Chapter 4 - Interest

2104 Words
Mahina akong napadaing nang mapahawak sa ulo kong nananakit at sinundan ng malalim na paghinga nang maramdaman ang malambot na kamang kinahihigaan ko. Kung hindi lang iyon nasobrahan sa pagiging malambot at mabango ay iisipin ko na sanang nasa apartment ako. Kahit umiikot ang paningin ay pilit kong iminulat ang mga mata ko, pero halos masamid ako sa sariling laway nang bumungad sa akin ang isang napakaganda at napakagarang chandelier sa kisame. Wala sa sarili akong napabangon at agad-agad napalingon sa paligid. Kailan pa nagkaroon ng ganito kagarang chandelier ang apartment namin nina Ace?! “Thank goodness, you’re finally awake!” Boses ni Nathalia na kakapasok lang sa kwarto kung nasaan ako ang sumalubong sa ‘kin. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. “A-Anong nangyari? Nasaan ako?” Lumapit siya sa ‘kin at umupo sa malawak na kama, parang pinagsakluban ng langit at lupa. “Girl! Sa lawak nitong mansyon, bakit doon ka pa kina Kuya at Trixie nag-pass out?” Niyugyog niya ang mga balikat ko habang naghihisterikal. “I will just hope na hindi ka ma-trauma sa mga nakita mo.” Hindi ko maintindihan kung sinisisi niya ba ako, nag-aalala o napapangiwi na lang siya sa nangyari. “Trixie?” tanong ko sabay masahe sa ulong nananakit. Tumango-tango siya at nilingon ang paligid para tingnan kung may tao ba. Nang makasigurong wala ay humarap ulit siya sa ‘kin at mahinang nagsalita. “‘Yong kasama ni Kuya Cielo.” Muling kumunot ang noo ko. “Cielo?” “Si Kuya Cielo, my half-brother!” Natigilan ako. Ang ibig niya bang sabihin... ‘yong lalaking ‘yon... a-ay si C-Cielo? “‘Yong lalaking ‘yon... kuya mo?!” gulat na tanong ko na tila nagising ang buong diwa. Tumango si Nathalia na bahagyang nagtaka sa pagtataas ko ng boses. Pakiramdam ko ay umabot ang puso ko sa lalamunan ko. Hindi makapaniwalang napahawak ako sa noo at mariing napapikit. ‘Yong lalaking ‘yon ang kuya niya? All this time? Kaya familiar sa ‘kin... dahil kapatid ng kaibigan ko?! Isang beses ko lang itong nakita noon at mula pa sa malayo. Hindi ko pa ‘yon nakakausap kahit pa matalik kong kaibigan si Nathalia. Sa ibang bansa rin naman nag-aral. “Bakit hindi kayo parehas ng apelyido kung siya nga ‘yong kuya mo?” kunot-noo pa ring tanong ko. “Magkaiba ang tatay namin, remember? He’s carrying our mom’s surname, ayaw niya pa ring magpapalit kahit kinupkop na siya ni Dad.” Iyon lang ang tanging sagot ni Nathalia at agad nang naging ilag na magsabi ng mas maraming detalye. Nag-iwas ako ng tingin at napabagsak na lamang pabalik sa kama. So, all this time... I’ve been admiring my friend’s brother? Ang Cielo na ‘yon?! Napatakip ako sa mukha. Parang bigla, nabura lahat ng kinahihibangan kong pakiramdam sa mga nagdaang araw. Para akong biglang nagising! I can’t believe I’ve spent my whole summer break crushing over his brother. Damn it! Hindi ko talaga gusto ang lalaking ‘yon. Cillian Lorenzo is a famous bachelor, kilala talaga siya ng lahat, pero wala akong naging interes na tingnan siya maski sa social media. For me, he’s just some other f*ckboy collecting his chics. At wala akong panahon para i-check out ang mga ganoon. Sa kabila niyon, hindi nakaalpas sa akin ang naramdamang kahihiyan dahil sa pagsira ko sa moment nila ng ‘chic’ niya. Sumimangot si Nathalia at gigil na dinampot ang maliit na unan. “This is so annoying. Nagkaayos na naman ba sila ng Trixie na ‘yon? Kung hindi ka pa nahimatay kung nasaan sila, mukhang hindi ko pa malalaman. She’s… argh! I really hate that two-faced snake!” Gusto ko mang tanungin ang tungkol sa Trixie na ‘yon ay nanahimik na lang ako. Muling bumalik sa isipan ko ang huli kong naaalala sa nangyari. Nagpaalam akong magbabanyo at pumasok sa mansion nila Nathalia. Pagkatapos ay namali ako ng napuntahan dahil hindi ko matagpuan ang banyo at sa halip ay napunta ako sa stockroom. Halos sabunutan ko ang sarili nang maalala ang ginawa ko… muntik na akong mag-alis ng suot sa harap nila. Kung hindi ba naman iyon isang malaking kahihiyan! Muling bumalandra sa isipan ko ang nakita kong ginagawa nila. Hindi pa naman ‘yon sobrang kababalaghan, pero what more pa kaya kung pumasok ako at nandoon na sila sa moment? Pinilig ko na lang ang ulo ko para alisin ‘yon sa isipan. “Don’t tell me nakita mo lahat ng ginawa nila?” nanlalaki ang mga matang sabi ni Nathalia nang tingnan ako. Hindi na ako sumagot at malalim na lang na huminga. “I-I’m so sorry, Mauve! Dapat talaga sinamahan kita,” sising-sisi na dagdag niya na mukhang mas na-trauma pa kaysa sa ‘kin. “Hindi naman big deal,” tanging saad ko, kahit ang totoo ay nanginginig ako sa kahihiyan, at tumayo na sa kama para hanapin ang mga gamit ko rito sa guestroom nila. Hindi ko na yata magagawang bumalik dito. Gusto ko nang umuwi! Anong oras na ba at bakit hindi pa kami umuuwi nila Ace? Habang naghahanap ay sumimangot ako at muling hinarap si Nathalia. Parang bigla ulit nag-flash sa isipan ko ang itsura ng kuya niya at ng kasama nitong babae. “H-Hayaan mo na ‘yon, wala rin naman akong pakialam kahit maabutan ko pa silang nagse-s*x. Bihira lang sa buhay ang makasaksi ng live p*rn, so I think it won’t be that bad. At saka sanay naman akong nakakakita ng private parts dahil inaaral ‘yon sa Nursing. It’s really not something to—” Naputol ang pagsasalita ko nang biglang may tumikhim mula sa bandang likuran ko. Malalim at buong-buo ang malamig nitong boses. Bigla akong natigilan at tila nanigas sa kinatatayuan. Naiwan din ang tingin ko kay Nathalia na mahinang umiiling-iling sa ‘kin, sumesenyas, bago napatikom na lamang ang bibig at hindi na nagsalita. Napalunok ako at saglit na ginamit ang ilang segundo para alalahanin ang mga pinagsasabi ko kanina lang. Tama naman, ah! Wala naman akong nasabing mali. Hindi ba? Kahit hindi ‘yon inaasahan ay nagawa ko pa ring lumingon sa likod ko at nakuha pang magtaas ng kilay, pero halos mapatulala ako nang bumungad sa akin ang kuya ni Nathalia. Diretso ang tingin niya sa ‘kin habang nakasandal ang isang kamay sa hamba ng pintuan, upper body naked. Wala siyang suot pang-itaas at tanging itim na pants lang at meron pang belt. May tuwalyang nakasukbit sa kanang balikat niya at basa ang tumutulong buhok, halatang kagagaling lang sa pagligo at mukhang napadaan pa dito. He looked at me intently with amusement in his eyes like I’ve said something funny and amusing at the same time. May ngisi sa labi niya na parang may nakakatawang bagay ang tumatakbo sa isipan. “Wow. That’s a little bit too much for this morning, but I like your choice of words,” saad niya. Kahit hindi dugtungan ang sinabi, alam kong ang tinutukoy niya ay ang sinabi ko kanina. Tinikom ko ang sariling bibig at hindi nakasagot. Tumayo si Nathalia at hinarap ang kuya niya. “Just shut up, Kuya. You know what? Dapat mag-sorry ka pa sa kaibigan ko. For damn’s sake, you traumatized her!” Tumawa ang kuya niya at binalik ang tingin sa ‘kin. Walang emosyon ang mukha niya pero bahagyang nakangisi ang mga labi. “I don’t think she’s traumatized. Right, Miss Audience?” Nanliit ang mga mata ko sa tinawag niya sa ‘kin. Miss what? Hindi ko mapigilang ma-offend! Tinaasan ko siya ng kilay, hindi nagpapatalo. “What did you call me? Miss Audience? Parang ginusto kong makita ang kababalaghan n’yo? Excuse me, wala akong balak maging audience n’yo! If I would ever be in that scenario, hindi ako ang audience!” Dahil ang aga-aga at sinimulan niya ako sa pagtawag ng ‘audience’ ay napikon na ako. How could he? Parang sinabi niya na ring inistorbo at sinira ko ang moment nila! Alam kong ganoon nga pero hindi ko naman sinasadya. Aksidente iyon! Tinalikuran ko ang magkapatid at dinampot ang mga gamit ko. Magso-sorry na lang ako kay Nathalia pero diyan sa kuya niyang ang lakas pa ng loob na humarap nang topless matapos ko silang makita, hindi ako hihingi ng pasensya. Forget it, hindi ko na siya crush! Now that I know he’s that Cielo. Hindi agad siya nakapagsalita, iniisip ang huli kong sinabi, bago natawa at tumango-tango. “Okay, then. Sana sa susunod ay magdala ka na lang ng sariling banyo para hindi ka naliligaw.” “Kuya Cielo, stop bothering my friend! Hindi nakakatulong ‘yang mga sinasabi mo,” saway ni Nathalia. Inisang lingon pa ako ng kuya niya bago ito tumango sa kapatid. Isang masamang tingin lang ang iginanti ko. “Take care of your friend, Nathalia,” huling sabi niya at mapaglarong ngumiti sa ‘kin. Tumalikod siya at iniwan kami. Sinundan ko siya ng tingin. Ang lamig ng presensya niya kahit na ngumiti pa siya. Kakaiba rin. Umiling-iling na lang ako sa sarili at muling sumama ang loob. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o mayayamot sa nangyari. Sila dapat ng babaeng ‘yon ang mahiya sa ‘kin dahil nakita ko sila, pero mukhang hindi naman big deal doon sa Cielo. Sa halip ay ako pa ang nahihiya na nakita ko sila! Matapos ang umagang ‘yon ay hinatid ako ng bodyguard nila Nathalia. Kagabi pa raw umuwi sila Ace at iniwan ako. Nag-pass out ako kagabi at hindi nila ako masama pauwi kaya hinayaan na lang nila ako doon. Sabi ni Nathalia ay nakita niya na lang daw ako nang tawagin siya ng kuya niya dahil nga nahimatay ako sa stockroom at dinala ako sa guestroom. Ang ibig sabihin ba niyon... binuhat ako ng kuya niya? ‘Yong lintang nakikipag-make out sa stockroom, binuhat ako? Iyon ang pinakaunang beses na nagkausap kami ng kuya ni Nathalia. Well, nagkausap na kami noong may aksidente at nahulog niya ang ID niya at sinabi niyang ‘good’ lang ang performance ko, pati na rin noong bumili siya ng three boxes of condom na Trust ang tatak at ako ang cashier. Pero ang nangyari sa mansion ang pinakanatatandaan ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko makalimutan. Dahil ba nakita ko siyang ‘almost naked’ kasama ang isang babae sa loob ng madilim na kwarto? O dahil sa pagtawag niya sa ‘kin ng ‘miss audience’? O baka naman sa paraan ng pagtingin niya sa ‘kin? It’s unexplainable. I hate how he has an effect on every people he’ll face. May kakaiba sa presensya niya, sa paraan ng pagtingin niya, iyon bang tingin na hindi lang dadaan sa mga mata mo kundi mararamdaman mo. Walang emosyon ang mukha niya pero ang mga mata niya... it’s giving so much. Matapos ang nangyaring iyon sa mansion ay hindi ko na ulit nakita pa ang kuya ni Nathalia. Hindi rin namin masiyadong nakakasama si Nathalia dahil bakasyon at hindi siya basta-bastang nakakaalis sa bahay nila. Matapos ang ilang araw ay bumisita si Nathalia sa apartment at doon kami tumambay. Nagkakwentuhan sila tungkol sa nangyari sa party sa mansion. “Siraulo kasi si Yuan, amputa. Nagkukunwaring nag-pass out para lapitan ni Nathalia. Eh, suportado naman ng mga kaibigan niya. Ito namang si Nathalia, to the rescue din agad at hinayaan si Mauve pumasok sa loob! Ayan, nakasaksi tuloy ng live p*rn!” Ngumiwi ako. “Akala ko ay random party goer lang na nakikipag-make out sa stockroom.” Napailing si Nathalia. Mukhang sanay naman siya sa ugali ng kuya niya. “Si Cielo… nasa med school pa rin, ‘di ba?” tanong ni Ace. Tumango si Nathalia. “Fourth year.” “Fourth year? In med school?” hindi namamalayang tanong ko. Si Ace naman ang tumango. “Sa UP Manila ‘yon nag-aaral.” “Alam na alam, ah. Sige, anong specialization niya?” hamon ni Jade. “Surgery!” sagot ni Ace. Kung gano’n, estudyante pa rin pala siya. Hinatid namin sina Nathalia at Jade pababa ng apartment. Nang paakyat kami ay hindi ko mapigilang magtanong kay Ace na kinapit ang mga kamay sa braso ko. “‘Yon bang kuya ni Nathalia… fourth year ngayong pasukan?” naitanong ko dahil pasukan na sa susunod na buwan. Tumango siya sa ‘kin at mapang-asar na ngumiti. “Yie, type mo?! Ang gwapo n’on! Tapos surgery pa ang specialization. Blessed hands!” puri niya. Hindi ko alam kung sadyang marumi lang ang utak ko para iba ang maisip sa blessed hands. So, he’s 25?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD