Kabanata 3.

1527 Words
"Good morning, my princess Luriana." Iminulat ko ang mga mata ko. Nakita ko si d-daddy. "A-ano po ang ginagawa niyo rito?" Kung i-de-describe ko siya ay hindi ko aalisin 'yung part na nakakatakot siyang tingnan bukod sa alam kong criminal siya. Mayroon kasi sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Siya ay mukhang american celebrity na kung titingnan pa lang ay mabango na. "Maaari ko bang yakapin ang aking prinsesa?" "T-talaga p-po? Wala pong problema." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "D-daddy, kilala niyo ba ng lubusan ang Capinthy brothers?" Humiwalay siya ng yakap sa akin. "Hindi mo muna kailangang malaman kung ano ang tunay nilang pagkatao. By the way, maaari ka ng mag-start today na pumasok sa iyong school. I already enrolled you sa women university. Ang driver ang maghahatid sa 'yo. " "T-talaga p-po?! Salamat po!" Niyakap ko siya. "Wait lang po, maliligo na po ako." "Ang uniform mo ay dadalhin na lang sa 'yo ng iyong maid kasama ang iyong baon." "H-hindi k-ko na po alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo." "Huwag mo na munang isipin ang gano'n. Sa ngayon, maghanda ka na." Mabilis akong tumayo sa kama at pumasok sa cr. Makalipas ang kalahating minuto ay natapos na ako. Sakto naman ang pagbukas ng pinto dahil bumungad sa akin si Ate na dala ang uniform ko at isang sobre sabay ipinatong niya sa kama. Kakausapin ko pa lang sana siya pero bigla siyang umalis. Ayaw ba niya akong makausap? Kinuha ko ang uniform. Isang black tuxedo, white long sleeve with neck tie, and maikling black palda. Ang ganda! Nagbihis na ako. Binuksan ko ang sobre. Nagulat ako sa laman dahil nang bilangin ko ay ten thousand. Teka, baon ko lang 'to for today? Woah! Pero hindi ko ito uubusin. Lumabas na ako sa kwarto. Nagulat ako dahil bumungad sa akin ang limang men in black. "Kuya, bakit po?" tanong ko sa isa. "We are here to protect you, Madam. Kasama mo kami sa school araw-araw." Napakamot na lang ako sa ulo. Kung panaginip man lahat ng ito ay sana ay magising na ako dahil kailangan ko ng tumuwad nang tumuwad sa nightclub. Para talaga akong prinsesa dahil ako ay nasa unahan at may mga men in black sa likod ko. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Nakaabang na sa amin ang mahabang hotdog na sasakyan. Bababa pa lang sana ako sa hagdan pero may biglang tumama sa ulo ko. "Aray!" Isang mangga ang nahulog. Kinuha ko na lang. At sino naman ang may lakas ng loob para batuhin ako ng mangga?! Nakita kong nalito ang mga men in black na hanapin kung sino ang bumato sa akin. "Bumaba ka sa sa puno ng mangga!" one men ordered. I see, mayroong malaking puno ng mangga sa gilid ng mansion. Pinagmasdan ko kung sino ang bababa. Nakita ko na tinutukan ng baril ng mga men in black ang lalaki. Tumalon ang lalaki. Pagkaharap niya ay si.. Zerho? Nakahubad siya. At ngumisi nang tumingin sa akin. "Boss! Ikaw pala! Sorry po!" sigaw ng isa. At lahat sila ay nag-bow kay Zerho. Lumapit siya sa akin habang ngumingisi. Teka, inaasar ba ako ng lalaking 'to?! Hindi porke guwapo siya ay tatalab na 'yun sa akin. "Masakit ba?" he whispered. "Aba! Ang kapal naman ng mukha mo." Tinulak ko siya. Napatingin naman sa amin ang mga men in black na para bang naguguluhan. Tumawa lang siya at inilabas ang kanyang dila para asarin ako. "Asar talo ka pala 'no?" "Ikaw naman ay mas makulit pa sa makulit." "Ikaw naman ay maliit na pikon," pang-aasar niya pa. Ewan ko pero parang may lumabas na usok sa ilong ko dahil sa inis sa lalaking 'to. "Nakakainis ka! Umalis ka nga sa harapan ko. Hindi porke guwapo ka at ako naman ay hamak lang na ampon ay ganito na ang trato mo sa akin." "Bakit?" seryoso niyang tanong. "Anong bakit?!" Tumawa siya, "Bakit ka galit na galit?" Mas lalo akong nainis. Nakakaiyak pero bakit ang expensive at ang lakas niyang mang-asar?! Hindi masasakit na salita ang sinasabi niya sa pagkatao ko pero asar na asar ako. Pakiramdam ko ay hindi ako mananalo sa bardagulan namin. Tsaka hindi ko akalain na sa likod ng kagwapuhan niya ay ganito siya kakulit. "Why don't you have clothes, Zerho? Let's go. I have already submitted our report to King about our organization's profit." Kilala ko ang boses na 'yun. Pagkalingon ko ay si Sarhan. Naka-formal suit siya at may dalang baril. Napangiti ako bigla dahil mukha siyang half korean and half american. Tsaka mas magalang keysa sa kapatid niya. "Let's go, mayroon kasing asar talo rito." Nagba-bye sa akin si Zerho sabay inilabas ulit ang kanyang dila para asarin ako. Pinandilatan ko lang siya. Si Sarhan naman ay wala pa ring nagbago sa expression ng mukha, seryoso pa rin at ang expensive ng dating. Pinanuod ko silang makasakay sa kotse. Lalo akong nainis dahil binuksan pa ni Zerho ang bintana para lang irapan ako. Dahil sa inis ko ay ibinato ko ang tsinelas na nasa gilid ko. Tumawa lang naman siya ng matamaan ko. That Zerho! Pinapakulo niya ang dugo ko. ** Nakarating na ako sa school. Hindi ko akalain na foreigners pala ang schoolmates ko. Mabuti na lang dahil marunong akong mag-english kahit papaano. Hindi ko rin akalain na pagtitinginan kami ng mga student. Pero automatic na 'yun dahil may limang men in black sa likod ko. May lumapit na magandang babae. "Would you mind if I asked if you're the daughter of a mafia boss? Are you?" "Not a mafia boss, a mafia king," sagot ni Kuya. Ang men in black. "Wow! So it means you're very rich. By the way, if you know Zerho Capinthy, who is under your father, he is my fiance." Fiancee pala siya ng kitikiti na 'yun. "Yes, I know him, but we are not close. I need to go to my room. Good bye." Nag-bow ako sa kanya. Gano'n din ang ginawa niya. Hindi naman appropriate kung sasabihin ko sa kanya na binato ako ng mangga ng kitikiti niyang fiance. Bahala sila! Basta ako ay mag-aaral. Makalipas ang limang oras ay uwian na. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Bakit wala ang limang Kuya ko? I mean ang mga tauhan ni daddy. Gusto ko kasi na Kuya ang itawag ko sa kanila at Ate naman sa mga maid. Naglakad ako papalapit sa gate. Siguro ay nasa labas sila. Pagkarating ko roon ay wala ang mahabang hotdog. Bakit wala sila Kuya? May dumating na magandang kotse. Natulala ako nang bumaba si.. Sarhan. Naka-shades siya at formal suit. Teka, sino naman ang sinusundo niya? Siguro ay fiancee niya. Sana naman ay hindi niya kasama ang kapatid niya. Napaatras ako ng lumapit siya sa akin. "Your father did me a favor by taking you home. Let's go, hold my hand." Inilahad niya ang kamay niya. Nakita ko na pink ang kanyang palad. Nakakahiya naman pero go lang, sayang ang opportunity. Nakaramdam ako ng kakaibang saya ng magkadikit ang aming mga palad. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ano ba siya ni daddy? Pati ang kapatid niya? Business partners? Ah, oo. Hindi ako mapakali sa upuan ko. Kakausapin ko ba siya? Pero mukhang hindi naman siya sasagot. Sumandal na lang ako sa malambot na upuan at pumikit. Makalipas ang ilang minuto ay bigla akong nagulat dahil biglang tumigil ang sasakyan. "F*ck! Why now? I'm with the king's daughter!" sigaw ni Sarhan. Tumingin ako sa labas. Nakita ko na may isang van ang humarang sa amin. At may bumaba na maraming lalaki na mayroong hawak na mga baril. "Dumapa ka," utos niya. Kaagad naman akong sumunod pero bigla akong nauntog sa harapan. "Aray!" "S-sorry! Sa akin ka na lang dumapa." Hinawakan niya ang ulo ko sabay bigla na lang akong dumapa sa kanyang.. lap. Sana ay wala akong sipatin na kakaiba. Narinig ko na lang na bumaril na si Sarhan. At tuluyan na nga silang nagbarilan. "Huwag kang mag-alala, bulletproof ang sasakyan ko. At mas lalong huwag kang mag-alala dahil handa akong itaya ang buhay ko huwag ka lang masaktan." Na-touch ako sa sinabi niya. Akala ko kasi ay bukod kay daddy ay wala ng rerespeto sa akin. "M-marami ka bang kalaban? Kaya mo pa ba?" Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pagbaril. "Bababa lang ako, dito ka lang." Humarap ako sa kanya. "Ayaw ko! Dito ka lang sa tabi ko, please?" "Okay fine, gagawa na lang ako ng paraan para makatakas tayo sa mga 'to." "Sino ba sila?" "Sa trabaho na mayroon ako at ang iyong ama ay hindi na ito bago. Huwag kang matakot, maniwala ka sa kakayahan ko." Tumango ako at nanahimik na lang. Umupo ako ng maayos, kakapit sana ako sa upuan pero mabilis na inagaw ni Sarhan ang kamay ko. Napayuko ako sa ginawa niya and at the same time ay napangiti. Gumawa siya nang paraan para makatakas sa mga lalaki na patuloy pa rin sa pagbaril. Gumigewang ang sasakyan pati kami. May biglang nahulog na isang litrato ng magandang babae pero kaagad na kinuha ni Sarhan. Itatanong ko sana kung sino ang nasa litrato pero huwag na lang. Pero sino kaya siya? Fiancee niya ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD