Nakita niyang nagkalasog-lasog ang katawan ng tiyahin ni Melvin pagbato ng kapatid ni Shaymay na si Zandro. Ngunit muli itong kumilos, kahit na lasog-lasog na ang katawan. Talagang nakakatakot maging kauri nito, walang kamatayan. "Tang*na mo Melvin! Sinabi ko sayo wag na wag mong kakantiin ang kapatid ko!" dumagundong muli ang boses nito dahil sa galit. Dito siya nagtataka, may mga kanya-kanyang ugali ang mga alagad ni Ezekiel na binuhay nito. Itong kapatid ni Shaymay, sinasaktan man nito ang kapatid pero ayaw na ayaw nitong makitang sasaktan ito ng iba. Ang kanyang asawang si Melvin, nanatili ang pagmamahal nito sa mga anak. Kaya nga kahit anong galit nito, kapag umiyak ang kanilang mga anak agad-agad nitong pinapatahan. At ayaw na ayaw nitong masasaktan ang mga ito. At maging ang iba