Kabanata 6

2177 Words
"VIOLET!" Sinugod ni Violet ng isang mahigpit na yakap si Dollie. Natatakot man para sa sarili, hindi siya umangal nang dalhin siya ni Dashiel sa mansion ng mga Carrillo. Bagaman alam niyang mapanganib dahil pinagbantaan na siya ni Senyor Jose, nagpapasalamat siya dahil sa wakas ay makikita niya ulit ang kaniyang Lola Trinity. "Violet, ano bang nangyari? Kumusta ka na?" "Saka mo na'ko kumustahin, Dollie. Nasa'n si Lola? Pwede ko ba siyang makita kahit sandali lang? Sabihin mo na nandito 'ko." "E-eh... 'L-Let.... wala na rito si Lola Trinity..." Natigilan siya nang ilang segundo. "H-ha? A-anong...b-bakit... n-nasa'n si Lola?" Sinilaban ng takot at pag-aalala si Violet para sa matanda. Pinalayas din ba ito ni Senyor Jose? Ang s'abi ni Brylle ay h'wag siyang mag-alala sa lola niya dahil hindi ito mapapaano sa mansion. Nasa'n na ngayon ang lola niya? "Ipinasama siya ni Senyor Jose kay Madam Shiela. Walang nakakaalam kung saan sila nagpunta maliban sa mga Carrillo at sa assistant ni Madam." "Anong ibig sabihin nito?!" Kapwa nagulat sina Violet at Dollie. Napaatras naman ang una nang makitang bumababa mula sa matayog na hagdan ang mag-amang Senyor Jose at Brylle. "Bakit nasa pamamahay ko ang babaeng 'yan?!" Mataas ang boses ni Senyor Jose at nagliliyab ang mga tingin sa kaniya. Dali-daling nagpaalam si Dollie kay Violet. Mabilis itong umalis at iniwan siya na mag-isang nakatunghay sa bumababang hari. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na h'wag kitang makikita sa alinmang lupain na pag-aari ko? Ang lakas naman ng loob mong bumalik dito!" "She's with me," anang boses ni Dashiel na mula sa kaniyang likuran. Halos mapaigtad siya nang maramdaman ang palad nito sa ibabang likod niya nang tumayo ang binata sa kaniyang gilid. "Ako ang nagdala sa kaniya rito." "And what do you mean by bringing her here?! Ngayon ka na nga lang umuwi ay nagdala ka pa ng basura?! Baka nalilimutan mong siya ang puno't dulo ng problema ng pamilya natin ngayon!" "It's not solely her fault." Nanatiling kalmado ang boses ni Dashiel. "Magkasama kami ni Bullet na gumawa ng kasalanan kaya hindi n'yo pwedeng isisi sa kaniya ang lahat." "My thoughts exactly." Napatingin silang lahat kay Brylle. Awtomatikong nagkaapoy sa mga mata ni Violet nang masalubong ang tingin ng kaibigan- o mas tamang sabihin na dating kaibigan. "Tama ang sinabi ni Dashiel, Papa. Hindi lang si Violet ang dahilan kaya nahaharap sa malaking eskandalo ang pamilya natin." Bumaling si Brylle sa kapatid at sa nanliliit na mga mata ay nanumbat. "How could you do this to your own family, Dash? How could you do such thing to Catalina? Sa dami ng babae sa islang ito, bakit si Violet ang napili mo? Ang daming babae na handang masira ang buhay mapansin mo lang, pero bakit kaibigan ko pa? She's naive and innocent." Nagtagis ang mga bagang ng dalaga. Napakahusay lang talaga ni Brylle na umarte. Matagal na silang magkaibigan, pero hindi niya akalaing eksperto pala ito sa pagsisinungaling. At anong akala nito? Na matutuwa siya dahil kahit paano ay pinagmumukha siya nitong walang kasalanan sa harap ng magulang? Sinira siya nito sa mata ng pamilya Carrillo at mga taga- isla. Sinira siya nito sa mga taong kumupkop at nagpaaral sa kaniya. Dahil kay Brylle kaya walang utang na loob ang tingin sa kaniya ng mga tao. Sinira siya nito kaya sira na rin ang tiwala niya rito. Hindi sinagot ni Dashiel ni isa man sa mga paratang ni Brylle. Bumaling ito sa ama-amahan. "Nabilad sa kahihiyan si Bullet. Pananagutan ko ang nangyari sa kaniya. I'm marrying her." "What did you say?!" Umalingawngaw nang husto ang boses ni Senyor Jose sa buong mansion. "At bakit mo pakakasalan ang babaeng 'yan?! Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo, Dashiel?!" "Ginagawa ko lang ang alam kong tama at makakabuti. We were both ruined by the scandal. Paninindigan ko na lang ang nangyari kaysa hamakin ng mga tao si Bullet. She doesn't deserve it. At kahit ano pang sabihin n'yo, hindi na magbabago ang desisyon ko." Hinila na siya ni Dashiel palabas ng mansion. Naririnig pa nila ang galit na boses ni Senyor Jose. Pasakay na sila ng kotse nang huminto siya. "Why?" tanong ni Dashiel. "S-si Lola Trinity... W-Warden, w-wala rito ang lola ko. Alam mo ba kung nasa'n siya?" nag-aalalang tanong niya. At napaiyak si Violet nang umiling si Dashiel. "Don't worry. Aalamin ko kung nasaan ang lola mo. Kukunin ko siya para magkasama kayong dalawa." "T-totoo?" Tumango ito, pinahid ang luha sa pisngi niya. Halos mapapikit naman siya sa masuyong pagdampi ng daliri nito sa kaniyang balat. "Just trust me, Bullet. Para sa katahimikan ng lahat ang ginagawa ko." Hindi siya kailanman nagduda sa mga binibitiwang salita ni Dashiel. Mula pa noon, kapag may sinabi ito ay ginagawa talaga kaya naniniwala si Violet na gagawin ni Dashiel ang lahat para magkasama ulit sila ng lola niya. Sumakay na siya ng kotse. Maya-maya ay nasa tabi na rin ulit niya ang binata. Nagsimulang umandar ang sasakyan palabas ng bakuran ng mansion, pero nasa kalsada na sila ay hindi pa rin humuhupa ang kaba ni Violet. Pakiwari ba niya ay sinusundan sila ng mag tauhan ni Senyor Jose o kaya ay ni Brylle. Sinabi pa naman ni Brylle na parte na siya ng plano nito kaya sa ayaw at sa gusto niya, kay Brylle lang siya susunod. "'S-saan na tayo patungo ngayon?" tanong niya. "Sa rest house ko muna tayo habang inaayos ko ang ilang bagay para sa kasal natin." Napatingin siya kay Dashiel. Totoo bang pakakasalan siya nito? Hindi ba talaga ito natatakot sa gagawin ni Senyor Jose at sasabihin ng mga tao ng Isla Panorama? Hindi na siya nagsalita. Iilang beses lang din sila nagkibuan ng binata sa durasyon ng biyahe. Pareho sila nitong may iniisip. Iyon ang pinakamalayong ibiniyahe ni Violet mula nang matuto siyang magpabalik-balik sa ilang lugar at establisyemento sa isla. Sa palagay niya ay nasa dulong bahagi na ng Panorama ang rest house ni Dashiel. Hindi iyon kalakihan. Dalawang palapag at hindi rin ganoon kamoderno ang disenyo at pagkakayari. Ipinasok ni Dashiel ang kotse sa bakuran ng bahay at inihinto sa mismong harapan. Nauna itong bumaba. Sumunod agad siya. Binuksan nito ang pinto at pagkatapos ay pinagtulungan nilang hakutin ang mga bagahe niya papasok ng bahay. Si Dashiel na ang nagsarado ng pinto. Ibinaba nila ang mga dala sa mga upuang kahoy. "Kukuha muna ako ng maiinom," ani Dashiel bago siya iniwan at nagtungo sa kusina ng rest house. Pagod na napaupo si Violet. Tumingin siya sa paligid. Mas modernong di hamak ang bahay na pinaglagyan sa kaniya ni Brylle, pero gaya noon ay kumpleto sa kagamitan ang rest house ni Dashiel. Pumapasok sa loob ang malamig na hangin. Hindi niya kailanman narinig ang tungkol sa rest house ni Dashiel. Wala siyang ideya kung kailan iyon ipinatayo ng binata o kung binili ba nito ng yari na. Hindi rin siya makapaniwala na naroon siya at kasama nito. Napakabilis ng mga pangyayari. Noong isang araw lang ay gulong-gulo siya at natatakot para sa sarili dahil sa eskandalong kinasangkutan. Ngayon, kahit paano ay ligtas na ang pakiramdam niya dahil sa pangako ni Dashiel. Pagbalik ng binata ay may dala na itong isang pitsel ng tubig at isang baso. Sinalinan nito ang baso bago inabot sa kaniya. Noon lang natanto ni Violet ang uhaw niya dahil nakaubos siya ng dalawang baso ng tubig. Hindi naman siya nakakaramdam ng gutom dahil kanina sa biyahe ay ilang beses siyang tinanong ng binata kung anong gustong kainin, pero iling lang ang sagot niya. Si Dashiel naman ang uminom pagkatapos niya. Napalunok si Violet nang makitang ang kaparehong baso lang din ang ginamit ng binata. Inilapag nito ang pinag-inuman sa mesita at umupo sa tabi niya. Isang mahabang katahimikan ang namayani. Hindi alam ni Violet kung anong sasabihin. Marami siyang tanong, pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig ni Violet ang marahang pagbuga ng hangin ni Dashiel. "I know this is difficult for you. Alam ko rin na nabigla ka sa naging desisyon ko, pero gaya ng sinabi ko sa'yo kanina, ito ang alam kong tamang gawin para matahimik ang lahat." "S-sa tingin mo... matatahimik ang pamilya mo ngayong nagpasya kang pakasalan ako? Warden, kung ang kahihiyan ko lang ang inaalala mo, h'wag mo nang ituloy. Kung gusto mo 'kong tulungan, please, kunin mo na lang ang lola ko at aalis na kami ng isla. Magpapakalayo kami." Mataman siyang pinagmasdan ni Dashiel. "Ayaw mo bang magpakasal sa'kin, Bullet?" Natahimik si Violet sa tanong ng binata. Nagsimulang kumalampag ang puso niya na waring gusto siyang pangunahan sa pagsagot. Kung alam lang ni Dashiel. Kung alam lang ng binata na ito na ang pangarap niya mula noong kinse anyos pa lang siya. Kung pwede lang niyang sabihin dito ang totoong nararamdaman, pero hindi pwede dahil magulo na ang sitwasyon. Ayaw na niyang dagdagan pa. "W-wala naman akong sinabing ayaw ko," ani Violet maya-maya. "Nag-aalala lang ako, Warden. Baka lalong magkagulo. Baka lalong lumaki ang problema. Nakita mo naman na tutol si Senyor sa gagawin mo. At saka... paano na si Catalina?" "Our engagement's already cancelled. Wala na rin akong planong makipagkasundo sa tatay niya dahil pare-parehong sarado ang utak nila. Mabuti na rin ang mga nangyari." Napaawang ang bibig niya. "A-anong ibig mong sabihin?" Natigilan naman si Dashiel. "Hindi ang tungkol sa pagkakabilad ng mga katawan natin ang tinutukoy ko. Mabuti na rin ang nangyari dahil nalaman ko agad kung anong klaseng mga tao ang pakikisamahan ko kung sakaling makasal ako kay Catalina. And I don't think I can tolerate that kind." "A-anong sasabihin ni Senyor Jose? Paano ang kasunduan nila ng tatay ni Catalina?" "As far as I know, he's still trying to convince Catalina's parents. But I think it's useless. Dahil kahit mahimok niya ulit ang kabilang kampo, wala na ring mangyayari dahil ako na mismo ang umayaw." "Bakit?" tanong niya. Hindi agad sumagot si Dashiel. Umiling siya. "Warden... kung may pagkakataong maayos n'yo ni Catalina ang lahat, gawin mo. Wala naman talagang nangyari sa ating dalawa. Wala kang kasalanan. Wala kang dapat panagutan sa akin. Hindi mo niloko si Catalina. Hindi ka gano'n klaseng tao at iyon ang dapat mong patunayan sa lahat. Biktima ka lang din, Dashiel. Lahat ng nangyari, kagagawan lang ni-" Biglang napahinto sa pagsasalita si Violet. Nakita naman niya ang pagtatagpo ng mga kilay ng binata. "Sino, Bullet? Sabihin mo kung sino." Hindi siya nakasagot. Wala na siyang malulusutan dahil nadulas na siya. Pangalan na lang ni Brylle ang kulang. "I think I know who was it, pero gusto kong marinig sa bibig mo mismo. Who did this to us?" Napakurap-kurap siya. May ideya si Dashiel kung sino. Hindi naman mahirap isipin kung sino ang pwedeng may gawa noon dahil sino bang kasama nila ni Dashiel nang gabi bago ang umagang nagising sila sa iisang kama. At matalinong tao si Dashiel. Siguro ay mas pinili lang nitong manahimik kaysa ang komprontahin ang kapatid. Lumipas ang ilang sandali, pero nanatiling tikom ang bibig ni Violet. "It's Brylle, right?" Hindi siya gaanong nagulat nang mismong si Dashiel ang magbanggit. Tumango si Violet at nagyuko na lang ng ulo. Wala man siyang kinalaman sa ginawa ni Brylle, kahit paano ay guilty siya dahil nalaman niya naman agad kaya lang ay nanahimik siya sa ginawa nito. Akala niya ay hanggang doon lang ang plano ni Brylle. Hindi niya naisip na may naghihintay pa pala na mas malaking problema para sa kanila ni Dashiel. "He succeeded in destroying me. Wala na'kong magagawa para buuin ulit ang tiwala ni Papa. And even if I tried, siguradong hahadlang pa rin si Brylle." "M-malaki ang inggit niya sa'yo dahil sa nakukuha mong pabor mula kay Senyor." Hindi niya napigilang sabihin. Nagbuga ng hangin si Dashiel. Wala itong naging komento. "Paano na nga pala kapag... kapag hindi mo pinakasalan si Catalina? Baka bawiin sa'yo ni Senyor ang posisyon mo sa kumpaniya. Baka tanggalin ka niya sa kumpaniya n'yo." Umiling ang binata. "He won't do that. Galit si Papa sa nangyari. Galit din siya sa naging desisyon ko, pero hindi niya idadamay ang kumpaniya sa galit niya sa akin. He knows my capabilities and he knows that the company will suffer if he fires me." Hindi siya nakakibo. Ibig bang sabihin ay hindi na talaga magbabago ang isip ni Dashiel? Itutuloy pa rin nito ang sinasabing pakakasalan siya? "Just stay with me, Bullet. Pangako, aayusin ko ang lahat ng gulong kinasangkutan nating dalawa. Kukunin ko ang lola mo para kahit saan tayo tumira, kasama natin siya. We will overcome this and we will live peacefully." Napalunok siya. Bakit pakiramdam niya, may malalim na rason para sabihin 'yon sa kaniya ni Dashiel? Bakit pakiramdam niya, hindi lang ang reputasyon niya ang gustong iligtas nito kundi pati na ang kaniyang puso? "Will you marry me?" Napasinghap siya sa tanong. Nagwala na parang baliw ang puso ni Violet. Ilang beses na niyang narinig na sinabi nitong pakakasalan siya, pero iyon ang unang pagkakataon na tinanong siya nito mismo. "Bullet?" anito, naghihintay ng tugon niya. Tumango si Violet. "O-oo. Oo, Warden. Pakakasal ako sa'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD