Chapter 3 - Stockroom

2491 Words
Tumunog ang door chime at kahit hindi pa ako lumilingon ay bumati na ako. Dali-dali akong bumalik sa pwesto mula sa pag-aayos ng mga magulong shelf ng convenience store. “Good evening, Sir!” Tumayo ako sa loob ng counter at pinanood ang customer na kumuha ng box na may nakaimprintang ‘Trust’. Ilang box ang kinuha niya at… holy crap. Umangat ang tingin ko sa lalaki at kusa akong natigilan. The whole summer break turned out pretty okay. Marami akong naaral. Paulit-ulit ding bumabalik sa isipan ko ang nangyaring aksidente. I couldn’t get enough of it. Napapangiti ako kapag naaalala ko ang pakiramdam na naglakas-loob akong lumapit para tumulong. Kahit pa hindi ako sigurado kung magagawa ko nga ba, I had the courage to try, which I don’t usually have. And it makes me so happy and motivated. Hindi ba’t iyon naman ang importante? To try something you used to be scared of. Hindi ko makalimutan ang determinasyong nakita ko sa lalaki habang sinusubukan niyang iligtas ang naaksidente. That’s courage. At tatapatin kong naiinggit ako sa mga taong may lakas ng loob. Pakiramdam ko nga ay kung hindi ako namangha sa lalaki, baka nainggit talaga ako. Nanliit ako sa galing niya. Sa lakas ng loob. Sa determinasyon. Hindi pa man doktor pero mukhang malinaw na ang future. I saw it in his eyes... that guy will go to places. Napapangiti na ako kung minsan sa tuwing papasok sa klase. Para akong hibang. I was smiling like an idiot. Hindi naman ako ang nabunggo at nasemplang para magkaganito pero na-inspire talaga ako sa nangyari. Nabuhayan ako ng loob. Na-bore din ako sa bakasyon, at samahan pa ng nanlalabang pride kaya nagpatulong ako kay Ace na isama sa part-time job niya. Mabilis akong natanggap. Ayaw pa ni Ace noong una kung hindi ko lang talaga pinilit dahil mayayari daw siya sa pamilya ko. Pero na-cut ang allowance ko. Hindi ako mabubuhay kung aasa lang ako sa allowance na ‘yon. Ang mom ko naman ay kada buwan kung magpadala ng allowance. Minsan nga’y nakakalimutan pa. Akala ko ay hanggang doon lang ang unexpected encounter ko sa lalaking ‘yon, pero ganoon na lang ang gulat ko nang bago matapos ang summer... muli ko siyang nakita. Nasa harapan ko. Bilang customer. At ako ang oh-so-trying-hard and bored-as-f**k cashier na nasa loob ng counter. At siya sa gitna ng kalaliman ng gabi ay... Bumibili ng... condom? Mabagal ang kilos kong inabot ang kaniyang bayad na nilapag niya sa counter. Natigilan ako at natulala sa kaniya. Tumaas ang kilay niya at kunot-noo akong tiningnan nang hindi ako gumalaw agad para kunin ‘yon. Humalukipkip siya. “Miss?” he impatiently called. Mataman niya akong tinitigan. His eyes were almost shut in drunkenness. Namumula rin ang mukha, probably because of alcohol. Bahagya niyang kinagat ang loob ng ibabang labi bago nag-iwas ng tingin. Napatingin ako sa labas ng convenience store. Through the glass walls, may isang itim na Montero ang naka-park sa labas. “Hey.” Napabalik ako sa sarili at agad gumalaw sa kinatatayuan. Dinampot ko ang bayad niya at tiningnan ang monitor sa tabi ko. “That’ll be 114 pesos, Sir,” sabi ko bago sinuklian siya. Paulit-ulit pa akong napamura sa isip ko dahil sa kahihiyan. “I-Ibabalot pa po ba?” hindi siguradong tanong ko habang nakatingin sa cash register. “No need. We’ll use it now. Rush,” lasing ang boses na sabi nito, mahina at halos pabulong, para bang inip na inip na hindi na makapaghintay pa. Napanganga ako sa sagot niya bago wala sa sariling inabot ang sukli. Hindi niya na hinintay pa na magsalita ako at agad nang tumalikod. Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya palabas ng convenience store. W-What the f*ck? Kinilabutan ako nang maalala kung bakit pamilyar siya sa ‘kin. Hindi ako pwedeng magkamali. ‘Yong lalaki sa nangyaring aksidente... ‘yong lalaki sa ID! Really? Three boxes of condom? Mabilis na lumipas ang mga araw at bago ang pasukan ay nagpa-party si Nathalia, isang close friend mula pa noong highschool, sa mansion nila, ang mansion ng mga Sandoval. Nathalia is a model. Siguro ay siya ang pinakasikat sa circle of friends namin. Kaso medyo private ang pamilya. Pero ang kaniyang ama ay isang magaling na doktor. ‘Yong mama niya naman ay isang former model noong 90’s at early 2000’s. “Ano kayang ganap ni Nathalia?” curious na tanong ni Ace habang nag-aayos kami at nagbibihis. Nasa harapan ako ng salamin at abala sa pag-i-straight sa buhok kong hanggang balikat ang haba. Binalewala ko ang tanong niya at sa halip ay humarap ako sa kaniya habang hawak ang dalawang pisngi ko. “Bagay ba sa ‘kin may bangs?” Tiningnan niya ako bago umiling. “Pahabain mo muna ‘yang buhok mo bago mo lagyan ng bangs kung ayaw mong maging kamukha ni Dora!” Sumimangot ako at bumalik sa pag-aayos. “Baka naman wala doon ang parents ni Nathalia,” sagot ko sa kaninang tanong niya. “Eh, ‘yong kuya niya kaya?” “Kuya?” “‘Yong half-brother niya!” Napatigil ako at nilingon siya. “Sa mansion ba nila nakatira ang half-brother niya?” Tumango si Ace at pumili ng isusuot na headband. “Ikaw lang naman ang hindi interesado sa kuya niya! Ayan tuloy, huli ka lagi sa nagbabagang chismis.” Ang alam ko nga ay may kuya si Nathalia. Half-brother. Iyon lang ang alam ko. May isa pa. Gwapo raw, hot, matalino, at malakas ang appeal. Hindi ko pa nakikita kaya hindi ko alam kung totoo ‘yon. Nang matapos sa pag-aayos ay tumayo ako at tiningnan ang sarili sa full body mirror. Nagsuot lang ako ng jeans at pinaresan ng silk spaghetti strap crop top. Hinayaan kong lantad ang tiyan at pusod ko. Minsan lang ang party sa loob ng mansion kaya dapat maganda ako roon. Daraanan pa namin si Jade, isa ring kaibigan, para isabay na papunta kina Nathalia. Ang tamad kasing mag-bus o taxi. Hindi pa raw naaayos ang motor niya at nasa pagawaan pa kaya laging nagpapasundo kapag may biyahe. Ayaw niya naman daw magkotse. Kaskasera kasi kaya laging nasisiraan ng motor. “Ang ganda talaga rito,” namamanghang sabi nila nang makarating sa tapat ng mansion nila Nathalia. Masiyadong malawak at talaga namang private place. Ang taas ng mga gate at hindi makikita nang maayos ang loob hangga’t ‘di nakakapasok. “Kung hindi natin kaibigan ang may-ari nito, iisipin kong lugar ‘to ng mga undercover at secret agents,” sabi ni Jade at humalakhak. Bahagya naman siyang siniko ni Toshi at sinaway. “Aray! Kapag siniko kita diyan, tatalsik ka sa taas ng gate na ‘yan!” “Tama na ‘yan. Mapagkamalan pa tayong party crasher,” saad ni Archie at humalukipkip. “Maka-aray naman kasi ‘to, akala mo sinuntok,” pang-aasar ni Toshi. “Pero paano kung anak talaga ng mafia boss si Nathalia?” tanong ni Ace. “Eh, ‘di cool. May kaibigan tayong anak ng mafia boss,” sagot ni Toshi. Napailing na lang ako sa kanila. My college circle of friends isn’t really that big. My main group of friends since highschool is them. Si Nathalia, isang business student. Si Ace at Archie na childhood friends, parehong Engineering student. Sina Jade, Toshi, at Sienna na wala ngayon dahil nasa probinsiya at doon ginugol ang bakasyon, ay pare-parehong Architecture ang kurso. Tanging ako lang ang nasa medicine. Mababait sila kahit mukhang mga tarantado at wild. Magkakaibigan na kami simula pa noong high school. Kaya kilala na namin ang isa’t isa. Ang away ng mga magkakaibigan, nadaanan na naming lahat. Pagpasok sa loob ay bumungad sa amin ang malaki at magandang bahay. Ang lawak ng lugar na ‘to at hindi lang isang buong bahay ang meron. Dinig pa ang tugtog na galing sa likod sa backyard pool. May mga ilaw roon na katulad ng sa club at… holy crap, bakit ang dami yatang bisita?! “Kulang-kulang magdetalye si Nathalia,” sabi ni Jade. “Ang daya, may mga naka-bikini pa! Paano akong hindi nagdala?” “Okay na ‘yang panty at bra mo!” suggest ni Ace. “Tanga, hindi magkakulay!” Hindi ko na sila pinansin at nilibot ko ang tingin ko. Maraming bisita at pamilyar sa amin ang iba, mga taga-campus at classmates ni Nathalia na batchmates din namin. ‘Yon nga lang ay may ibang circle of friends ni Nathalia na kasama, ‘yong mga friends niya sa modeling. Medyo marami pero hindi masiyadong maingay ang paligid. May mga nasa pool na at nagsu-swimming habang naka-bikini at board shorts. Sa isang table naman ay ang mga nag-iinuman. Ang daming alak at mga pagkain. Sobrang lawak pala talaga dito. “Oh, my gosh, I missed you so much, guys!” Sinalubong kami ni Nathalia at agad dinamba ng yakap. Dahil bakasyon ay hindi namin masiyadong nakasama si Nathalia. Nagbuhay prinsesa kasi ang loka at bantay-sarado sa parents niya lalo na ngayong bakasyon at walang klase. “What’s up, Princess, kumusta ang buhay sa kaharian?” bungad ni Ace kay Nathalia na agad tumawa. “It’s annoying! Pero ito at malaya na ulit ako! Feel at home, guys! Don’t worry, nagpaalam ako sa parents ko at wala naman sila rito. And besides, pumayag ang kuya ko sa party na ‘to, so huwag kayong mag-alala!” Inakbayan niya kami. “Tonight, wala tayong gagawin kundi ang magpaka-wasted!” At iyon nga ang ginawa namin. We were partying all night, dancing wildly, chugging beers. Buong gabi ay nagpapakalasing ang lahat at nagsasaya. Naikwento ko kina Jade, Nathalia, at Ace ang nangyari, ‘yong customer na bumili ng condom noong ako ang cashier. Tawang-tawa naman sila at tinutukso akong ‘inosente’ dahil na-intimidate ako sa bumibili lang naman ng condom! Ang awkward pala ng gano’n. Ganoon ba ‘yon kapag hindi na makapaghintay? Halos pumikit na at panay ang kagat sa labi, ni hindi na nga makapagsalita nang maayos. He’s almost moaning! Ano bang feeling ng nabibitin? Iyon bang parang nandiyan na pero wala pa? Ang alam ko lang kasi ay masakit daw iyon sa puson. “Ha, huwag mong sabihing hindi ka pa nakakakita ng condom? An open one at nasa ano, alam mo na!” tanong ni Nathalia habang lasing na lasing na. “Well, me, too!” Muli siyang humalakhak. Dumudumi na ang bibig dahil lasing na. Tumawa ako at tumayo pero muntik na akong matumba sa kalasingan. “Wala pa akong nakikitang ganoon. Ayoko rin! Nasaan ba ang banyo, huh?” Papungas-pungas ako at magulo na ang buhok kakahilot sa ulo ko. My head is throbbing! “My wish for you is to see one!” “Oh, shut up, Nathalia. Kita mong na-trauma na ‘yang si Mauvereen sa bumibili pa lang,” tawa ni Jade. Napahilot na lang ako sa ulo. Naiihi na ako. “May gumagamit doon sa kabila kaya sa loob ka na lang!” Tinuro ni Nathalia ang back door ng bahay nila. “Sasamahan na kita—” “Nats! Pwede patulong kay Yuan? Nag-pass out, eh!” biglang tawag sa kaniya ng isang lalaki. “Huh?! Okay, w-wait lang!” Nilingon niya muna ako pero umiling agad ako. “Sige na, tulungan mo na ‘yon, hahanapin ko na lang ang banyo,” sagot ko kaya umalis na rin siya. Pumasok ako sa back door at kahit umiikot ang paningin ko ay hindi nakatakas sa ‘kin kung gaano kaganda ang loob ng bahay nila. Mas pumasok pa ako sa loob at nadaanan ang malaking kusina. Dumiretso ako nang wala akong makitang restroom. Nakalimutan kong mansion nga pala ang lugar na ‘to. Nag-angat ako ng tingin sa isang pinto. Walang nakasulat pero ito na yata ang restroom. Binuksan ko ‘yon at patay ang ilaw. Madilim sa loob at masiyado akong nahihilo para buksan nang maayos ang mga mata kaya wala akong maaninag. Ginapang ko ang kamay ko sa pader para hanapin ang switch pero hindi ko ito makapa dahil hindi na rin ako makatayo nang tuwid. Napakunot ang noo ko nang makarinig ng mahihinang boses—mali, hindi lang boses ng normal na nagsasalita kundi ungol. Mabibigat na paghinga at… at… “O-Ohh, sh*t, Lorenzo! Do you know how much I’m dying j-just to be with you again?” senswal na saad ng isang babae. Wala akong narinig na boses ng lalaki. At bigla ring nawala ang mahihinang ungol at daing. Halos sampalin ko na ang sarili pero nahihilo pa rin ako sa kalasingan. Sh*t, sh*t, multo ba ‘yon?! Wait, may mga multo bang nagse-s*x? “Ugh, bwisit! Gusto ko lang namang umihi,” pikong sabi ko at sinukuan na ang pagkapa sa switch ng ilaw. Bahala na ang mga multong gumagawa ng milagro! Dito pa talaga sa CR na ‘to kung kailan ihing-ihi na ako?! Kinalas ko ang belt ng suot kong jeans at akmang aalisin ang butones pero bago ko pa matuloy ang gagawin ay biglang bumukas ang ilaw. Nasilaw pa ako nang kaunti sa liwanag nito pero agad akong natigilan nang mapalingon sa isang counter. Natigilan ako at napaawang ang labi. Parehas na nakatingin sa akin ang dalawang tao roon, para bang kinukwestiyon ang presensya ko. Ang kaninang labo ng mga mata ko ay parang biglang luminaw. Nakapatong ang isang babae sa countertop habang nasa harap niya ang isang matangkad na lalaki at nakayakap siya rito. They are both half-naked at kita ko pa ang b**bs ng babae. Ang isang kamay ng lalaki ay nakahawak sa gitna ng pantalon nito at dahil nakatalikod ay hindi ko kita ang kung anumang naroon. Kagat-kagat niya ang foil, na mukhang natigil dahil sa presensya ko. Nagtama ang paningin namin ng lalaki at saglit siyang natigilan. Nagsalubong ang kilay nito habang pinapasadahan ako ng tingin. Napakurap ako. So, hindi pa sila nagse-s*x? Kung makaungol naman ‘yong babae ay parang pinasok na siya! Umirap ako at nilingon ang paligid. Holy crap, hindi pala ‘to CR kundi stockroom dahil maraming mga kahon at mga gamit. Pilit akong tumawa sa kanila at inalis ang pagkakahawak sa jeans na suot ko. “Oh... sorry. I thought this is the restroom.” Masama ang tingin sa ‘kin ng babae na sadyang pinaparating na inabala ko sila habang ‘yong lalaki naman ay nakatitig lang sa ‘kin. Ngumiti ako at agad nang tumalikod para lumabas ulit kahit pagewang-bewang ang lakad. Umatras na ang ihi ko dahil sa mga lintik at nasusuka na ako ngayon. Bago pa tuluyang makaalis ay biglang may sumagi sa isip ko. Pamilyar sa akin ang lalaki. Saan ko ba siya nakita? Napaawang ang labi ko at dahil sa paghahagilap sa utak ko kung saan ko siya nakita ay natapilok ako sa katangahan at agad lumagapak sa sahig. Dumilim na ang paningin ko at nakatulog sa sobrang kalasingan. Darn. This place is cursed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD