Mabilis na umayos ng upo si Grezia, muling bumalik ang excitement niya na kanyang naramdaman kanina. Hindi na siya makapaghintay na makita ang laman ng box na iyon na ina-assume na niyang singsing at ang wedding proposal na nito ang sunod. Malawak siyang ngumiti, halos mapunit na ang labi habang matamang nakatingin sa kasintahan.
“Buksan mo na, sana ay iyong magustuhan.” utos pa sa kanya ni Jholo na nakangiti na rin, nakalabas ang pantay-pantay nitong mga ngipin at kumikislap na mga mata.
“Ako ang magbubukas at hindi ikaw?” nananantiyang tanong ni Grezia sa kanya, alam niyang kapag wedding proposal ay dapat na lalaki ang nagbubukas noon at hindi siya.
Kaagad na nakaramdam ng pagkadismaya doon si Grezia, naisip niya na kung singsing ang laman noon ay malamang lumuhod na ito ngayon sa kanyang harapan maisuot lamang iyon sa kanyang daliri upang makatanggap ng oo. Ngunit hindi, siya ang pinagbubukas ng binata ng kanyang regalo bagay na inasahan na niyang mangyayari. Ganunpaman ay hindi pa rin niya maiwasang hindi umasa sa mga salita ng nobyo niya.
“Oo,” maikli nitong tugon na muling sinipat ang suot na pangbisig na relo, tila naiinip na ito ngayon doon. “Bilis na gusto kong makita ang reaction mo sa regalo ko ngayon.”
Hindi maiwasan ni Grezia ang mamula ang mukha, alam ng kanyang nobyo na nais na niyang makatanggap ng singsing mula dito. At naisip niya na baka gusto nitong makita ang reaction niya dahil singsing ang laman nito. Bagay na muling nagpataas ng energy ni Grezia na unti-unting napupundi sa nobyo kanina pa. Abot-tainga na naman ang ngiti ni Grezia nang tumango siya, dinampot na ang kulay pulang box na nasa kanyang harapan.
“Sige, ako na ang magbubukas.” sang-ayon niya na hinawakan na ng dalawang amay ang pulang box na nasa harapan. Hindi niya tinanggal ang kanyang mga mata sa kasintahan.
Marahan niya iyong binuksan, kaagad na nawala at sumabog ang excitement na kanyang nararamdaman nang makita ang laman ng nasabing pulang box. Isang pares iyon ng diamond earrings. Disappointed man ay hindi niya iyon ipinakita sa kanyang kasintahan. Hindi tuloy maiwasan ni Grezia na muling mapabalik-tanaw sa mga anibersaryo nila kung saan ang natatanggap niya ay iba’t-ibang uri ng jewelries, maliban sa singsing. Bagay na paulit-ulit na nagpapadismaya sa kanya dahil tanging iisa lang ang gusto niyang matanggap, iyon ay singsing na magiging simula sa daan nilang tatahakin, habangbuhay.
“Do you like it, Hon?” nakangiting tanong ni Jholo na tila proud na proud sa kanyang ibinigay na regalo sa kanyang kasintahan doon, tumango si Grezia ngunit hindi nagsalita.
Marahan siyang napatungo, bumagsak ang kanyang mga mata sa kanyang kandungan kung saan naroon ang kanyang dalawang palad na nanlalamig at nais nang manapak. Kung hindi niya lang labis na mahal ang nobyo ay baka kanina niya pa ito hinambalos ng kanyang high heels sandals na suot upang matauhan at malaman ang kanyang gusto. Ilang beses na rin kasi siyang nagpahaging sa binata ng kanyang nais na matanggap ngunit hindi pa rin niya iyon nakuha, hindi niya pa rin ibinigay ang kanyang hiling dito.
“Hon, tinatanong kita kung nagustuhan mo ba?” muling ulit sa tanong ni Jholo na siyang nagpa-angat ng mukha ni Grezia, marahan at napipilitan na siyang tumango. “Then anong meron sa mahabang mukha mo?” ibig nitong sabihin ay malungkot siya ngayon.
Hindi nagsalita si Grezia, natutuhan niyang magtimpi kapag sa nobyo na nagagalit. Ngunit pagdating sa ibang tao, malamang ay kanina niya pa ito nasigawan ng malakas. Subalit dahil mahal niya ito, pinipili na lang din niyang manahimik kahit na masakit. Ika ng kanyang kaibigan ay martir siyang kasintahan na hindi marunong magreklamo dito. Bagay na paulit-ulit niyang itinatanggi kahit na alam niyang may tama ang kaibigan niya.
“Hon, hindi mo ba isusukat?” muling tanong ni Jholo na siyang tuluyang nagpabalik ng kanyang ulirat, mabilis niyang dinampot ang earrings na regalo nito upang kanyang isukat kagaya ng gusto nito. “Bagay na bagay iyan sa hugis ng mukha mo, Grezia.”
Gusto sana niyang magreklamo na marami na siyang collection ng earrings, nais niya rin sanang sagutin ito na mas babagay sa kanya kung singsing na ang regalo nito ngayon. Pilit ang ngiti ni Grezia na tumango sa kanya, mabilis na hinubad ang kanyang suot na hikaw upang isukat ang hikaw na ibinigay nito sa kanya. Ilang sandali matapos niya iyong isuot ay may tumawag sa phone nito na agad niya namang sinagot. Sinundan iyon ng mga mata ni Grezia, basang-basa na niya ang paulit-ulit nitong ginagawa tuwing sasapit ang anibersaryo nilang dalawa. Kung kaya naman nauuwi iyon sa kanyang pagtatampo.
“I am sorry, Hon, I have to go.” wika nitong mabilis na lumapit sa kanya at mabilis siyang tinaniman ng halik sa kanyang labing bahagyang napanganga sa tinuran nito, marahan pa nitong hinaplos ang kanyang ulo. “Happy anniversarry, Hon, babawi ako pagbalik ko.”
Bago pa makasagot si Grezia at makapagsabi na mahal niya ito at mag-iingat ito sa biyahe ay mabilis na itong humakbang palabas ng pintuan ng nasabing restaurant. Nakalarawan sa mukha ni Grezia ang labis na inis at namumuo na ang galit sa nobyo, kitang-kita iyon sa kanyang mga matang nakatingin sa kasintahang nasa labas na ng restaurant at lumululan na sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan ito ng kanyang driver.
“Wala man lang, mahal kita, Hon.” padarag na bagsak niya sa box ng earrings na hawak.
Mabilis niyang hinubad ang earrings na kanyang natanggap at kulang na lang ay itapon na niya iyon pabalik sa box na pinaglagyan nito. Jholo always disappointed her tuwing anniversarry nila, maparegalo man iyon o panahon. Tila nanlilimos na lang siya dito ng oras at panahon, maging pagdating sa pagmamahal ay tila nanlilimos na lang siya dito. Bagay na tuluyang nagpabasa sa bawat sulok ng mga mata ni Grezia, hindi na niya maitago pa doon ang labis na pagkainis. Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng mga taong nasa loob ng prominenteng restaurant na iyon. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip at mapatanong sa kanyang sarili kung mahal pa ba siya ng lalaki.
“Pwede namang makipag-break kung hindi niya na ako mahal,” mapait niyang turan na pinuno ng wine ang kanyang baso na wala ng laman, walang imik na niya iyong nilagok. “Tatanggapin ko naman, palalayain ko naman siya kung hindi na siya sa akin masaya.” puno ng pait na kanyang wika, kasingpait iyon ng wine na kanyang straight na nilaklak.