Kabanata 8.

1105 Words
After 2 years. April 11 na ngayon. Tapos na ako sa aking master's degree. Sa katunayan, hindi naging madali dahil bago ko na-earn ang aking degree ay pinag-apply muna ako ni dad bilang isang instructor sa isang university rito. Ang dahilan niya ay para raw mayroon akong experience para mas hindi ako mahirapan na mag-take ng masteral ko. And after two years of my hard work hindi nasayang dahil marami akong natutunan. Ang totoo niyan ay mag-a-apply ulit ako sa university na nagturo ako. Ang saya! Dahil ang maging guro rin ang isa sa pangarap ko. Ako ay naka-formal suit at palda. Lumapit ang mga men in black sa akin kasama si Kuya at binati nila ako. Sumakay na ako sa kotse. "Madam, nakaka-proud ka po dahil natapos niyo na ang inyong pag-aaral at ngayon ay mag-a-apply na kayo para magkaroon ng trabaho." "Salamat, Kuya. Ang bilis nga lang ng panahon, dati ay nag-aaral ako habang nagpa-practice ng itinuro mo. Kuya, magaling na ako sa mga techniques!" "Ganyan nga, Madam. Para rin po sa 'yo 'yan. Pero huwag kayong mag-alala dahil nakaalalay naman kami sa 'yo." "Salamat ulit, Kuya." "Madam, wala pa bang nagpapatibok ng 'yong puso? Madam, sorry, kung tsismoso ako." "May mga nanliligaw sa akin dito, Kuya. Pero hindi ko naman sila gusto." "Sabagay, ang isang katulad mo po kasi ay hindi dapat na madaliin." ** Kaagad akong natanggap as instructor. Masayang-masaya ako dahil bukas ay maaari na akong makapagturo. Pumasok ako sa isang coffee shop. Magce-celebrate ako ng mag-isa. Nakakalungkot lang dahil sa loob ng dalawang taon ay hindi man lang ako nakatanggap ng kahit anong tawag at mensahe kay dad. Gano'n na ba talaga siya ka-busy? O kinalimutan na niya ako? Pero kahit ano pa man ang dahilan niya ay naiintindihan ko. Siguro ang nais niya lang ay tumayo ako sa sarili kong paa. Ngayon pala ay birthday ko. Magandang regalo para sa akin ang matanggap as instructor sa pangalawang pagkakataon. Nakita ko na may cake sa shop na 'to kaya kaagad akong nag-order. Sinindihan ko ang kandila sa ibabaw ng cake. "Happy birthday, self, twenty eight ka na!" "Happy birthday, beautiful!" bati ng isang matanda na foreigner. Ngumiti naman ako sa kanya ng malaki dahil hindi ko akalain na may babati sa akin kahit na hindi ko kakilala. "Thank you!" Inubos ko ang maliit na cake. Ang saya! Pero nakakalungkot dahil hindi pa rin ako ibinabati ni dad kahit noong isang taon. Tinanong ko si Kuya kung okay lang ba si dad o patay na, ang sabi niya ay busy lang daw talaga. Lumabas na ako sa shop. Naglakad-lakad ako para maramdaman ang sariwang hangin. "Stable ka na, self. Mayroon ka ng proper education at trabaho. At kapag nagkaroon ka ng sahod ay huwag ka ng umasa sa ibinibigay ng 'yong dad dahil kaya mo na ang sarili mo." "Are you the daughter of a wanted person named Loffex Halinma?" Nagulat ako sa nagtanong. Pagkaharap ko ay isang foreign police. "I don't know him, Sir. Wait, I saw you in the coffee shop. And you felt I was the daughter of a wanted person because of my last name on my nameplate, right? Please first conduct an investigation." Ay! Bakit ko sinabi na mag-conduct ng investigation? Baka sumunod ang police na 'to. Pero secured naman ang pagkatao ni dad at ng akin kaya hindi na ako mag-aalala. "Sorry, Ma'am." "Is he the most wanted man in the world?" "Yes, in fact, he is a multi-billionaire who is a combination of a professional and an organized criminal. I really hope, Ma'am, you are not involved with him. He is dangerous, as I more than know." Automatic na ganito ang maririnig ko sa mga police dahil mafia king ang dad ko. Gustuhin ko man na magsumbong, hindi ko kaya na talikuran ang aking ama na tunay na nagmahal sa akin. Tsaka naniniwala naman ako na mayroong right time para makulong si dad at ang mga mafia boss. Mabilis akong naglakad papunta sa sakayan ng taxi. Sinabihan ko si Kuya kanina na magko-commute na lang ako. Sa tabi ng sakayan ay may binibilhan ng mga pagkain, bibili ako para kay Kuya at sa mga kasama niya. Bigla kong naalala ang magkapatid na Capinthy, sigurado ako na si Zerho na makulit ay kasal na kay Aisen. At si Sarhan naman ay sana ay gano'n din. Sana ay magkita-kita pa rin kami para man lang ma-congratulate ko sila. Pumasok na ako sa loob ng taxi. Nandito na ako sa safe house. Bumungad sa akin sila kuya na may banner na hawak. Ang nakalagay ay 'happy birthday, Madam Luriana'. Masayang-masaya akong lumapit sa kanila at niyakap ko sila isa-isa. "Salamat po talaga! Grabe, may ganito pa kayo, ah!" "Syempre naman, Madam! Napakabuti mo po!" sagot ng isa ko pang tinatawag na Kuya. "Bolero ka, Kuya! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. By the way, tara po! Pagsaluhan natin ang binili ko." Pumasok ako sa loob. At sila naman ay kaagad na sumunod. Masaya kong hinain ang mga pagkain na binili ko. At sabay-sabay kaming kumain. Maaaring wala si dad at iba pang mga kakilala ko rito pero nandito sila Kuya kaya wala akong dahilan para malungkot. Natawa ako ng pumunta sa gitna sila Kuya sabay nagpatugtog sila. Sumayaw sila nang sumayaw kaya lalo akong natawa. "Tara rito, Ma'am! Sumayaw ka rin!" aya ni Kuya. "Ako pa ang hinamon mo, Kuya, ah? Baka hindi mo alam na magaling akong mag-twerk?!" natatawang tanong ko. "Naku, Madam! Kung hindi po kayo comfortable sa sayaw na 'yun na kasama kami ay huwag niyo na pong gawin." "Ano ka ba, Kuya! Twerking is an art tsaka masaya ako sa ginagawa ko. Alam ko naman na nirerespeto niyo ako. Pero sana, huwag natin isipin na kapag nag-tu-twerk ang babae ay bastos na. Tara, magsaya tayo!" Tumango lang sila at gumiling nang gumiling. Nang mag-twerk ako ay labis silang namangha at naramdaman ko na medyo nahiya sila. Si Kuya naman ay nag-try din na sabayan akong mag-twerk pero hindi niya kaya. Hanggang sa mas natuto pa si Kuya na isa kaya siya ngayon ang kasabay ko na nag-twerk. Wala kaming ibang ginawa kung hindi tumawa nang tumawa. "Madam, bukas daw ay mayroon tayong tatlong bisita!" sigaw ni Kuya dahil malakas ang tugtog. "Bukas?! Ngunit magsisimula na akong magturo bukas!" "Maaga raw sila, Madam! Surprise raw!" Sino naman kaya sila? Automatic na si dad 'yung isa. Sino kaya 'yung dalawa? Teka, baka nag-adopt ulit siya? Woah! Ang ibig sabihin ba nito ay may kapatid na ako? Pero sana ay tama talaga ako sa aking naisip na si dad ang isa sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD