Nanlalaki ang mga mata ni Grezia na ilang beses na napakurap-kurap ng mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwala ngayong aabandunahin siya ng matanda sa lugar na hindi niya na nga alam kung saang lupalop ay hindi rin siya pamilyar sa kabila ng pagbabayad niya dito ng sapat at tama. Halos manlisik na ang mga mata niya habang tinatanaw ang speedboat nitong tuluyan nang inabandona siya at wala na siya doong ibang magawa pa. Kaagad na namula ang kanyang mga mata na nababalot pa rin ng galit at labis na inis, hindi niya alam kung ano ang dapat na maging reaction niya ngayon o kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na iyon. Magkahalong labis na pagkainis at galit ang kanyang lalong nararamdaman sa kaibuturan ng kanyang puso. Marahas siyang napakamot sa kanyang ulo sabay hilamos ng kanyang palad sa kanyang basa ng tubig-alat na mukha. Hindi niya matanggap at ma-proseso ng utak na hindi na nga siya nito dinala sa kanyang tamang destinasyon at patutunguhan ay inabandona pa siya nito sa isang lugar na mukhang wala ni-isang taong nabubuhay at nakatira. Lugar na hindi niya alam kung nasa mapa pa ba iyon ng bansang Pilipinas o nasa ibang bansa na ang lugar.
“Mula dito ay pwede kang magtanong-tanong upang marating mo nang maayos ang iyong lugar na pupuntahan tutal ay mapilit ka namang umalis sa pantalan ng Batangas kanina.” anang matanda na tunog nangsisisi kay Grezia, bagay na lalo pang ikina-awang ng labi ng dalaga, hindi niya na napigilan pang mag-alab ang galit sa matanda na animo ay walang pakialam na sa kanya. Ibinaba na nito ang kanyang maleta sa tabi niyang batuhan na basa ng tubig dagat na bahagyang umaabot ang hampas ng maingay na mga alon. Sa tingin niya ay isang lumang pier iyon na abandunado at walang mga bangka, ni walang maraming bahay maliban sa isang malayong malaking tahanan na yari lang sa light materials na makikita sa mga probinsya. She been in the province, lalo na sa mga pagkakataong sinasamahan niya ang kaibigang si Sadie sa mga events na pinupuntahan. Maliwanag ang palibot noon na halatang maraming mga taong nagkakasiyahan sa loob. Ganunpaman ay hindi pa rin kumbinsido si Grezia na safe na siya sa nasabing lugar na ito. “Hanggang dito na lang kita maihahatid hija, pasensiya na, hindi na talaga kaya ng aking speedboat na marating pa ang ipinangako ko sa’yong dadalhin kita sa pantalan ng mismong Mindoro na siyang pakay mo.” anitong marahas pa ang naging iling sa kanya.
“Pero Manong, hindi ba at ang usapan natin ay sa—” hindi na niya nagawa pang tapusin iyon nang kaagad na rin nitong pinutol iyon sa pamamagitan ng kanyang mabilis na pagtalikod at malalaking mga hakbang pasampa sa bangkang kanyang saglit iniwanan.
“Aalis na ako.” mahina at maikli niyang saad sabay paandar sa speedboat na tila hindi siya nito narinig na muli, “Mag-iingat ka sana.” dagdag pa nitong matulin nang umalis.
Ikinabagsak pa iyon ng panga ni Grezia, hindi niya suka’t akalain na gagawin iyon sa kanya ng matanda. Mayroong matinong usapan sila kanina na ihahatid siya nito ng mismong pantalan ng Mindoro kung kaya naman naging kampante siya dito. Kaagad siyang naniwala na kahit anong mangyari ay ihahatid siya nito nang dahil sa halagang kanyang ibinayad sa kanya. Ngunit mali pala siya ng akala dito. Na kahit na lumaki ang mga alon ay hindi niya naisip na iiwanan siya nito sa kung saang lupalop ng isang Isla. Nagpupuyos na ang kanyang damdamin sa galit, ilang beses na namang naningkit ang kanyang mata sa labis na pagkairita sa kanya. Dangan lang at naunahan siya ng kaba, dahil kung hindi ay malamang kung anu-anong masasakit ng mga salita ang nawika niya. Samahan pa ng mas malakas na ihip ng hangin na naging dahilan upang pangatugan siya ng kanyang buong katawan at kalamnan. Wala siyang nagawa kung hindi yakapin ang sarili kaagapay ng nangingilid niya ng luha sa kanyang mga mata nang mga oras na iyon.
“Manong!” malakas na sigaw ni Grezia na agad nagpalinga-linga na sa kabuohan ng nasabing lugar, kaagad na kumalat sa kanyang kalamnan ang labis na takot at kakaibang pangamba. Naisip niyang sana ay isinama na lang siya nitong muli patungo ng Batangas at hindi basta iniwan sa lugar na iyon. Bagay na kanyang napagtanto habang tinatanaw ito palayo. “Teka lang naman! Huwag mo akong iwan dito!” muli niyang sigaw nang paandarin na nito ang kanyang speedboat palayo. Hindi pinansin ang kanyang pagtawag.
Wala ng nagawa pa si Grezia kung hindi ang maiyak na lang sa labis niyang pagkainis sa lalaki. Malapit na ang takipsilim noon at hindi niya alam kung nasaan siya ngayong Isla. Pagkatapos ng ilang buntong-hininga at pagtuyo sa kanyang mga luhang nangilid nang dahil sa pagkairita ay wala siyang nagawa kung hindi ang hilahin ang kanyang maleta at humakbang patungo sa munting liwanag na kanyang natatanaw mula sa malayong bahay. Tinanggap na lang niya na kailangan niyang humanap ngayon ng telepono upang tawagan ang kanyang nobyo. Nais niyang ipagbigay alam dito na nasa Isla siyang iyon at nawawala. Nang i-check niya ang kanyang cellphone ay lobat na iyon at namatay na rin. At ang huling mensahe na kanyang nakita sa screen nito ay ang mensahe ng kaibigan at ang mensahe ng kapatid ni Jholo na nagsasabi kung saang hotel ito naka-check in doon.
“Nakalimutan ko pa siyang i-charge sa aking pagmamadali!” yamot na padyak ng mga paa niya sa kalsadang kinatatayuan ngayon, kitang-kita pa rin ang labis na inis sa mga mata. “Parusa na ba ito sa akin ng Tadhana? Ito na ba ang kapalit sa aking kasakiman?”
Mabilis siyang huminto sa kanyang paghakbang. Marahas niyang pinunasan ang mga luha na patuloy na bumababa sa kanyang mukha. Humigpit pa ang kanyang hawak sa handle ng kanyang maleta, habang maya-maya pa ay naramdaman na niya ang malakas na buhos ng mahinang patak ng ambon. Nang dahil doon ay lalo pang nagngitngit ang kanyang kalooban na malalaki na ang naging mga hakbang patungo sa lugar na kanyang natatanaw. Hindi niya na alintana ang mga putik na tumitilamsik at walang humpay na humahalik sa makinis na balat ng kanyang dalawang binti. Hindi niya iyon napansin pa.
“Nakakainis!” muli pang padyak niya ng mga paa sa basang kalsadang nilalakaran niya ngayon, doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang hinanakit na nararamdaman. Pakiramdam niya ay hindi umaayon sa kanya ang panahon ngayon kung kailan na nais niyang makarating kaagad sa kanyang pupuntahang lugar. “Ang malas mo naman talaga Grezia!” bulalas niya pang marahas na kinagat ang kanyang pang-ibabang labi, pilit na pinipigilan na ang kanyang mga luhang bumagsak at pumatak. Medyo basa na ang kanyang damit na suot, ganundin ang hanggang balikat niyang manipis na buhok. Naisip niya na sana ay hindi na lang niya sinunod ang payo ng kanyang kaibigan na sundan ang nobyo sa convention nito. Eh, ‘di sana tahimik siya ngayong nagmumuni-muni sa kanyang condo at wala sa madilim na kawalan na tila ba siya ay naliligaw doon. “Sana ay hindi na ako nagpilit na magbiyahe rin kanina kung alam ko lang na ganito ang aking kahahantungan dito. Kainis talaga! Wrong move ka na naman, Grezia!” kastigo niya pa sa kanyang sarili habang patuloy na humahakbang palapit pa sa nagkakasiyahang lugar.
Pagbungad sa bukanang pintuan ng tahanan ay kaagad na natigilan si Grezia sa tangka niyang paghakbang sana papasok pa sa nasabing lugar. Nakita niyang ang lahat ng halos ng nandirito ay pawang mga lalake na mayroong hawak na baso ng mga lokal na alak. At para sa kanyang dayuhan sa lugar ay mababakas ang takot sa itsura niyang halatang nagulat sa kanila. Isang lumang inuman pala ang lugar na iyon ng mga lalakeng halatang nagliliwaliw lang ng kanilang mga sarili. Maingay ang buong paligid, puro usok ng tabako ang makikita doon, halatang matatanda na ang mga lalake at mabibilang na lang sa kanila ang mayroong batang edad. May mahinang lumang awitin na pumapailanlang, sinasabayan iyon ng kanilang mga ulo na nagswa-sway sa hangin kagaya ng mga alon. Kaagad na nabalot ng pag-aalinlangan ang damdamin ni Grezia, hindi alam kung papasok pa siya sa loob at makikitawag gayong pawang mga lasing na ang mga taong naroroon. Hindi bago kay Grezia ang lugar na ganun, ang kaibahan lang ay mga lalake ang naririto at makaluma rin ang lugar maging ang mga inumin, tugtugin at mga kagamitang narito.
“Tutuloy pa ba akong pumasok?” halos pabulong na tanong ni Grezia sa kanyang sarili na nilingon muli ang malayong pampang na kanyang pinagmulan, lubusan nang sinakop ng dilim ang paligid noon. At kung piliin niyang bumalik dito ay wala rin naman siyang sasakyan pabalik sa pantalan ng Batangas. Iniwan na siya ng matandang kausap kanina. Hindi niya na alam kung saan pa siya pupunta kung hindi niya lalakasan ang loob niyang makitawag sa telepono. “Bahala na, makikitawag na lang muna ako para alam ni Jholo.”
Muli pang iginala ni Grezia ang kanyang mga mata, naghahanap kung mayroong telepono sa lugar. Nang matanawan niya na mayroon nito na malapit sa bartender na isang lalakeng may edad na rin ay marahan siyang muling huminga nang malalim doon. Nakabawas iyon ng bigat sa kanyang dibdib na labis na ‘ring nag-aalala ngayon. Tahimik siyang humakbang papasok na siyang nagpatigil sa tawanan ng mga lalakeng naroon. Bagay na unti-unting nagpalamig ng kanyang pawis. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya sa kanila o magpapatay-malisya na lang na tila hindi niya nakita ang reaction nila ngayon. Naburo na ang kanilang mga mata kay Grezia na ngayon ay patungo na sa likuran ng isang matikas at matangkad na lalake, kulot ang buhok nito, at nakatalikod sa kanyang banda. Sa hulma at lapad ng likod nito ay masasabi ni Grezia na bata pa ito, balingkinitan ang kanyang katawan at moreno ang kulay ng kanyang balat. Wala itong kahit na anong alahas sa kanyang katawan, maliban sa relong suot ng kaliwang kamay na nakahawak sa di kawad na telepono na mayroong pangalang g-shock. Nakakunot ang noo ng binata, at mayroong seryoso at malalim na tinig sa kanyang kausap sa kabilang line ng telepono. Nababalot ng pag-aalala ang mga mata niyang nakatingin sa kawalan. Ngunit ang emosyong iyon ay hindi napansin ni Grezia na kaagad ng humalukipkip doon.
“Anong balita ngayon?” panay ang hugot ni Dameil ng malalim niyang buntong-hininga, puno ng pag-aalala ang kanyang kulay tigang na lupang mga mata. Hindi niya alintana at napansin ang pagtahimik ng buong paligid. Wala siyang panahon para usisain pa kung ano ang naging dahilan noon. Tanging nakatuon ang kanyang atensyon sa kausap niya. “May balita na ba kay Giordano? Natagpuan na ba siya ng mga rescue? Any updates?”
“Wala pa po boss, negative po ang result ng research sa mga bayan na aming sinuyod na naging daanan ng buhawi. Wala pong kahit na anong bakas niya sa mga karatig bayan na iyon.” tugon sa kanya ng piloto ng kanyang kumpanya na nakasama ng customer niya sa ginawa nitong ten thousand feet dive kaninang umaga. Bihasa naman itong tumalon sa ganun kataas at hindi siya nag-aalala doon, ang ipinapag-alala niya ang pagkawala nito nang dahil sa malakas na buhawi na nanalasa sa nasabing lugar. At hindi rin nila iyon napaghandaan kung kaya naman walang makapagsabi kung bakit iyon biglang nangyari.
Marahas na hinilot ni Dameil ang kanyang sentido, isinandal pa ang kanyang siko sa may bartender. Hindi niya pa rin napapansin ang babaeng nakapila sa likod niya na masama na ang tingin sa kanyang likod. Nangangatal na ang labi nito sa labis na ginaw at lamig. Kulang na lang din ay tusukin nito ng kanyang matalim na mga mata ang kanyang likuran mapansin lang na naroon siya, nakapila at saglit na makikitawag sa teleponong gamit niya.
“Anong sabi ng mga rescuer? Saan kaya posibleng tinangay iyon ng hanging dumaan?”
Ilang sandali pa ay hinimas niya ang kanyang baba pababa sa kanyang leeg at patungo iyon sa kanyang batok. Pampakalma niya ang gawaing iyon na kanina niya pa paulit-ulit na ginagawa. Kaninang umaga lang ay nag-dive ang kanyang dating kaklase sa kolehiyo at number one niya ‘ring kliyente na si Giordano Matthew Andrade, CEO ng famous AVIAB Resort sa ilalim ng pangangasiwa ng mga staff ng kanyang sariling pundar na kumpanya na Damian Diving Escapades and Company. At hindi sinasadyang tangayin ito ng mapaminsalang buhawi na nanalasa sa buong lugar. At bilang may-ari nito ay naging pananagutan niya ang nangyari kahit pa hindi iyon sinasadya at wala rin iyon sa mga gears at parachute na kanyang ginamit. Sadyang may pananagutan lang siya sa nangyari kahit na hindi naman iyon masasabing malfunction ng mga kagamitan nilang gamit nito. Umaasa sila kanina pa na makikita na rin ito kagaya ng kanilang staff na kasabay nitong tumalon mula sa himpapawid upang kunan ng footage ang ginawang iyon ni Giordano.
“Wala po boss, pero marami ang haka-hakang baka bumagsak siya sa dagat na palibot sa Taal Lake kaso wala ‘ring signs na naroon nga siya. Iyong kasama lang niyang diver natin ang nakita na at kasalukuyan nang nasa hospital ngayon.” dagdag pa ng kanyang piloto na kausap na nasa kabilang linya, ito ang humawak ng airplane bago ito tumalon doon. “Boss, hindi naman natin alam na ang bagay na iyon ay mangyayari. Sinaway pa nga namin siya na huwag ng ituloy, dahil sa biglaang kulimlim ng panahon. And knowing Giordano, alam naman po natin na hindi siya papayag na hindi iyon mangyari ngayon. Kung kaya walang pananagutan ang kumpanya, maliban na lang kung dahil iyon sa gears na kanyang ginamit at hindi umobra nang gamitin na niya habang nasa himpapawid.”
“Oo, nandoon na tayo pero may pananagutan pa rin tayo sa pamilya niya kahit na papaano. Anong sabi ng kanyang kapamilya?” muling turan ni Dameil, alam niyang magiging dagok iyon sa kanyang kumpanya din ngayon. Hindi niya mapipigilan ang mga ito kung sakali na hilingin na mag-imbistiga. “Sana ay makita na natin siya nang ligtas.”
“Nakausap ko po si Hughes, iyong panganay niyang kapatid. Ibibigay ko po sa kanya ang telepono, sandali lamang boss.” marahang tumango si Dameil kahit na hindi ito nakikita.
Halos maghapon na siyang nasa telepono at ina-update ang ginagawang rescue sa lugar. At nang dahil doon ay halos nakaligtaan na rin niyang kumain ng tanghalian. Binulabog siya ng tawag na may nangyari sa pag-diving na ginawa ni Giordano. Panahon ang mayroong sala doon, ngunit hindi niya maalis sa kanyang sarili na makonsensya. Kausap niya pa ito kaninang umaga doon, na-drained na lang ang kanyang cellphone sa pag-contact sa mga ito hanggang pinagbalingan niya ang telepono ng kanyang Lolo sa lugar.
“Hello, Dameil?” tinig iyon ng panganay na kapatid ni Giordano, minsan na rin niya itong nakita nang kapwa sila magtungo sa kanyang kumpanya at mag-scuba diving silang dalawa gamit ang kanyang kumpanya. Doon niya ito unang nakita hanggang nakilala na.
“Hughes...” natitigilan niyang tawag sa pangalan nglalaki na ilang taon ang tanda sa kanila, “I am deeply sorry sa nangyari. Hindi ko naman inaasahan na—”
“It’s not your fault, Dameil.” kaagad na pagputol nito sa kanya gamit ang hapong tinig, kanina pa rin ito napapagod sa kanilang ginagawang research and rescue. Sumama pa siya sa mga rescuer na naghahanap sa kanyang nawawalang kapatid. “At wala rin namang may gusto sa pangyayaring ito. Just relax, hindi mo kargo iyon. At isa pa ay alam naman nating nakahiligan na iyon ng aking kapatid, hindi niya rin alam na mangyayari iyon. Walang dapat na sisihin, walang mayroong sala sa mga nangyari kung hindi panahon at mismong ang Tadhana na rin, Dameil.” pakunswelo pa nitong saad sa kanya.
Hindi nagsalita si Dameil, pinapakinggan niya mula sa kabilang linya ang panaghoy ng kasintahan ni Giordano na isang artista na tila hindi pa rin tumitigil sa kanyang pag-iyak. Ganundin sa pagmumura ang mga kaibigan nitong halatang nasa lugar na iyon, at lalo pang na-guilty si Dameil sa nangyari na tila ba siya ang mayroong kasalanan sa naganap.
“Continue pa rin ang rescue and research sa mga sandaling ito, huwag mong isipin na kumpanya mo ang mayroong pagkukulang. Panahon ang siyang salarin dito, Dameil.” muling saad ni Hughes nang hindi na magsalita pa si Dameil sa kanyang mga tinuran.
“Sana pala ay pinigilan ko siya kanina at sinabi sa kanyang bukas na lang siya mag-dive.” bulong pa ni Dameil sa kanyang sarili, naging malapit na rin sa kanya ang customer na ito at maging ang kanyang mga kaibigan na naging suki na rin ng kanyang kumpanya pagdating sa scuba diving na hilig nila. Bumuntong-hininga si Hughes, naiintindihan kung bakit ganun ang iniisip ni Dameil sa ngayon. “Siguro kung ginawa ko iyon ay wala tayong problema na kaharap ngayon. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya, Hughes.” aniya pa ditong bahagyang pumiyok na ang problemado niyang tinig. “Nasaan na kaya iyon? Sana ay nasa maayos lang na kalagayan.”
“Hindi nila titigilan ang paghahanap, huwag ka ng mag-alala pa diyan. Kung hindi niya pa oras, hindi niya pa oras.”