Ilang minuto pang napatulala sa kanya si Dameil, hindi niya alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Kahit na gusto na siya nitong lapitan at komprontahin ng kanyang nararamdaman ay hindi niya magawa. Hindi niya pa rin mahulaan kung bakit nagsusuka ito gayong mahangin naman kung ang idadahilan nito sa kanya ay nang dahil sa nahihilo siya sa ginawang pagsakay sa motor at hindi siya doon sanay na sumakay. Walang pag-aalinlangan na pinatay niya ang makina ng motorsiklong sinasakyan nila at walang imik na bumaba siya doon upang tulungan si Grezia na halatang sumisidhi pa ang pagkahilo nang dahil sa pulang-pula na ang mukha nito at ang pumupungay nitong mga mata sa mga oras na iyon. Nanlalagkit na rin siya sa kanyang tumatagaktak na pawis na pababa sa kanyang leeg galing ng mukha, pilit niyang t