Bago pa ako tuluyang makaalis ay agad niyang hinawakan ang braso ko para pigilan. Inangat ko ang paningin sa kaniya at nilabanan ang mga tingin niyang seryosong-seryoso. Napuno ng tensyon ang pagitan namin. “Ano? May sasabihin ka pa ba?” mariing tanong ko. Nag-igting ang panga niya’t mataman akong tiningnan. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko na ikinapiglas ko. “B-Bitawan mo ako, Cielo.” Bumaba ang mga mata niya sa kamay niyang nakahawak sa ‘kin at binitawan din iyon. Nang mag-angat siyang muli ng tingin ay doon ko lang napansin na nagdurugo na ang gilid ng labi niya. May sugat iyon kanina at tumigil na ang pagdurugo pero ngayon ay muling bumalik nang sampalin ko siya. Napalunok ako at unti-unting napalitan ng konsensya ang inis na nararamdaman. Hindi na nawala an