pa ang mga panga nito kaya nanayo ang balahibo niya sa katawan. Sa tangkad at laki nito baka ibitin siya sa ere at ibalibag na lang sa damuhan.
"Sige panindigan mo iyang kasinungalingan mo, Anna!"
"I don't give a f**k!" Mariing sabi ng lalaki na ikinapitlag niya. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni Gina. "Anong malay ko kung kidnapin niyo pala ang anak ko, huh?" Naka-arko ang kilay na wika ni Brett.
Sa sinabing iyon ng lalaki ay umusok ang ilong ni Anna, uminit rin ang kan'yang tenga. Handa na sana siyang singhalan si Brett pero bago pa man siya makapag-salita ay nauhanan na siya nang matinis na boses ni Gina.
"Hoy lalaking kakagaling lang sa simbahan pero nadimunyo na kaagad, para sabihin ko sayo, hindi kami kidnaper! Sa ganda naming ito pagbibintangan mo kaming gan'yan? Aba, umayos ka!" Pumagitna ito sa kanila ni Brett at pinamewangan ang lalaki. Akmang magsasalita na naman sana siya nang balingan siya nito at kinurot sa tagiliran.
"At ikaw naman, Anna. Ano bang engkanto ang sumapi sayo para sabihin mong ikaw ang nagdala sa batang iyan dito? E, hindi naman totoo iyang pinagsasabi mo! Napagkamalan pa tuloy tayong kidnapper!" Pagkasabi no'n ay hinila siya sa braso ni Gina palayo sa mag-ama. Nagdadabog pa ito at hindi maipinta ang mukha.
"Aray—sandali naman madadapa ako sa ginagawa mo e!" Reklamo niya sa kaibigan. Pero hindi siya nito pinapansin hanggang sa makasakay sila ng traysikel.
Nang balingan niya ang mag-ama ay wala na ang mga ito roon. Gusto pa naman sana niyang personal magpalasalamat sa lalaki pero mukhang may sapi yata iyon. Humugot na lang siya ng isang malalim na buntong-hininga.
...
"Is that true?" tanong ni Brett sa anim na taong gulang na anak. Nakayuko ito at hindi makatingin ng tuwid sa kanya.
"O-opo... W-wala pong kasalanan ang babae, Dad... A-ako po m-mismo ang pumunta sa Plaza..." humihikbing sabi nito.
Ang babaeng iyon...
"Paano kong nasagasaan ka ha? Hindi mo ba inisip na puwede kang madisgrasya o di kaya'y makidnap? Why didn't you listen to me huh? I'm your dad, Paolo!"
"But i want to ride a swing, Dad! Why is it so hard for you to understand?" anang anak niya na walang patid sa pagluha. Parang kinukurot ang puso niya habang pinagmamasdan ito.
"Iyon lang ba ang problema mo, Paolo? Okay, tomorrow magpapagawa tayo ng swing d'yan sa hardin. Lahat ng gusto mo sabihin mo dahil ibibigay ko iyon lahat, huwag mo lang akong i-disobey ulit." Sa pagkakataong iyon ay naglumanay na ang kan'yang boses.
Umangat ito ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Pinahid nito ang mga luhang nagsisiunahan sa pisngi.
"I want my Mom... back." Piniga nang ilang ulit ang puso ni Brett sa sinabing iyon ng anak. Gustuhin man niyang ibigay ang hinihiling nito ay napaka-imposible na niyon mangyari.
"You know that i can't, Paolo. Hindi ako diyos para buhayin ang patay na."
"No! Hindi pa patay ang Mommy ko! She's alive, Daddy. Nagbabakasyon lang siya diba? Iyon ang sabi ni Lola!" Hindi na nakayanan pa ni Brett na makitang gano'n ang anak kaya naman niyapos niya ito ng mahigpit na yakap.
"Shhh... It's okay baby. Dad is here... I'm here..." Kung kaya lang niyang bumuhay ng patay ay matagal na niyang binuhay si Carol, ang ina ni Paolo. Ang babaeng hinintay niya sa altar pero hindi sumipot. Ang buong akala niya ay tinalikuran siya nito, pati ng anak niya. Pero hindi pala, dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan nitong kotse. Patay na ito nang maabutan ng kapulisan.
Sa isiping iyon ay muling nanumbalik ang sakit at pighati na nadarama niya noon. It's been two years pero sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyaring iyon.
Hindi niya gusto na maging ganoon ang anak niya sa kanya, hindi niya kagustuhang lumayo ang loob nito, pero ano bang gagawin niya? Lahat naman ay ginagawa niya, sa maabot ng makakaya niya pero kulang pa rin. Hindi pa rin sapat. Hinahanap pa rin nito ang ina.
Kaya siya mahigpit kay Paolo ay dahil ayaw niyang masaktan ito o magalusan man lang. Si Paolo na lang ang dahilan kung bakit siya nabubuhay sa mundo kaya kung may mangyaring masama sa anak niya ay hindi na niya makakaya pa. Pero ang kabaliktaran naman no'n ay lumayo ang loob nito sa kanya.
At kahit ibigay man niya ang lahat ng bagay sa mundo para sa anak ay hindi pa rin iyon sumasapat. Dahil maliban sa kanya ay pagmamahal ng isang ina ang kailangan nito. Kahit siya, kahit pagmamahal niya para sa anak ay hindi niya sigurado kung napaparamdam ba niya talaga. Dahil kahit siya mismo; sa sarili niya, ay hindi na rin alam ang salitang pagmamahal.
Nang mamatay si Carol ay ilang beses siyang nagtangka na tapusin na lang ang buhay, pero dahil kay Paolo ay nanatili siya sa mundong ito.
"I want my mommy..." Iyon ang muling sinabi ng kan'yang anak bago nito ipikit ang mga mata. Hinaplos niya ang buhok ni Paolo saka ito hinalikan sa noo.
"Kung puwede lang anak..." bulong niya sa batang natutulog na. Binuhat niya ito, at dinala sa silid; sa ikalawang palapag ng bahay.
Muli ay pinagmasdan niya si Paolo.
"Hindi ko na maibabalik ang Mommy mo. Pero susubukan nating maghanap ng bago." Iyon ang katagang namutawi sa bibig niya, kasunod no'n ay pumasok sa balintataw niya ang imahe ng isang babae.