Lalo pang kumulimlim ang kalangitan nang sapitin ni Grezia ang pantalan ng Batangas. Umiba ang dereksyon ng ihip ng hangin nang mga sandaling iyon na kanina ay banayad. Malakas ito at labis din ang lamig na agad na humalik sa kanyang mala-porselanang balat. Marahas na inilipad noon ang ilang hibla ng kanyang buhok na mabilis na nagulo, ang ilang hibla pa nito ay kaagad na tumabon sa kanyang malapad ang ngiting mukha. Naiinis na siyang tumigil sa kanyang ginagawang paghakbang papasok ng pantalan upang ayusin lamang ang kanyang buhok. Hila niya ng kaliwang kamay ang kanyang maleta na may katamtamang laki. Marahas na tumutunog ang takong ng kanyang suot na sandals na humahalik at kumakagat sa sahig ng daan na papasok nang nasabing pantalan. Hinawi niya na ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya upang magulo lamang muli ng isa pang malakas na ihip ng hangin mula sa karagatan. Kaagad na umikot ang kanyang mga mata sa ere dala ng kanyang labis na inis. Ilang buntong-hininga pa ang kanyang pinakawalan nang mga sandaling iyon. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili kahit na naiinis na sa nangyayari doon.
“May sama ba ngayon ng panahon?” tanong niya sa kanyang sarili na tumingin pa sa dagat na lalo pang nag-iba ang ihip ng hangin, nag-iba rin ang dereksyon ng mga alon na para bang hindi na normal iyon. Nagkibit na lang siya ng kanyang balikat, hindi alintana ang namumuong theory sa kanyang isipan nang mga sandaling iyon na may sama nga ng panahon. Sumilid sa isipan niya na hindi niya pwedeng kanselahin ang kanyang plano ng araw na ito na pagtungo ng Mindoro upang sundan ang kanyang kasintahan at mag-propose kay Jholo nang dahil lang doon. “May bagyo nga kaya?” muli pang mahinang tanong niya sa kanyang sarili ng mga sandaling iyon na natitigilan pa rin sa kanyang kinaroroonan, nakatingin pa rin sa dagat ang kanyang mga matang mayroon na kaagad na pag-aalinlangan nang lumakas pa ang ihip ng hangin na yumayakap sa kanya. “Parang wala naman, ang ganda lang ng sikat ng araw kanina, medyo kumulimlim lang naman ang panahon ngayon, medyo lang naman iyon.” sambit niya pa sa kanyang sarili na tuluyan nang pumasok sa pinakaloob ng tahimik na pantalan, “Kaya imposible ang sama ng panahon ngayong araw.”
Busangot ang mukha ni Grezia na panay ang irap sa staff ng nasabing pantalan nang sabihin nitong cancel ang lahat ng biyahe patungo ng kahit saang Isla nang dahil sa sama ng panahon ng araw na iyon. Hindi siya makapaniwala na kung kailan siya nagmamadali ay doon pa tila sisingit ang panahon na nais yatang maging kontrabida sa kanyang plano na at gagawin. Bagay na mas ikinagusot pa ng kanyang mukha na kasing-aliwalas ng langit kani-kanina lang. Bagay na hinding-hindi mapapayagan ni Grezia na magwagi sa kanya kahit alam niyang imposible pa iyon ngayon.
“Pasensiya na po talaga, Miss.” muling hingi ng paumanhin ng staff sa kanya na may malungkot pang mukha na parang nakikisimpatya, at hindi iyon gusto ni Grezia na ang nais ay agad na makarating ng Mindoro sa araw na iyon. “Bigla na lang pong sumama ang lagay ng dagat kung kaya naman ay kanselado po ang lahat ng biyahe namin ngayon. Baka po bukas na ang balik ng ayos na biyahe, bukas na po kayo magtungo sa inyong pupuntahan Miss.” sinubukan nitong ngitian siya ng friendly, ngunit hindi iyon sinuklian ni Grezia dahil sa labis na pagkairita niya na. "Iyon lang po ang tanging maipapayo ko sa inyo Miss, hindi rin po kayo makakaalis ngayong araw ng pantalan."
Muling tumaas ang isang kilay ni Grezia sa kanya, naisip niyang hindi naman ito ang may katawan ay kung bakit mas marunong pa ito sa kanyang gagawing biyahe sa araw na iyon. At lalo pa iyong itinaas niya nang tumingin ito sa kanya gamit na naman ang mga mata nitong nakikisimpatya. Ayaw na ayawa niya ang bagay na iyon. Ayaw niyang kinakaawaan siya, ayaw niyang iniisip nito na wala na talagang paraan pa doon. Mangilan-ngilan na lang ang mga pasahero sa nasabing pantalan, ang iba ay umuwi na muna at ang iba naman ay nagkansela na ng kanilang magiging biyahe at ni-reschedule na iyon kinabukasan o sa mga sunod na araw. Kung kaya naman dinig na dinig ang kanyang matinis at mataas na boses ng mga sandaling iyon sa bawat sulok ng nasabing pier na binabalot ng katahimikan pa.
“Bangka? Wala bang bangkang pwedeng pakisuyuan na patungo doon? Ihahatid lang naman ako. Nakahanda akong magbayad kahit pa magkano dito.” giit pa ni Grezia sa kanya na pansamantalang ikinamaang ng staff sa kanyang hindi makapaniwala ang mga mata, ilang sandali pa nanlalaki ang mga mata nitong tumitig na ito sa kanyang mukha na hindi pa rin makapaniwala. “Kailangan ko talagang makarating ng Mindoro ngayon, Ateng, kailangan ko talaga.”
Mabilis na umiling sa kanya ang staff, kahit naman yata mayroon ay hindi siya papayag na umalis ang customer na mapilit nang dahil lang sa gusto na nitong magbiyahe ngayon. Katunayan ay pwede ang speedboat doon at may mga bangka rin naman na pwedeng rentahan o bayaran nang mas malaki sa normal na pamasahe makarating lamang doon. Makikipagsapalaran sa pangit ng lagay ng panahon, ngunit mas pinili niyang hindi na iyon sabihin pa kay Grezia.
“Wala talaga Miss, bumalik na lang po kayo bukas at resume na po ang biyahe ng aming pantalan. Mahirap pong makipagsapalaran sa ganitong lagay ng panahon. Mapapahamak lamang po kayo, huwag na po kayong mapilit sa mga bagay na sa bandang huli ay pagsisisihan mo. Bukas na lang po Miss, mas sigurado na po na safe ang panahon noon.” matigas pa ‘ring saad ng staff sa kanya na ikinainis ni Grezia. “Safety first po tayo Miss, sana maunawaan niyo iyon.”
Hindi nagsalita si Greza na naging malikot na rin ang mga mata sa nasabing pantalan. Naghahanap siya ng paraan upang makarating lang sa kanyang pupuntahan ngayon. Hindi siya papayag na sa una pa lang ay bulilyaso na kaagad ang kanyang plano doon. Susubukan niya at gagawin niya na ang mga bagay na sinabi ng kanyang kaibigang si Sadie. Nandito na rin siya kung kaya naman ay marapat lang na ipagpatuloy niya ang kanyang pina-plano ngayon dito.
"Wala talaga? Kahit na maliit na bangka o speedboat?" muling harap niya sa staff na agad na namang napanganga, muli itong umiling at hindi na siya pinansin pa. Napilitan tuloy si Grezia na talikuran na ang nasabing staff dito.
Ilang minuto siyang naupo sa may waiting area habang nag-iisip ng mga dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon. Mabilis siyang napatayo nang makita ang isang may edad ng lalaki na kakababa pa lang galing sa mga hilera ng speedboat at maliit na mga bangka. Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito, nagbabakasakali pa rin siya dito.
“Pwede naman Miss, kaso bukas na lang dahil masama pa ang lagay ng panahon ngayong araw.” tugon sa kanya ng lalaki, maliit pa itong ngumiti sa kanya. Mabilis ang kanyang ginawang pag-iling, hindi na siya sang-ayon pa dito.
“Hindi po pwede ngayon?” ulit ni Grezia na tila nabingi sa sinabi sa kanya ng lalaking kanyang kaharap, hindi niya iyon ma-proseso ng kanyang isipan. "Ngayon ko po kailangang magtungo ng Mindoro, baka naman po pwede?"
Mahinang tumawa ang matanda sa kanya, bahagya pang naiiling sa mga sinabi niya. Doon pa lang ay alam niyang hindi ito papayag sa kagustuhan niyang mangyari. Hindi ito papayag na ihatid siya sa lagay ng panahon ngayon.
“Hija, mas makakabuti sa’yo na ipagpabukas na ang iyong lakad lalo na at nagkaroon pala ng buhawi sa may bandang Tagaytay kaninang umaga pa. Nanalasa iyon at malaki ang naging sakop, baka kaya pati dagat ay apektado sa naganap nang dahil doon.” paliwanag ng matanda na hindi pinansin ni Grezia, nakatutok ang kanyang isipan sa kagustuhang makaalis pa rin ng pier sa araw na iyon. Hindi siya papayag na hindi makapagbiyahe sa araw na ito. "Mabuti na iyong nag-iingat tayo keysa magsisi na tayo habang nasa laot at walang magawa sa kalamidad."
“Hindi po iyon pwede, kailangang ngayong araw ay makarating din po ako doon sa Mindoro.” saad niya pang hindi alintana ang mahina ng patak ng ulan sa mga sandaling iyon, "Ngayon din po mismo sa araw na ito, Manong."
“Ay anong gagawin natin hija, masungit ang dagat ngayong araw?” tanong ng lalaki na hilaw ng ngumiti sa kanya, may badya ng inis na nakaguhit at larawan sa mukha nitong medyo buto at balat na. “Hindi ka pwedeng magbiyahe, baka mapahamak ka lang kapag pinilit mo ito. Ang mabuti pa ay bukas ng umaga, kahit maagang-maaga pa iyon.”
Ilang beses na ikinurap ni Grezia ang kanyang mga mata, nais pa ‘ring makapaglayag sa araw na iyon. Hindi niya lubos maisip na ipapagpabukas pa ang kanyang naisip na plano para sa kanyang nobyo na nasa Mindoro na ngayon.
“Handa akong magbayad ng malaki Manong, kahit na magkano pa ito.” muling giit niyang sinusubukan ang kanyang nais na mangyari at dinadaan niya iyon sa pamamagitan ng kanyang mga salapi. "Magkano po ba ang gusto niyo?"
“Hija, hindi talaga pwede—”
“Please po, kailangan ko pong makarating talaga ng Mindoro ngayong araw din mismo!” puno ng emosyon na pakiusap ni Grezia sa lalaki na nakamaang lang sa kanyang mukha, hindi na mapigilan ni Grezia na maluha at mamula ang kanyang mukha. Naisip niya na mabibigo lang naman pala siya. “Hindi po pwedeng hindi, kailangan kong makarating doon anuman ang mangyari. It’s a matter of life and death po, kailangan ko po talagang makarating na doon.” dagdag pa ni Grezia na desperada na sa kanyang mga sinasabi ngayon. “Please po...nakikiusap ako...”
Saglit na natigilan ang lalaki sa kanyang mga sinabi. Halatang hindi iyon maunawaandahil sa hindi niya alam ang kung anumang dahilan ng babae ngayon na halos ay maluha na sa kanyang pakikipag-usap sa kanya. Ilang beses siyang bumuntong-hininga, pilit na iniintindi ang emosyon ni Grezia na kulang na lang ay humagulhol ng iyak dito.
“Kapag hindi po ako nakarating ngayon doon ay baka tuluyan na akong mawalan pa ng pagkakataon na gawin ang bagay na nais kong mangyari. Tulungan niyo po sana akong tuparin ang bagay na iyon, pakiusap po, Manong...” malungkot na turan ni Grezia sa lalaking agad ng naantig ang damdamin sa kanyang mga kahilingan, “Sige na po do-doblehin ko na lang ang presyo o kahit magkano ang ibigay niyong presyo ay nakahanda akong magbayad sa’yo ngayon. Magkano po? Basta ihatid niyo lang po ako sa aking pupuntahang pantalan na may pangalang Mindoro.”
Pagkatapos pa ng ilang mga pakiusap ay tila nahipnotismo sa kanya ang matanda na agad ng pumayag siya na ihatid sa pupuntahan gamit na ang kanyang speedboat. Kahit pa mas lumaki ang mga gulong ng alon sa ibabaw ng kanina ay panatag na dagat. Ang lalaki ay may-ari rin ng ibang mga bangka na maaaring gamitin ng turista patungo sa mga Isla.
“O siya sige na, halika na at ihahatid kita bago pa lalong sumama ang panahon.” anang matanda na kinuha na ang kanyang maletang dala, maingat na inilagay iyon sa likuran ng nasabing speedboat nito. “Basta sampung libo, hija...ah?” ngiti nito na tila ba naka-jackpot na sa kanyang paniningil ng sobra-sobrang pamasahe kay Grezia.
“Sige po, kahit po twenty thousand pa.” tugon ni Grezia na isang anak ng mayaman na kumuha na ng cash sa kanyang wallet upang kanya ng ibayad sa lalaki upang mas ganahan itong ihatid siya sa kanyang destinasyon ngayon.
Malawak na ngumiti ang lalaki sa kanya at tumango pa, animo ay nanalo pa siya nang tanggapin na ang pamasahe niya. Inilagay niya iyon sa kanyang bag, habang may malawak 'ding ngiti si Grezia sa kanyang mukha para dito.
“Maraming salamat, hija.” ani pa ng lalaki sa kanya.
“Wala pong anuman, maraming salamat po sa paghatid sa akin.”
“Sige, sumakay ka na.” anitong inayos ang lagay ng kanyang maleta sa likurang bahagi ng sasakyan nila.
Abot-langit ang ngiti ni Grezia nang lumulan doon, pakiramdam niya ay matutupad niya ang kanyang pangarap na proposal sa mismong araw na iyon sa kanyang nobyong si Jholo. Bago siya magtungo sa pier ay dumaan siya ng mall upang bumili ng kanilang engagement ring na dalawa na yari sa ilang gramo ng gold. At nakatago iyon sa loob ng kanyang maletang dala, bagay na mas ikinangiti niya pang lalo. Hindi na makapaghintay pang magkita na silang dalawa. Natitiyak niyang pagkatapos ng araw na iyon ay magiging masaya na ang magiging buhay niya sa piling nito.
“Maraming salamat po!” magalang na turan ni Grezia kahit na hindi niya iyon madalas na sabihin, pakiramdam niya ay nais niyang mag-thank you sa nasabing lalaking kasama at maghahatid sa kanya, "Maraming salamat po!" ulit niya pang pinagsalikop na ang kanyang dalawang palad, hindi pa rin napapawi ang kanyang mga ngiti sa kanyang labi.
Nang magsimula nang umalis ang speedboat doon sa pantalan ay lalo pang napangiti nang malawak si Grezia. Nai-imagine na niya ang magiging reaction ng kanyang nobyo oras na makita siya nitong nakaluhod sa kanyang harapan. Kinakabahan man ay mas pinili niyang positibo ang isipin pagdating sa bagay na iyon ngayon, ayaw niyang mag-isip ng mga bagay na hindi aayon sa kanyang kagustuhang mangyari at maganap. Ngunit ang lahat ng iyon ay naglaho nang unti-unting pumatak ang mahinang ambon, sabayan pa ng mas lumakas na ihip ng hangin at malalaking gulong ng mga alon halos kalahating oras pa lang ang nakakalipas magmula ng makaalis sila ng matanda ng pier na dalawa.
“Hala!” bulalas ni Grezia nang makita ang papasalubong na malalaking mga alon, pikit-mata niyang inihawak ang kanyang dalawang kamay sa kanyang inuupuan. Halos maalog ang lahat ng laman ng kanyang sikmura na kulang na lang ay kanyang ilabas at isuka nang dahil sa sayaw ng mlalaking alon sa speedboat nilang sinasakyan ng lalaki.
“Ito na nga ba ang sinasabi ko!” sigaw din ng lalaki na pilit na nakikipaglaban at sumasabay sa indayog ng speedboat na sinasakyan, tila mauupos ang hininga ni Grezia nang dahil sa kanyang labis na takot ng mga sandaling iyon. “Kumapit kang mabuti, Miss! Hindi natin alam kung makakarating pa tayo doon ng buhay at may hininga.”
"Po?!" nahihintakutang turan ni Grezia sa matandang namumutla na rin ang buong mukha dahil sa sitwasyon nila.
Halos mapasigaw nang malakas si Grezia kasabay ng malalaki pang gulong ng alon sa dagat at mas lumakas na pagaspas ng hangin. Hindi siya makapaniwala na buong buhay niya ay makakaranas siya noon ngayon. Naisip niya na isang wrong decision yata ang kanyang nagawa, naging mapilit siyang umalis ng pier kung kaya naman ay ito ang naging kabyaran ng mga desisyong iyon. Sa mga sandaling iyon ay naisip ni Grezia ang sinabi ng lalaki sa kanya, ang panganib nitong dala. Noon niya lang napagtanto na mukha nga yatang mali ang kanyang mga naging desisyon pagadating sa bagay na iyon. At naisin man niyang magsisi ay naroon na naman na iyon at wala na siyang magagawa pa kung hindi ang manalangin na sana ay huwag silang mapahamak na dalawa. Huwag silang lamunin ng malawak na karagatan na tila nagngangalit ang galit sa kanilang dalawa ngayon na walang humpay na idinuduyan ng mga alon.
“Sa tingin ko hija ay hindi tayo makakarating sa ating destinasyon ngayon. Kailangan nating maghanap ng alternatibong mapupuntahan. Kung ipipilit natin na makarating ng Mindoro, sa tingin ko ay tuluyan na tayong mapapahamak nang dahil sa malalaking mga along ito ngayon.” saad ng lalaki na ikinabilog ng mga mata ni Grezia nang mga sandaling iyon, tuto man siya ay wala siyang nagawa nang baguhin ng lalaki ang dereksyon ng speedboat na hindi niya alam kung saan na sila dadalhin nang dahil sa malakas ng buhos ng ulan. “Mapapahamak pa tayo!” huling sigaw nito na hindi na nagawa pang kontrahin ni Grezia nang dahil sa labis niyang takot ng mga sandaling iyon. Nangangatog na ang kanyang mga tuhod, tila ba ang dinukot na rin ang kanyang buong kalamnan ngayon.