Nahihiyang nag-iwas ng kanyang tingin si Grezia nang lumingon sa kanyang banda ang binata. Hindi niya kayang tagalan ang mga titig nito sa kanyang bukod sa kakaiba ay may kakaibang hatid sa kaibutura niya na hindi niya kayang ipaliwanag ng mga salita ngayon. Mabilis na ibinaling niya ang mga mata sa malayong dagat na halatang-halata pa rin ang malalaking gulong ng mga alon, na tanaw na tanaw mula sa kanilang kinaroroonan. Agad na umihip ang malamig na hangin na gumulo sa hibla ng buhok ng dalaga na unti-unting natutuyo nang dahil sa malakas na ihip ng hangin sa lugar na iyon. Halos namumuti ang ang dalampasigan sa panaka-nakang hampas ng mga alon doon. Ayaw man na isipin ni Grezia na magsosolo siyang maglakad, ngunit sa hatid na tingin ng lalake sa kanyang Lolo ay tila ba hindi ito papayag