Kabanata 5.

2189 Words
Makalipas ang isang linggo. Habang naglalakad ako papasok sa cafeteria ay nakita ko si Zerho kasama ang maganda niyang fiancee. Kaagad akong umiwas sa kanila, mabilis akong pumunta sa counter at um-order ng mga pagkain. Dahan-dahan akong lumapit sa isang lamesa- "Hey!" Pagkalingon ko ay ang fiancee ni Zerho na nakatayo na masayang nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako pabalik. Si Zerho naman ay blangko lang ang tingin sa akin. Siguro ay ayaw niyang ipakita sa fiancee niya 'yung pagiging kitikiti niya. "You can join us! Come here!" dagdag niya. Nahiya ako sa kanya kaya kaagad akong lumapit. "I did not ask before what your name was. What's your name?" "My name is Luriana. And you are?" "I'm Aisen, you know, the fiancee of Zerho. You may sit. I'm happy to meet you again!" Ngumiti na lang ako. Ang awkward. Nang magkatitigan kami ni Zerho ay napangisi ako pero kaagad siyang umiwas. "Honey, Zerho, why did you not approach her? She is the daughter of a dangerous mafia king." Natawa ako dahil hindi kaagad nakasagot si Zerho. Kaya ako na lang ang magpapalusot kunwari, "No need, Aisen, because I know he's a shy person. By the way, I want you to know that your fiance saved my life last week. And I want to use this opportunity to compliment him." "Really? I'm so proud of you, honey!" Niyakap niya si Zerho. Nakaharap ngayon sa akin si Zerho na masama ang tingin. Nakatalikod si Aisen dahil yakap niya si Zerho kaya ngumisi ako kay Zerho at inilabas ko ang dila ko para mas lalo siyang mainis. Sa nararamdaman ko ay kaunti na lang ay sasabog na siya. "Salamat talaga, Zerho!" masayang puri ko. Itinaas niya lang ang kilay niya. Pero nang humarap si Aisen sa amin ay ngumiti siya sa akin ng malaki. Laughtrip talaga ang lalaking 'to, napaka-plastic. Pero ang totoo niyan ay sincere ako sa pasasalamat ko sa kanya na hindi ko nasabi dahil dumating si Sarhan. Sabay-sabay kaming kumain. "Madam Luriana, maaga po kayong pinapauwi ng iyong ama. Alam niya po na wala na kayong klase," sabi ni Kuya. Ang tauhan ni dad. "Gano'n ba? Walang problema. Pero wait lang po dahil magpapaalam lang ako sa kanila." Nag-bow lang si Kuya. Humarap ako sa dalawa. "Mauna na ako, wala akong ibang hiling kundi ang maging masaya kayo. Salamat." "Salamat din!" Aisen replied. Teka, marunong pala 'tong magsalita ng tagalog, pinahirapan pa ako. Tumingin ako kay Zerho, tumango lang siya. ** Nandito na ako sa bahay. Nakita ko na nakaupo si dad sa couch habang hawak ang kanyang ipad. "Lumapit ka sa akin, anak. Mayroon akong ipapakita sa 'yo." Masaya akong lumapit sa kanya. Ipinakita niya sa akin ang nilalaman ng ipad. Nagulat ako dahil isang red gown. "Para saan po 'yan, daddy?" "Based on my investigation into your background, you are twenty-five years old. And when you are eighteen years old, you have not experienced a debut. So, I want you to experience a debut." "T-talaga po, dad?! Pero huwag na po dahil magastos po 'yan. Tsaka enough na po sa akin ang pagmamahal niyo." "No, gusto ko na maranasan mo ang debut ngayong gabi. Huwag kang mag-alala, nag-hire na ako ng group of people para mag-ayos ng venue sa likod ng mansion. Ano ang gusto mong theme?" "Hindi po ako makapaniwala, dad! K-kahit ano na lang po kayo na po ang bahala. Salamat po talaga!" Lumapit siya sa akin sabay niyakap ako. "Mahal kita, aking prinsesa." Niyakap ko siya pabalik ng mas mahigpit. "King, nandito na po ang gown na in-order niyo," Kuya said. Ipinatong ni Kuya ang malaking box sa couch. "Buksan mo na, anak. Nais ko rin na makita ang maganda mong ngiti." Mabilis akong umupo sa couch at ipinatong sa lap ko ang box. Unti-unti kong binuksan habang ako'y nakangiti. Nang mabuksan ko na ay nanlaki ang mga mata ko dahil ang ganda ng red gown at kumikinang pa. May dumating na isang magandang gay. "Hi, Sir Loffex!" lumingon siya sa akin. "Madam, handa ka na po ba? Halika na po sa room niyo! Me-makeup-an ko na po kayo." "Sumama ka na sa kanya anak at pagkatapos ay suotin mo na ang gown mo. Ipapatawag na lang kita kapag handa na ang lahat." "Okay po! Salamat po, daddy!" Ngayon ay nasa kwarto na kami. At abala ang nagme-makeup sa akin. "Madam, tapos ko na po kayong makeup-an. Maaari niyo na pong suotin ang inyong gown." "Sa tingin mo ba ay bagay 'yun sa akin?" "Oo naman, Madam! Ang sexy mo kaya at ang ganda. Mas maganda ka pa kay Amaraya!" "A-ano? S-sino siya?" "Ay! Wala, Madam! Artista po!" Tumango lang ako sa kanya at kinuha ko na ang gown para suotin. Masaya akong tumitig sa salamin habang suot ang gown. Ang pakiramdam ko ngayon ay napakahalaga kong tao. Bumukas ang pinto. Bumungad sa amin si Ate. "Madam, sumama po kayo sa akin." "Okay po." Ilang minuto rin kaming naglakad ni Ate papunta sa likod ng mansion. May nakita akong hagdan. "Madam, umakyat na po kayo. At pag-akyat niyo po ay may hagdan po pababa, bumaba po kayo para makita niyo ang sorpresa ng iyong ama." "Opo, Ate. S-salamat po." "A-ate ang tawag niyo sa akin, Madam?" "Opo, ayaw ko po kasi na yaya." "Masayang-masaya po ako, Madam dahil hindi pala kami iba sa inyo. Pasensya na po kung hindi ka namin kinakausap ng kapwa ko maid dahil bawal po." "Naiintindihan ko po. Sa ngayon ay magpahinga na po muna kayo. Pero ayaw niyo po ba na dumalo sa gaganapin na pagdiriwang ngayon?" "Dadalo po ako, madam. Pero sisilip lang po para magdala ng mga pagkain. Mauna na po ako." Nag-bow siya. At gano'n din ang ginawa ko. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Pag-akyat ko ay bumungad sa akin ang isa pang hagdan para ako ay makababa. Sa itaas ay nakikita ko na ang mga violet flowers. I see, violet ang theme. Ang ganda! Nang iapak ko ang mga paa ko sa hagdan ay biglang tumunog ang musika. Napangiti ako habang dahan-dahan na bumababa dahil maraming bisita ang masayang nakatingin sa akin. At si dad ay nakaabang sa akin sa baba. Totoo na ba talaga 'to? Hindi ko talaga akalain na ganito ako tatratuhin ni Loffex. Pagkababa ko ay inilahad ni dad ang kanyang kamay kaya mabilis kong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Bumungad sa akin ang violet theme, ang ibat-ibang designs, ang mga handa kong pagkain, at ang malaking cake na dati ay pinapangarap ko lang. Naglakad kami papunta sa gitna. At ang mga bisita ko naman ay nagpalakpakan. Kinuha ni dad ang microphone. "I want to introduce my adopted daughter, Luriana. When she came into my life, I became happier, so I want to give her an expensive and special debut even though she is twenty-five years old." Nagpalakpakan ulit ang mga bisita. "May I be your first dance, anak?" Humikbi ako sa itinanong niya at nagpunas ako ng luha. "Yes, daddy! Yes!" May inabot na isang rosas ang tauhan niya. At ibinigay naman niya 'yun sa akin. Inilahad niya ang kamay niya para yayain ako na magsayaw, pero hindi ko kaagad tinanggap dahil niyakap ko siya nang mahigpit. At umiyak na ako nang umiyak. "Don't cry, my princess." "Okay lang, daddy! Waterproof naman po ang makeup ko!" natatawang sagot ko. Hinimas niya ang likod ko at iniharap niya ako sa kanya. Nagsimula na kaming magsayaw ng slow dance, ang sarap sa pakiramdam. Pagkatapos naming sumayaw ay lumayo na sa akin si daddy. Bumungad sa akin si Zerho na may dala na isang rosas. Woah! Invited pala ang lalaking 'to? Sabagay, okay lang naman dahil karamihan ng bisita ay hindi ko kilala at karamihan pa ay mga lalaki. Lumapit siya sa akin sabay inabot ang rosas. "Mahal ang rosas na 'yan, itago mo habambuhay. Tsaka umurong ako sa date namin ng fiancee ko dahil inutos ito ng daddy mo." "Wow! Nandito ka ba para sumbatan at asarin ako?" "Hindi naman, honest lang ako. Masama ba?" "Hay naku! Umalis ka na nga sa harapan ko." Hindi siya sumagot. Nagulat ako dahil bigla niyang hinila ang beywang ko at hinawakan ang kamay ko. "Isasayaw na kita, baka kasi umiyak ka pa d'yan." Susuntukin ko na sana siya dahil sa inis pero napalingon ako sa gilid at nakita ko si Sarhan na naka-formal red suit. Napangiti ako bigla, nawala ang inis na nararamdaman ko. "Bakit ka ngumingiti d'yan? Alam ko naman na guwapo ako at mabango." "Magsayaw na lang tayo." Tinapik ko ang balikat niya. Ngumisi lang naman siya sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin kami kaya nakahinga ako ng maayos. Maya-maya pa ay lumapit na sa akin si Sarhan. Inabot niya ang isang rosas at inilahad niya ang kamay niya. "Maaari ko bang isayaw ang magandang binibini?" Halos mahubad ang gown ko sa itinanong niya. Grabe, bakit ba ang lakas ng t***k ng puso ko? "Y-yes." Tinanggap ko nang dahan-dahan ang kamay niya. Nagulat ako nang bigla niyang ayusin ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay. At hinawi niya ang mata ko na may kaunting luha pa yata. Kaunti na lang talaga ay mahuhubad na ang gown ko sa sobrang kaba. Dahan-dahan kaming nagsayaw. Siya ay nakatitig sa akin pero ako ay nakatingin sa malayo dahil nahihiya ako. Nagkatinginan kami ni Zerho, tumawa siya, 'yun bang tawa na iniinsulto ako. Napatitig na lang tuloy ako kay Sarhan. He smiled for the second time in my view. I also smiled to him kahit na nahihiya ako. "Hindi pa kita gano'n kakilala, Luriana. Pero ang masasabi ko ay deserve mo ang nangyayari sa 'yo ngayon." "S-salamat, Sarhan. Salamat talaga kasi wala kang ibang sinabi na makakasakit sa damdamin ko." Tumango lang siya at ngumiti. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami. At lumapit sa akin si Kuya sabay inabot sa akin ang microphone. I see, it's time for me to speak. Inalalayan ako ni Kuya para makaakyat sa mini stage. Kinakabahan ako pero kakayanin ko. Mahigpit kong hinawakan ang microphone. "Ako po si Luriana Halinma. Ako ay 25 years old na pero binigyan ako ng pagkakataon ni daddy na mag-debut ulit. Ang suwerte ko 'di ba? At bukod do'n ay masayang-masaya ako dahil mahal talaga ako ni dad. Naalala ko, noong bata ako ay pinapangarap ko lang ang lahat ng ito. Ang totoo niyan, first time ko lang na magkaroon ng cake, ngayon lang. Tsaka ang totoo niyan... isa akong twerking dancer sa club. Mahirap ang naging trabaho ko dahil naranasan ko na magdamag na sumayaw sa harap ng maraming tao para lang makakain. Ang alam ko lang ay nais kong makapag-aral muli at makaipon. At lahat ng 'yun ay tinupad ng aking daddy. Dad, mahal po kita, salamat." Lumapit sa akin si dad sabay niyakap at hinalikan ako sa pisnge. "Mag-enjoy ka na, anak. Uminom ka ng alak kahit ilan pa ang gusto mo." "Opo, dad!" masaya kong sagot. Nagpaalam na siya dahil may kakausapin pa raw siya. Nag-inuman na ang lahat, ang saya! Ako rin ay mag-iinom. Pagkababa ko sa mini stage ay lumapit ako sa isang mini table na may wine glasses at alak. Magsasalin pa lang sana ako sa wine glass ng alak pero biglang dumating si Zerho. "Nakaka-touch naman ang speech mo." "Talaga ba, Zerho?" "Talaga ba, Luriana?" pag-uulit niya. "Wala ka bang ibang gagawin kundi ang asarin ako? Bakit sa harapan ni Aisen ay hindi mo magawa?" "Masyado siyang perfect. Hindi niya mage-gets ang simpleng pang-aasar." "Ano? Simpleng pang-aasar ang tawag mo rito? Tumataas nga ang dugo ko sa 'yo!" "Ikaw kasi ay asar talo." "Aminado ako ro'n pero mas asar talo ka sa paningin ko dahil nakikita mo pa lang ang mukha ko ay naaasar ka na. Oh, 'di ba? Hindi pa ako nagsasalita n'yan." Kumunot ang noo niya. Nagulat na lang ako dahil may biglang humila sa akin kaya napayakap ako sa humila. "Everyone, listen! Enemies were attacking us!" Bumitaw ako sa pagkakayakap sa lalaki. Pagkatingin ko ay si Sarhan. Mayroon siyang dala na dalawang baril. "Itakas mo na 'yan si liit, Kuya. Ako na ang magwawakas sa buhay ng mga kalaban," Zerho said. "Okay!" Tumakbo si Sarhan habang hawak ang kamay ko. May mga lalaki na sumalubong sa amin na may mga baril kaya pumikit na lang ako. Siguro ay katapusan ko na. Pero nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko na lang na patay na ang mga lalaki. "Sarhan, bakit ang dali lang sa 'yo na pumatay?" "Pinanganak na akong ganito." Binaril niya ang ilan pang sumasalubong sa amin. Tumakbo kami nang tumakbo hanggang sa makarating kami sa isang puno. "S-sino ka ba talaga, Sarhan? At si Zerho? Bakit under kayo ni dad?" "We are the two mafia bosses from different groups. We are under the mafia organization of King Loffex Halinma." Hindi ako nakasagot. Ngayon ay alam ko na. Lumayo muna ako kay Sarhan. "Hindi ko akalain na ang respeto na gusto kong iparamdam sa akin ng mga tao ay mas ipinaramdam pa sa akin ng magkapatid na mafia bosses. Sa mundong ito, hindi ko akalain na mas poprotrektan pa ako ng mga criminal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD