“Punyeta, lasing na ba ako at namamalikmata o si Cielo talaga ‘yon?” Inismiran ko si Jade nang sabihin niya ‘yon habang nakatanaw kay Cielo na nasa sala habang kami ay narito sa kusina. Nasa iisang couch sila ni Trixie at mayroon silang kausap. Hindi namin marinig pero mukhang masaya dahil nagtatawanan ang mga ito maliban na lang kay Cielo na bahagya at maliit lang na ngumingiti sa mga kausap. Mukha kaming mga ewan na narito sa kusina at sumusulyap sa pwesto nila. Nagtitimpla kasi kami ng sangria dahil kakaubos lang. Si Sienna na ang nangunguna at tinutulungan namin siya. “Si Cielo iyan. Wala naman siguro siyang kambal?” saad ni Sienna na naghihiwa ng prutas. Napasulyap ako sa pwesto ng mga ito sa sala habang abala sina Jade na pag-usapan si Cielo. Muntik ko nang mabitawan ang hawa