Chapter 6

2092 Words
Nahihiya man ay nilakasan na lang ni Anna ang loob upang kausapin si Aling Agnes kinabukasan. Ang buong akala ng dalaga ay magtatampo sa kan'ya ang Ginang, pero laking gulat niya nang matuwa pa ito sa kan'yang sinabi. "Talaga, Anna? Sa Valle interprises ka pupunta ngayon?" tila excited na tanong ni Aling Agnes. Hindi maalis ang tuwa sa mukha ng Ginang. Kilala kasi nito kung gaano kayaman ang opisinang pupuntahan ni Anna. "Opo, manang." tipid na sagot ni Anna habang sinusukbit sa balikat ang bag. Nakasuot lamang siya ng skinny jeans at simpleng blouse na kulay green. At flat shoes naman ang sapin niya sa paa. Hinayaang nakalugay ang basa pang buhok na hanggang balikat ang haba. ''Naku, Anna, baka iyan na ang suwerte mo! Huwag kang mag-alala, nandito lang kami ni Gina naka-support sayo!'' wika ni Agnes sabay baling nito kay Gina na mababakas rin ang tuwa sa mukha, '''diba, Gina?'' anito. Mabilis namang tumango ang kaibigan. Ngumiti si Anna sa dalawang tao na itinuring na niyang pamilya. Kapagkuwan ay nagpaalam siya sa mga ito. Mag-a-alas-otso palang ng umaga, sinadya niyang agahan ang pag-alis upang hindi siya ma-late kahit na wala namang oras na binigay si Brett sa kan'ya, kung anong oras siya puwedeng pumunta sa opisina nito. Sumakay ng Dyip si Anna, kahit siksikan ay pinilit niyang i-upo ang sarili kaysa naman maghintay pa siya ng matagal dahil madalas punuan ang Dyip na dumadaan sa lugar na iyon. Pagkababa niya sa bayan ng San Diego ay agad niyang nakita ang nagsisilakihang gusali. Kilala ang bayan ng San Diego na isang mayamang lugar sa kanila. Kapag may taong nanggaling sa bayan na iyon at umuwi sa kanilang bayan sa San Pedro ay iisipin ng lahat na mayaman ang taong iyon. Sinasabi rin ng ilan na kapag umapak ka sa San Diego ay magbabago ang buhay mo, iyon ay kung papalarin kang makahanap ng trabaho sa nasabing lugar, dahil marami rin ang haka-haka na pinipili lang ang binibigyan ng trabaho sa nasambit na lugar. Dahil madalas ay ang may mataas lang na pinag-aralan ang tinutuunan ng pansin. Nang mahanap ni Anna ang gusaling pakay ay agad siyang namangha. Napakalaki at napakataas ng gusaling iyon. Hindi na magtataka si Anna kung bakit maraming nangarap sa bayan nila na makapasok sa malaking gusaling ito. Sa labas palang ay kakabahan ka na at tila nakakabahalang i-apak ang mga paa sa malinis at makinis na sementong apakan. ''Ang ganda...'' bulong ng dalaga sa sarili. Nang akmang papasok siya sa loob ay mabilis siyang hinarang ng isang naka-unipormeng lalaki. Sa tingin ni Anna ay isang sekyu ang lalaki. ''Hep. Anong sadya mo miss? May appointment ka ba sa loob? Hindi kami basta-basta nagpapasok ng tao dito.'' wika ng lalaki. Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Anna, saka tumikhim bago sumagot. ''Uhm---ano kasi, pinapapunta ako ni Brett,'' Kinuha ni Anna ang maliit na papel na binigay sa kan'ya ng binata nakaraang gabi, at pinakita iyon sa sekyu, ''heto po oh.'' ''Sandali lang miss.'' umalis ang sekyu at pumasok ito sa loob. Nakita ni Anna na patungo ito sa counter at nang nandoon na ito ay may tinawagan iyon sa telepono. Nang muli itong lumabas ay pinaanyayahan siyang pumasok sa loob. Isang magandang babae na nakasimangot ang sumalubong sa kan'ya. ''Halika na!'' supladang sabi nito sa kan'ya. Maganda nga, maldita naman... Bulong ni Anna sa isipan habang tahimik na nakasunod sa likuran ng babae. Nang makasakay sila sa elevator ay muling nagsalita ang babae na nakataas pa ang kilay. ''Mag-a-apply ka ng trabaho?'' sabay tingin nito sa kan'ya mula ulo hanggang paa. ''Opo, ma'am.'' nginitian ito ni Anna kahit na lukot ang mukha ng babae. ''What kind of work? Natitiyak kong hindi sekretarya ang pag-a-apply-an mo dahil ako lang ang nag-iisang sekretarya ni Brett.'' maarteng sabi nito kay Anna. Tuwid ang mga matang sinagot ni Anna ang dalaga na hindi niya alam kung bakit ito naiinis sa kan'ya. Baka pinaglihi siya sa sama ng loob ng nanay niya. ''Yaya po, ma'am.'' nakangiti pa ring sagot niya sa babae. ''Oh! Yaya lang pala.'' tila natuwa ito sa isinagot niya at napangisi pa ito. Nang bumukas ang elevator ay naunang lumabas ang babae. At katulad kanina, tahimik itong sinundan ni Anna. Hanggang sa tumigil ang babae sa isang pinto na may nakalagay na 'CEO's Office'. Nagsalita ang babae sa intercom, at nang bumukas ang pinto ng silid ay inanunsyuhan siyang pumasok sa loob. Pero bago pa man tuluyang nakapasok si Anna ay may pahabol na sinabi ang babae sa kan'ya. "By the way, miss whoever you are,'' napatigil sa hakbang si Anna at napalingon sa babae, ''bagay sayo ang trabahong papasukan mo. Yaya.'' pagkasabi no'n ay tinalikuran siya ng babae. Naiwan siyang iiling-iling na lang. ''Hindi ka pa ba papasok? My time is running.'' Muntik nang mapalundag si Anna ng marinig ang baritonong boses na iyon. Sa kan'yang paglingon ay si Brett na nakasandal sa pader ang nakita niya. Agad nilukob ng kaba ang kan'yang dibdib lalo na nang bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi ng binata. Muli ay naalala niya ang paghalik nito sa kan'ya noon. ''Staring at my lips is a crime, Anna.'' Sa sinabing iyon ni Brett ay natauhan si Anna. Hiyang-hiya siyang napayuko. Iminuwestra siya ng binata na umupo sa couch kaharap ng mesa nito na agad naman niyang sinunod. ''Isa lang ang ibig sabihin kung bakit ka narito ngayon, Anna. Tinatanggap mo na ang alok ko, right?'' seryusong untag ni Brett sa dalaga na wala nang ginawa kundi ang yumuko at itago ang namumulang pisnge dahil nahuli niya itong titig na titig sa kan'yang labi. Nag-angat ng ulo ang dalaga at sinalubong ang tingin niya. ''Maari ko po bang malaman kung magkano po ang sasahurin ko bilang yaya?'' nahihiya man ay nilakasan na ni Anna ang loob. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang pera. Unang-una sa lahat ay karapatan niyang malaman iyon dahil may paggagamitan siya sa perang kikitain niya bilang yaya. ''Thirty thousand per month. Maliban d'yan ay may allowances pa akong ibibigay sayo na Ten thousand, bukod iyon sa sasahurin mo as a nanny. At wala kang ibang gagawin kundi ang alagaan lang ang anak ko.'' pormal na sagot ni Brett sa dalaga. Thirty thousand? with allowance? susme, saan ko pupulutin iyon? Ang laki! Nanlalaki ang mga mata ni Anna sa presyo ni Brett. Siguradong makakaipon siya at makakapag-aral ulit. Sa wakas ay matutupad na ang pangarap niya. Walang pag-aatubiling tinanggap niya kaagad ang trabahong alok ng binata. ''First, you need to sign the contract,'' may inilapag itong papel sa ibabaw ng mesa, ''Here. Read it carefully then put your signature here.'' wika ni Brett kay Anna na tinuturo sa dalaga kung saan ito pipirma. May isang papel pa itong inilapag, ang bio-data. Mabilis namang sinunod ni Anna ang utos ni Brett. Nang matapos niyang gawin ang pinapagawa nito ay ibinalik niya sa binata ang papel. ''Tapos na po, sir!'' mababakas ang sigla sa kan'yang tinig. Hindi rin maalis ang ngiti sa kan'yang labi. Tumango si Brett at kinuha ang papel, ''Bukas ka na mag-uumpisa. Now, go home and pack your things dahil ipapasundo kita sa driver ko bukas.'' may pinalidad na utos ni Brett, ''i have a meeting after this.'' dagdag pa ng binata. ''Salamat po, Sir Brett. Mauuna na po ako.'' paalam ni Anna sa binata nang siya'y makatayo. Tumango lang ang binata at tinuro sa kan'ya ang pinto. Hindi na ito muling nagsalita pa, abala na ito sa hawak na papeles. Masaya si Anna na lumabas sa silid na iyon. Nabibilisan siya sa mga pangyayari dahil bukas na kaagad siya mag-uupisa sa trabaho. Pero wala siyang magagawa dahil iyon ang sabi ng kan'yang magiging amo. Nakasalubong niya ang sekretarya ng amo, as usual nakasimangot na naman ito sa kan'ya. Pero wala siyang balak na bigyan ng pansin ang babae na pasan na yata ang daigdig, dahil wala naman siyang balak na sirain ang kasayahan niya ngayong araw. Nabigyan siya ng trabaho na walang kahirap-hirap, ni hindi nga siya nag-apply. Hanggang sa makalabas ng gusaling iyon si Anna ay dala-dala niya ang mga ngiti sa labi, hindi na yata iyon matatanggal. Aminado siyang maliban sa malaking suweldo ay natutuwa rin ang puso niya na makasama sa iisang bahay si Brett. At kung bakit, ay hindi niya rin alam. Nang makalabas si Anna sa opisina ni Brett ay noon na lamang guminhawa ang binata. Hindi niya maintindihan kung bakit gan'on ng presinsya ng dalaga sa kan'ya. Siguro hindi lang siya sanay na may babae sa kan'yang silid. Ang sekretarya lang niyang si Wena ang babaeng nakakapasok sa opisina niya at ang mommy niya. Maliban roon ay wala na. Hindi rin niya ugaling mag-interview ng aplikante dahil ang gumagawa no'n ay si Wena. At sa ibang silid ini-interview ang sinumang nag-a-apply ng trabaho, hindi sa mismong opisina niya. Not in his office! Pero dahil siya ang nag-alok ng trabaho kay Anna ay mas ginusto niyang siya ang kumausap sa dalaga. Dahil sa kagustuhan ng anak niyang si paolo na maging yaya ang babaeng iyon ay pinagbigyan niya ito para matapos na rin ang pangungulit ng kan'yang anak. Bumukas ang pintoan ng silid niya at pumasok doon si Wena na nakangiti ng matamis sa kan'ya. ''Hi, boss. Kumain ka na ba?'' malambing na tanong ng babae. Hindi manhid si Brett para hindi maramdamang may gusto sa kan'ya ang dalaga. Isa pa ay sinasadya nitong iparamdam iyon sa kan'ya. Tipid niya itong sinagot. Sanay na rin siya sa pagpapa-cute ni Wena. ''Nope.'' tipid niyang tugon habang binabasa ang bio-data ni Anna. So, nag-iisa na lang siya ngayon sa buhay. Single. ''Let's have lunch outside, my treat.'' suhestiyon ni Wena. ''I have lots of work to do, Wena, so ikaw na lang.'' seryusong sagot niya sa dalaga na hindi ito binibigyan ng tingin. Abala pa rin siya sa bio-data ni Anna. Umismid naman sa isang tabi si Wena. Hindi lang isang beses siyang tinanggihan ni Brett, maraming beses na at naiinis na siya! Napakahirap naman kasing suyuin ang binata. Pag siya'y hindi nakapagpigil ay maghuhubad na talaga siya sa harapan nito! Tignan lang natin kung hindi ka tatayuan Brett! Inis na wika ng dalaga sa isipan nito. "What about dinner, Boss?'' hindi sumusukong alok ni Wena sa binata. "Are you asking me a date, Wena?'' binitawan ni Brett ang hawak na papel at seryusong tinignan si Wena. Nakita niyang ngumiti ito na ubod ng tamis. Alam ni Brett na hindi susuko ang dalaga sa panunuyo sa kan'ya. Kung hindi lamang niya ito sekretarya ay matagal na niya itong tinanggal sa trabaho. Pero hindi niya rin siguro iyon magagawa dahil si Wena lang ang tumagal na sekretarya niya. At ito lang ang may malawak na pagiintindi sa ugali niya pagdating sa mga empleyado niya sa trabaho. Ang ilan kasi ay sinasabing wala siyang puso bilang boss dahil kapag may tauhan siyang hindi niya nagustuhan o may palpak na ginawa ay agad niya pinapalitan. Iyon ang paraan niya upang hindi na ma-i-stress. Bakit pa siya magti-tiyaga sa isang tao kung paulit-ulit namang gumagawa ng kapalpakan? Isa o dalawang chansa na ibigay niya ay tama na, ang paabutin pa ng tatlong beses? f*****g no! Hindi pa naman siya yata gano'n kasamang tao dahil bago siya nagtatanggal ng tauhan ay binibigyan pa naman niya ito ng chance upang baguhin ang pagkakamali ng mga ito. Pero sadyang may mga matitigas din ang ulo at tila hindi sineseryuso ang warning niya, kaya ayon. Sako. "Why not? Sino ba namang babae ang hindi gugustuhing maka-date ang katulad mo, Brett?'' Umiikot si Wena sa likuran ng upuan ni Brett at hinaplos ang balikat ng binata. Kapagkuwan ay yumuko ito at bumulong sa may tenga ni Brett, ''you're a drop dead gorgeaous man, Brett, so huwag ka nang magtaka.'' malambing na sabi ni Wena na may halong pang-aakit. Pero hindi natinag si Brett sa pang-aakit ng dalaga. He stood up and faced Wena behind him. He smirked. ''Thanks for the compliment, Wena. But I don't like dating.'' Lumaglag ang balikat ni Wena sa isinagot ni Brett, ''now, if you're nothing left to say, leave my room. Bago ko pa makalimutang sekretarya kita, ikaw rin maraming may gusto sa puwesto mo.'' malamig na sabi niya sa dalaga na ikinaputla ng mukha nito. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang hawakan siya. Tanging si Carol lamang ang may karapatang gawin iyon. Not Wena, nor any woman—except his mom. Nasundan na lamang ni Brett ng tingin ang papalabas sa silid na si Wena. Finally, natakot rin ang dalaga. Iyon ang kahinaan nito, ang matanggal sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD