"ANO bang lugar ito, Manay? Bakit hindi man lang ako pwedeng sumilip sa bintana? Ni buksan bawal din. Hindi na ako makalanghap ng sariwang hangin."
Nasa kwarto sila ni Manay Sylvia. Nakaupo si Violet sa silya sa harap ng tokador at nanonood sa ginagawa ng babae. Suot pa rin niya ang maxi dress, pero hinubad na niya ang mga sapatos at nakakadena na rin ulit ang isa niyang paa. Kapag nga naman ganoon ay hindi siya makakalapit man lang sa bintana. Ang hangganan kasi ng haba ng kadena ay sa toilet lang, sa tokador at sa kama. Kung tutuusin ay maaari niyang tabigin nang minsan si Manay Sylvia oras na tanggalin ulit nito ang kadena niya. Pagkatapos ay saka niya tatakbuhin ang bintana at sisilip doon. Kaninang pag-akyat nga nila ay naisip niyang tumakbo sa may bintana, pero hindi iyon kayang gawin ni Violet. Ayaw niyang may ibang taong mananagot sa pagsuway niya sa utos ni Dashiel.
"Hindi naman ako tatalon sa bintana dahil siguradong mababalian ako ng mga buto pagbagsak ko. May kakaiba ba akong makikita sa labas kaya ayaw akong pasilipin ni Dashiel?" pangungulit niya sa babae.
"Wala akong sasagutin sa mga tanong mo, Violet," tugon nito. "Kung may gusto kang malaman ay si Sir Dashiel ang tanungin mo."
"Naiinip na kasi ako. Hindi naman ako tatakas. Makakatakas pa ba ako sa dami ng tauhan ni War- ni Dashiel?"
Hindi siya sinagot ng babae. Nagpatuloy lang ito sa pagpapalit ng bed sheets.
"Matagal na ba kayong nagsisilbi kay Dashiel?" pag-iiba ng dalaga sa paksa.
"May isang taon na rin," sagot naman ni Manay. "Mula nang mayari itong rest house ay narito na ako. Mag-asawa kami na ginawang katiwala nitong bahay, pero bago ka dumating, kinausap na ako ni Sir Dashiel at sinabing ikaw na lang ang tututukan ko."
"May asawa ka pala, Manay. Nasa'n siya?"
"Narito lang din siya, pero hindi mo pa siya nakikita. Walang ibang nakakapanhik sa silid na ito kundi ako at si Morgan sa utos naman ni Sir Dashiel."
Pagkatapos palitan ang mga punda ng unan, kubre-kama at mga kumot ay lumabas na ng kwarto si Manay Sylvia. Akala ni Violet ay sa tanghalian na ang balik ng babae, pero umakyat ulit ito para bigyan siya ng mga librong babasahin. May bitbit rin itong isang itim na shopping bag. Inabot nito sa kaniya ang mga dala.
"Magbasa-basa ka pantanggal ng inip. Ito namang nasa bag ang isusuot mong pantulog mamaya. Iiwan muna kita rito. Aakyatan na lamang kita ng tanghalian mamaya, pero kung may kailangan ka naman, pindutin mo lang 'yang buzzer." turo nito sa maliit na device na nasa side table. "Maririnig ko ang tawag mo kahit nasa labas ako."
Isang nakakainip na maghapon ang dumaan. Kahit may babasahing libro, ramdam pa rin ni Violet ang hirap ng kalagayan dahil daig pa niya ang presong nakakulong. Imagine, nakakandado na siya sa kwarto ay nakakadena pa ang isang paa. Wala rin siyang makausap maliban kung pupuntahan siya ni Manay Sylvia. Komportable nga ang silid na kinaroroonan niya sa malambot na kama at air-condition, pero iba pa rin kung makakalabas siya at malayang makakagalaw. Gusto niyang sumagap ng hangin. Gusto niyang masikatan ng araw. Kapag gano'n nang gano'n ang gagawin sa kaniya ni Dashiel, baka kung hindi siya magkakasakit ay masisiraan naman siya ng bait. Dapat talaga ay magkausap na sila nang masinsinan. Kailangan na niyang malaman kung ano ba talagang kailangan nito.
"Hindi po ba kami sabay na kakain ni Dashiel?" tanong ni Violet nang akyatan siya ng hapunan ni Manay Sylvia.
"Malamang na hindi dahil wala pa si Sir Dashiel. Mauna ka nang kumain. Magpahinga ka na rin agad pagkatapos."
"Puro pahinga na nga lang po ang ginagawa ko rito," banayad na reklamo ng dalaga. "Ano po bang pinagkakaabalahan ngayon ni Dashiel at lagi siyang wala? Siya pa rin ba ang Vice President ng kompaniya nila o itinaas na ang posisyon niya? At saka pala, Manay, kilala n'yo ba si Catalina?"
Narinig niya ang marahang pagbuga ng hangin ng babae bago siya nito tinugon. "Wala ako sa posisyon para sumagot sa mga tanong mo, Violet. Kung may gusto kong malaman, kay Sir Dashiel ka dumiretso."
Hindi na niya kinulit ang babae. Kumain na lang si Violet at gaya kanina, naubos niya ulit ang inihanda sa kaniya ni Manay Sylvia. Nagpalipas lang siya ng kabusugan at pagkatapos ay naglinis naman ng katawan. Paglabas niya ng banyo ay suot na niya ang pantulog na ibinigay ng babae. Isa 'yong red satin spaghetti strap na hanggang kalahati ng hita niya ang haba. May kapares din iyon na shorts na babahagya nang lumampas sa kaniyang singit.
Napangiti si Manay Sylvia nang makita siya. "Tamang-tama lang pala ang sukat sa'yo. Mukhang kabisado na ni Sir Dashiel ang katawan mo."
Biglang nag-init ang mukha ng dalaga. "A-ano pong ibig n'yong sabihing kabisado ni Dashiel ang katawan ko?" Hindi niya naiwasang maging defensive.
Tinaasan siya ng mga kilay ng babae. "Wala akong ibang ibig sabihin, Violet. Hindi ko alam kung anong meron sa inyo ng amo ko at wala rin akong karapatang magkomento. Maupo ka na. Ibabalik ko na itong kadena sa paa mo."
Tumalima si Violet. Umupo siya at hinayaan si Manay Sylvia na lagyan siya ng kadena sa paa. Pagkatapos doon ay kumuha naman ito ng hair brush at sinuklayan siya ng buhok.
"Kaya ko na 'to, Manay..." kalmadong sabi niya at kinuha ang hair brush sa babae. Hinayaan siya nito. Tinuloy niya ang pagsusuklay ng buhok at nang matapos ay ibinalik ang brush sa babae. "Salamat po."
Tumango si Manay Sylvia. "Matulog ka na. Bukas ng umaga na ulit ako babalik."
Malalim na ang gabi nang talunin ng antok si Violet. Subalit ilang oras pa lang ang nakakalipas ay napukaw ang diwa niya dahil sa presensiya ng ibang tao sa silid. The same clean masculine scent stirred her sense of smell. Unti-unti siyang dumilat. May kaunting liwanag sa kwarto dahil sadyang iniwang bukas ni Manay Sylvia ang ilaw sa may corner night table. Kaya nang tuluyang magising ay nakita niya agad ang malaking bulto ni Dashiel na nakatayo sa paanan ng kama.
"W-Ward-"
Bumalikwas siya ng bangon, pero ilang bagay ang agad niyang napansin. Biglang kasing umiksi ang kadena sa kaniyang paa kaya hindi niya nailiko ang tuhod. Ang isa pang nakakagulat, nakakadena na rin pati ang isa niyang paa at ang magkabilang kamay!
"B-bakit...?" Parang hindi pa siya makapaniwala. Hinila niya ang mga braso at binti, pero nakagapos talaga siya.
Sinalakay ng kaba ang dalaga. Lumipad ang tingin niya sa taong nasa kaniyang paanan. Nakita niya na hinubad ni Dashiel ang suot na roba. Sa malamlam na liwanag ay naaninag niya ang mga tipak at linya ng katawan nito. Naaninag din niya ang kapirasong saplot na siyang tanging naiwan sa katawan ng lalake. Napalunok si Violet sa umahong takot.
"W-Warden... a-ano 'to? B-bakit... bakit nakagapos na pati ang isang paa at mga kamay ko?"
Hindi siya nito sinagot. Sumampa sa kama si Dashiel at nagsimulang gumapang sa ibabaw niya. Tinangka ulit niyang bumangon para sana makaalis, pero sagad na ang mga kadena kaya tanging ulo lang niya ang kaniyang naiaangat. Nag-panic ang dalaga.
"W-Warden! Alisin mo 'to!" Hindi siya agad sumuko. Hinila-hila ulit niya ang kadena sa mga kamay at paa, subalit walang nangyari. Nagsimulang humapdi ang mga palapulsuhan at mga bukong-bukong niya.
"You'll just hurt yourself, Bullet. Relax."
Nahimigan niya ang panunuya sa boses ni Dashiel. Tumingin siya rito. Nakukubabawan na siya ng lalake. Nakatukod ang isa nitong braso sa ulunan niya habang ang isang kamay ay nagsisimula nang maglakbay sa kaniyang katawan. Dumako ang palad nito sa kaniyang leeg at lumipat sa ilalim ng kaniyang braso.
"B-bakit... kailangang naka-kadena pa ako?" Tumaas-bumaba ang dibdib niya sa marahas na paghinga. "Kahit anong gawin mo sa'kin... wala akong laban sa'yo!"
Bumaba ang palad ni Dashiel sa tiyan niya at pinadulas paakyat sa bandang sikmura. Nagpabalik-balik ang kamay nito sa parteng 'yon ng katawan ng dalaga.
"I just want to make sure that you won't be able to escape from me."
"A-ano?" Gusto niyang pagtawanan ang sinabi nito. "Sa tingin mo makakatakas pa ako sa lagay kong 'to? Ni hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo mo ako dinala!"
"You don't need to know our whereabouts, Bullet. Ang mahalaga, magkasama na ulit tayo ngayon."
"A-ano ba talagang gusto mong mangyari, Warden?" tanong niya, pilit ikinakalma ang sarili sa pag-ignora sa kamay ni Dashiel na kung saan-saan na nakakarating. Kailangan nilang mag-usap nang matino. "Nagagalit ka ba dahil sa pag-alis ko?" dagdag na tanong ng dalaga. "Inaamin kong hindi kita kinausap nang maayos bago ako umalis, pero nagpaalam naman ako sa'yo."
"Are we going to talk about the past, now?" pambabalewala nito sa sinabi niya. "We'll just waste our time." He traced the line of her neckline with his fingers.
"P-pero... kailangan kong ipaintindi sa'yo na hindi ako umalis nang basta. Warden-"
"Kahit ano pang paliwanag pa ang gawin mo, Bullet, hindi na rin mababago ang mga nangyari."
Napaawang ang bibig ng dalaga. Mukhang wala ngang silbi kahit ubusin niya ang buong gabi sa pagpapaliwanag kay Dashiel.
He stopped playing with her body and withdrew his hand. Itinukod nito ang braso sa kama sa tagiliran niya. Nagtama ang mga mata nila.
"You can't change anything in the past. You will only have to pay for what you did and that's what I want from you."
"Sa anong paraan kita babayaran?" matapang na tanong ng dalaga. "Sa paraan mo? Sa pamamagitan ng pagkulong sa'kin dito? Sa pamamagitan ng paggapos sa'kin sa kamang 'to? Sa paglalaro mo sa katawan ko?"
Natahimik si Dashiel. Umigting ang mga panga nito. Naaninag niya ang pagdidilim ng mukha ng lalake, pero buong tapang na nakipagtagisan ng titig dito ang dalaga.
"Ibang-iba ka na. Hindi na ikaw si Dashiel. Hindi na ikaw ang dating Warden na kilala ko!" Hindi na niya napigilan pa ang pagtaas ng boses dala na rin ng takot.
"That's right!"
Napasinghap si Violet. Kung gaano kasi karahas ang tono ni Dashiel ay ganoon din ang kamay nito na walang ano-ano'y dinampot ang likod ng ulo niya. Bahagya siyang nasaktan nang mahila ng mga daliri nito ang kaniyang anit. She met his eyes. Sa katiting na liwanag ay natanto ni Violet na mahirap basahin ang emosyon na nasa mga mata ng lalake. Pero kung pagbabasehan ang higpit ng pagkakasapo nito sa kaniyang ulo, at sa mabagsik na pananalita, purong galit ang nangingibabaw kay Dashiel.
"Tama ang sinabi mong ibang tao na ako ngayon, Bullet."
He lowered his head. Naramdaman niya ang pagdaiti ng tungki ng ilong nito sa pisngi niya. Pumaypay ang mainit at mabangong hininga nito sa kaniyang balat dahilan para panayuan ng mga balahibo ang dalaga.
"I had to become someone else because of you. This is all your fault. Kaya kung sa pa'nong paraan man kita gustong parusahan sa mga ginawa mo, wala kang karapatang magreklamo. Maliit na bagay lang ito kumpara sa mga pinagdaanan ko para lang mabuhay."
Napalunok muli ang dalaga. Ganoon ba talaga kalaki ang epekto kay Dashiel ng ginawa niya? Parang hindi siya makapaniwala.
"I survived many deaths, my Bullet," wika pa nito. "I conquered hell just for you. I outwit the devil to stay alive and to find you. Tama ka. Hindi na ako ang dating Dashiel na kilala mo. I am no longer that person because you killed your Warden!" mariing sumbat nito bago siya siniil ng mapagparusahang halik.