Kabanata 7.

1101 Words
Nakasakay na ako sa eroplano. Ganito pala ang pakiramdam, masarap sumakay. Pero nasusuka ako, lalo na sa bus, my weakness. ** Nandito na ako sa ibang bansa. Ang ganda ng bansa na 'to. Pero hindi ako nag-iisa, may mga men in black pa rin sa likod ko. "Madam, sumakay na po tayo sa kotse, ihahatid ka na po namin sa safe house." Nag-bow lang ako at sumakay na sa sasakyan. Natatanaw ko ngayon ang magandang tanawin. Hindi ko akalain na sa ganitong lugar ako makakapag-aral dahil ito ay kilalang bansa. Makalipas ang isang oras ay nakarating na kami sa blue safe house. Pinagbuksan ako ni Kuya ng pinto. "Madam, d'yan ka po titira, kami naman po ay sa likod niyan. Mayroon pong small house ro'n para sa amin. Kailangan ka po kasi naming bantayan ayon sa utos ng king." "Wala pong problema. Ang laki nga po nito, ayaw niyo po ba na sa loob na lang kayo? Sigurado ako na maraming kwarto sa loob." "H-huwag na po, Madam, nakakahiya naman po. Tsaka bawat galaw po namin ay nakikita ng king kaya wala kaming karapatan na makisama sa inyo sa loob." "Sayang naman, pero huwag po kayong mag-alala, kapag may pagkain ako ay dadalhan ko kayo." "Madam, huwag na rin po dahil marami kaming pagkain po sa likod. Ang dapat niyo raw pong gawin ayon sa king ay magbasa na ngayon ng mga libro na kailangan niyo po para sa masteral niyo. Nasa kwarto niyo na po ang mga libro. At bukas daw po ay maaari ka ng pumasok." "Woah! Gano'n po ba? Salamat po." Nag-bow ako sa kanya at sa ilan pang mga men in black na dumating. Pagpasok ko sa loob ay para akong nasa palasyo. Pero nakakalungkot pa rin dahil mag-isa lang ako. Sana ay kasama ko si dad o kahit isang Ate man lang mula sa mansion. Umakyat ako sa mahabang hagdan. Pag-akyat ko ay nakita ko ang room na may pangalan ko. Pagbukas ko ay nakita ko ang room na may magandang study table, magandang kama, at maraming libro. Wala na akong ibang dahilan para hindi mag-aral ng mabuti. Para sa future ko 'to! Bigla kong naalala si Zerho, mabuti na lang dahil wala siya rito dahil baka hindi ako makapag-focus. Pero si Zerho 'yung tipo ng lalaki na hindi bastos kahit na pasmado ang bunganga. At masaya ako para sa kanya dahil ikakasal na siya. si Sarhan kaya? Sa tingin ko ay private ang relationship niya sa isang girl. Baka nga 'yung girl na 'yun ay 'yung nakita ko sa kotse niya. I'm happy for them. May kumatok sa pinto. Kaagad ko namang pinagbuksan. "Madam, bukas pa naman ang 'yong klase, gusto mo bang turuan ka namin ng self-defense?" "K-kuya... totoo ba? O utos ito ni dad?" "Hindi, Madam. Naisip ko kasi na gusto kong suklian ang 'yong kabutihan. Kaya sinabihan ko ang kapwa kong tauhan na turuan ka. Willing ka po ba?" "O-oo naman, Kuya! Gusto ko rin kasing protektahan ang sarili ko." Yumuko si Kuya. "Tama 'yan, Madam. Hindi mo pa kasi alam ang p'wedeng mangyari." Na-curious ako, "Kuya, parang may kahulugan ang sinabi mo. Alam ko naman na hindi ako safe, pero bakit parang may iba pa?" "Madam, mauuna na po ako sa baba. Sumunod na lang po kayo kung kayo ay handa na." Nag-bow siya. Gano'n din ang ginawa ko. Mabilis akong pumunta sa cr. Pagkatapos ko ay kaagad akong nagbihis. At bumaba na rin ako. Bumungad sa akin sila Kuya na nag-eensayo. "Madam! Sabayan mo kami sa pag-eensayo!" Lumapit siya sa akin pati na rin ang mga kasama niya. Pinapila niya ng maayos ang mga kasama niya pati na rin ako. "Madam, sumabay ka sa amin, madali lang naman po 'to at maganda sa katawan." "Oo nga, Kuya. Hindi ko na rin alam kung kailan ang huling exercise ko." Sumabay ako sa kanila. At sabay-sabay nga kaming nag-ensayo. Grabe, ang sarap sa pakiramdam. Pagkatapos namin ay humarap sa amin si Kuya habang kami ay nakapila. Mukha talaga siyang leader, ang angas niya pang tumindig at ang laki ng katawan. "Ngayon ay tuturuan natin si Madam Luriana ng self-defense! Handa na ba kayo, my men?!" Mabilis na sumigaw ng oo ang mga kasama niya. "Ikaw ba, Madam Luriana, handa ka na ba?!" "O-oo!" "Mas malakas pa, Madam!" "Oo!!" "Wala pa bang ilalakas 'yan, Madam?!" "Oo!!!" Tumango lang si Kuya. Grabe, ang intense! Nanginginig na ang katawan ko kahit na pinapasigaw pa lang ako. "Ang ituturo ko sa 'yo ay unarmed self-defense. Ang kahulugan, ang gagamitin mo ay ang parte ng 'yong katawan katulad ng 'yong paa, tuhod, kamay at iba pa. Permission po na lapitan kita at hawakan para mas maituro ko sa 'yo." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. At tumango sa permission na sinabi niya na lalapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Huminga raw muna ako ng malalim. Sinimulan na nga niya na ituro. No'ng una ay hindi ko ma-gets pero madali lang pala. Hanggang sa natutunan ko na rin. Pagkatapos ay nag-practice kami na siya ang attacker. Ang bilis ng kamay niya kaya nauunahan niya ako. Pero may time na nauuna ako. "Good job, Madam! Ang ituturo ko naman sa 'yo ay self-defense sa knife. Sa ngayon, ang gagamitin muna natin ay kahoy na ginawa as knife. Handa ka na ba, Madam? Huwag ka pong matakot dahil hindi kita sasaksakin. Pero dapat po ay mabilis ang iyong pandama." "Noted, Kuya!" Sinimulan na niya akong turuan. May limang techniques, medyo mahirap. Pero kakayanin ko. Nang ma-gets ko na ay kaagad kaming nag-practice, siya ulit ang attacker. Hanggang sa natapos na kami. Masayang-masaya ako. "Ang ituturo ko sa 'yo ngayon ay self-defense sa gun. Handa ka na ba, madam? Ang gagamitin natin ay laruan na baril." "Yes, Kuya!" Tumayo ako nang tuwid. Siya ay lumapit sa akin at tinuro ang five techniques. Kaagad ko namang nakuha kaya nag-practice na kami. At ang huli niyang tinuro ay self-defense for arnis at sa bote attack. "Sa ngayon ay ilan lamang 'yan, Madam. Pero sobrang importante ng mga 'yan sa 'yo dahil 'yan ang kadalanan na nangyayari sa pag-attack gamit ang mga armas na 'yun. Madam, pag-aralan niyo ng mabuti ang mga 'yan. Mayroon po ba kayong social media accounts? Ise-send ko po sa inyo ang mga video para kahit nasa kwarto kayo ay ma-practice niyo." "T-talaga, Kuya?! Grabe, salamat po!" Binigay ko kay Kuya ang cellphone ko, ipinakita ko ang aking isang account. At labis akong nagpasalamat sa kanya. ** Nakahiga na ako sa kama. Grabe, nakakapagod. Sa tingin ko ay hindi naman magiging boring ang stay ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD