Chapter 24

3048 Words

Matapos na maubos ang isang baso ng juice na dinala sa kanya ni Dameil ay nagpalit na ng damit niya si Grezia. At pagkatapos noon ay saglit siyang nahiga sa kama upang ilapat lamang ang kanyang patang likod doon ng ilang minuto na kagaya ng kanyang plano bago lumabas at makisalamuha sa mag-Lolo.  Nais niyang makipagkuwentuhan pa sa kanila, nais niyang malaman pa ang tungkol sa mga buhay-buhay nila sa Isla. Iniwan na rin naman siya doon ni Dameil matapos na ibigay ang pakay nitong baso ng juice, na pangiti-ngiti nang lumabas ng nasabing silid na nakapamulsa. Para bang may maganda siyang nagawa ngayon na hindi niya malilimutan buong buhay niya. Hindi pa rin maintindihan ng binata ang dahilan kung bakit ba gustong sumama ng dalaga sa kanya mamaya kina Aling Susan, gayong alam naman nitong mal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD