Nagising si Grezia na wala ng katabi sa ibabaw ng kama. Ilang beses niya pang ikinurap-kurap ang kanyang mga mata nang matanaw ang nakakasilaw na liwanag sa bintana ng silid. Bukas na iyon at bagama’t walang sinag ng araw na matatanaw ay alam niyang iyon ay tanghali na. Napatunayan niya ang kanyang hinuha ng makita ang oras sa cellphone. Alas-nuwebe na ang oras na nakalagay doon. Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga, kaagad na rumihistro ang labis na pagkakahiya sa kanyang katawan ng mga oras na iyon. “Grezia, nakakahiya ka talaga!” bulalas niyang bahagyang pinalo pa ng palad ang ulo, “Late ka ng gumising, ano bang pumasok sa kokote mo at late ka na ‘ring natulog ha?” “Ang aga mo kayang natulog, ang sabihin mo late ka lang talagang nagigising.” sabat ni Dameil na lumabas ng banyo