“A-Aray, Miss, dahan-dahan naman, oh.”
Naiangat ko ang bulak mula sa pagkakalapat niyon sa mga sugat ng lalaking nasa harap ko, ang kaibigan ni Cielo, na doble pa ang mga sugat at galos na natamo sa pakikipagsuntukan kanina.
“S-Sorry,” saad ko at maingat na dinampian iyong sugat niya sa kilay. Nanginginig ang mga kamay ko kaya hindi ko magawang makontrol nang maayos ang paglalapat ng bulak.
“Hay, wala na, nabawasan na ‘tong kapogian ko,” asik ng lalaki sabay hawak sa kaniyang baba. Bigla kong nadiinan ang bulak kaya napahiyaw siya.
Hindi ko na pinansin pa ang pagiging reklamador nito at mabilisan ko na lang na tinapos iyon bago nilagyan ng band aid ang sugat niya. “Baka mamaga iyan bukas. I-cold compress mo lang. Mawawala rin naman agad kaya hindi mo na kailangang mag-alala,” paalala ko rito at niligpit ang kit na may lamang mga bulak, band aid, betadine at kung ano-ano pa.
“Hindi iyan. Okay na ako ngayon. Ang galing ng gumamot sa ‘kin, eh,” malokong biro nito sabay lahad sa kaniyang palad. “Klyde,” pakilala niya sa sarili.
Tinitigan ko lang ang palad niyang nilahad niya sa ‘kin bago tumango sa kaniya. “Hi, Klyde,” tanging sagot ko at tuluyang bumaba mula sa gilid ng bukas na van. Napapahiya siyang ngumiti sabay wasiwas sa palad niya’t parang tanga na nakipag-shakehands sa kabila niyang kamay.
Nilingon ko si Cielo na nasa hindi kalayuan sa amin. Abala siya sa cellphone niya habang kunot na kunot ang noo sa sobrang sama ng timpla ng mood niya.
“Hayaan mo na iyan, mawawala rin ang init ng ulo niyan mamaya.” Napalingon ako kay Klyde nang magsalita siya habang tinitingnan din si Cielo. Tumango na lang ako sa sinabi niya. Sana nga... wala na rin kasi akong sapat na energy para kalabanin pa si Cielo at sabayan ang pagiging bad mood niya. “So... what’s your name, Miss? Anong meron sa inyo ni Lorenzo?”
Napailing-iling ako sa lalaki. Bakit kaya ang chismoso ng isang ‘to? Hindi ko alam na nakikipagkaibigan pala si Cielo sa mga chismoso.
Ngumiti na lang ako at binalik na ang kit sa loob ng sasakyan. Nandito kami ngayon sa isang van. Mabuti na lang at meron siyang first aid kit kaya kahit papaano ay nagawa kong gamutin ang sugat niya. Nagkaroon pa naman ng cut sa kilay niya at pwede ‘yong ma-infection kapag hindi nalinisan agad at kung hahayaan niya nang buong gabi.
“Hindi mo na kailangang alamin pa. Wala akong koneksyon kay Cielo,” sagot ko sa kaninang tanong niya. “Mauuna na ako. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko.”
“Saglit! Anong pangalan mo?” muli nitong tanong, hindi nagpapaawat. Pang-sampung tanong niya na yata ‘yon sa pangalan ko. Hindi ako interesadong sabihin dahil mas mabuti nang hindi niya malaman gayong si Cielo nga ay hindi alam ang pangalan ko. “Hindi mo ba gagamutin si Cielo?” dagdag niya pa sabay nguso sa pwesto ni Cielo.
“Mukhang ayaw niya namang magpagamot. Hindi rin naman nakakamatay ang sugat sa kilay,” sagot ko sa kaniya dahilan para mapahawak na lang siya sa batok at mapangiwi. “Sige, mauuna na ako.”
Nagkibit-balikat na lang siya at sumuko rin. “Sige na nga. Ingat ka, Miss! Uuwi na nga rin pala ako. Pasabi na lang kay Cielo. Hinahanap na ako ng nanay ko, eh,” saad niya sabay ngiwi at napahawak sa labi niyang may sugat.
Tumango na lang ako nang magpaalam siya at pinanood siyang umalis dala ang van na ‘yon. Hindi naman siya mukhang lasing at makakapag-drive naman. Napailing-iling ako hanggang sa tuluyan na ‘yong mawala sa open parking lot bago naglakad palapit kay Cielo na nakasandal sa isang kotse.
Mukha siyang nagme-meditate at nagpapawala ng init ng ulo. Panay ang malalim niyang paghinga. Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin o sasabihin ko sa kaniya dahil kanina pa siya tahimik samantalang abot-abot na ang kaba ko.
Napalunok ako at sinubukang maging kaswal ang boses nang harapin ko siya. “Pinapasabi ng kaibigan mo na umalis siya. Okay na rin naman ‘yong mga sugat niya. It’s nothing serious.”
Hindi siya sumagot kaya naman mas natahimik ako. Napayuko na lang ako sa paanan ko. Pakiramdam ko’y kailangan ko ng mga limang beer para malagpasan ang nakakabaliw na araw na ‘to.
“M-Mauuna na ako. Baka hinahanap na nila ako...” saad ko kay Cielo pero hindi na naman siya sumagot. I was so torn between turning my back on him and staying still. Bakit ba hindi siya magsalita? Napipilan na ba siya? Galit ba siya?
Nang akmang tatalikod na ako ay saka lang siya nagsalita. Napabuga ako sa hangin. Kung kailan humakbang na paalis ‘yong tao, saka lang siya magsasalita?
“Why did you say that?”
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sinalubong ang mga mata niya. “Say what?”
“That you’re my girlfriend,” diretsong saad niya na ikinatigil ko. Napatitig ako sa mga mata niyang nakatingin sa ‘kin at nanunuri.
Right. Hindi niya nga pala ako kilala at bigla lang naman talaga akong sumulpot kanina. He doesn’t even know my name.
“Sinakyan ko lang naman ang sinabi mo. Huwag kang mag-alala, hindi naman ‘yon totoo. It’s not a big deal. Tumigil naman ang lalaki sa pangungulit, hindi ba? Iyon naman ang mahalaga,” paliwanag ko. “Kung iniisip mong magha-hallucinate ako, huwag kang mag-alala... hindi ko ‘yon seseryosohin.”
Malalim siyang huminga bago binaba ang hawak niyang cellphone. Muli niya akong tiningnan, and I can sense it the way he look at me. Hindi niya talaga ako kilala! He’s probably wondering kung saan at kailan niya ba ako nakita. Siguro ay pamilyar ako sa kaniya pero hindi niya matandaan.
But all this time, palagi ko siyang natatandaan. Kahit ang simpleng paglapat ng tingin niya sa ‘kin ay tandang-tanda ko. Naiinis ako. Naiinis ako kung bakit may ganoong factor sa ‘kin si Cillian Lorenzo.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga. “Forget it, Miss. Just... just don’t meddle with other people’s business next time,” aniya.
Malalim akong napahinga at napahawak sa pulsuhan kong kumikirot dahil sa higpit ng hawak sa ‘kin ng lalaki kanina. Bahagya ko ‘yong minasahe at nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangisi nang bahagya.
Gusto ko mang manahimik na lang ay hindi ako makukuntento kung hindi ko ‘yon masasagot. “People’s business? You call that people’s business? Business n’yo bang makipagsuntukan?” tanong ko sa kaniya na ikinatigil niya.
I was offended. Pakiramdam ko ay pinalabas niyang pakialamera ako kahit na aminado naman akong nangialam talaga ako, pero ginawa ko lang ‘yon nang hindi matuloy ang gagawin ng mga lalaking ‘yon sa kanila. I was there! Public place iyon at mayroon din namang ibang tao. Sigurado akong kahit na sino ang naroon ay aawatin din naman sila’t pakikialaman.
Alangan namang hayaan na lang silang manggulo doon?
Diretso ko siyang tiningnan. “I’m sorry to break it to you, Cielo, but this is a public place. You can’t tell people to stop minding your businesses. Ginawa n’yo ‘yon sa public kaya may karapatan ang mga taong nakakasaksi na pakialaman kayo. You did it in public, then you face the public’s actions and opinion.”
You did it in public, then deal with the public people, too.
Malalim siyang huminga at kunot-noo akong tiningnan. “You know nothing.”
“About you? Or about what I said?” Sarkastiko akong natawa. Wala palang sense kausap ang isang ‘to. Akala ko pa naman ay maro-roasted ako sa arguments niya!
Nagtangis ang kaniyang panga at mariin akong tiningnan. “Miss, are you f*cking drunk?”
“Sober or drunk, I can straightly tell facts, but I’m sober right now, Cielo.” Pigil na pigil ko ang sariling umirap sa inis at maging bitter ang boses.
Nakakainis lang na siya na nga ang tinulungan kanina pero hindi na lang siya magpasalamat. Pwede bang ipagpasalamat niya na lang na hindi siya napuruhan ng mga lalaking ‘yon?!
Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Napasandal siya sa kotse habang nakatingin sa ‘kin. “What’s with you, huh? You’re Nathalia’s friend, right? Why in the hell are you everywhere? Umamin ka nga, Miss. Are you a stalker?”
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sarkastiko ba ‘yon at nanti-trip lamang siya pero bigla akong na-offend! Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya bago ako sarkastikong tumawa. Ako, stalker?!
“Hindi ko alam na may mga gago palang med student, ‘no? Ikaw na ang pinaka sa lahat ng nakilala ko,” sarkastikong sabi ko sa kaniya.
“What the hell?” gulat na reklamo niya. He annoyingly looked at me. “Tinawag mo ba akong gago?”
“Gusto mo bang ulitin ko pa?”
Napatigil siya at naiwan ang tingin sa ‘kin, nananantiya. Pinanliitan niya ako ng mga mata bago umalis sa pagkakasandal sa kotse. Hinarap niya ako at bahagyang niyuko hanggang sa magpantay kaming dalawa. Magkahalong maloko at iritado ang ngisi sa labi niya.
“Little miss... do you know who you are talking to?”
Natameme ako at hindi agad nakasagot. Kailangan niya bang maging ganoon kalapit?! Humakbang ako paatras at tinulak siya.
“Tss. Hindi ko maintindihan kung matapang ka ba o ano.” Nakangisi at nang-aasar ang boses niya nang sabihin ‘yon bago lumayo rin sa ‘kin. Namula ang pisngi ko. Ang yabang niya talaga! Masungit, mayabang, ano pa bang meron sa kaniya, huh?
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagngisi. Parang na-e-entertain pa ang loko habang ako ay gusto siyang masampal. Kahit isa lang. Sana masampal ko siya!
I don’t really judge people quickly pero parang gusto kong gumawa ng exception at hindi kabilang doon ang lalaking ito. Siguro nga ay tama ang mga lalaki roon kanina, he is surely arrogant!
Nag-break na ba sila n’ong Trixie? Maybe he broke up with her. Kawawa naman ang babaeng ‘yon kung napaglaruan siya ni Cielo.
“Nevermind,” bawi niya sa kanina niyang tanong. “Makakaalis ka na. Forget what happened. Kalimutan mo na lang ang sinabi mo.”
“O-Oo naman, hindi pa naman ako nagha-hallucinate para ipagsabing girlfriend mo ako.” Sinikap kong sagutin siya sa kaswal na boses. Gusto kong malaman niya na aware naman ako sa nasabi ko kanina at hindi iyon big deal sa ‘kin.
“I hope so,” he remarked. Natigilan ako at kumunot ang noo sa sinabi niya.
“W-What?” medyo inis na tanong ko.
Nilingon niya naman ako at bahagyang nginitian. “Nothing. You can go, Miss. Thanks for saving us a while ago I guess.”
Mariin akong lumunok at tumango. Tinalikuran ko siya habang nagngingitngit ang mga ngipin ko sa inis. Kumalma ka, Mauve! Pinilit kong huwag pansinin ang inis na naramdaman ko, kaso ay hindi ko kaya! Nakakaisang hakbang pa lang ako ay muli ko siyang nilingon at diretsong tiningnan.
I might not see him ever again after this. Hindi ko na siya makikita pa kaya sasabihin ko na ang gusto kong masabi sa kaniya. Once. Just once!
“Ganiyan ka ba talaga?” frustrated na tanong ko sa kaniya na agad niyang ikinatigil. Napabuga ako sa hangin. Hindi ko alam kung bakit ko ‘to sinasabi sa kaniya. “Do you always think highly of yourself? Sa tingin mo ba talaga, lahat ng babae ay madaling kunin, huh? Lahat ng babae, magkakandarapa sa ‘yo? Lahat ng babae, pagpapantasyahan ka? You don’t even reach the bare minimum!”
Kinilabutan ako sa sarili kong mga sinabi pero hindi ko ‘yon binawi. Sh*t. Tama ba si Cielo na lasing ako?!
He eyed me and a small smirk was plastered on his lips. Mahina siyang natawa na parang hindi sineseryoso ang kaharap. “Don’t talk like you know me. Huwag kang mag-alala, Miss, hindi ko naman iniisip na lahat ng babae ay madaling kunin, hindi lahat ng babae ay magkakandarapa at nagpapantasya sa ‘kin. And I am not even in the bare minimum. There’s no need to state the things that I obviously know.”
So, he’s freaking aware?!
Akala ko ay tapos na siya pero may pahabol pa siyang salita kasabay ng mayabang niyang pagngisi. “Not all girls, but some surely does.”
Gusto ko mang magsalita ay hindi ko na rin magawang umangal. Tandang-tanda ko pa kung paano ito pag-usapan ng mga kaibigan at kakilala ko. Idagdag pa ang Kyline na ‘yon na isang model na mukhang tinamaan din sa isang ‘to. I can’t process them anymore!
“Go home and sober yourself,” saad niya nang hindi na ako makapagsalita. Naglapat ang mga labi ko sa inis at akmang tatalikuran na siya nang bigla siyang magsalita dahilan para mapatigil ako.
“Don’t overthink too much about what happened, Miss. Just don’t mind it... unless you also want to be my bed warmer?” Sinabayan niya ‘yon ng mapang-asar na halakhak.
Saglit akong natigilan at inis na nilingon siya.
“A-Anong sinabi mo?” mahina ngunit mariin kong tanong. Kinuyom ko ang palad sa sobrang inis na naramdaman ko. Ganoon ba ang tingin niya sa ‘kin? Sa tingin niya ba ay isa rin ako sa mga babaeng nagkakandarapa at nagpapantasya sa kaniya? Na kapag napagbigyan ng tadhana ng isang pagkakataon sa kaniya ay iyon na ang panghahawakan at kakapitan?
I am not a risk-taker. Alam ko ‘yon sa sarili ko. Hindi ako reckless. I want to be mindful with my actions... at kahit kailan, hinding-hindi ako mahuhulog sa trap ng Cillian Lorenzo na ‘to. I bet my soul. I will never even fall for him just to end up broken who needs to be f*cking fixed.
Sumeryoso ang mga mata niya at diretso akong tiningnan. Nabura ang mapaglarong ngisi sa mga labi niya na nagpakaba sa ‘kin ngunit lamang pa rin ang inis na nararamdaman ko. “Why, Miss? Do you want to take it seriously... being my girlfriend?”
Naglapat ang mga ngipin ko sa inis at ginantihan ang mga tingin niya. “I am not one of your girls,” mariing sagot ko.
Ngumisi siya. “That’s good to know, kid.”
“D-Damn you, Cielo!”
“Why?” Mas lumawak ang pagkakangisi niya at humakbang palapit sa ‘kin. Napaatras ako. Patuloy siya sa paghakbang palapit sa ‘kin at ako naman ay sa paglayo paatras sa kaniya. Hanggang sa mapatigil ako at mapasandal sa isang kotse na nasa likod ko.
Tinukod niya ang kamay sa kotseng nasa likod ko. Umangat ang tingin ko sa kamay niyang nasa gilid lang ng ulo ko at napalunok nang ibalik ang tingin sa mga mata niyang titig na titig sa ‘kin. Halos nakatingala na ako sa tangkad niya at sa sobrang lapit niya ay amoy na amoy ko ang pabango niyang tantiya ko ay mas mahal pa ang presyo kaysa sa renta namin.
“A-Anong ginagawa mo?” kinakabahan ngunit may banta kong tanong.
Hindi nagbago ang reaksyon niya. Nakangisi pa rin ngunit seryoso ang mga mata at nababakas ko roon ang halo-halong emosyon. Pakiramdam ko ay galit ulit siya, ganoong ganoon niya tiningnan si Trixie noong nakita ko sila sa labas ng restroom kanina.
“Why?” ulit niya sa malalim at paos na boses habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa mga mata ko. Kinilabutan ako sa hatid ng boses niya.
Voices should only pass through your ears. They are not supposed to go down through your system and occupy a space there. It is not supposed to stay.
“C-Cielo,” utal na saad ko, sinusubukan siyang pigilan at bantaan.
I hate my voice. I hate that it is not powerful enough like his to go down through his system... and occupy a space there. I hate how my voice isn’t something that would reach a man like him. It’s not even recognizable, not even close to something that a soul would remember.
“All girls are the same, aren’t they? People would say that men are good manipulators. It’s kind of unfair because some women do that, too. Mas tanggap nga lang kapag sila ang gumagawa, hindi ba?” malamig niyang sinabi. “Great players, great pretenders. What else? They are just after money, beauty, and influence.”
Napalunok ako. Pakiramdam ko’y bigla akong nahilo sa mga narinig ko sa kaniya. I am a very opinionated woman. I have a lot to comment about anything. I can even have a debate with him... but I was caught up with that one.
Hindi ako nakasagot at tanging pakikipagpalitan lang ng tingin sa mga mata niya ang nagawa ko. Bigla siyang ngumisi at bumaba ang tingin sa labi ko. Napakurap ako. Lasing ba siya?
“So, tell me, Miss, are you after what? Money? Beauty? Or maybe you’re just also someone who’s good in b—”
Hindi niya pa man ‘yon tuluyang natatapos ay naitulak ko na siya at nasampal. Kumuyom ang palad ko. Natigilan siya.
Hindi niya ako kilala. Who is he to compare me to his girls?! He doesn’t even know my name!
“You don’t know me, Cielo. I am not one of your so-called girls. Don’t assume that I’ll fall for your trap, too, like what everybody else does,” mabigat ang paghingang saad ko bago naglakad paalis para iwan siya roon, pero agad niya akong pinigilan at mahigpit na hinawakan ang braso ko.