Walang ingay akong umakyat sa gate at tumalon na walang tunog sa lupa at pagkatapos ay mabilis na lumapit sa bintana, tumungtong ako sa kahoy upang makapasok sa loob ng aking silid.
Binuksan ko ang maliit na ilaw upang kahit papaano'y may silbing liwanag sa loob ng aking maliit na kwarto, pumunta muna ako sa loob ng banyo upang maligo, lalo at malansa ako gawa ng dugo ng mga kalaban ko.
Nang makatapos akong maligo ay agad akong nahiga sa maliit na kama na tanging ako lamang ang kasya, nagbuntonghininga ako ng malalim, ganito na lamang lagi ako kapag matutulog, mag-iisip muna ng kung ano-anong bagay bago ako makatulog.
"Mommy, daddy, ate, miss ko na po kayo," bulong ko sa hanging. Ang daya ninyo talaga dahil iniwan ninyo akong mag-isa rito sa mundong ibabaw.
Bigla na naman pumasok sa isip ko ang malagim na nangyari sa buhay ng pamilya ko at kung bakit nag-iisa na lamang ako dito sa mundong ito.
(ALA-ALA)
(JUNE-28-2011)
Hindi ko malilimutam ang araw na iyon nang mawala sa buhay ko ang pamilya ko.
Masaya kaming kumakain ng umagahan ng pamilya ko, lalo at nagbabalak sina mommy at daddy na mag outing daw kami sa darating sa sabado.
Masayang-masaya kami ni Ate nang malaman namin na matutuloy talaga ang binabalak namin outing, kaya ng araw din iyon ay nagpaalam muna ako kay mommy na pupunta sa bahay ng kaibigan ko.
Gusto ko rin kasing isama ang bestfreind ko sa outing na pupuntahan namin. Agad na pinayagan naman ako ng ina ko. hindi naman ako magtatagal doon
Bumaba ako ng hagdan upang umalis na. Nakita ko pa nga na nagtatawanan ang pamilya, lumapit ako sa mga at agad na nagpaalam.
Yumakap muna ako kay mommy. Pansin kong mahigpit ang pagkakayakap ni mon sa akin ganoon din si daddy at Ate. Parang naninibago ako sa kanila.
Hindi ko na laamang iyon pinansin. Agad akong nag-alam na para maagang makauwi. Lumakad na ako upang umalis pagdating sa pintuan ay bigla akong lumingon kina mommy.
Ngunit nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong meron silang dugo sa katawan. Kaya kinusot ko ang mga tama at baka namamalik-mata lamang ako.
Nakahinga ako ng maluwag nang pagmulat ko ng mga mata ay wala naman silang dugo sa katawan. Kaya sinawalang bahala ko na lamang ang aking nakita.
Kumaway na lamang ako sa mga ito at ngumiti. Natuloy-tuloy na akong lumabas ng bahay.
Mabilis lang naman akong nakarating sa bahay ng kaibigan ko.Hindi naman ako nagtagal sa bahay nito.Sinabi ko lamang na gusto ko siyang isama sa outing namin.
Umuwi naman agad ako. Ngunit na pansing may mga dumaang sasakya ng pulis at ambulance. Saan kaya pupunta ang mga yun?
Malapit na ako sa bahay nang makita kong maraming tao at mayroon din mga sasakyan.
Nandito rin iyong nakita kong sasakyan ng mga pulis at ambulance na nakita ko kaninang dumaan sa harap ko. Biglang kumabog ang dibdib ko. Na roroon ang takot at pangamba. Kaya nagmadali akong pumasok sa loob. Kaya lang ay ayaw akong papasokin ng pulis dahil bawal daw.
Lumaki ang mata at sobrang kinabahan nang meron silang ilabas na may takip na puting kumot. Nagmamadi akong lumapit doon ayaw pa nga akong palapitin ng pulis.
Paglapit ko'y agad kong inalis ang takip upang alamin kong sino iyon. Ngunit---halos gumuho ang mundo ko nang makita ko si mommy. Wala na itong buhay. Hindi rin makilala ang mukha nito dahil sa daming pasa roon. Pinahirapan nila ang aking ina.
Tumingin ako sa isa pang kumot na inalabas galing sa loob ng bahay namin. Halos hindi ako makahakbang para kasing nanlalabot ang mga tuhod ko. Dahan-dahan kong inalis ang takip ng kumot. Halos mamlumo ako ng makita ko si daddy na wala ng buhay.
Ang hindi ko matanggap ay mayroon itong gilit sa leeg at puro pasa rin ang pagmukha nito. Lalong kumabog ang dibdib ko nang may ilabas muli galing sa loob ng bahay.
Lumuluhang lumapit ako rito upang buksan ang kumot. At tumambad sa akin ang kapatid kong wala ng buhay.
"Ano'ng nangyari sa inyo? Kanina lamang ay ang saya-saya natin!" malakas kong bigkas habang nakayapos sa bangkay ng ate ko. Tila gumuho ang aking mundo. Ang tanong ko sa aking sarili paano na ako.ngayon?
Ito ba ang aking kapalaran? Bakit hindi na lang nila ako isinama? Bakit hinayaan nila akong mag-isa sa mundong ito? Maraming bakit ang pumapasok sa aking isipan ng mga sandaling ito. Habang walang humpay ang pagpatak ng aking luha.
Ang sabi ng mga pulis ay akyat bahay o mga talamak na magnanakaw ang pumasok sa tahanan namin, lalo na't lahat ng kwarto ay pinasok at naghanap ng makukuha.
Nang mga oras na iyon ay dumating ang kapatid ni daddy. Ito ang nag-asikaso ng lahat, dahil hindi ko naman alam kong ano ang dapat kong gawin.
Nailibing na sina mommy pero wala man lang nahuli na kahit isa sa mga pumatay sa pamilya ko. Parang hindi man lang kumikilos ang mga kapulisan, ang tanging sinasabi lamang nila ay walang ebidensya.
Ganoon na lang ba 'yun? Kapag walang ebidebsya ay hindi na sila kikilos. Ano'ng silbi ng pagiging pulis nila? Ang taging hiling ko na lamang ay sana'y lumaki na ako para ako na ang kikilos para sa aking pamilya.
Nagulat ako isang araw nang sabihin ng kapatid ni daddy na rito na sila titira sa bahay kasama ang asawa at mga anak nito. Sila na raw ang mag-aasikaso sa negosyong naiwan ni daddy.
Natuwa ako dahil kahit papaano ay meron na akong makakasama rito sa bahay. Ngunit ang tuwang nangyari sa akin ay biglang naglaho.
Dahil kalbaryo at pahirap ang ibinigay nila sa akin. Simula nang tumura na sila rito sa bahay. Hindi kamag-anak ang turing nila sa akin, kundi isang katulong sa sarili kong pamamahay.
Sa maid's quarter na rin ako pinapatulog, ang masaklap pa'y hindi na rin ako pinapasok sa school ng tita Gina ko.Bagay lang daw akong maging katulong dahil wala akong silbi.
Paano ako naging walang silbi, kung tutuusin ako lahat ang kumikilos dito sa bahay, ni kahit singko wala silang binibigay sa akin.
Ang masama pa'y kapag nagkakamali ako ay agad akong pinagbubuhatan ng kamay ni tita. Ganoon din ang mga anak nitong panay utos sa akin.
Dumating ang araw na lumaban na ako sa mga anak ni tita Gina. Dahil sobra na ang ginagawa nila sa akin. Ngunit pinagtulungan nila akong bugbugin.
Tumakbo ako ng bahay lalo na nang nakikita kong sasaktan din ako ni tita Gina. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong tumakbo palayo sa sarili kong tahanan.
Sa simbahan ako unang pumunta at humingi ng gabay sa panginoon. Isa ito sa itinuro sa akin ng pamilya ko na huwag makalimot sa itaas. May problema o wala ay kailangang pa ring lumapit upang magpasalamat dahil sa buhay na ibinigay sa atin.
Medyo malayo pa ang simbahan. Pero bumagal ang pagtakbo ko. Nang marinig ko ang putok na iyon. Kaya tuluyan na akong napahinto sa paglalakad. Tumingin ako sa kaliwa ko, ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang mga naka maskarang tao nakikipaglaban.
Sobrang bilis nang mga kilos nila at tingin ko'y mas magaling pa sila kaysa sa mga ninja.
Nang may biglang humila sa braso ko at dinala ako sa kotse. Tumingin ako sa taong humatak sa akin. Nakita kong nakasalamin at nakasuot ito ng sombrero.
"Ano'ng ginagawa mo rito, little girl? At na paano ang mga pasa mo sa mukha at braso?" tanong ng lalaki.
Tumitig ako sa mukhan nito. Pansin kong para naman itong mabait. Saka sobrang gwapo rito nito.
"Sinaktan po ako mga pinsan ko," mahina kong sabi rito.
Tumingin ang lalaki sa aking mukha at pagkatapos ay hinaplos nito ang pasa ko sa labi.
"Ilang taon ka na?"
"Labing limang taong gulang po," magalang kong sagot dito.
Tumango siya sa akin. "What's your name?" tanong nito.
"Key Dixon po. Puwede na po ba akong lumabas? Pupunta pa po ako ng simbahan."
"Na saan ang mga magulang mo? Bakit hinahayaan kang saktang ng mga pinsan mo?" tanong ng lalaki.
"W-wala na po ang pamilya ko, isang buwan na po silang patay. Ang masakit po'y hindi ko alam kong sino ang pumaslang sa kanila," halos maiyak na wika ko.
"Gusto mo bang sumama sa akin at dadalhin kita sa makakatulong sa 'yo?"
Nagliwanag ang mukha ko nang marinig kong dadalhin ako sa tutulong sa akin. Kaya agad akong sumang-ayon dito. Nag-aalala rin ako sapagkat wala akong tutulugan mamayang gabi.
Dito ka lamang little girl at huwag kang aalis dito baka kasi matamaan ka ng bala ng baril," saad nito.
Ngunit bago lumabas ng sasakyan ay lumapit pa siya sa akin. At bumulong na aking kinagulat.
"Hihintayin kita!" bulong nito.
Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nito, mas nagulat ako ng halikan nito ang lips. Saglit lamang naman ang halik na iyon. Parang lumapat lang ang mga lips namin.
Hindi ako makagalaw at lutang pa ang utak ko sa nangyari. Ang bata ko pa. Tapos meron na agad humalik sa lips ko.
Dumating ang tutulong sa akin at nagpakilala itong si Zach Fuentebella, ang bilis ng mga nangyari sa akin, nakapag-aral ako sa ibang bansa, mas lalong akong nagalak ng malaman kong magiging agent ako.
Lahat ginawa ko makapasa lamang sa pagiging agent, dahil gusto ko rin alamin kong sino ang pumatay sa pamilya ko.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang araw na malalaman kong ganap na akong Agent.
Halos maluha ako nang mapasama ang pangalan ko at makapasok bilang Secret Agent Weapon ng bansa, maraming taon din akong nagsanay at heto na nga ang pinakahihintay ko.
Malapit ko nang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko.
❤❤
Napaluha ako ng maalala ko na naman ang nangyari pamilya ko. Sana'y iparamdam ninyo sa akin kung sino ang mga pumatay sa inyo, dahil halos isang taon na akong naghahanap ng ebidensya.
Pumikit ako ng mga mata upang matulog dahil bukas ay panibagong yugto na naman at pakikibaka ang gagawin ko.
"Key! Bumangon ka na hindi kita tinanggap ulit dito sa bahay ko para lamang maging donya!" sigaw ni tita Gina sa akin.
Kaya bumangon na lamang ako upang lumabas ng silid ko.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin si tita Gina at galit na galit akong dinuro, hindi ka donya sa pamamahay ko Key, pasalamat ka at pinatuloy ulit kita dito sa bahay ko, pagkatapos mong saktan ang mga anak ko dati at pagkatapos ay umalis ka na walang paalam!" galit na wika nito."
"Sorry po tita," wika ko.
"Ano'ng tita? Huwag mo akong matawag-tawag na tita dahil hindi kita pamangkin, saka bilisan mong kumilos diyan pumunta ka ng palengke!" sigaw niya sa akin sabay alis sa aking harapan.
"Huwag ko lang malaman na isa kayo sa dahilan sa pagkawala ng pamilya ko, magbabayad kayo ng mahal sa akin. Tama nga ang naging desisyon ko na bumalik dito sa bahay namin.
Upang dito mag-umpisa mag imbestiga. Lahat kinuha nila sa akin, bahay, negosyo at salapi na ang mga magulang ko ang nag-ipon. Dugo at pawis ni daddy at mommy ang naging punuhan maitayo lang ang negosyong ninakaw nila.
Lumabas ako ng gate upang pumunta ng palengke, maglalakad na lamang ako, malapit lang naman. Biglang
kumunot ang noo ko nang makita ko ang lalaking makakasalubong ko.
Nakasalamin at sombrero ito. Paramg pamilyar ang suot nitong salamin sa akin, nagtaka ako nang bumagal ang ito sapaghakbang. Pansin ko'y nakatingin siya sa akin.
Tumapat na nga ito sa akin, lumaki ang mga mata ko nang isandal ako sa pader at sinunggaban ng halik ang labi ko.
"Do you remember my kiss?"
Nanlalaki ang mga mata ko ng matandaan ko ang halik na iyon ng isang lalaki, hinding-hindi ko malilimutan ang ito. Tumingin ako rito, nakita kong malayo na ito at sumakay na ng kotse.
Mr, Childish /The Agent Series 6
Key ❤ King