Kabanata 4.

2408 Words
Nakahiga ako sa kama. Tumingin ako sa clock, 7 a.m pa lang. Hindi ko alam pero bakit ayaw maalis sa isip ko 'yung nakita kong litrato ng babae sa kotse ni Sarhan? Maraming assignment and activitiy ang natapos ko kaninang madaling-araw. At nakapag-review na rin ako kahit papaano. Gusto ko kasi na maging proud sa akin si daddy na hindi sayang ang lahat ng pera niya. At syempre ang tiwala na ibinigay niya. Bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang dalawang maid, ang isa ay may dala na pagkain ko at ang isa naman ay may dala na paper bag. Nag-bow sila sa akin sabay inilapag ang dala nila sa kama ko. Nag-bow na lang din ako keysa magsalita dahil baka nasa rules sa trabaho nila na bawal akong kausapin. Kaagad akong kumain. Grabe, sobrang sarap ng pagkain. Pagkatapos kong kumain ay binuksan ko ang paper bag. Mayroong blue swimsuit at magandang blue fitted dress. Para sa akin ba talaga ito? Ang ganda. At mukhang mamahalin. Nakita ko ang isang letter. Ang nakasulat ay 'be ready, daughter' napangiti na lang ako dahil ang saya ko ngayon hindi dahil sa binibigay ni daddy kundi sa nararamdaman ko na sincere siya sa nararamdaman niya para sa akin. Makalipas ang isang oras ay nakaligo na ako. Ang suot ko ay ang fitted dress. Ang sexy nga masyado dahil halos kita na ang p*wet ko. Bigla ko tuloy naalala ang trabaho ko sa nightclub na kita na talaga ang lahat sa akin. Thank you, daddy king! Dahil iniligtas mo ako. Salamat kasi hindi ka katulad ng mga magulang ko. Bumaba ako. Pero walang tao sa baba. Napangiti ako dahil nakita ko ang malaking salamin sa living room. Lumapit ako roon at pinagmasdan ko ng mabuti ang aking sarili. Hindi ko akalain na magmumukha akong mayaman. Umikot ako nang umikot sa harap ng salamin dahil sa ligaya na aking nararamdaman. Tumalikod ako sa salamin at iniharap ko ang ulo ko sa salamin para makita ko ang likod ko at ang matambok kong p*wet. Nakaka-miss na mag-twerk, teka, hahanap ako ng buwelo. Fitted na ang suot ko kaya hindi ko na kailangan pang itaas ang dress para makita ko na mag-bounce ang aking ass. Itinaas ko na lang ang kamay ko at sinimulan ko nang mag-twerk at kumembot. Ang sarap sa pakiramdam na hindi na ako sumasayaw dahil sa iba, kundi sumasayaw na ako para sa sarili ko. Twerking dance is not only something I perform because of my work. I perform this type of dance with passion. Itinuloy ko lang ang pagtu-twerk. Maya-maya pa ay napatigil ako dahil nang mapalingon ako sa pinto ay nakita ko sina daddy, Zerho, at Sarhan na mukhang gulat na gulat sa ginawa ko. Ang awkward! "Wow! That's impressive!" masayang puri ni dad. "K-kanina pa po ba kayo d'yan? I mean na n-nanunuod s-sa a-akin." Lumapit sa akin si dad. "Oo, napanuod namin lahat! Ang galing mo." Napakamot na lang ako sa ulo. Nakakahiya talaga! Tumingin ako kay Sarhan, nasa pinto pa rin siya at ang kanyang kapatid na si kitikiti. Napatitig ako kay Zerho at siya ay gano'n din sa akin. Pero nakakagulat dahil hindi niya ako inasar. "Halikayo, Sarhan and Zerho!" masayang tawag ni dad. Kaagad naman na lumapit ang dalawa na parehas pang may dala na baril. And as usual, naka-formal suit si Sarhan, color blue. Samantalang si Zerho naman ay parang rockstar ang pormahan. "Magaling bang mag-twerk ang anak ko, Zerho?" Natawa si Zerho, "O-opo dahil hindi balikat ang ginagalaw niya sa pagtu-twerk." Teka! Inaasar niya ba ako?! Pasalamat siya dahil nandito si dad. Tsaka ano naman ang masama kung balikat ang ginagalaw? Siguro ang ibang tao na gano'n ang ginagawa ay bago pa lang na nagtu-twerk. "Ikaw ba, Sarhan? Ano ang masasabi mo? Magaling ba ang anak ko?" "Y-yes, Sir. Sorry po dahil sa hindi inaasahan na mapanuod naming dalawa ang inyong anak na nagtu-twerk. I respected her privacy po." T-totoo ba, Sarhan? Maginoo ka talaga. "Okay lang 'yun. Nais ko na makita niyo rin ang talent ng anak ko pero sa hindi inaasahan na tagpo ay nakita niyo na." Nag-bow lang ang dalawa. Nakita ko na palihim na tumingin sa akin si Zerho sabay pinandilatan ako. Aba, nakakagigil na ang lalaking 'to! "D-dad, p'wede po ba akong makahingi ng favor?" "Anong klaseng favor, anak?" "P'wede po ba na alisin ng dalawang magkapatid ang kanilang baril sa katawan nila? Pati po sana kayo, dad. Ang totoo po niyan ay hindi ako komportable." "Gano'n ba ang gusto ng aking prinsesa? Masusunod. Capinthy brothers, narinig niyo naman ang gusto ng anak ko. Ibaba niyo muna ang mga baril niyo." Mabilis na binaba ni Sarhan ang baril. Samantalang si Zerho naman ay ngumisi muna sa akin bago ibinaba. Hindi ko na lang siya pinansin. "Luriana, kaya nandito ang magkapatid ay para samahan tayo sa pagpunta natin sa beach. Huwag kang mag-alaala sa pagpasok mo sa school dahil wala naman kayong pasok ng one week." "O-okay po. S-saan naman po?" "Sa beach na pagmamay-ari ko. Wala namang problema sa 'yo na kasama natin sila 'di ba? Tsaka gusto ko talaga na kasama natin sila. At wala naman silang magagawa para tumanggi sa gusto ko." "W-wala pong problema, dad! Masaya naman po ako. Pero baka kasi lunurin ako ng isa d'yan," tumingin ako kay Zerho. Magsasalita na sana si dad pero may biglang tumawag sa kanya kaya nagpaalam muna siya sa amin. Lumapit sa akin si Zerho. Ang bango niya. "Ako ba ang tinutukoy mo na lulunurin ka? Bakit ko naman gagawin 'yun kung p'wede kitang ihagis sa dagat?" "Kahit na ihagis mo ako ay hindi ako malulunod dahil marunong akong maglangoy." "Wala naman akong pakialam, liit." "Aba! Ano naman sa 'yo kung maliit ako? At least, hindi ako kitikiti kumilos na kagaya mo. At 'yang ugali mo ay hindi ko ide-describe sa isang hayop dahil mas mabait pa sila sa 'yo." Nanlaki ang mga mata niya, "What? You referred to me as kitikiti? How dare you?" "Asar talo ang kitikiti!" tumawa ako nang tumawa. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Sarhan. At nagulat ako dahil ngumiti siya sa akin. Teka, ngumiti ba siya dahil nabara ko ang kapatid niya? "Bakit ako maaasar? Mukha kang maliit na lamok sa paningin ko." Pinandilatan ko lang siya. Lumapit si Sarhan sa amin. "Could you stop teasing here? Respect her as king's daughter." Hindi sumagot si Zerho. Bagkus naglakad siya papunta sa pinto. Tumitig sa akin si Sarhan, "Don't mind my brother." Yumuko lang ako dahil hindi ko kaya na makipagtitigan sa kanya. "Are you guys ready?" daddy asked. "Yes, Sir!" Sarhan answered. "Yes, king!" Zerho answered. Tumango lang ako. "Anak, mayroon ka ng gamit sa sasakyan kaya huwag ka ng mag-empake." "S-salamat po, dad." "But before we go, I want to give you a necklace." Inilabas niya ang isang gold na box. Napangiti ako nang dahan-dahan niyang buksan ang box. Bumungad sa akin ang simpleng gold necklace na butterfly ang pendant. "Wow! Pero hindi po ito bagay sa akin! Masyado po itong maganda!" "Ito ay para sa 'yo. Para sa pinakamaganda at pinakamamahal kong anak." Pumunta siya sa likod ko sabay isinuot sa leeg ko ang necklace. "S-salamat po talaga, dad!" Niyakap ko siya nang mahigpit. Nakita ko naman si Zerho na nasa likod ni dad na mukhang nakikinig sa usapan namin. "One million ang halaga niyan," he whispered. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko kasi akalain na gagastos ng gano'n kalaki si dad para sa akin. Tsaka hindi ko na iisipin na galing 'yun sa masama dahil deserve ko naman na makatanggap ng ganito. At ang mahalin ng isang ama. Pagkatapos naming magyakapan ni dad ay inalalayan niya ako sa aking likod habang kami ay naglalakad. Nang makababa kami sa hagdan sa labas ay kaagad kaming lumapit sa limousine. Pinagbuksan kami ng pinto ni Sarhan. Tumitig ako sa kanya ng palihim. Grabe, napakaseryoso na niya ulit. Nasa loob na kami ni dad. At nasa harapan namin ang magkapatid. Pagkalingon ko sa likod ay maraming black na kotse ang nakasunod sa amin. "Pupunta po tayo sa beach, 'di ba? Bakit marami pong nakasunod?" "I'm a mafia king, anak. Hindi mo alam ang darating na panganib kaya sana ay maging komportable ka sa kanila." Tumango lang ako. "Sir, I'm sorry for not updating you about what happened yesterday. Your daughter and I were attacked by our enemies." "As I can see from yesterday, my daughter and you are safe. So there's no way for me to worry." Tumango lang si Sarhan. Siya ang nagda-drive. Nang tumingin ako sa front mirror ay nagtama ang paningin namin ni Zerho, itinaas niya lang ang kilay niya sabay umiwas. Makalipas ang dalawang oras na biyahe ay nakarating na kami sa Halinma beach. Ang ganda rito at ang payapa tingnan. Dinala ako ng mga tauhan ni dad sa isang magandang kwarto. Isasarado ko pa lang sana ang pinto pero bigla kong nakita sa labas ang magkapatid. "Mayroon ba kayong kailangan, Sarhan?" "Ako ba ay hindi mo tatanungin?" sabat ni Zerho. Pero hindi ko siya tiningnan dahil ayaw ko ng tumaas ang dugo ko. "Ang sabi ng iyong ama ay may tatlong kama d'yan sa loob. Ang ibig sabihin ay magkakasama tayong tatlo sa iisang kwarto. Paumanhin, Luriana, hindi ko ito ginusto dahil kung ako ang masusunod ay hindi ako papayag. Pero 'yun ang gusto ng iyong ama." "S-sige, okay lang sana kung ikaw. Pero sure ba talaga si daddy na kasama pa natin ang kapatid mo?" "Ang sama ng ugali ng lamok na 'to," Zerho whispered. "Tumataas kasi ang dugo ko sa kanya, Sarhan." Tumitig ng seryoso si Sarhan kay Zerho, "Don't tease her or else my bullet will eat you alive." Bumuntonghininga si Zerho, "O-okay, fine! Magiging anghel ako sa araw na 'to!" Ngumisi ako sa kanya at pinandilatan ko siya. "Sarhan, pumasok ka na." Binuksan ko ng malaki ang pinto para sa kanya. "Ikaw rin, kitikiti." Tumitig lang ng masama si Zerho sa akin sabay tahimik na iniligay ang bag niya sa kama. Kinuha ko sa bag ko ang swimsuit na binili ni daddy sabay pumasok ako sa cr. Makalipas ang ilang minuto ay wala na ang magkapatid sa kwarto. Mabuti naman. Masaya akong lumabas sa kwarto. Hindi ako nagsuot ng tsinelas dahil nais kong madama ang buhangin. Ang sarap pagmasdan ng dagat, nakaka-relax at nakakawala ng pagod. Unti-unti kong hinubad ang white cover sa katawan ko. Grabe, ang bigat ng dalawang bundok ko at ng p*wet ko dahil masyadong malulusog. "Luriana, is that you? A well-known twerking dancer in nightclub! Can you join us to drink alcohol?" Pagkalingon ko ay bumungad sa akin ang isang lalaki na may kasamang apat na guwapong lalaki. Pero mukhang masasama silang tao dahil grabe kung tumingin sa akin. Sila rin ba ay katulad nu'ng lalaki sa club na uneducated na malibog? Sana naman ay hindi. "No, thanks. I don't need others to drink alcohol. I can drink alone." "Hey! Carry her," utos ng lalaki sa isa niyang kasama. Umatras ako ng dahan-dahan. Pero mabilis akong nabuhat ng lalaki. "Ano ba?! Mga siraulo kayo!" "Ibababa mo ba siya o ibabaon kita? Mamili ka, libre lang." Pagkalingon ko ay si... Z-Zerho. Teka, totoo ba ito?! Nakakatakot ang boses niya at napakaseryoso pa. "Sino ka naman?" Hindi sumagot si Zerho. Dahan-dahan niyang inilabas ang baril niya at kaagad na pinagbabaril ang bawat paa ng limang lalaki. Grabe, ganito pala siya katapang. Nagulat na lang ako dahil nabitawan ako ng lalaki kaya bumagsak ako sa buhangin. Nakita ko na dahan-dahan na gumagapang ang mga lalaki papalayo. Nang tingnan ko si Zerho ay blangko lang siyang tumingin sa akin. Seriously?! Kakaibang Zerho yata 'to. Nagulat ako nang may biglang bumuhat sa akin. Pagkatingin ko ay si.. Sarhan. "Ano ang nangyari sa kanya, Zerho?" "Nabastos ng mga tuko." "Pinrotektahan mo siya, tama ba?" "Oo, kahit na asar talo 'yang lamok na 'yan ay ayaw kong mapahamak 'yan." Umirap ako kay Zerho. Pero hindi niya ako pinatulan. "Mabuti naman." Lumingon sa akin si Sarhan. "Sa amin ay safe ka, Luriana." Napangiti ako, "Siguro ay sa kwarto na lang muna ako, Sarhan. Nais kong magpahinga." "Luriana, I'm not against what you wear; it's your decision and, besides, you're at the beach. No woman should be blamed for their clothes. I don't know the reason why some guys harrass you. All I know is that their reasons are not valid. And all I want to say to you is be safe and do what makes your mind and heart happy." Gumuhit ang ngiti sa aking labi, "S-salamat, Sarhan. Na-a-appreciate ko ang mga sinabi mo." ** Gabi na. Nandito ako ngayon sa kwarto. Pero wala pa ang magkapatid. Nasaan kaya sila? Teka! Bakit ko ba sila hinahanap? Ang totoo niyan ay natakot ako sa pagbaril ni Zerho sa mga lalaki. Pero wala naman akong magagawa dahil deserve nila 'yun. Matutulog na lang ako, kahit na hindi pa ako inaantok. Itataklob ko pa lang sana ang kumot sa katawan ko pero biglang dumating ang magkapatid. "Are you comfortable with us? If you're not, we can sleep on the floor." Lumapit si Sarhan sa kama niya tapos kinuha ang unan at kumot. "Hindi na kailangan dahil hindi naman tayo magkakatabi sa iisang kama. Okay lang sa akin na nandito kayo dahil alam ko na safe ako." Nag-bow si Sarhan sa akin. Teka, 'yun lang?! Nang tumingin ako kay Zerho ay nakahiga na siya sa kama na mukhang pagod na pagod. Tumayo ako. Tumingin si Sarhan sa akin, "Where are you going? Gabi na." "Magsu-swimming, nakalimutan ko kanina dahil may mga papansin na lalaki. Sige na, matulog ka na." Naglakad ako papalabas. Hindi sa hindi ako comfortable na kasama sila, nakalimutan ko lang talaga na lumangoy. I went out to sea and let my body feel the water. Yes, it's very satisfying and relaxing. I performed a mermaid swim until I reached the depths of the sea. Umahon na ako. Kanina paglabas ko ay marami pang tao pero ngayon ay ako na lang. Ang payapa tingnan ng paligid. Sana ganito na lang kahit na noong bata pa lang ako kahit na hindi kami mayaman. Pumasok na ako sa kwarto para maligo. Tumingin ako sa kama ni Zerho, siya ay tulog na tulog na. Samantalang si Sarhan ay nakaupo pa at... nakatitig sa akin. "Nakauwi ka na pala, matutulog na ako." Humiga siya at pumikit. At itinaklob ang kumot sa buong katawan niya. Seryoso ba siya? Hinintay niya pa talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD