Chapter 5

2487 Words
Ilang sandaling natahimik si Dameil, hindi niya pa rin alam ang iisipin ng mga sandaling iyon. Kung anu-ano na ang mga pangit na pangyayari ang naglalaro sa kanyang isipan. Hanggang sa tuluyang namatay na ang tawag ni Hughes sa kanya pagkatapos na may tumawag dito na isa sa mga kaibigan ni Giordano upang may sabihin buhat sa rescuer.   “Giordano...” mahina niyang bulong na muling idina-dial ang numero ng kausap na piloto, hindi niya magawang kumalma kahit pa sinabi ng kapatid nitong hindi niya naman iyon kargo ng kanyang konsensiya. Ag tanging nais niya ng mga sandaling iyon ay ang makita na ito at malamang ligtas na ito sa kung anong kapahamakan ng sandaling iyon. “Magpakita ka na, huwag mo na kaming pag-alalahanin pa nang sobra-sobra.” bulong pa ni Dameil na muling inilagay ang teleponong hawak sa kanyang isang tainga.   Hindi naman na mailarawan ang inis na lalong bumabalot sa mga mata ni Grezia, habang nakatitig ito sa likuran ng lalaking halatang hindi pa rin tapos sa pakikipag-usap nito dito. Halos matuyo na rin ang basa niyang damit sa kanyang katawan habang hinihintay itong matapos doon. Nakailang sulyap na rin ang kanyang mga mata sa matandang nasa may counter na ilang beses na ‘ring tumingin at sumulyap sa kanya at kapagdaka naman ay sa lalakeng gumagamit ng telepono doon kanina pa. Hindi man nito isatinig ay puno iyon ng pag-aalala na nababasa ni Grezia habang panaka-naka ang pagsulyap sa banda niya.   “Excuse me, pwedeng ako naman ang gumamit ng telepono?” mahinang tanong niya na halatang hindi narinig ng lalake, ilang beses na niyang sinubukang tusukin ng daliri niya ang likuran nito ngunit mabuti na lamang at nakakapagtimpi pa siyang gawin na iyon. “Baka naman...pwedeng ako naman...” muling ulit ni Grezia na halatang inis na inis na.   Hindi natinag si Dameil na halatang hindi iyon narinig. Patuloy pa rin ito sa pag-dial niya ng numero ng kanyang piloto na kanina pa niya kausap. Ni hindi man lang lumingon dito.   “Excuse me...” muling pagkuha ni Grezia ng atensyon ni Dameil na nasa kausap pa rin.   Muling nagpatuloy ang mahinang pagpapailanlang ng tugtugin at ang pag-iinuman ng mga lalakeng naroroon. Hindi na nila pinagtuonan ng pansin pa ang dauyhang babae. Marahas na hinaplos ni Grezia ang kanyang dalawang braso na ginagapangan na ng lamig nang dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin mula sa labas na animo’y galing fridge. Lalo pang lumakas ang ulan, kasabay ng daluyong ng mga alon kung kaya naman ang klima sa buong lugar ay mas lumamig pa. Lalo na at nakabukas pa ang pintuan nito.   “M-Mister?” hindi na napigilan ni Grezia na bahagyang tusukin ng kanyang hintuturo ang ibabang likod ng lalaki na may suot na kulay itim na t-shirt, saglit itong natigilan sa kanyang sinasabi nang dahil sa ginawa niya ngunit hindi man lang siya nito nilingon upang bigyan na nang pansin. Nagpatuloy lang siya sa kanyang sinasabi sa kausap.   “Oh, wala pa ‘ring balita ngayon?” naulinigan ni Grezia na tanong nito sa kausap niya.   Awtomatikong umawang ang bibig ni Grezia sabay ikot ng kanyang mga mata nang dahil sa matabang na reaksyon nitong ibinigay sa kanya. Ni hindi siya nito nilingon man lang.   “Mister, excuse me!” may diin na sa kanyang tinig ng mga sandaling iyon ngayon, “Baka pwedeng ako naman ang pagamit ng telepono, baka naman pu-pwede!” tunog asar ito.   Hindi pa rin siya pinansin ni Dameil kahit na narinig na niya ang kanyang mga sinabi. At tuloy pa rin siya sa pakikipag-usap sa piloto niya kahit na paulit-ulit na lang naman iyon.   “Kailan ka ba matatapos diyan?” pikon ng tanong ni Grezia sa lalakeng hindi pa rin siya binibigyan ng pansin, humalukipkip na siya doon upang yakapin na ang kanyang sarili. “Kanina pa ako naghihintay na matapos ka, halos mag-iisang oras na akong nakapila!”   Pigtas ang pasensiya na nilingon siya ni Dameil. Saglit na natigilan ang seryosong binata nang makita niya kung ano ang ayos ng babaeng kanyang kaharap. Mabilis na dumapo ang kanyang mga mata sa maleta nitong katabi, sa damit at buhok nitong basang-basa. Naglakbay pa ang kanyang mga mata sa mukha nitong maliit ang hugis at napakaganda. Sa ginawa niyang ilang minutong pagtitig dito ay naramdaman niya ang kakaiba nang kalabog ng kanyang dibdib. Para sa kanya ay napaka-inosente ng mukha nitong seryoso at parang kailangang-kailangan ng tulong. Halata ang pagod din sa kanyang mga mata.   “Pwedeng ako naman ang gumamit ng telepono?” muling tanong ni Grezia nang makita ang mukha nitong bahagyang natitigilan na sa kanyang hitsura, itinuro niya pa ang hawak nitong telepono ng kaliwang kamay. Nais niya na itong tarayan at pagtaasan ng kanyang kilay, ngunit hindi niya ginawa. “Makikitawag lamang ako ng ilang minuto.”   Hindi pinansin ni Dameil ang kanyang mga sinabi, sa mga sandaling iyon ay hindi niya na maintindihan pa ang kabog ng kanyang dibdib habang nakatingin sa mukha ni Grezia na bagama’t namumula ay punong-puno ng emosyong nag-aalala ang mga mata. May halo rin iyong emosyon ng pagiging sarkastiko niya. Maliit na tumikwas ang gilid ng kanyang labi, hindi maitatanggi ang paghangang nakalarawan na sa kanyang mga mata ngayon. Para sa kanya ay normal lang ang mukha nito, ngunit mayroon doong kakaiba pa na siyang patuloy na nagpapakabog ng kanyang dibdib. Wala sa sarili niyang dinilaan ang ibabang bahagi ng kanyang labi, marahan niya iyong kinagat-kagat pa habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa mukha ni Grezia na bahagyang pinagpapawisan ng malapot.   “Makikitawag ako saglit lang,” muling sambit ni Grezia na sinalubong ang makahulugang mga titig ni Dameil sa kanya, hindi niya mapigilang humawak sa kanyang beywang. Kanina pa siya doon naghihintay at ngayong naagaw na niya ang atensyon nito ay tila ba wala naman itong pakialam sa mga sinasabi niya. Panay pa ang hello ng kausap nito sa kabilang linya hanggang sa tuluyan na iyong namatay at nawala. “Kanina pa ako naghihintay sa’yo na matapos ka diyan, baka pwedeng ako naman ang gumamit niyan.” tunog sarkastiko iyon na pagak ng ikinatawa ni Dameil habang nakatingin pa sa kanya.   Kunot-noo siyang tinitigan ni Grezia nang hindi ni Dameil i-abot sa kanya ang telepono.   “Pwedeng ako naman?” muling tanong niya na inilahad kay Dameil ang kanyang palad.   Sa halip na ibigay ang telepono sa kanya ay tinalikuran na siya ni Dameil upang itago ang ibang hatid ng presensiya ng babae ngayon sa kanyang mukha. Hindi niya mapigilan na mas kabahan pa nang dahil sa lapit ng babaeng alam niyang una pa lamang ay masungit.   “Mister?!” gigil nang tusok ni Grezia sa kanyang likuran, “Ako naman ang gagamit!”   Awtomatikong ngumisi si Dameil nang maramdaman ang labis na pagkairita ni Grezia sa tinig niya. Wala sa sarili niyang idi-nial na naman ang numero ng kanyang piloto kanina.   “Mister?” muling ulit ni Grezia na tawag sa kanya, “Mister?”   Lalo pang lumapad ang ngisi ni Dameil na ikinailing na rin ng kanyang Lolo nang makita kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na iyon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nais niyang asarin pa ang babae. Gusto lang talaga niyang buwisitin ang babae ngayon.   “Ayaw mo akong pahiramin?” may pagbabanta sa tinig ni Grezia na hindi pinansin ni Dameil, “Saglit lang naman akong hihiram, mayroon lang akong tatawagan na saglit.”   Hindi pa rin siya pinansin ni Dameil na kulang na lang ay umabot na ang ngisi sa kanyang dalawang tainga. Para sa kanya ay musika ang tinig ng babae ngayon sa pandinig niya.   “Mister, hanggang kailan mo iyan gagamitin?!” medyo tumaas na ang tinig ni Grezia sa kanya nang dahil doon, “Baka naman pwedeng pahiram kahit na limang minuto lang.”   Hindi pa rin iyon pinansin ni Dameil. Nakatutok pa rin ang kanyang paningin saa mukha ng kanyang Lolo na marahan na sa kanyang umiiling. Nahuhulaan na nito ang gawa niya.   “Hanggang kailan mo ba iyan gagamitin?!” hindi na napigilan ni Grezia na magtanong dito, medyo lumakas at tumaas na rin ang kanyang tinig ng mga sandaling iyon ngayon.   Mabilis na lumingon na sa kanya si Dameil, suot pa rin ang kanyang nakakalokong ngiti.   “Habang may kuryente at kung hanggang kailan ko gustuhin!” mapang-asar pang tugon ni Dameil sa kanya na sandali siyang nilingon upang tingnan ang kanyang reaction dito.   Halos mahilog ang panga ni Grezia nang ilang minuto sa kanyang naging litanya na dito. Doon niya napagtanto na kung gaano kaayos at kaakit-akit ng mukha nito ay siya namang gaspang ng kanyang pag-uugali. Bagay na kanyang marahang ikinailing doon.   “May magiging angal ka?” tanong pa ni Dameil na lalong nagpakulo ng dugo ni Grezia.   Kaagad na natameme si Grezia na naging dahilan upang mas ngumisi pa si Dameil. Ilang saglit pa ay muling ibinalik niya ang kanyang atensyon sa kanyang kausap na piloto niya.   “f*****g s**t!” mahinang mura ni Grezia na dinig na dinig ni Dameil na lalo niyang ikinangisi pa nang malawak, tuwang-tuwa siyang inis na inis na ito sa kanya ngayon.   Lalo pang sumikdo sa galit ang dugo ni Grezia, hindi niya lubos maisip na ganun ang siyang reaction nito sa maayos niyang pakiusap sa lalake kanina. Naisip niya tila ba sinasadya nitong asarin siya, namumuro na itong galitinpa siya. Dala ng labis na pagkairita ay mabilis niyang hinila ang cord ng telepono habang hawak ito ni Dameil.   “Pahirap!” sigaw niya nang lingunin na siya ng binata gamit ang gulat niyang mga mata.   “Maghintay ka!” wala sa sariling tugon ni Dameil na nakipagtitigan sa na rin sa kanya.   “Saglit lang naman, kaya pahiram na!” may diin at pakiusap na turan ni Grezia sa kanya, mas humigpit na ang hawak niya sa cord ng telepono. “Ibabalik ko rin naman kaagad.”   Marahas na umiling si Dameil, nanatiling nasa tainga ang hawak niyang telepono habang hawak ni Grezia ang mahabang cord ng telepono. Nagsukatan silang dalawa ng tinginan.   “Bitaw!” may banta sa tinig ni Dameil habang masamang nakatingin sa kanya, hindi na siya natutuwa sa ugaling ipinapakita ng babaeng nasa harapan niya pa rin ngayon.   “Ikaw ang bumitaw, pahiramin mo ako ng telepono! Kanina pa ako naghihintay sa’yo!” matapang niyang tugon kay Dameil, pilit niyang nilabanan ang kanyang mga titig kahit pa alam niya sa kanyang sarili na sa kanilang dalawa ay mas may karapatan ito sa kanya.   “Ginagamit ko pa nga, maghintay ka!” tugon ni Dameil na napigtas na rin ang kanyang pasensiya, kung kanina ay nasisiyahan pa siya ngayon ay hindi na dahil sa mata nito.   Ikinatahimik iyon ng mga taong naroroon na napansin na ang pagtatalo nilang dalawa. Nabaling na ang kanilang buong atensyon sa kanila, bagay na ikinahihiya na ni Grezia.   “Kanina ka pa gumagamit, limang minuto lang naman ang hinihiling ko.” bahagyang huminang tinig ni Grezia na inilibot na sa paligid ang kanyang mga mata, “Saglit lang.”   “Hindi ko pa nga tapos gamitin,” giit ni Dameil sa kanyang nanlalaki na ang mga mata.   “Kanina ka pa, hindi pa rin?!” may diin din sa tinig ni Grezia na kanina pa naiinis doon, “Papahiramin mo lang naman ako ng saglit lang, limang minuto lang ang hinihingi ko.”   Ilang minuto pa silang nagtitigan doon, hindi alintana ang mga matang nakatingin na sa kanilang banda na mula sa mga lalakeng umiinom na ng alak sa loob ng lugar na iyon.   “Five minutes lang, Mister!”   “Hindi pa ako tapos—”   Hindi na hinintay pa ni Grezia na matapos ang sasabihin niya, mabilis niya ng hinila ang cord na hindi pa rin ibinigay ni Dameil na mas humigpit pa doon ang hawak at kapit niya. Ilang sandali silang nag-agawan sa telepono, walang nais magpatalo kung kaya naman ang naging ending nito ay nabunot at naputol ang cord ng hawak nilang telepono dito. Ikanabilog iyon ng mga mata ni Grezia samantalang ikinadilim naman ng mga mata ni Dameil. Labis na ikinagulat iyon ng mga lalakeng nakasaksi at halos masamid pa sila sa iniinom nilang alak sa baso na kanilang hawak. Agad nang natahimik ang buong paligid.   “Kasalanan mo ito!” malakas na sigaw ni Grezia kay Dameil sabay bitaw at tapon sa cord na animo ay bulkang sasabog ng mga sandaling iyon, “Ang damot mo! Limang minuto lang naman ang hinihingi ko hindi mo pa magawang ipahiram sa akin. Importante ang tatawagan ko, hindi mo ba nakikita ang hitsura ko ngayon? Nawawala ako sa lugar!”   “Ikaw, ikaw ang may kasalanan nito!” sigaw na rin ni Dameil sa kanya na mas dumilim pa ang mga matang nakatingin sa kanya, “Damn! Nakita mo pang ginagamit ko pa siya!”   “Kanina ka pa gumagamit niyan, kanina pa rin ako naghihintay!” halos maiyak nang turan ni Grezia nang mga sandaling iyon, nangingibabaw ang kanyang tinig sa kanila.   “Eh, bakit mo hinila?” tanong ni Dameil gamit ang seryoso pa rin niyang tinig at mga mata, bumabangon na ang labis na pagkainis sa mukha nito na kanina ay hinangaan niya pa. “Paano mo na gagamitin ang telepono ngayon sa importanteng tatawagan mo kung ito ay sira na? Sinira mo na nga ikaw pa ang may gana diyang magwala sa ating dalawa!”   “Kung ipinahiram mo kaagad sa akin ng limang minuto lang, hindi tayo aabot dito.” ganti ni Grezia na tiningnan na rin niya ito nang masama, “Ikaw ang may kasalanan at hindi ako!” giit niyang hinawakan na ang handle ng kanyang nasa gilid na maletang dala-dala.   “Ang mahirap sa’yo ay hindi ka marunong maghintay!” Sa kanyang narinig ay mas nagpainit iyon ng bunbunan ni Grezia. Hindi niya matanggap na siya na nga iyong naghintay, siya pa iyong sinisisi nang lalake na mayroong sala. “Kanina ka pa diyan at kanina pa ako naghihintay.” muling uli ni Grezia sa malumanay niyang tinig, “Hindi mo ba nakikitang mukha akong kawawa dito, kakahintay kung kailan ka matatapos? I bet, hindi naman ganun ka-importante iyang sinasabi mo sa kausap mo kumpara sa mga sasabihin ko sa kakausapin kong nasa kabila pang ibayo ng Islang ito.” Muling sinuyod ni Dameil ng tingin ang kanyang hitsura, nawala na ang kanina ay paghanga sa kanyang mga mata. Napalitan iyon ng labis na pagkairita sa kanya sabay baba niya ng hawak na sirang telepono na si Grezia ang siyang mayroong kagagawan. Nakalarawan pa rin sa kanyang mukha ang labis na pagkadismaya sa ugali niyang ipinakita. “Ano namang pakialam ko sa itsura mo? Kasalanan ko ba kung napadpad ka sa Islang ito? Pasalamat ka ngang buhay ka pa sa mga sandaling ito at hindi pa tuluyang nagpahinga.” huling turan nitong mabilis siyang tinalikuran at pumasok na sa loob ng papalayong pasilyo nang nasabing lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD