Kabanata 6.

2062 Words
Makalipas ang sampung buwan. Ilang buwan ko ng hindi nakikita ang magkapatid na sina Zerho at Sarhan. Sa aking palagay ay busy sila. At naiintindihan ko rin dahil sila ay mafia bosses. Ngayon ay graduation ko na sa college. At hinihintay ko na lang na tawagin ang pangalan ko para makaakyat sa stage. Tumingin ako kay daddy na katabi ko. Ang guwapo niya ngayon, mukhang siya'y masaya, at proud na proud sa akin. "Saan mo gustong kumain pagkatapos nito, anak?" "Sa bahay na lang po, dad. Huwag na po kayong gumastos para sa akin, please?" natatawang pakiusap ko. "Anak kita, dapat lang na gawin ko sa 'yo 'to." "S-sana pala ay matagal na kitang nakilala, dad. At kung muli akong mabubuhay ay sana ay ikaw ang maging ama ko hindi dahil sa mayaman ka kundi dahil sa mahal mo ako. Alam mo, dad, hindi ko naman kailangan ng mayaman na parents. Ang kailangan ko ay support, attention, at pagmamahal kahit na mahirap ang buhay. Tsaka 'yung tipong simula bata pa lang ako ay naturuan na ako ng maayos na asal na kahit na hindi ko makuha ang lahat dito sa mundo, ang mahalaga na ituturo nila sa akin ay ang maging mabuting tao." "Talaga? Kung ako naman ang mabubuhay muli ay ayaw kong maging anak ka dahil sigurado ako na criminal pa rin ako." "Huwag mo pong sabihin 'yan. Oo, criminal kayo pero ipinaramdam niyo po sa akin ang tunay na pagmamahal ng isang ama na hindi ginawa ng aking ama." Tumango lang si dad. "Narlinba, Luriana!" tawag ng emcee. Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa stage. Pag-akyat ko ay nakipag-shake hands ako sa mga tao ro'n at kinuha ko ang aking diploma. Mayroon akong latin honor, c*m laude. ** Nandito na kami sa mansion. At kaharap ko si dad sa mahabang table. "Tomorrow you have a flight to another country. Since you finished college, you need to get a master's degree. Do you agree, my princess?" "Yes, dad. Pero naisip ko po na mas lalong malaki ang gagastusin niyo sa akin. P'wede naman po akong magtrabaho." "I have a better plan for you. That's why I want you to travel to another country. Unless you want to work in my mafia organization, so choose to get a master's degree." Tumango lang ako at ngumiti kay dad. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba na mag-aral sa ibang bansa at pakisamahan ang mga tao roon. Pero alam ko na hindi ako papabayaan ni dad. Bukas ay panibagong araw na naman para sa akin. At alam ko na mas kakayanin ko pa. Pagkatapos naming kumain ni dad ay nagpaalam ako sa kanya na lalabas ako dahil mayroon lang akong pupuntahan. Kaagad akong umakyat sa taas at nagpalit ng suot. Lumabas na ako. Nagulat ako dahil nakita ko si dad sa baba katabi ang isang red car. "This red car is my gift to you, my princess. Nagustuhan mo ba? Halika, bumaba ka para mas makita mo. At sabi mo rin ay may pupuntahan ka kaya ito na lang ang gamitin mo." Mabilis akong bumaba. Dahan-dahan kong hinawakan ang kotse, grabe ang ganda! "D-dad, okay na ako sa pinakain mo na masasarap. Bakit naman may ganito pa?" "Anak, hanggang kailan ka ba magrereklamo sa mga binibigay ko?" "S-salamat, d-dad! Pero hindi po ako marunong mag-drive." "'Yan ang gusto kong marinig, my Luriana! Huwag kang mag-alala, may magda-drive para sa 'yo." Niyakap namin ang isat-isa. And he kissed my cheeks. "Dad, magpapaalam na ako sa 'yo." Binuksan ko ang pinto. "Mag-iingat ka, okay? Ayaw kong mapahamak ka." "Ikaw rin po, dad lalo sa inyong trabaho. Goodbye po!" Tumango lang siya. Masaya akong pumasok sa loob. "Kuya, sa sementeryo po tayo." "Masusunod, Madam." Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na kami sa sementeryo. Sakto dahil mayroong nagtitinda sa gilid ng mga bulaklak at mga kandila kaya bumili na ako. Ang totoo niyan ay ang pera ko ngayon ay halos nasa isang milyon dahil sa ipon ko sa ibinibigay ni dad. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa puntod ng dalawang tao na iniwan ako ng mabilis. Ang nagpalibing sa kanila rito ay ang ninong ko na kapitan kaya nandito sila sa exclusive cemetery. Nakarating na ako sa dalawang puntod. Ibinaba ko ang dalawang bulaklak na hawak ko at sinindihan ko rin ang dalawang kandila. "Kumusta kayo? Mahirap pa rin sa isip ko na patawarin kayo pero sa puso ko ay matagal ko na kayong pinatawad, Mama at Papa. Masakit sa akin na nawala kayo noong bata pa lang ako dahil sa sabay kayong nagpakamatay dahil sa mahal niyo ang isat-isa sa hirap man o sa kamatayan. Pero bakit hindi niyo ako inisip?" "Nandito ako ngayon dahil may isang mafia king na criminal ang umampon sa akin. Huwag kayong mag-alala, kahit na criminal siya ay mabait siya sa akin at inaalagaan naman niya ako. At bukas nga pala ay aalis na ako sa bansa natin. Nais kong sabihin sa inyo na kahit hindi ko pa kayo pinapatawad sa isip ko ay mami-miss ko pa rin kayo." Lumingon ako sa kanan. Nakita ko ang magkapatid na sina Zerho at Sarhan na nakaupo sa tabi ng isang puntod. Sino kaya ang dinalaw nila? Siguro ay malapit na tao sa kanila. Nakakahiya naman kung iistorbuhin ko sila. Lilingon na sana ako sa puntod ng aking mga magulang pero bigla kong nakita na may lumapit na mga men in black sa kanila na may mga dala na baril. Masyado silang marami, hindi ko mabilang. Samantalang ang magkapatid ay dalawa lang. Sana naman ay hindi nila kalaban. Nakita ko na tumayo ang magkapatid. Humarap sila sa mga men in black. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila pero magmumukha akong chismosa. Ang tanging hiling ko ay sana ay hindi sila mapahamak. Biglang tinulak ng lalaki si Zerho. Pero si Zerho ay kaagad na sinuntok ang isang lalaki na mukhang leader nila dahil nang susugod na ang ibang lalaki ay pinigilan ng leader. Ngayon ay nagsusuntukan na si Zerho at ang lalaki. Ibinalibag ng lalaki si Zerho, nagulat ako dahil hindi siya bumangon kaagad. Ano ba ang nangyayari?! Pero bigla siyang tinulungan ni Sarhan, si Sarhan naman ang bumalibag sa lalaki. Kahit na ibinalibag ni Sarhan ang leader ay marami pa ang nakaabang sa kanila. Pero bakit parang hindi sila pursigido na lumaban? May mali. Tumayo ang leader sabay sinuntok nang sinuntok sa tyan si Sarhan pero nananatili pa rin na nakatayo si Sarhan. Mayroon siyang baril, pero bakit ayaw niyang gamitin?! Gusto ba talaga nila na magpabugbog? Kung naririnig ko lang sana ang dahilan nila ay maiintindihan ko pero masyado akong malayo. Bigla kasing may parang sinabi ang leader kaya sila tumahimik na magkapatid. Teka, mayroon ba silang nagawan ng mali pero inosente? Sana naman ay wala. Sumugod sa kanila ang mga lalaki. Itinali ang magkapatid sabay binugbog nila nang binugbog. Panahon na para ako ay kumilos. Mayroon kasing mali, kilala ko ang magkapatid na 'yan, masyado silang matapang para lang bugbugin. Tumakbo ako papalapit sa kanila. "Ano bang ginagawa niyo sa dalawa?!" Tumingin sa akin si Sarhan, "Okay lang kami, Luriana. Mayroon lang kaming kasalanan na kailangan naming pagbayaran. Hindi lahat ng matapang ay palaging matapang at kailangang lumaban lalo na kung may kasalanan. Pumikit ka na lang para hindi mo kami makita na nasasaktan." "Kulit, sundin mo na lang ang sinabi ni Kuya. At huwag mo nang alamin pa ang dahilan dahil maiintindihan mo nga pero hindi pa sa ngayon." Tumango lang ako sa sinabi nila. Bigla silang sinugod ng mga lalaki, kitang-kita ko kung paano sila bugbugin at kung paano tumalsik ang kanilang dugo. "Huwag kang makulit, pumikit ka!" sigaw ni Zerho sa akin. Kaagad naman akong sumunod. Ngayon ay ang nakikita ko na lang ay itim ngunit naririnig ko ang sigaw ng magkapatid. Nakakainis! Bakit wala akong magawa? Anak ako ng mafia king 'di ba? Pero ano nga ba ang magagawa ko kung ang sabi nila ay kasalanan naman nila? Ang misteryoso ng magkapatid. At ng work ng mga mafia. Hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko kahit kalahating oras na. Ang nakapagtataka, bakit hindi ako sinasaktan ng mga lalaki? "Imulat muna ang mga mata mo," Boses 'yun ni Sarhan. Sumunod ako, labis akong naawa sa nakita ko. Nakakaawa silang dalawa dahil duguan sila. Hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan kaya pumagitna na lang ako. "H-hihingi lang ako ng tulong." Tumayo ako pero hinawakan ako sa kamay ni Zerho. "Huwag na, kaya naman naming maglakad. Mafia boss kami, at kahit na barilin pa kami ng ilang beses ay kaya pa rin naming maglakad." "Aba! Hoy, kitikiti! Hanggang dito ba naman ay mayabang ka pa rin? Tingnan mo nga ang itsura niyo!" "Luriana, tanggap namin ang nangyari sa amin. Halika na, kung aalis ka na ay sumabay ka na sa amin," Sarhan said. Napatulala na lang ako nang sabay silang maglakad na para bang walang nangyari. Grabe, ang angas. Pero nakakaawa pa rin sila. Hindi ko akalain na ang mga katulad nila na masasama na tao ay sumusuko rin. Sumunod na lang ako sa kanila. Tahimik lang ako habang sumusunod, pero ang totoo ay gusto ko na silang pagalitan pero wala naman akong alam kaya mananahimik na lang ako. Tumigil si Sarhan sa paglalakad. Tumingin siya sa akin. "Mayroon ka namang kasama na tauhan ng 'yong dad, 'di ba? Mauuna na kami ng kapatid ko." "Oo, pero ayaw mo bang gamutin ko muna ang mga sugat niyo?" "Kahit na gamutin mo pa o kahit sino pang mga doctor ang sugat namin ay hindi pa rin mawawala ang masakit na dahilan kung bakit namin hinayaan na mabugbog. Huwag kang mag-alala, hindi naman kami ganito sa ibang kalaban." Hindi ako nag-isip ng dalawang beses, kaagad ko siyang niyakap. "Sarhan, siguraduhin mo lang na ngayon ka na lang masasaktan. Alam mo, mabuti na lang dahil nakita kita. Ang totoo niyan ay bukas ay aalis na ako papuntang ibang bansa. Salamat dahil naging mabuti ka sa akin." "Ano ang gagawin mo ro'n?" "Mag-aaral ako ng master's degree. Sabi kasi ni dad ay mayroon siyang magandang plano sa akin. Ang naisip ko ay ayaw niya akong maging criminal na katulad niya kaya kaagad akong pumayag." "Mag-iingat ka ro'n, Luriana. Hanggang sa muli." Nag-bow siya sa akin at biglang tumalikod sabay naglakad. Teka, gano'n lang 'yun? Sabagay, ano pa ba ang dapat kong i-expect? Si Zerho naman ay tumakbo papalapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. Ang tangkad ng lalaking 'to at mabango. "Aalis ka na pala bukas?" he seriously asked. "Oo, bakit? Masaya ka na ba?" "Hindi 'no. Ang totoo niyan ay masayang-masaya ako." Hinimas niya ang ulo ko. Tumingala ako dahil matangkad siya. "Mas masayang-masaya ako dahil hindi na kita makikita!" "Ang hard mo naman sa sarili mo, samantalang gustong-gusto mo akong makita." "'Yang mukha mo? No way! Asa ka." "Pero aaminin ko na mami-miss kita." "Sinungaling ka." Tumawa siya, "Mami-miss kitang asarin!" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. Naglakad ako papalapit kay Sarhan. Nang titigan ko siya ay masyado siyang seryoso. "Okay ka lang ba talaga, Sarhan?" "Oo naman, ikaw ba?" "Ang totoo niyan ay kinakabahan ako para bukas." "Huwag kang kabahan, pero normal naman 'yan na maramdaman kaya hayaan mo lang. Isipin mo na lang na hindi ka magiging katulad namin." "Pero kahit naman mga criminal kayo ay mabuti kayo sa akin." "Sinasabi ko lang ang reyalidad, Luriana." Tumango lang ako. Pero palihim ko siyang tinitigan, ang angas niyang maglakad. Nakapamulsa pa siya kahit na tumutulo na ang dugo niya. Ang strong mo sa paningin ko, Sarhan. Lumapit sa amin si Zerho. "Luriana, sayang naman dahil hindi ka makakapunta sa kasal ko. Sa kasal namin ni Aisen, sana ay makikita mo ang guwapo kong mukha!" "Oo nga, sayang." "Bakit parang malungkot ka?" "Alangan namang tumawa ako kung nanghihinayang ako?" "Huwag na pala, baka ikaw pa ang sumigaw na itigil ang kasal namin. Naku!" "Aba! Nakakainis ka, Zerho!" "'Yan, mainis ka pa. Bago ka man umalis ay may babaunin kang inis sa akin." Naglakad ako papalayo sa kanilang dalawa. Maha-highblood lang ako. Sabi nila ay okay naman sila kaya uuwi na ako. Pero sana ay hinayaan man lang ako ni Sarhan na gamutin siya at ang kapatid niyang kitikiti. Siguro ay ayaw niya lang na maawa ako ng sobra. Pero ano pa nga ba ang nararamdaman ko ngayon? Awang-awa na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD