Kabanata 2.

2530 Words
Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Napaisip ako bigla na 'yun bang nakita ko kagabi na kasama ni Madam Guem ay panaginip lang? Mabuti naman. Nakakatakot kasi ang mukha ng kasama niya kahit na guwapo. "Magandang umaga," sabi ng isang lalaki. Napabalikwas ako sa upuan na hinigaan ko. Laking gulat ko dahil nakita ko ang kasama ni Madam na matandang lalaki. "A-ano po ang ginagawa niyo rito?! Akala ko ay panaginip lang ang lahat. Huwag niyong sabihin na magdamag niyo akong binantayan?!" Tinakpan ko ang buo kong katawan gamit ang aking mga kamay. "Iyak ka nang iyak noong dumating kami ni Guem at bigla ka na lang nakatulog. Oo, ako ang nagbantay sa 'yo. Pero huwag kang mag-alala dahil wala naman akong masamang ginawa sa 'yo." "Ano bang kailangan niyo sa akin?! Hindi sa hinuhusgahan ko ang pagkatao niyo pero masyado na po kayong matanda para sa akin. Tsaka hayaan niyo naman pong ma-enjoy ko pa ang buhay ko, please po! Huwag niyo po akong angkinin!" Dahan-dahan siyang lumapit. Ako naman ay napatayo at pumwesto sa bintana para in case na may gawin siyang masama sa akin ay tatalon na lang ako kahit na mabali pa ang mga buto ko. "I want to adopt you, precious Luriana." "Ano po bang ibig niyong sabihin?! Adopt po ba as your young wife? M-maawa naman po kayo sa akin dahil mayroon pa po akong pangarap." "No, it's not like that. I want to adopt you as my daughter. Based on my investigation, you have almost eight years of working here. Do you want to experience a wealthy life?" "Wala na po ba kayong magawa sa buhay niyo? Kailangan ko pa pong magtrabaho. Lalabas na po ako." Naglakad ako papalapit sa pinto. Pero bigla itong bumukas. Bumungad sa akin ang limang lalaki na naka-formal suit na mayroong dala na briefcases. At may mga baril sila. Napaatras ako. Ano bang trip ng mga 'to?! "Gusto kitang maging anak at gusto kitang pahalagahan na hindi mo nararanasan sa trabaho mo. Ayaw mo ba ng gano'n?" Napalingon ako sa matanda. Totoo ba 'yung narinig ko na gusto niya akong pahalagahan? Hindi ako makapaniwala. "Ako si Loffex Halinma but you can call me Daddy or Dad." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Pero hindi ko tinanggap. "H-hindi po ba ito prank? Ano po bang mapapala niyo sa isang katulad ko na dancer lamang sa nightclub?!" Hindi siya sumagot sa akin. Bagkus humarap siya sa mga lalaki na tauhan niya yata. "Open the briefcases," Loffex ordered. Alam ko na ito, pera ang laman ng limang briefcases. Akala ba nila ay madadala ako sa pera nila? Unti-unting binuksan ng mga lalaki ang briefcases. Nagulat ako dahil walang laman ang briefcases na pera. Pero sa taas ng bawat isa sa mga ito ay may papel na nakadikit. Sa isang briefcase ang nakalagay sa isang papel ay word na will. Ang kabuuan ng bawat salita ay 'Will you be my daughter?' Napahawak ako sa aking bibig. "Ano ba 'to, Sir Loffex? A proposal?" "Yes, I want to adopt you because I want to have a daughter. If you accept my offer, you will be my only daughter who will live in my mansion. I will also spend a lot of money on your education. At walang p'wedeng bumangga sa 'yo o mang-api kapag ikaw ay naging anak ko na. " "Gusto ko na maging prangka kayo sa akin, Sir, ano po ba ang gusto niyong kapalit?" "Ang maging anak ka lang at ang mahalin mo ako bilang iyong ama." "Sir, hindi po ako tanga. Sino naman ang mag-o-offer sa akin ng ganito? Dahil ba sa magaling akong mag-twerk? Hindi naman siguro dahilan 'yun kahit na famous pa ako." "Sabihin na lang natin na matanda na ako at wala akong tagapagmana at walang mag-aalaga sa akin. P'wede bang ikaw na lang ang gumawa no'n? Hindi ka ba naaawa sa matanda na katulad ko?" Biglang kumirot ang aking puso sa aking narinig. Nakakainis naman 'to si Sir, masyadong mabenta ang strategy. Pero ano kaya ang pakiramdam na maging isang prinsesa sa isang mansion? Tsaka ang sarap siguro dahil makakapag-aral na ako. "Isang taon na lang po ay graduate na ako. Kung hihilingin ko ba na pag-aralin niyo ako sa ibang bansa ay matutupad 'yun?" "Oo naman, kahit saan mo gusto. Pero mas gusto ko sana na magkasama tayo rito sa Pilipinas. O gusto mo ba na kapag tapos ka na sa college ay mag-take ka ng master's degree? Sa ibang bansa kita pag-aaralin. Ang gusto ko kasi ay mag-sama muna tayo." "H-hindi po ba kayo nagbibiro?! Totoo po ba talaga?" naiiyak na tanong ko. "Oo, at hayaan mo rin na alagaan kita." Hinawakan niya ako sa balikat. "Wala na bang topak 'yan, Sir Loffex?" Pagharap ko sa pinto ay si Madam Guem pala. "Hoy, Luriana! Pumayag ka na ba sa offer ni Sir? Aba, huwag ka ng magpakipot hindot ka dahil ang aampon lang naman sa 'yo ay isang billionaire na mafia king!" Lalong nanlaki ang mga mata ko. Tumitig ako kay Sir Loffex, ngumiti lang siya. "Pag-iisipan ko pa po, Madam Guem." Lumapit siya sa akin sabay hinatak ang tainga ko. "Bobo ka talaga! Tanggapin mo na! Tsaka kung hindi mo tatanggapin ay papalayasin kita rito!" Hinawakan ako sa kamay ni Sir para makalayo kay Madam. "Huwag mo siyang sasabihan ng bobo o kung ano man na makakasakit sa kanyang damdamin." "Sorry, Sir! Dalhin niyo na ang babaeng 'yan!" Lumuhod ako sa harap ni Madam. "Huwag niyo naman po akong palayasin! Gagawin ko po ang lahat kahit na makipag-s*x na ako sa mga customer!" Tinulak niya ako dahilan para mapahiga ako. Si Sir Loffex naman ay inalalayan ako para makatayo. "Dalawa lang ang pagpipilian mo, Luriana. 'Yun ay ang sumama ka sa mafia king o ang papalayasin kita." Naglakad siya papalayo. Hindi ko na napiglan, umiyak na ako nang umiyak. Ang sama niya talaga. Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Sir. "Hindi ko hahayaan na tumira ka sa lansangan. So please, be my daughter." Hinimas niya ang buhok ko. Mas lalo akong umiyak dahil hindi ko man sabihin pero gustong-gusto ko ang magkaroon ng bagong ama kaya niyakap ko siya pabalik. Iniharap niya ako sa kanya. "Papayag ka na ba na sumama sa akin, anak? Kung gano'n ay tawagin mo na akong daddy." Pinunasan ko ang luha ko. "Wala na po akong magagawa, sasama na lang po ako sa inyo." Ngumiti siya at hinawakan ako sa pisnge. "Umalis na tayo," sabi niya sa mga tauhan niya. Ang limang lalaki naman ay kaagad na lumabas sa room. Ako at si Sir naman ay sumunod sa kanila. Habang naglalakad kami ay maraming nakatingin sa amin. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa mismong spot ng nightclub. Bakit hindi na lang kami dumaan sa exit? Mas marami tuloy ang tumitingin sa akin. May biglang lumapit sa amin. Teka, siya 'yung lalaki na gusto akong mag-perform ng lap dance. "Anim na lalaki ang nakasama mo sa kwarto, Luriana?!" pang-aasar na tanong niya. Napayuko na lang ako dahil nahihiya ako kay Sir. "Excuse me, hindi kami mga lalaki ni Madam Luriana," sabat ng isa sa tauhan ni Sir. Tumawa lang nang tumawa ang lalaki. Mas lalo siyang lumapit sa akin sabay hinawakan ang dalawa kong hinaharap. Napaatras ako ng mabilis at napayakap ako kay Loffex dahil sa gulat. "Sino ka bang hampaslupa ka? Ano ang karapatan mong bastusin ang aking Luriana?" walang gana na tanong ni Sir. "At sino ka rin bang matanda ka?! Sugar daddy niya?" Kinuha ako ng isa sa tauhan ni Loffex at itinabi sa kanila. "Dalhin mo ang lalaking 'yan sa gitna ng stage," Loffex ordered. Mabilis namang sumunod ang dalawang tauhan. Nagpupumiglas ang lalaki nang hilahin siya ng dalawang tauhan sa stage. "Sumayaw ka ng sexy dance!" utos ni Loffex. "Kayong dalawa, hubaran niyo ang lalaking 'yan para maranasan niyan kung paano sumayaw sa harap ng maraming tao!" "Bitawan niyo ako! Never akong sasayaw dahil marumi ang trabaho ng mga dancer dito!" "Kung gano'n, bakit nandito kang malibog ka?" Loffex asked. Woah, parehas kami ng utak ni Sir. Pumipiglas pa rin ang lalaki. Pero bigla siyang tumigil dahil tinutukan siya ng baril ni Sir. H-hala! "Oo na! Sasayaw na ako!" Pinilit ng lalaki na igalaw ang kanyang matigas na katawan. Ang mga VIP naman ay nagtawanan. Punit na ang kasuotan ng lalaki. Natatawa na lang ako kasi ang pangit niyang sumayaw. At halatang ayaw niya ang ginagawa niya. "T*ngina mong matanda ka! Pagbabayaran mo ang mga ginawa mo sa akin!" sigaw niya habang sumasayaw. "Walang sinuman ang may karapatan na murahin ang isang mafia king." Binaril niya ang lalaki. Gulat na gulat akong nagtago sa likod ng mga tauhan niya. At gano'n din ang ibang mga VIP na nanunuod sa amin. "Maglakad na po tayo, Madam," bulong ng isang men in black. Tumango lang ako habang takot na takot na nakatingin pa rin sa duguan na katawan ng lalaki. Kahit na masama ang lalaki ay sana ay buhay pa rin siya. Grabe, hindi ko alam kung ano ang pinasok kong buhay. Ang alam ko kasi ay kapag mafia ay automatic na isang rich kriminal. Pagkalabas namin ay nakita ko na may mahabang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang ganda ng sasakyan. Lumapit ako may Loffex. "Ito po ba ang sasakyan niyo? 'Yung parang hotdog." Tumawa siya, "Limousine ang tawag d'yan, anak." Napakamot ako sa ulo ko. Ang awkward naman lalo ng tawagin niya akong anak. Inalalayan ako ng mga tauhan niya para makapasok sa loob. Hindi ko akalain na ganito pala kalamig at kaganda ang loob nito. "Aasikasuhin na ng assistant ko ang papers para maging legal na anak na kita. Masayang-masaya ako, hija." Nag-bow lang ako sa kanya kasi ang awkward. Lumipat si Loffex sa kabilang upuan. Ag tumabi naman sa akin ay isa sa tauhan niya na guwapo. "Luriana, nais kong makilala mo ang iyong magiging ama. Siya ay mafia king, ang ibig sabihin no'n ay hawak niya ang mga illegal mafia group at syempre ang mga mafia bosses ng bawat mafia group. Hindi na siguro nakakapagtaka na tatawagin ko silang criminal dahil 'yun ang totoo. Si Sir ay isang pinag-combine na professional and organized criminal. Siya ay king, ang pinakamayaman sa lahat dahil lahat ng illegal na ginagawa ng mga mafia group ay siya ang nakikinabang. Siya mismo ang nagpapa-suweldo sa mga mafia bosses." Napanganga ako sa ipinaliwanag niya. Ang mga criminal talaga ay hindi pa lahat nahuhuli o kung makulong man lalo kung mayaman ay masarap pa rin ang buhay sa loob ng kulungan. Hindi ko pinangarap na ganito ang aking magiging buhay, na ang magbubuhay sa akin ay isang criminal. Ang gusto ko kasi ay mula mismo sa aking dugo at pawis. Pero sa kalagayan ko ay pakiramdam ko ay kung aatras ako ay papatayin nila ako. Pumasok sa isang malaking gate ang hotdog. Nang makita ko ang loob ng gate ay wow! Maraming mga men in black ang nakabantay. Tumigil na ang hotdog na sinasakyan namin. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang tauhan. Namangha ako dahil nasa harap ako ng isang malaking pintuan na may sampung men in black ang nakabantay. Inilahad ni daddy ang kanyang kamay, tinanggap ko naman kaagad. Wow, daddy talaga? Ang awkward. Pagkapasok namin sa loob ay may apat na katulong ang sumalubong sa akin. Nagulat ako nang biglang inalis ng katulong ang suot kong tsinelas at kaagad nila akong binuhat. "Teka lang po! Kaya ko naman pong maglakad!" Hindi sila sumagot. Nakita ko na lang na nasa banyo na ako. Kulay gold ang banyo, teka, totoo ba ang mga ito? Hinubaran nila ako ng kasuotan kaya ako ngayon ay nakahubad na. Sisigaw na sana ako pero tinakpan ng isa sa kanila ang bibig ko. 'Yung isang maid ay kinukuskos ang katawan ko, nakita ko na maitim na ang loob ng bathtub. Pagkatapos akong paliguan ng mga maid ay binihisan naman nila ako ng magandang red dress. Nang matapos sila ay dinala nila ako sa maganda at malaking kwarto. "Madam, ito po ang inyong magiging kwarto." "S-salamat." Nag-bow lang sila sa akin at sabay-sabay na umalis. Masaya kong tinitigan ang aking kwarto, first time ko lang kasi na magkaroon ng ganito. Hindi ko akalain na magiging instant prinsesa ako in just a minutes. Bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang isang maid. "Samahan niyo raw po ang inyong daddy na mag-dinner." "Okay po." Naglakad na ako pababa. At habang ako ay bumababa sa hagdan ay nakita ko na nakaabang si Loffex sa akin kasama ang dalawang lalaki na matangkad at guwapo. Sino sila? Sila ba ay mga anak na lalaki ni Loffex? Dahan-dahan akong bumaba. Ang pakiramdam ko tuloy ay debut ko ngayon. Pagkababa ko ay inilahad ni Loffex ang kamay niya kaya kaagad akong humawak. Palihim akong tumingin sa dalawang lalaki pero wala man lang silang emosyon na ipinapakita. "Let's go to the table. I have an announcement," Loffex said. Nakita ko na maraming pagkain sa lamesa, woah! Buong buhay ko ay hindi pa ako nakakakain ng mga pagkain na nasa harapan ko. Napangiti ako nang alalayan ako ni daddy. "Capinthy brothers, I want you to meet my adopted daughter, Luriana Halinma." "D-daddy, legal niyo na po ba akong na-adopt?" Tumango lang siya at ngumiti. Sabay na inilahad ng guwapong magkapatid ang kanilang kamay. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko kaya natulala na lang ako. Pero 'yung isa ay ibinaba muna ang kamay niya. "Magandang gabi, Luriana. I'm Sarhan Capinthy, nice to meet you." Kaagad ko namang tinanggap ang kamay niya. Hindi ko akalain na sobrang lambot. Ngumiti ako sa kanya pero blangko lang siyang tumingin sa akin. "I'm Zerho Capinthy, in short, guwapo." Inilahad niya ang kamay niya. Mabilis ko namang tinanggap. Ang hangin naman ng isang 'to. Oo magkamukha ang dalawa. Pero si Sarhan ang mas attractive sa dalawa. He has deadly brown eyes, messy hair, a serious face, a pointed nose, and a perfect jaw line. Maayos din siya manamit at mukha siyang mabango. Ang ibig ko bang sabihin ay oo guwapo si Zerho pero mas guwapo sa paningin ko si Sarhan? Ano ka ba Luriana?! Malabo na magkagusto sa 'yo ang katulad niya. "Boss, we've admitted our fault for the mission's failure, and we're ready to accept the punishment." Tumayo si Sarhan sabay nag-bow kay daddy. "What he said is right, boss. We are always sorry for what happened," Zerho said. "The apology from two of you isn't enough for me. But we must not talk about this in front of my daughter. However, both of you must be ready for my biggest punishment." Ang dalawang magkapatid ay nag-bow. Nagsimula na kaming kumain. May gusto sana akong ulamin pero hindi ko abot kaya tinitigan ko na lang. Nakakahiya naman kung ipapaabot ko. "Do you want this dish? Here." Inabot ni Sarhan ang malaking plate na naglalaman ng ulam na gusto ko. "S-salamat." Mabilis kong tinanggap. At masayang-masaya kong nilagyan ang aking plato. Isusubo ko pa lang sana ang ulam pero nakatitig sa akin si Sarhan kaya umiwas ako ng tingin. Napatingin kaming lahat sa men in black na kadarating lang. "Handa na ba ang contract?" daddy asked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD