"Wow! nakakatakot naman ang pagbanta mo babae, baka hindi mo kayang panindigan ang sinasabi mo. Ano'ng magagawa ng isang katulad mo babae lamang?" tanong nang mga ito sa akin. "Wala naman sa sampalin ko lang kayo," pahayag ko sa mga ito. Kaya naman nagtawanan ang mga ito sa sinabi ko. "Pinatatawa mo naman kami babae, mukhang maganda ka, ahh, tama lang pala na ikaw ang nakuha namin, mukhang tiba-tiba kami sa 'yo babae," pahayang ng isang lalaking bungal. Hahawakan sana ako ni bungal nang mabilis akong umiwas dito. Agad ding umigkas ang mga kamao ko patungo sa mukha nang mga ito, sumandal ako sa pintuan ng kotse at itinaas ko ang dalawang paa ko at mabilis na sinipa ang katabi kong lalaki. Nakita kong maglalabas ng kutsilyo si bungal kaya, mabilis kong kinuha ang maliit na wood bat ko at