Prologue

1467 Words
Matamang pinagmasdan ni Grezia ang kanyang sarili sa harapan ng malaking salamin na whole body na nasa loob ng kanyang silid. Ilang beses siyang ngumiti nang makitang presentable na ang kanyang suot na damit na bumabagay sa kaunting kolorete na inilagay niya sa kanyang mukha. Kaunting pahid na lang ng lipstick sa kanyang labi ay tapos na siya sa kanyang ginagawa. Marahan niyang hinaplos ang buhok na bagong plantsa na umaabot lang sa balikat niya. Nakalarawan sa kanyang mga mata ang labis na galak at ang kakaiba niyang excitement sa kanyang mukha. Hindi na niya mahintay pa na makita ang kanyang kasintahan na kasalukuyang naghihintay sa kanya ngayon sa restaurant.    “Okay na siguro ito,” mahinang bulong niya na muling sinipat ang sarili sa salamin at ang suot niyang damit.    She's wearing a royal blue dress with a puffy sleeves na siya mismo ang nag-design at nagpatahi. Lagpas ng tuhod niya iyon na lalo pang nagpadepina ng kanyang magandang hubog ng pangangakatawan at makinis na kutis ng balat. Lalo pa rin noong inilabas ang pagiging anak niya ng mayaman, na makikita sa kanyang mga pinong galaw. Lalo pang sumidhi ang kanyang excitement na nasa kanyang mga mata ngayon nang damputin niya na ang kanyang sapin sa paa. "Let's see his reaction today," aniyang marahang kinagat pa ang kanyang pang-ibabang labi upang pigilang mapairit. Ang araw na iyon ay ang ika-walong anibersaryo na nila ng kanyang kasintahan na karelasyon na niya simula pa lamang noong nasa huling taon sila sa Senior High. At tuwing sasapit ang araw na iyon ay hindi niya mapigilang maghangad na makakatanggap na ng singsing dahil sa tagal na rin nilang nasa relasyon na dalawa. Hindi sila more on physical touch na sasabihin na porket matagal na ay gamit na gamit na ang katawan ng isa't-isa. Sa tagal ng relasyon nilang dalawa ay hanggang halik at yakap lang ang nangyayari sa kanilang dalawa. Bagay na ikinatuwa ni Grezia dahil pakiramdam niya ay iginagalang ng kasintahan ang katawan niya. Hindi niya suka't akalain na darating ang panahon na hahangarin niya na sana pala ay may nangyari sa kanilang dalawa nang mas maaga sa inaakala niya pa.    “Sana makatanggap na ako ng singsing mula sa kanya ngayong araw,” puno ng pag-asang sambit niya na sinusuot na ang puting mini-boots na mayroong ilang inch na takong, “Hindi ko na mahintay pa ang regalo niya sa akin mamaya.”   Dinampot na niya ang black shoulder bag at muling sinipat ang kanyang sarili sa salamin. Umikot-ikot pa siya habang malawak ang ngiti sa kanyang labi.  Mabilis niyang kinuha sa loob ng bag ang phone nang mag-ring iyon, nagmamadali na siyang humakbang palabas ng silid nang makita ang pangalan ng kanyang kasintahan sa screen nito. Nakailang tawag na ito nang hindi niya namamalayan nang dahil sa abala ang kanyang buong isipan.   “On the way na ako,” pagsisinungaling niya pagkasagot pa lang niya sa tawag nito, "Saglit na lang, Hon..."   “Gaano ka pa katagal, mayroon akong lakad ngayon.” anang kasintahan sa inip na tinig.    Saglit na natigilan sa paghakbang si Grezia, pagkadismayado na ang nakalarawan sa maganda niyang mukha. Naisip niya na sa tuwing araw ng kanilang anibersaryo ay palagi na lamang itong abala.    “Ten minutes,” hinga niya ng malalim sabay patay ng phone, naglaho na ang excitement niya kanina.    Mabilis siyang sumakay ng kanyang sasakyan at pinaharurot na iyon palayo sa kanyang tirahan. Twenty to thirty minutes ang layo ng restaurant na napag-usapan nilang dalawa mula doon, nagsinungaling lang siya upang huwag na mas mainip pa ang nobyo niya ditong nauna na sa kanyang dumating sa kanilang usapang lugar doon.   Galing sa isang prominente at mayamang pamilya si Grezia, nag-iisang anak na madalas na tawaging miracle baby ng kanyang pamilya. Isa ang kanilang pamilya sa mayroong kumpanya ng clothing line sa bansa, may mga botiques rin silang pag-aari na sikat lalo na sa mga artista at mga sikat na personalidad ng bansa. Tapos siya ng kursong fashion designer. Malakas pa ang kanyang mga magulang kaya naman sila pa ang nagma-manage ng kanilang kumpanya, at si Grezia naman ang humahawak ng ilang mga botika ng iba't-ibang uri ng mga damit. Minsan pa sa kanyang katuwaan ay naki-susyo siya sa maliit na kumpanya na itinayo ng kanyang kaibigan na nag-oorganisa naman ng mga events.    “Sorry, Jholo, medyo traffic.” nagmamadali niyang halik sa labi ng kasintahang hindi matanggal ang mga mata sa kanyang bulto na humahakbang na palapit sa lamesa nila, printeng nakaupo na ito sa lamesa na pina-reserve nila. Nakatukod ang isang kamay sa lamesa at nakapatong doon ang kanyang mukha. “Matagal ka bang naghintay sa akin dito? Hindi ko sinasadyang maipit ako sa traffic.” dagdag niya pang saad na hindi nagbago ng mga titig na nito.    “Yeah,” tipid niyang sagot na tinanggal na ang kamay na nakatukod sabay sulyap sa suot na relo, doon pa lang ay alam na ni Grezia na nagmamadali na ito. “Let's eat, may biyahe pa ako ngayong alas-diyes patungo ng Mindoro.” tinawag na niya ang waiter at ipina-serve na ang mga pagkaing order na kasama ang bote ng wine. Hindi pinansin ang agarang pagbabago ng hitsura ni Grezia nang dahil sa kanyang narinig na sinabi ni Jholo.   Mabilis na humila na ng upuan si Grezia sa harapan ng kasintahan at kapagdaka ay naupo na doon. Hindi na maitago pa ang lungkot na nakalarawan sa kanyang malungkot na mga mata. Mula ng ika-anim na anibersaryo nila ay napapansin niya ang pagiging workaholic nito, kaunting oras na lang ang naibibigay sa kanya. Ganunpaman ay hindi siya nagreklamo, inisip na lang niya na ganun yata talaga kapag tumatanda ka na, mas nagiging busy ka pa.   “Hindi ba iyan pwedeng ipabukas na lang?” hindi na nakatiis ay tanong ng dalaga sa nobyo, bahagya pa siyang ngumuso dito upang ipakita na against siya sa pagiging workaholic nito at subsob sa kanyang mga trabaho.   Nag-angat si Jholo ng mukha mula sa plato ng pagkain at matamang tiningnan ang mukha ni Grezia, puno iyon ng pakiusap at pang-unawa. Alam niya sa kanyang sarili na madalas na siyang magkulang sa nobya, iyon nga lang ay hiningi iyon ng pagkakataon sa mismong araw na iyon. At hindi niya ito pwedeng kanselahin nang biglaan ngayon.   “It's one of the most awaiting international convention na inihanda ng aming kumpanya, Grezia.” paliwanag niya sa nobyang alam niyang nagtatampo na sa pagiging lulong niya sa trabaho at tutok sa kumpanya nila na more on shipping and mga fishing vessels sa buong kapuluan ng bansa. “Maintindihan mo sana na para rin naman sa ating future na dalawa ang aking mga ginagawa ngayon. Nagtatanim tayo para sa ating hinaharap na dalawa, Hon.”    Malalim na bumuntong-hininga si Grezia, hindi niya na maintindihan ngayon kung ano ang nais pa nitong iparating sa kanya. Pareho namang mayaman ang kanilang angkan at pinagmulang pamilya, parehong bilyon-bilyon ang nagiging kita ng mga ito araw-araw. Kung kaya naman hindi niya maintindihan ang nobyo kung para saan ang pagiging workaholic nito na ang dahilan ay para sa future nilang dalawa. Nais niya sanang barahin ang nobyo at makipagtalo na rin dito dahil sawang-sawa na siya sa mga rason, nitong ilang taon na sila kaya dapat ang una nitong iniisip ay ang kasal nila bago ang hinaharap na ika nga nito ay pinaghahandaan pa. At isa pa ay nakahanda naman siyang tumulong. Iyon nga lang ay tila parang mayroong sariling mundo si Jholo, kung saan ay hindi siya kasama nito sa planong iyon.   “Alright,” talunang tugon ni Grezia na nagsimula ng kumain, naisip niya na palagpasin na lang iyong muli dahil anibersaryo naman nilang dalawa sa araw na iyon. Wala rin namang pupuntahan kung magtatalo silang dalawa, kung mag-aaway sila sa mga bagay na hindi naman ganun ka-importante para sa kanyang nobyo “I already understand what you are pointing out. Pilit ko pa 'ring iintindihin kahit mahirap.” dagdag niyang nagsimula pa ‘ring kumain.    Ang gloomy na pakiramdam ni Grezia ay kaagad na naglaho nang matapos na silang kumain na dalawa at inuubos na lamang ang baso ng wine nila na nasa kanilang harapan. Madali namang pasayahin ang dalaga kahit pa minsan ay dinadalaw siya ng pagiging topakin. Huling-huli na ni Jholo ang kiliti niya kung saan ito matatagpuan ngayon.   “This is my gift for you, Hon.” labas ni Jholo mula sa coat niya ng isang maliit na box na kulay pula. Malapad na ngumiti si Grezia, napalis na ang hinanakit na namumuo sa kanyang mga mata kanina. Napalitan iyong muli ng excitement na bumabalot na sa kanyang buong mukha sa mga sandaling iyon. At iyon ay nang dahil sa regalo nitong ang inaasahan ng dalaga ay mayroong laman na singsing na matagal niya ng inaasam-asam na makuha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD