Chapter 5 - Audience

2164 Words
Sa lahat ng mga naging encounter ko kay Cillian Lorenzo, bilang na bilang lang ang mga ‘yon sa daliri. Hindi ko siya palaging nakikita, kaya naman hindi na rin ako umaasa na mapapansin o maaalala niya ako. He doesn’t even know my name. Sa dami ng kaibigan ni Nathalia, hindi niya rin ako matatandaan. At ano nga bang pakialam ko kung matandaan niya man ako o hindi? Kasisimula pa lamang ng summer nang mangyari ‘yon at lumipas ang halos isang buwan na hindi ko na siya nakita man lang. Winaglit ko na rin sa isipan ang tatlong beses na nakadaupang palad ko siya. Malapit na ang pasukan para sa pangatlong taon namin sa college at naging abala ako sa pag-aaral. Hindi rin namin masiyadong nakakasama si Nathalia at nawala na rin sa isip ko na ibalik ang ID ng kuya niya. Nasa akin pa rin ang ID na nahulog nito. Para hindi mawala o makalimutan ay kinabit ko ‘yon sa ID lace ko sa Nursing kasama ang ID ko. Kung tutuusin ay pwede ko namang iabot na lang ‘yon kay Nathalia at sabihing naiwan ‘yon ng kuya niya pero hindi ko alam kung bakit, dahil hindi ko siya magawang sabihan. Kung hindi ko naman na makita si Cielo, bahala na siya at hindi ko na ibabalik ang ID. Ang buong akala ko ay hindi ko na ulit makakasalamuha pa ang kuya ni Nathalia matapos ang nangyari sa mansion nila pero bago matapos ang summer ng taon na ‘yon... hindi sinasadyang nagkita ulit kami. Simula nang tumungtong sa legal age ay naging routine na naming mag-party lalo na kapag weekend o sa tuwing may celebrations. Minsan naman ay bigla na lang nagyayaya sila Nathalia, kaya naman isang linggo bago ang simula ng klase ay nagkayayaan ang lahat. Hindi namin inakala na ganoon karami ang mga estudyante sa disco. Mga literal na party-goer. Ang iba naman ay sinusulit na lang ang natitirang free time dahil magkukumahog na naman ang lahat kapag nagsimula na ang semester. “Whoa, Friday night!” maligalig na sigaw nila Jade nang bumaba ng sasakyan. Normal na ang disco-han dito, sanay na sanay na ang lahat. Pati ang ingay at halo-halong amoy ng mga alak ay hindi na rin bago. “Damn, I love this city!” masayang sabi ni Nathalia na pumagitna kina Ace at Jade saka kumapit sa braso ng dalawa. Sumabay ako sa lakad nila habang tinitingnan ang labas ng isang bar. Ngayon lang kaming napadpad sa lugar na ‘to. “I miss Sienna! She’ll enjoy it here, too. Kailan ba siya uuwi?” tanong ni Nathalia. “She doesn’t like cities! Lalo na kapag puno ng clubs,” sagot ni Jade na naka-black boots pa at naka-black bodycon dress. Nagsuot lang ako ng black leather pants at black corset top. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Maingay na agad ang tugtugin at pagpasok pa lang namin ay sumalubong agad sa amin ang halo-halong amoy ng mga alak at amoy ng mga pabango. Halos ilang saglit pa lamang sa table ay bigla na ulit kaming nagkawatak-watak. Kung saan-saan na napadpad si Nathalia. Hindi rin namin inasahang ganito karami ang tao ngayon dito. Sila Jade naman ay nakikisayaw na sa dance floor. “Hi, Mauve! Haven’t seen you in a while. Ganda mo pa rin!” bati sa ‘kin ng isa sa mga kakilala ko nang makita ako. “Bakasyon, eh! No stress,” pabirong sagot ko rito. Naiwan ako sa table namin habang kaswal na umiinom dahil iniwan na ako ng mga magagaling kong kaibigan. Mamahalin ang mga drinks na in-order ni Nathalia kaya naman hindi agad ako naumay. Nakailang ulit din na may lumapit sa table kung nasaan ako. Panay ang bati at pagkausap ng mga lalaki at pagkatapos ay bigla na lang hihingi ng number. Matapos ang halos kalahating oras na umiinom akong mag-isa ay nakaramdam na ako ng pagkahilo at kalasingan kaya binitawan ko na ang alak at pinagdiskitahan na lang ang iced tea. “Hey… I know you. You’re from BS Nursing, right?” biglang saad ng isang lalaki na napadaan sa table ko at binanggit ang university kung saan kami nag-aaral. Ngumiti lang ako at tumango. “Do you want to dance?” yaya nito matapos ang ilang saglit. Hindi agad ako sumagot at nanatiling nakaupo. Lumipat ang tingin ko sa isang grupo ng mga lalaki sa isang tabi na nakatingin sa pwesto ko. Kanina pa ako hindi kumportable dahil sa panay nilang pagsulyap at pagkukwentuhan, pakiramdam ko ay pinag-uusapan pa ako sabay ngisian. Muli akong nag-angat ng tingin sa lalaki. Hindi siya pamilyar sa akin pero mukhang mabait naman at approachable. “S-Sige,” tanging sagot ko at tumayo sa kinauupuan dahil wala na rin sa sarili. Sumama na ako patungong dance floor kung saan maraming tao dahil ayoko rin namang maiwang mag-isa sa table at tiyak na may mga lalapit lang. Mukha lang makapal ang mukha ko pero ang totoo ay nahihiya akong tumanggi sa tuwing may lumalapit sa ‘kin. Pakiramdam ko ay magiging rude ako kapag tumanggi ako at ako pa ang nahihiya, kahit ang totoo ay wala namang mali sa pagtanggi at pagsabi ng hindi. Habang tinatahak ang daan papuntang dance floor kung saan maraming mga nagsasayaw sa tugtugin at mga nagpapaka-wild na tao ay sinusuyod ko ng tingin ang crowd para hanapin sina Jade pero hindi ko sila makita. Saan na ba nagpunta ang tatlo? Don’t tell me umakyat pa sila sa VIP rooms sa taas? Susuntukin ko talaga sila isa-isa kapag gumawa sila ng kalokohan. “So, are you with your friends?” tanong ng lalaki sabay abot ng isang drink. Ngumiti siya sa ‘kin kaya naman ngumiti ako pabalik. “Uhm, yeah, kaso hindi ko sila mahanap!” “Sino bang kaibigan mo? Gusto mong tulungan kitang hanapin sila?” tanong niya. Medyo malakas ang boses namin para magkarinigan dahil malakas ang tugtog sa buong lugar. Tumawa ako at umiling. “No need. Malalaki na ang mga ‘yon,” tanging sagot ko. Tinanggap ko ang drink nang iabot niya ‘yon. “Thanks!” Diretso ko itong tinungga at sumabay sa tugtog. Sobrang wild ng mga sumasayaw at nagkakasiksikan na sa sobrang dami ng tao sa dance floor. “Whoa, hindi mo sinabing dancer ka pala, Mauvereen!” saad ng lalaking kasama ko na hindi ko alam ang pangalan. Tumawa ako. “Anong pangalan mo?” medyo may kalakasang tanong ko dahil sa lakas ng tugtog. “Ethan. We’re from the same university,” sagot niya naman. Tumango ako. “Then, hi, Ethan! I’m Mauve.” Hindi ko alam kung saan ko na nakuha ang lakas at kapal ng mukha na magsaya sa buong gabing iyon. May mga kakilala ako na nasa dance floor din malapit sa amin at binati nila ako kaya naman kampante akong hindi ako ma-i-scam ng lalaking kasama ko ngayon. Nang magbago ang tugtog ay mas dumami ang gustong sumayaw sa dance floor kaya naman mas nadagdagan ang wild na crowd at nagkagitgitan na dahil lasing na rin ang mga tao. Hindi sinasadyang natulak ako papunta kay Ethan nang biglang nagkatulakan sa bandang likuran ko. Tiningnan niya ako na bahagyang nagulat at namula ang mga pisngi. Nanlaki ang mga mata ko. “S-Sorry, nagtutulakan kasi—” “Tabi.” Naputol ang akmang sasabihin ko nang may malamig na boses ang nagsalita sa bandang gilid namin. Napaangat ang tingin ko sa tangkad ng lalaki. Kahit maraming tao sa paligid at may tama na rin ako, nagawa ko pa ring makilala agad kung sino ‘yon. Napaawang ang labi ko at naiwan ang tingin sa kaniya, pero dinaanan niya lamang ako ng tingin at hinawi kaming dalawa ni Ethan kaya agad akong napalayo rito. Halos nakasubsob na ako rito at wala nang espasyo sa pagitan pero doon pa rin niya piniling dumaan! “Tss,” tila naiiritang usal niya. Kung umasta’y parang harang kami sa daan. Napilitan akong tumabi para makadaan siya at awtomatikong sumunod ang tingin hanggang sa makalagpas siya sa amin. Natanaw ko ang taas niya at ang ganda ng katawan niya mula sa likod habang naglalakad palayo na tila hindi napapagitnaan ng maraming tao. Ganoon din si Ethan na mukhang nagulat sa nangyari. Napailing na lamang ako at hindi makapaniwalang sinundan ng tingin ang walang hiyang kuya ng matalik naming kaibigan, walang iba kundi si Cillian Lorenzo! Wala nang madaanan sa dance floor pero sa lawak nito, dito pa talaga sa pwesto namin?! Nagpaalam si Ethan nang may tumawag sa kaniya at sinabing kukuha rin daw siya ng drinks. Tumango naman ako at umalis na rin sa dance floor. Magbabanyo na lang muna ako dahil kanina pa ako naiihi sa dami ng nainom na iced tea. Habang tinatahak ang daan, hindi ko alam kung bakit awtomatikong nilibot ng mga mata ko ang kabuuan ng lugar at pinasadahan ng tingin ang mga tao. Napailing na lang ako at napasimangot. Hindi ko alam kung talaga bang magkapatid sina Nathalia at ang Cillian Lorenzo na ‘yon dahil may pagkakalayo ang ugali nila. Speaking of the devil. Napakurap ako nang may matanaw sa gilid malapit sa daan patungong restrooms. Walang masiyadong tao roon pero nakita ko ang dalawang pamilyar na taong nag-uusap. Hindi ko alam kung dadaan na ba ako patungong banyo dahil naiihi na ako o hihintayin ko silang itigil ang ginagawa nila at mapansin ako. Para kasing nagmo-momol na naman. Ano kaya ang meron sa ihi ko, sa banyo, at sa pagme-make-out ng dalawang ito? Seriously? Pangalawang beses na ‘to at hindi na talaga nakakatuwa! “Lorenzo… please, babe, give me one more chance. I already explained myself. Why can’t you believe me?” halos nagmamakaawa ang boses na sabi ng babae. Napanganga ako. Ito na ba si Trixie? Nilingon ko sila. Nakatalikod sa direksyon ko si Cillian Lorenzo at kaharap niya ang isang babae. Hindi nila ako nakikita dahil bukod sa masiyado silang seryoso ay natatakpan ako sa sobrang tangkad niya at hindi ako makita ng babaeng kausap niya. Okay, OA lang pala ako kanina. Hindi sila nagmo-momol ngayon at mukhang malalim at seryoso ang pinag-uusapan nila. “Bitaw,” utos niya sa babae nang yakapin siya nito. “Stop fooling around, Trixie. I don’t need a f*cking cheater. I’m sure you’re aware of that. Now, leave.” Kahit may bakas ng galit, seryoso at lamig ang boses niya, nahihimigan doon ang hindi maipaliwanag na emosyon. Is he hurt? Natigilan ako. I think this is the first time I heard him talk like that. “Babe, please! Let me explain again! You know how much I love you! Pleas—” Hinabol-habol siya ni Trixie pero tinalikuran niya ito, walang salita-salita, at nang lumingon sa direksyon ko ay sa akin agad unang tumama ang kaniyang paningin. Natigilan ako habang nasa kanila ang tingin. Naagaw ko na rin ang atensyon ng babaeng si Trixie na kahit may luha sa mga mata ay agad sumama ang timpla ng mukha nang makilala ako. Bakit parang kasalanan ko? Hindi ko alam kung magsasalita ba ako dahil nanatiling nakatingin sa akin si Cillian Lorenzo, seryosong-seryoso ang mga mata niya. At kahit pigilan ko ang sarili ay hindi ko maiwasang matulala sa kaniya! He’s approximately over 6’0 in height. Fair skin. Itim na itim ang buhok niyang makapal at malambot sa tingin pa lang. Malalalim ang mga mata at lalaking-lalaki kung tumingin. Matangos ang ilong at ang jawline niyang nasobrahan sa pagiging defined. If jawlines could kill, I’ll surely drop dead right on the spot. He’s wearing a black formal trouser and a polo. May relo pa sa kaniyang pulsuhan. Hindi ko man makita, alam ko na agad kung ano ang posibleng mga brand ng gamit niya. Hindi ko na alam kung paano ko pa aalisin sa kaniya ang paningin ko gayong presensya niya pa lang ay nanghahatak na. He’s so manly for damn’s sake. I can’t even describe him as a boy. And I hate it. Nagulat ako nang humakbang siya palapit sa direksyon ko. Oh, freak. Ako ba ang lalapitan niya? Anong ginawa ko? Tumayo lang naman ako rito! Bakit parang kasalanan ko? Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan habang palapit siya sa pwesto ko, pero ganoon na lamang ang pagkahulog ng puso ko nang daanan niya ako ng tingin pero agad din akong nilampasan! Three seconds. He looked at me for three seconds. At pagkatapos ay ang tuluyan niyang pag-alis. Napanganga ako at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin. Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan at kung wala lang dumating na ibang tao ay nasabunutan ko siguro ang sarili ko. Bakit niya nga ba ako lalapitan? Ni hindi ko nga alam kung natatandaan niya ba ako. “Lorenzo! Please, let’s talk!” Muling hinabol ni Trixie ‘yong antipatikong lalaki matapos akong pasadahan ng tingin. Nagtaas pa siya ng kilay sa akin bago tuluyang sinundan ang tinatawag niyang ‘babe’. Damn sh*t, lagi na lang akong napapahiya sa harap ni Cillian Lorenzo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD