Chapter 2

1826 Words
Tumagal pa ng ilang sandali sa loob ng restaurant si Grezia, inubos niya at lahat ang bote ng wine na binuksan ay hindi niya pa rin maramdaman ang tama nito sa katawan niya. Tila ba kahit anong laklak ang kanyang gawin ay hindi niya mararamdamang malasing. Nakailang buntong-hininga pa siya habang ang mga mata ay nasa pares pa rin ng hikaw na ibinigay ng kanyang kasintahan. Hindi pa rin makapaniwala iyon. Biglang umangat ang gilid ng labi niya. Ilang saglit pa ay matinding pagkadismaya na ang nakalarawan na makikita sa kanyang buong mukha. Hindi niya matanggap na hindi na naman singsing ang kanyang nakuhang regalo mula sa kanyang kasintahan ngayon. Singsing na ilang taon niya ng pinapangarap na ibibigay ng kanyang long-time boyfriend sa kanya.   “Anong gagawin ko diyan, hindi naman ako mahilig sa diamond?” tanong niya pa ditong bahagyang natatawa sa kanyang sarili dahil bigo na naman siya ngayong taon dito. Bigo na namang makuha ang katanungan na hindi pa man natatapos nitong itanong ay sasagutin na niya ng kaagad na oo. “Ang gusto ko ay maikasal na, tumatanda na ako, hindi na kami pabatang dalawa ni Jholo.” hinaing niya pang nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata, doon pa lang muling nagsi-sink in sa kanya na ngayong anibersaryo nila ay naiwan na naman siya nitong mag-isa. Abala na naman ito sa kanyang trabaho, iyon na naman ang priority nito kumpara sa kanyang kasintahan nito.   Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili, alam niyang wala siyang magagawa kung hindi ang maghintay na naman ng panibagong taon dahil baka sa sunod na taon ay makuha niya na ang singsing na kanyang inaasam-asam mula pa lang ng pagtungtong niysa sa edad na twenty-five. Edad na sa tingin niya ay sapat na upang siya ay bumuo ng pamilya. Edad na ang buong akala niya ay magkasama na nilang haharapin ang panibagong yugto ng kanilang buhay nito.   “Sadie...” nahihikbi niyang sagot sa tawag ng kanyang kaibigan, alam niya na ito lang ang makakaunawa sa kanya ng mga sandaling iyon ngayon. Bahagya siyang suminghot-singhot. “Pair of diamond earrings.” inunahan niya ng sumbong dito bago pa man ito makapagtanong kung ano ang kanyang nakuhang regalo mula dito. “Nalulungkot ako, and as usual iniwan na naman niya ako dahil may lakad siya. Palagi na lang tuwing anibersaryo naming dalawa.”   “What?” hindi makapaniwalang tanong ng kanyang kaibigan, “At saan naman ang punta niya?”   “Sa Mindoro raw, may convention sila doon for two weeks.”   “Hay naku, dapat prina-prangka mo na iyang boyfriend mo na gusto mo ng magpakasal kayo. Gusto mo ng bumuo ng sarili niyong pamilya, sabihan mo siya nang ganun Grezia. Huwag ka ng mag-alinlangan pa diyan.” payo nitong mabilis na ikinailing lang ng ulo ni Grezia, pakiramdam niya ay hindi niya iyon kayang gawin sa kasintahan. Ayaw niyang ma-pressure ito, ayaw niyang isipin nitong nagmamadali siyang itali ito sa kanyang katawan ngayon. “Ikaw na kaya ang mag-propose, gamitin mo ang iyong katawan. Akitin mo siya, at kapag mayroong nangyari na sa inyo ay imposibleng hindi ka noon ayaing kaagad na magpakasal. Makinig ka sa sinasabi ko sa’yo, Grezia, subukan mo na.”   Hilaw lang na tumawa dito si Grezia nang dahil sa mga sinabi nito sa kanya, naaalala ang nakaraang taon nilang anibersaryo na sinubukan niyang may mangyari sa kanila. Ngunit sadyang hindi yata gusto ng Tadhanang maganap iyon, dahil ang plano ay hindi nasunod at hindi rin iyon nagtagumpay kahit pa naghubad na siya sa harapan ng kasintahan niya. Palaging may nangyayari na hindi inaasahan kung kaya naman kailangan nitong umalis at iwan siya. Wala naman siyang ibang nagagawa doon kung hindi ang hindi na lang magkomento, tanggapin na ganun talaga ang trabaho ng kanyang nobyo. Mas pipiliin na lang niyang ikonsidera ang gusto nito keysa naman mag-away sila nang dahil lang sa ayaw niya itong payagang umalis. Kaya naman madalas na siguro ay umaabuso ito, inaakala siguro ni Jholo na ang lahat ng iyon ay ayos lang sa kanyang kasintahan na hindi mapalis ang mga ngiti sa labi nitong peke.   “Hindi pa rin epektibo, at alam mo ang nangyari sa anniversarry namin last year.” tugon ni Grezia na umikot pa ang mga mata sa ere nang maalala ang pangyayaring iyon sa kanyang buhay. "Alam na alam mo iyon." aniya pa dito.   Sa isang room ng Hotel sila nagkasundong mag-dinner nito, kung saan ay akala ni Grezia na abot-kamay niya na ang binata. Mainit na ang kanilang halikang dalawa nang biglang tumawag ang kapatid nito at ibinalitang isinugod sa Hospital ang kanyang ina. Ang ending ay nabulilyaso na naman ang kanilang plano na nagkukumahog na nagtungo sa Hospital. Ang ending, hindi lang pala natunawan ang ina nito na kumain pa ng maraming karne kahit na bawal iyon.   “I am sorry, Hon, alam kong it ruined our anniversarry—” hingi nito ng paumanhin na kaagad niyang pinutol, ayaw niyang makonsensiya ito nang dahil sa kapamilya niya naman iyon. Pilit niya pa 'ring inunawa ang araw na iyon.   “It’s alright, Hon, marami pa naman tayong oras para doon.” tugon niya kahit na puno siya ng panghihinayang.   At ang mga oras na iyon ay hindi na nasundan pa, lalo pang naging abala ang kanyang kasintahan na kulang na lang ay matulog na sa kanyang opisina. Hindi nag-demand doon si Grezia, pilit niya pa ‘ring inintindi ang binata hangga’t kaya niya na mukhang ngayon ay mapapatid na. Hindi na niya kayang magtiis pa ng panibagong taon ng paghihintay. Kailangan na mayroon na siyang gawin para sa kanila, dapat ay siya na ang gumawa ng aksyon sa kanilang dalawa.   “Baka naman gay si Jholo, ah?” litanya ng kaibigan na nagpabunghalit kay Grezia ng tawa, "Imagine mo kasintahan ka niya tapos ni minsan walang nangyari sa inyo. Hindi na kayo bata, sa iba iyan gamit na gamit ka na niya!"   “He is not dahil nahawakan ko noon ang kanyang pag-aari.” pilit na giit ni Grezia dito, kahit na mayroong agam-agam sa kanyang kalooban ng mga sandaling iyon. "Nag-react siya sa aming halikan, iyon nga lang ay naudlot pa rin iyon."   “Oo nga nahawakan mo, pero hindi mo naman nagawang tikman.” malakas na halakhak ng kaibigan niya na halos alam yata ang lahat ng bagay sa mundo, siya na lang yata ang hindi alam ang bagay na iyon. “At ito pa ang tanong ko na hindi mo masagot-sagot hanggang ngayon. Nakita na ba ng iyong mga mata iyon? Baka mamaya hindi pa rin.”   Malakas lang na tumawa si Grezia upang pagtakpan ang kanyang nararamdamang hiya. Nagngingitngit pa rin ang kanyang kalooban nang dahil sa kagagawan ng nobyo ngayon. Alam niyang alam ni Sadie kapag nagsisinungaling siya sa mga bagay-bagay. At hindi na lang niya ito papatulan lalo na kung siya ang dehado sa usapan nilang dalawa. Tatawanan niya na lang ito, bagay na kanya ng nakasanayan simula pa noon at basang-basa na rin naman nito.   “Bakit kasi hindi na lang ikaw nag gumawa ng proposal sa kanya?” maya-maya ay tanong ng kaibigan niya sa kanya na bumuhay ng kanyang kuryusidad na, kahit na tutol siya sa bagay na iyon ngayon. “Ikaw iyong luluhod at mag-aalok ng kasal sa kanya, pareho lang naman din iyon girl. Kung ganyan ka na rin lang naman ka-disperadang ikasal, iyon na ang gawin mo. Huwag mo na lang isipin ang sasabihin ng ibang mga tao na makakakita nito. Go na, Grezia!”   “Ganun ko kabilis na ibababa ang sarili ko?” tanong ni Grezia na tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa lamesa, hindi siya pabor at hindi niya gusto ang ideya nitong kailangang gawin niya ngayon. “Sadie naman, mas nakakakilig pa rin iyong siya ang mag-aalok ng kasal sa akin at sasagot ako ng oo. Iba pa rin ang kilig na hatid noon sa akin.”   “Sa tingin mo ay kailan ka pa aalukin niyang kasintahan mo na hindi magawang himasin man lang iyang natutuyo ng pechay mong malapit na malapit ng malanta?!” balasubas nitong tanong sa kanya na ikinatigil niya sa paghakbang na palabas na sana ng nasabing restaurant, mabilis na namula ang kanyang mukha. “Girl, okay lang naman iyon, eh. Sige ka, ikaw rin naman ang malalantahan ng pechay at hindi ako. Desisyon mo na iyan. Malaki ka na at matanda ka na.”    “Sadie...” natatawa na iyang sambit nang dahil sa mga salitang ginamit nito na hindi niya nakasanayan, "Para kang sirang plaka diyan." naiiling na rin niyang turan sa kanyang kaibigan.   “Mamili ka, ikaw ang mag-aalok sa kanya o maghihintay kang pumuti ang uwak o ayain ka niyang kapares ng suntok sa buwan?” seryoso niyang tanong kay Grezia na hindi na alam ang isasagot pa sa kanya kaibigan ngayon.    “Pag-iisipan ko.” maikling tugon ni Grezia na tuluyan nang lumabas ng restaurant, kaagad siyang napatingala sa langit na kanina lang ay mainit pa. Makulimlim na ito ngayon na tila mayroong nagbabadyang parating na masamang panahon, nangunot ang kanyang noo habang ang mga mata ay nasa mga ulap pa rin. “Uuwi na ako, bye Sadie.”   “Alright, mag-iingat ka. Ipaalam mo sa akin kung anong plano mo para ma-guide kita.” mahinang hagikhik pa nito sa kabilang linya, nakikinita na ni Grezia ang hitsura ng kanyang kaibigan ngayon. “Fighting, Grezia! Huwag kang papayag na malantahan lang ng pechay! Laban!” bunghalit pa rin nito ng tawa na ikinailing na lang muli ni Grezia.   “Sige,” sagot niyang pinatayan na ito ng tawag.   Sumakay na siya ng sasakyan niya at minaneho na iyon pabalik ng kanyang condo unit. Habang nakahiga sa kanyang kama ay hindi mawala sa kanyang isipan ang payo ng kaibigan. Naisip niya na hindi naman siguro ikakababa ng kanyang dignidad kung susundin niya ang payo ng kanyang kaibigan ngayon, payong alam niyang babago sa takbo ng buhay niya kung sakaling magiging matagumpay iyon. Alam naman niya kung saan sa Mindoro ang convention na dadaluhan ni Jholo, itatanong na lang din niya sa kapatid nito kung saang hotel siya doon naka-check in para sigurado ang kanyang pupuntahang hotel. Naisip pa niya na hindi naman siguro siya nito e re-reject dahil sa mahabang panahon na rin naman ang pinagsamahan nilang dalawa ng nobyo. Hindi naman din siya nito hahayaang mapahiya kaya mas lalong lumakas ang kanyang loob na gawin ang bagay na iyon na sinabi ng kanyang kaibigang huling nakausap.   “Okay, let’s try my luck.” bulong niya na hinila na ang kanyang katamtamang maleta upang mag-impake ng kanyang mga dadalhing gamit sa kanyang pagtungo sa nasabing lugar. Hindi na mapawi ang kanyang mga ngiti sa kanyang labi ng mga sandaling iyon, hindi na siya makapaghintay pa na magkita silang dalawa sa mismong araw na iyon. “Baka this time ay magtagumpay na akong magsuot ng ginawa kong wedding gown para sa aking sariling kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD