Kabanata 9.

1574 Words
Maaga raw ang bisita sabi ni Kuya. Kaya maaga rin akong naligo at nagbihis. Ngayon ay nasa couch ako, umiinom ng kape. Hihintayin ko ang bisita bago ako pumasok sa school para magturo. Nagulat na lang ako dahil biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko si dad na may dala na baril. "D-dad!" Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya. Iniharap ko ang mukha ko sa kanya pero blangko lang ang expression niya. Ano ba ang nangyayari? "D-dad, na-miss po kita!" Hinawakan ko siya sa kamay. "Hindi ka man lang nagparamdam sa akin, dad!" Pero nagulat ako dahil mabilis niyang inalis ang kamay ko. At mas lalo akong nagulat dahil ang mga tauhan ni dad ay may itinulak sa tapat ko na dalawang lalaki. Tiningnan ko silang mabuti, duguan sila. "T-teka, Zerho? Sarhan?! Ano ang ginagawa niyo rito? Dad! Ano ba ang nangyayari? Sabihin mo naman sa akin!" "Umupo ka sa upuan, Luriana," seryosong utos niya. "P-pero! P'wede niyo po bang ibaba ang baril niyo pati na rin ang mga baril ng mga tauhan niyo? Natatakot na po kasi ako! Tsaka, dad, birthday ko kahapon." "Ang sabi ko ay umupo ka!" "D-dad... prank po ba 'to?! Surprise ba 'to, dad?!" Hindi sumagot si dad. Tumingin ako kay Zerho, kakaibang lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. Ano ba talaga ang nangyayari?! Si Sarhan naman ay malungkot din ang mga mata pero mukhang ayaw niyang ipakita dahil blangko pa rin ang expression niya kahit duguan. "Ayaw pong umupo ng anak niyo, King," sabat ng tauhan. "Buhatin mo siya at ihagis sa couch." "Pero-" hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla akong binuhat ng lalaki sabay inihagis niya ako sa couch. "Ano ba talaga ang nangyayari, dad?! Ano 'to? Hindi na po kayo nakakatuwa! Akala ko ba ay mahal niyo ako? Bakit niyo ito ginagawa sa akin?" "Luriana! Ano ang karapatan mo para sigawan ako?!" "H-hindi na ikaw ang nakilala kong Loffex Halinma!" "Wala akong pakialam, anak." Lumingon siya sa dalawang magkapatid. "Zerho at Sarhan, umupo rin kayo sa tabi ng anak ko!" Sumunod ang dalawang magkapatid. Nanginginig na ako sa takot. Umupo si dad sa isang couch. Mayroon namang envelope na ibinigay ang isa niyang tauhan. Ano kaya 'yun? "Handa na ba kayong tatlo sa contract?" nakangisi na tanong ni dad. "A-anong contract, dad?" naguguluhan na tanong ko. Nang tingnan ko ang magkapatid ay nakayuko lang sila. Teka, alam ba nila ang tungkol sa contract?! Sumandal si dad sa couch. Hinimas niya ang baril niya sabay tumitig isa-isa sa aming tatlo. "Fraternal polyandry marriage," matipid na sabi niya. "King!" mariin na sigaw ni Zerho. Pero hindi siya pinansin ni dad. "A-ano po ang sinasabi niyo, dad? Ano po ang kahulugan ng fraternal polyandry? Ipapakasal niyo po ba ako sa isa sa magkapatid?" "Oo, pero hindi lang sa isa kundi silang dalawang magkapatid mismo." "A-ano, d-dad?" nanginginig na tanong ko. Tumingin ako kay Sarhan, bigla niyang sinuntok ang pader. At si Zerho naman ay nakita ko na tumulo ang luha. Tumayo ako. Tinitigan ko ng mabuti si dad, simula ulo hanggang paa. Nanginginig akong lumuhod sa kanya. "A-ano b-bang n-naisip n-niyo, d-dad?! B-bakit n-niyo n-naman a-ako i-ipapakasal s-sa d-dalawang m-magkapatid? Nirerespeto ko po ang gano'ng klase ng marriage pero sorry po! Hindi po 'yun ang pinangarap ko! Tsaka, gusto rin ba ng dalawa?! Ano bang mabigat na dahilan d-dad?!" "Mayroong mabigat na kasalanan ang magkapatid sa akin, Luriana. Kaya naman ang aking mabigat na parusa sa kanila ay ang magshe-share sila sa iisang babae. At ikaw 'yun." "A-ano?! So... ginamit mo lang ako? Para sa paghihiganti mo, dad?! Gano'n ka na ba talaga kasama? Pero, dad! Ang buong akala ko ay minahal mo ako, ang buong akala mo ay tanggap mo ako kahit na sino pa ako, ang buong akala ko ay hindi ka katulad ng mga magulang ko at ang mga tao na bumastos sa akin! Pero ano ang ginawa niyo?! Ginamit mo lang pala ako sa paghihiganti mo sa dalawa! Alam mo, dad, sana ay hindi mo na lang kinuha ang loob ko. Alam mo kung bakit?! Kasi masakit para sa akin na hindi pala totoo ang ipinaramdam niyong pagmamahal! Maaari niyo namang sabihin una pa lang na ipapakasal mo ako sa dalawa! Siguro ay 'yun pa ay matatanggap ko dahil hindi ako mag-e-expect ng pagmamahal sa 'yo. Pero ano ang ginawa mo?! Winasak mo ang puso ko! Wala kang kwenta!" Tumayo si dad sabay sinampal ako ng malakas. Humarap ako sa kanya na hindi man lang umiiyak. Oo, maaaring nasaktan niya ako, pero simula noong nawala ang mga magulang ko ay hindi na ako umiyak. Bakit? Kasi gano'n kasakit ang ginawa nila sa akin. At katumbas na rin ng ginawa sa akin ni Loffex. "Huwag kang madrama! Ibinigay ko ang lahat sa 'yo!" "Oo nga, pero sana noong una pa lang ay sinabi mo na! Bakit? Kasalanan ko ba ang kasalanan ng dalawa? Ah, oo nga pala! Ginamit mo nga pala ako! Akala ko ay iba ka! Akala ko ay criminal ka with a heart pero bato pala ang puso mo, Loffex!" Umupo ulit si Loffex sa couch. Like parang wala siyang narinig. Binuksan niya ang envelope. Ang isa naman niyang tauhan ay inabutan siya ng tatlong ballpen. Ibinato ni dad ang isa sa akin at ibinato niya rin sa magkapatid ang dalawang ballpen. "Pirmahan niyo ang contract for arranged marriage ninyong tatlo. Or else, sasabog ang mga ulo niyo gamit ang baril ko." Hindi nag-isip ng marami ang magkapatid. Kaagad nilang pinirmahan ang papel. Pero sila ay nanginginig nu'ng pumirma. Alam ko na mabigat ito para sa kanila pero kasalan nila 'to sa king na kailangan nilang pagbayaran. Nakakaawa lang ako dahil wala naman talaga akong alam. Tumakbo ako pero kaagad akong hinarang ng dalawang men in black. Nakita ko sa pinto si Kuya. "Kuya, tulungan mo ako!" "M-madam, alam niyo naman na tauhan lang ako 'di ba? Paumanhin, Madam." Yumuko siya. Bigla akong hinila ng dalawang tauhan. Pinaluhod nila ako at tinutukan ako ng baril. "Luriana, my princess, pumayag ka na," mariin na sabi ni dad. "Huwag mo akong tawagin na my princess! Ano bang klaseng parusa 'to?! Mas gugustuhin ko na lang na mamatay!" Tumayo ako at itinulak ko ang mga men in black. Pero biglang tumayo si dad sabay sinapak ako sa mukha. "Tama na 'yan! King, hayaan niyong kausapin ko si Luriana," sabat ni Sarhan. Hindi sumagot si dad. Lumapit sa akin si Sarhan at inalalayan niya ako para makatayo. "I know it's hard for you. And I understand you, Luriana. However, we have no choice to disagree because our life is an exchange. Luriana, I'm so sorry because our sin was also carried by you. I truly felt sorry, but our sin was an accident. Loffex is simply a bad person who believes that this type of punishment is appropriate. However, we respect this kind of marriage. I'm not here to persuade you, but we need to be alive. Trust me, the power of evil will not remain in this world." Humarap ako sa kanya at humikbi. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinimas niya ang likod ko. "H-hindi ko na alam ang gagawin ko, Sarhan. Okay lang naman sa akin ang ganito pero na-scam kasi ako ng taong akala ko ay mahal ako. Scam si Loffex, Sarhan. Scammer siya." Mas lalong humigpit ang yakap niya. Nang tingnan ko si Zerho ay may tumulong luha sa mga mata niya habang hawak ang isang singsing. Nakakaawa kaming tatlo dahil hindi kami handa sa ganito. "Tama na 'yang drama niyo! Pirmahan niyo na ang kontrata! Dahil bukas na rin ang kasal niyo!" Loffex shouted. "Pero, dad! Mayroon na po akong trabaho rito at sa katunayan ay may pasok ako. Sure ka na ba talaga na ang kapalit sa lahat ng tulong mo sa akin ay ganito?" "Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo, Luriana. Ang mahalaga ay ang mga pirma niyo!" Itinutok niya ang baril sa akin pati na rin sa dalawang magkapatid. Lumuhod ako sa harapan ng table. At nanginginig kong kinuha ang ballpen. Ang unang pumirma ay si Sarhan, ang pangalawa at si Zerho, at ako ang p-pangatlo. Pumalakpak si dad. "Ang ganda ng revenge ko! Nagkatotoo rin! Tsaka kaya kita pinag-aral dito Luriana ay dahil sa dito kayo ikakasal dahil legal dito ang ganoong klase ng kasal." Hindi ko akalain na plano na niya pala talaga ito... matagal na. Biglang nag-walk out si Zerho. Ako naman ay tumakbo nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa likod ng safe house. Umupo ako sa tabi ng puno at niyakap ko ang aking sarili. Noong sabay na nagpakamatay ang selfish kong magulang na hindi man lang ako inisip ay sinabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak kahit na kailan. Kailangan kong tiisin ang aking luha. Pero ngayon? Ang puso ko ay umiiyak na. Unti-unti nang nahahati ang puso ko. Akala ko kasi ay may magmamahal na sa akin na isang ama. Pero nagkakamali lang pala ako. Mali ako sa sinabi ko noon na gusto kong maging ama si Loffex sa susunod kong buhay. At mas mali dahil minahal ko siya ng totoo. Paano ako magmamahal muli? Kung ang isang taong minahal ko ay sinira ang nabuo kong tiwala at pagmamahal? Akala ba ni Loffex ay madali lang na makisama sa dalawang tao na hindi ko naman mahal? At ano nga ba ang kasalanan nila Zerho at Sarhan kay Loffex?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD