Mabilis na lumipas ang ilang araw. Naging abala ako sa hospital at campus. Palipat-lipat sa dalawang lugar na iyon ang buhay ko. Umalis na rin si Ace sa convenience store dahil napagbintangan sa gawaing hindi niya naman talaga ginawa. Nawalan na rin siya ng ganang magtrabaho roon sa lahat ng sinabi sa kaniya ng boss namin. Naiinis ako sa ginawa nitong pagbibintang kay Ace. Minsan sa sobrang inis ko ay ginugulo ko ang mga supplies na dumarating. Usually kasi ay isang bagsakan lang iyon kaya magkakasama ang boxes ng noodles, boxes ng mga de lata, at kung ano-ano pang products. Para makaganti man lang ay ginugulo ko iyon. Pinaghahalo-halo ko para maduling ang store manager sa pagche-check. Iyong boxes ng diaper ay pinagkakalat ko at minsan ay pinaiilalim pa para kapag dinouble check niy