Kabanata 13

1632 Words

"M-Mira, nagdurugo ang leeg mo. S-Sorry hindi kita natulungan kanina ha," wika ng kanyang anak. Siya naman ay parang sinisilihan ang puwet. Andon ang matinding kaba at takot na baka bigla nalang nitong kagatin ang kanyang anak. Tangkang aatakihin na ito ni Shaymay ngunit agad itong natigilan at maging siya ay namangha sa nasaksihan. "L-Lila..." wika ni Mira. Hindi sila makapaniwala na naulian ang bata. Ngunit hindi pa rin siya panatag, papano kong panlinlang lamang iyon nito para malansi ang kanyang bunso. "Mira, sakit ba? Sorry, hindi ko n-napigilan si Ate Shaymay, g-gusto mo gamutin kita?" lumuluhang wika ng kanyang anak dito sabay haplos sa pisngi nito. "Hindi naman masakit Lila, basta nasa isip ko lang kanina kumain kasi sobrang gutom na gutom lang ako..." sagot nito sa anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD