Chapter 6 - His Girlfriend

2439 Words
Matapos kong masaksihan ang eksena ng dalawa, namalayan ko na lang ang sarili na nasa iisang VIP room na kasama si Cielo. Kasama niya ang mga kaibigan niya. His friends and our circle of friends, mainly Nathalia’s, are now in the same room. Nakapalibot kami sa isang malaking pabilog na mesa at lahat sila ay abalang umiinom at masayang nagkukwentuhan. Sina Jade ay may mga kausap na sa mga kaibigan ni Cielo. Mababait naman sila at mukhang magalang kausap kahit na limang taon ang agwat ng edad nila sa ‘min. Marahil siguro ay nababataan sila sa ‘min kaya ganoon sila makipag-usap. Nakakatawa na parang mas wild pa ang mga kaedad ko kesa sa mga kaedad ni Cielo. Medyo tahimik lang kasi sila at ang matured pang makipag-usap. Mukhang napasubo pa si Jade doon sa med student na kausap niya. Tahimik lang akong nakaupo sa pwesto ko at nagmamasid sa paligid. Hindi naman ako ganito katahimik pero hindi ako makagalaw ngayon sa kinauupuan ko. Kahit galawin ang mga drinks na nasa harapan ko ay ‘di ko magawa. Kanina pa ako nako-conscious dahil panay ang tingin ni Cielo sa gawi ko. Hindi ko maintindihan kung sino ba ang tinitingnan niya dahil wala naman nang ibang tao sa likod ko o kabilang tabi ko na maaaring tinitingnan niya, kaya ina-assume ko na sa akin siya tumitingin! Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay nag-ipon-ipon na ang lahat ng mga kahihiyang nagagawa ko sa mga nakaraang araw at dumagdag pa ang nakita ko kanina. Nahuli niya lang naman akong nakatingin sa kanila ng babaeng kasama niya, si Trixie. Kung hindi ba naman ‘yon kahihiyan. Parang pinatunayan ko lang sa kaniya na walang mali sa pagtawag niya sa ‘kin ng ‘miss audience’ dahil pinapanood ko naman talaga sila. Inabot ko ang baso ng beer sa harap ko at ininuman. Maingat ko pang ginawa ‘yon sa pag-iisip na baka maihulog ko ang baso o baka masamid ako at makaagaw ng atensyon. Ayaw ko nang dagdagan pa ang mga kahihiyan ko. Habang maingat na umiinom ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napamura ako at muntik nang masamid. Mabuti na lang at biglang bumukas ang pinto ng VIP room kaya nagmukha lang akong nagulat doon at hindi sa pagtawa niya. “Pre!” tawag ng isang lalaking pumasok bago lumapit kay Cielo at nakiupo sa couch sa tabi nito. Binaba ni Cielo ang hawak na rock glass, pinakikinggan ang sinasabi ng lalaki. Hindi ko iyon narinig dahil malabo ang boses ng lalaki at pabulong na sinabi ang kung anuman ‘yon. “Hey. Tunaw na si Lorenzo sa ‘yo. Tama na ‘yan.” Napalingon ako sa isang babae sa tabi ko nang magsalita ito, kaibigan ni Nathalia. ‘Yong tinatawag niyang ‘Ate Kyline’. Namula ang pisngi ko sa pagkapahiya at umiling sa kaniya. Ngumisi siya sa ‘kin bago dumekwatro at tinanaw rin si Cielo na nasa tapat lang naman namin. ‘Yon nga lang ay medyo malayo dahil nakasandal ito sa mababang couch. “Huwag kang matakot sa ‘kin. Ayos lang iyon. Kahit ako nga, pinagpapantasyahan si Lorenzo, eh,” mahinang sabi niya sabay hagikgik. Mabilis akong napalingon sa kaniya sa gulat ko. “H-Hindi! Hindi ko siya pinag-iisipan ng ganoon...” hiyang-hiya na sabi ko, ni hindi ko mabanggit ang salitang ‘pinagpapantasyahan’. Hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi ‘yon. Hindi ko naman tinitingnan si Cielo sa ganoong paraan! “Nah, who wouldn’t look at him? I mean, tingnan mo naman kasi! He’s everything. Literally,” pagpapatuloy ng babae, si Kyline, isang model. She appeared in some commercials and she’s Nathalia’s ‘ate’ in the modeling world, kaya hindi ko lubos maisip na nagagawa niyang sabihin ang mga ‘yon. “The thought of being in the same bed as him really, really, freaks every girl out,” dagdag niya sabay iling. That’s... that’s too much! Parang sine-s*xualize na nila ‘yong tao! “Don’t you think that’s too much?” Nagawa ko ‘yong sabihin sa kaniya matapos siyang lingunin. Tiningnan naman ako ng babae, hindi maintindihan kung tatawa ba o magugulat sa sinabi ko. “Why, babe? Everyone likes him only because of his looks, body, intelligence and influence. He’s basically a red flag in terms of personality!” Napailing ako. Hindi ko maiwasang ma-disappoint sa sinabi niya. Sa tingin ko ay napaka-insensitive at disrespectful niyon. Nilagok ko ang natitirang beer sa baso ko sabay tayo. “Excuse me, I’ll just go the restroom,” paalam ko sa kaniya at naglakad paalis. Nakita ko pa ang bahagyang pagtingin sa akin ni Cielo at ng mga kaibigan niya nang tumayo ako para umalis. Ganoon din sina Jade na nagtaka sa ‘kin. Inis kong sinara ang pinto ng VIP room nang makalabas ako doon. Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan ang mga taong katulad ng Kyline na ‘yon! Agad kong hinagilap ang restroom. Napatingin ako sa sariling repleksyon sa salamin nang maghugas ako ng kamay sa sink bago napapikit nang muling sumagi sa isip ko ang imahe nina Cielo at Trixie. Damn it! May tama ang Kyline na ‘yon! Kinikilabutan ako sa tuwing naaalala ko ang mabibigat nilang paghinga noong gabing ‘yon sa stockroom, ang mga impit na ungol ni Trixie kahit na parang wala pa nga silang ginagawa, at ‘yong nalalango niyang mga tingin. Gusto ko nang ilubog ang sarili ko sa sink sa mga naisip ko. “Sh*t, nababaliw na yata ako,” bubulong-bulong na saad ko sabay patay sa tubig bago ko pa mahilamusan ang sarili nang wala sa oras. Nang makalabas sa restroom ay hindi ko malaman kung babalik pa ba ako sa room na ‘yon kung nasaan sina Kyline dahil naroon sina Jade. Napagpasyahan ko na lang na lumabas sa bar na ‘yon para makasagap ng matinong hangin dahil intoxicated na sa loob. Hindi kami laging nagagawi sa lugar na ‘to kaya naman hindi ko kabisado. Napangiwi na lang ako nang mapansing napadpad ako sa smoking area. May ilang naninigarilyo doon pero hindi naman ganoon kalapit sa kinatatayuan ko. Gayunpaman ay naaamoy ko pa rin ang usok ng sigarilyo, pero hinayaan ko na lang ‘yon. Para magpahupa ng inis ay sinipa-sipa ko ang maliliit na bato sa tabi at pinagbuntungan. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatili roon bago malalim na lang na napahinga at nilabas ang cellphone. Magme-message na lang siguro ako kina Ace para sabihing umuwi na kami, pero bago ko pa ‘yon tuluyang magawa ay biglang naagaw ang atensyon ko nang may ilang lalaki ang dumating sa smoking area. Medyo madilim na at hindi ko maaninag nang maayos pero apat na lalaki ang dumating at mukhang masinsinang kausap ng tatlo ang isang lalaki. Binaba ko ang hawak na cellphone at tiningnan ang mga ito nang biglang kuwelyuhan ng isa ang isa pang lalaki. Tumaas ang mga boses nila kaya naman narinig ko ang pinag-uusapan nila. “Gago ka! How dare you make her cry?” sigaw ng lalaking namumula ang buong mukha at lasing na lasing. Imbes na matakot ay ngumisi pa ang lalaking kaharap nito. Sh*t, si Cillian Lorenzo! “For a cheater, you surely have a thick face. How f*cking shameless.” Napanganga ako nang marinig ang sinabi niya. Nasa VIP room lang sila kanina, pagkatapos ngayon ay may kaaway na siya? “Tangina mo, Lorenzo! Ang taas din talaga ng tingin mo sa sarili mo, eh, ‘no? Kung hindi lang naman dahil sa tatay-tatayan mo, hindi ka mapupunta sa kung nasaan ka man ngayon. Alam mo ba ‘yon, ha?” galit na saad ng lalaki. Tumigil sa kaniya ang paningin ni Cielo. Bigla itong natigilan at nawalan ng emosyon ang mga mata. “Why, Giovan? Does it hurt your pride that you had to be that low so you can be with the girl you like? Cheat with her? Then defend her after I find out?” saad ni Cielo. Ngayon ay bakas na ang galit sa boses niyang binabalot ng lamig. “What a pity that you have to beg women so they’ll choose to f*ck with you instead,” dagdag ni Cielo na halos ikalaglag ng panga ko. “P*tangina mo!” Galit na galit siyang sinuntok ng lalaki. Napasinghap ako. Hindi ko malaman ang gagawin kundi panoorin sila! Pinunasan lang ni Cielo ang labi niyang ngayon ay nagdurugo na. Nanlaki ang mga mata ko. Sh*t, tatawag ba ako ng security?! They’re attacking him! “Bullsh*t. Stop being a kid. Bed her. I don’t f*cking give a damn.” Tila nauubos na ang pasensya niya. Muling sumugod ang lalaki at akmang susuntukin siya pero agad napigilan ng mga kasama nito. Nakalikha na sila ng ingay pero medyo nabawasan ang tao sa smoking area at ang iba naman ay hinayaan lang ang apat, iniisip na away barkada lang iyon. But I don’t think so! Parang magpapatayan na sila sa tingin pa lang! Malamig niyang tiningnan ang lalaki at dahil malinaw kong nakikita ang kaniyang mukha mula sa direksyon ko ay malinaw ko ring nababasa ang galit sa mga mata niya. “I don’t tolerate cheaters. I don’t settle for someone who is cheap and disgusting.” “P*tangina mo! Don’t you call her that way!” Muli siyang sinuntok ng lalaki pero hindi niya man lang iyon nakuhang gantihan. Dumating ang isa pang lalaki, ‘yong kaibigan ni Cielo na nasa VIP room kanina na may binulong sa kaniya, at agad na lumapit. Akala ko ay aawat pero mukhang sinadya rin nilang makausap ang mga ito. Parehas silang hindi natatakot sa presensya ng tatlong lalaki. Halos maihulog ko ang hawak na cellphone sa gulat nang bigla silang magpalitan ng suntok. Gumanti rin ang kaibigan niya para sa kaniya. Hindi ko alam kung sapat ba ako para sawayin sila o awatin! Nahawakan ng dalawang lalaki si Cielo at hinarap doon sa lalaking nanggagalaiti sa galit. Isang hawak lang ng mga ito sa kaniya, alam kong hindi siya pakakawalan ng mga ito lalo na’t ginalit niya ‘yong lalaki! Akmang susuntukin na ng lalaki si Cielo nang mapasinghap ako na siyang umagaw sa atensyon nila. Pare-parehas silang natigilan at napatingin sa pwesto ko. Naiwan ang tingin sa akin ng mga ito at kumunot ang noo nang mapansin ang presensya ko. They can beat each other in private, ‘yong sila-sila lang. But that’s the thing! They are not in private! At mayroon silang audience! Napatingin sa akin si Cielo. Sunod-sunod naman akong napalunok nang magtama ang paningin namin. “Hey, t-that’s... that’s not allowed here,” saad ko sa kanila kahit hindi sigurado at kahit kinakabahang magsalita. I had to speak up because Cielo’s looking at me, parang hinihintay akong magrason sa biglang pagsulpot ko! “At sino ka naman, Miss? Anong pakialam mo?” inis na saad ng lalaking akmang susuntukin si Cielo kanina. “I’m sorry, pero pwede bang sa ibang lugar n’yo na lang gawin iyan? This is a public place. Kapag hindi kayo tumigil ay tatawag ako ng security,” banta ko sa kanila. I had to at least help him get rid of this situation. Nagtinginan ‘yong tatlong lalaki. “Tangina. Anong security? Mabuti pa, Miss, umalis ka na lang, kung ayaw mong madamay, huh?” saad ng lalaki sa ‘kin. Aba’t babantaan pa ako nito? “A-Ano ba? Wala ba kayong manners? Ang tatanda n’yo na pero nakikipag-away pa kayo? Gosh! I’m twenty witnessing these almost twenty six year-old guys beating each other in public!” Sinagad ko na lahat ng kaya kong sabihin. Damn it! Napamura na lang ang lalaki at ‘yong dalawa naman ay binitawan na si Cielo. Lumapit sa akin ‘yong lalaki pero agad na nagsalita si Cielo para pigilan siya. Agad naman akong ginapangan ng takot. “Don’t touch her,” malamig na saad ni Cielo, pero hinawakan pa rin ako ng lalaki sa braso. Agad kong binawi ang kamay ko pero mahigpit nitong hinawakan ‘yon. “A-Ano ba? B-Bitawan mo nga ako!” saad ko sa lalaki dahil masakit ang higpit ng hawak nito. “Masasaktan ka talaga, Miss!” “I said don’t touch her,” mariing pag-uulit ni Cielo pero tila walang naririnig ‘yong lalaki. “Tangina, sabing huwag mong hawakan!” Hinawakan niya ang braso ko para bawiin sa lalaki. Binitawan naman ako nito. Hinarangan niya ako mula sa lalaki habang hawak pa rin ako sa braso. Doble-doble na ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay umakyat sa lalamunan ko ang puso ko sa sobrang ramdam ko ang t***k nito. Sumabit pa ako sa mga gagong ‘to! “Sino ba iyan, huh? Tangna, kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa babae? Ano? Iyan na ba ‘yong bago mong babae pagkatapos ni Trixie?! Umaarte ka pang malinis, eh, nagloloko ka rin naman! Napakagaling mo, Lorenzo!” galit na saad ng lalaking mukhang walang balak tumigil. Tama nga ako. Si Trixie ang pinag-uusapan nila at siya rin ang dahilan sa away ng mga lalaking ‘to! “Bullsh*t. Shut your mouth!” iritadong saad ni Cielo. “Get the f*ck out, Giovan.” Muli akong tiningnan ng lalaki. Kahit natatakot ay hindi ko pinakita sa kaniyang takot ako at apektado sa presensya nila. “Well played, Lorenzo! Girlfriend mo iyan, ano? Parehas lang naman tayong lalaki. Girls are nothing but our bed warmer. Paaabutin mo pa tayo sa ganito!” Sarkastikong tumawa ang lalaki. Damn the way he addressed women. Talaga? Bed warmer lang ang mga babae? Eh, sabi nga ni Cielo kanina ay halos magmakaawa siya sa mga babae para lang siya ang piliin. What a very stupid line from a man whose d**k is not chosen. Ngumisi pabalik si Cielo. “Unfortunately for you, she’s not just my bed warmer.” “Your girlfriend?” anas ng lalaki. Gusto ko siyang patusin sa sobrang katangahan niya. Nang awatin ko ba sila kanina, mukha bang girlfriend ang dating ko?! “What if she is?” saad ni Cielo. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. W-What?! “Miss, boyfriend mo ba ang gagong ‘to?” tanong ng lalaki nang lingunin ako. Tiningnan ko ulit si Cielo nang lingunin niya ako. Walang reaksyon ang mga mata niya. Hindi ko magawang mabasa ang gusto niyang sabihin ko. Pinagmasdan ko ulit si Cielo, sinusubukang hagilapin kung ano ang dapat kong isagot sa lalaki, but he didn’t say anything. He just looked at me, hinihintay ang isasagot ko doon sa lalaki. Sa huli ay dahan-dahan akong tumango. “Y-Yeah...” Napalunok ako. “I’m... I-I’m his girlfriend.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD