Para akong bangag habang naglalakad patungo sa palengke. Nakakagulat naman kasi ang ginawa ng lalaking iyon, saka hindi ako puwedeng magkamali siya ang lalaking humalik sa akin noong labing limang taon palang ako. Alam kong siya rin ang tumulong sa akin kaya napunta ako sa boss Zach.
Kung hindi ako nagkakamali ay may ugnayan si boss Zach at ang lalaking nakasalamin na 'yun, kaya lang nahihiya akong magtanong kay boss.
"Magnanakaw, magnanakaw! Iyong bag ko pleaseeee! Tulungan ninyo ako!" narinig kong sigaw ng isang babae.
Agad naman akong napatingin sa babae. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaking tumatakbo papalayo at hawak ang bag ng babaeng umiiyak, kumuha ako ng kalakihang bato at walang pag-alinlangan at ubos lakas kong binato sa batok ang magnanakaw.
Nakita kong natumba ito, kaya agad na lumapit dito ang ilang mga kalalakihan na humahabol. Hindi na lang ako lumapit dito. At pinagpatuloy ko ang pagpunta sa palengke.
Nang maibili ko na ang lahat ng dapat kong bilhin ay nagmamadali na akong umuwi dahil siguradong sermon na naman ang aabutin ko nito kay tita Gina. Nak kung ano-ano na naman masasakit na salita ang sabihin nito sa akin.
Naku kung wala lang akong kailangan sa kanila never akong magtitigil doon, kailangan kong mabawi sa kanila ang bahay at negosyong pinaghirapan itayo ng mga magulang ko.
"Aba! Mabuti naman at dumating ka na, halos mamuti na ang mga mata namin sa kahihintay sa 'yo lalo na at gutom na rin kami!" sigaw sa akin ni tita Gina.
"Sorry po tita naglakad lamang po kasi ako kaya medyo natagalan," paliwanag ko.
"Hindi ko na problema kung naglakad ka, ang sabihin mo mabagal ka talagang kumilos o baka naman nakipaglandian ka pa sa mga lalaking nakakasalubong mo?" uuyam na tanong ni tita..
Hindi na lamang ako nagsalita. Upang hindi na humaba pa. Nakatungo lamanga ko rito.
"Bilisan mong kumilos tanga! Titigil ka pa riyan, ibigay mo na iyong pinamili kay Manang ng mailuto na at puntahan mo si Rica at Riza, ayusin mo raw ang kwarto nila!"
"Opo," tugon ko.
Binigay ko na lang ang mga lulutuing ulam kay Manang at pumanhik na sa dating kwarto ko na iba na ang mayari. Agad akong kumatok at binuksan naman ni Rica.
"Bakit ngayon ka lang?" asik nito sa akin.
"Paumanhin Rica, nagpunta pa kasi ako nang palengke," sagot ko.
"Bilis mo ngang kumilos, ayos mo iyong gagamitin ko sa paliligo at itong kwarto ay linisan mo dahil mayroon akong bisita mamaya."
"Sige," tugon ko.
Nang matapos akong maglinis sa kwarto nito ay roon naman ako pumunta sa kwarto ni Riza na dating kwarto naman ng Ate ko.
Bukas ang pinto kaya sumilip ako, nagulat pa nga ako nang meron itong kasamang lalaki sa loob at naghahalikan ang mga ito.
"Hmmm...Riza pinatatawag mo raw ako?" tanong ko.
"Ang tagal mo! Kanina pa kita hinihintay!"
"Sorry naglinis pa kasi ako sa kwarto ni Rica."
"Ohhh! Bilisan mo ayos mo na ang mga gagamitin ko!" galit na utos niya sa akin.
Pumasok naman ako sa loob ng kwarto, pansin kong nakatingin sa akin ang lalaking kasama nito, itsura pa lang ng mukha nito ay hindi na gagawa ng mabuti.
"Babe maliligo lamang ako, ha! Kung meron kang ipag-uutos sa kanya ka mag-utos. At ikaw huwag mong aakitin ang boyfriend ko," pagbanta ni Riza sa akin.
Tumango ako rito habang nakatungo, nakita kong papasok na ito ng CR kaya nag-umpisa na akong ayosin ang kama, nakaupo naman kasi ang boyfriend ni Riza sa sofa.
Ramdam kong nakatitig ito sa likod pero hindi ko ito pinansin at patuloy na nag aayos ng kama.
"Hmmm...mas maganda ka kay Riza," narinig kong wika ng lalaki.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko na tumayo ito at tangkang lalapit sa akin, kaya bigla akong humarap dito na nakataas ang kilay.
"Magkano ang kailangan mo at ibibigay ko sa 'yo? Basta't makasama lang kita kahit isang gabi lamang."
"Sorry po Sir. Pero hindi po ako pokpok o barayang babae," wika ko rito sabay tungo.
"Babae wala pang tumatanggi sa akin, baka hindi mo magustuhan ang magawa ko," pagbabanta nito.
"Paumanhin po. Pero hindi po ako papayag sa nais ninyo."
Pansin kong lalapit ito sa akin at nakikita ko sa mukha nito ang malademonyong ngisi, tangka akong hahawakan nang bigla akong umiwas, kaya lalo itong nagalit sa akin.
Umiwas na naman ulit ako nang hahawakan akong muli sa aking braso.
"Sir, hindi ka ba nag-aalala na baka biglang lumabas si Riza, at makita ang ginagawa mo sa akin?"
"Matagal pa ang labas niya kaya meron pa tayong pagkakataon. Akong bahala sa 'yo," pahayag nito sa akin.
Masamang tingin ang binigay ko rito, huwag ako ang paglabas ng libog mo, nandiyan si Riza at doon ka maglabas nang kalibilugan mo. At kung nakukulangan ka pa ikaskas mo sa pader," ma-awtoridad na wika ko rito.
Ngumisi siya sa akin at pinagpatuloy ang paglapit nito. Talagang may balak itong gagawin sa akin, kaya saktong paglapit nito ay siyang igkas nang kamao ko patungo sa sikmura nito. Itinaas ko ang kaliwang paa ko patungo sa leeg nito at isinandal ito sa pader, habang nasa leeg nito ang paa ko."
"Alisin mo ang paa mo nahihirapan akong huminga," wika nito.
"Binalaan na kita lalaki. Pero makulit ko, baka rito pa lang mamatay ka na wala akong pakialam kahit makulong pa ako," asik ko rito.
"H-hindi na mauulit pangako," hirap na hirap nitong sabi sa akin. Lalo at mas idiniin ko pa ang paa ko sa leeg nito. Agad ko inalis ang paa ko sa leeg nito, sapagkat narinig papalabas na si Riza mula sa CR.
Nakikita ko ang pamumutla ng mukha ng lalaki nang alisin ko ang paa ko sa leeg nito, lumapit agad ako sa kama upang ipagpatuloy ang aking ginagawa.
"Babe, ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit namumutla ka?" tanong ni Riza sa lalaki.
Tumingin agad ako rito upang magbigay ng babala, mabuti naman at nalaman agad nito ang babala ko.
"Aah...ano...kasi.. babe, gutom lang siguro ako," palusot ng lalaki kay Riza.
"Hoy ikaw! Ayosin mong ang paglilinis dito sa kwarto ko, ayaw kong meron makikitang ano mang kalat o alikabok dito ha."
"Sige," tugon ko kay Riza.
Tumingin ako sa papalabas na si Riza, sige lang araw ninyo ngayon, oras na malaman kong kayo ang may kagagawan sa pagkawala ng pamilya ko, humanda kayo sa akin.
Nang matapos akong maglinis ng kwarto ni Riza ay agad akong lumabas ng silid, nakita kong nagtatawanan ang mag-anak sasala.
"Ooh! Bakit ngayon ka lang bumaba?" tanong sa akin ni tita Gina.
"Naglinis pa po ako ng kwarto ni Riza at Rica," sagot kong nakatungo.
"Ang tagal mong maglinis, ahh, baka pinagnakawan mo na ang mga anak ko," asik nito.
"Ang sarap isigaw sa pagmukha nito. Kung sino nga ba ang totoong magnanakaw sa amin dalawa. Ngunit kailangan kong magtimpi.
"Siguraduhin mo lamang Key, sige na umalis ka na sa harap namin at na aalibadbaran ako sa pagmumukha mo," asik ni tita sa akin.
Tumalikod na lamang ako sa mga ito at pumasok sa maliit kong silid, inilock ko ang pinto at lumapit sa maliit kong kama, kinuha ko ang cellphone kong nakatago at nakita kong may tatlong missed call si boss Zach.
"Ako na lamang ang tumawag dito at baka mahalaga ang sa sabihin nito, nakakadalawang ring pa lang nang sagutin agad nito ang call ko.
"Agent Key, kailangan mong pumunta rito sa bahay ko, meron kang hahawakang bagong kaso," pagbungad agad ni boss.
"Boss, akala ko ba bakasyon ako ngayon?" tanong ko rito.
"Sorry Agent. Kung hindi matutuloy ang bakasyon mo, mayroon kasing bagong kaso ang dumating at sa 'yo ito nababagay ibigay."
"Okay boss," tugon ko.
Agad akong tumungtong sa kahoy upang dumaan sa bintana, nagmamadali akong lumabas ng bahay upang pumunta sa bahay ni boss Zach.
May tumigil na taxi sa harap ko kaya nagmadali akong sumakay, kaya lang biglang kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang babae na katabi ng driver at dalawang lalaking katabi ko.
Sa itsura ng pagmukha ng dalawang lalaki ay mukhang hindi gagawa ng maganda, tumingin ako sa driver at nakita kong nanginginig ang kamay nito at mukhang kinakabaha.
Ganoon din ang babaeng katabi nito, mukhang may hindi magandang mangyayari ah, kinapa ko sa likod ko ang laging kong dalang maliit na wood bat.
Ang malas mo Miss dahil ikaw ang nakita namin sa daan, siguradong matutuwa ang boss ko nito, oras na meron na naman kaming dalang babae, lalo at dalawa pa kayo," pahayag ng isang lalaki.
"Maawa naman kayo sa babae, siguro naman ay mayroon din kayong kapatid na babae at nanay," pahayag ng driver.
"Mag drive ka na lang." Sabay batok ng lalaki sa driver ng taxi.
Tumingin ako sa mga ito. "Sigurado ba kayong kami ang malas ngayon araw na ito? Parang sa tingin ko'y kayo?" wika kong may pagbabanta.
MR, CHILDISh
KEY ❤ KING