CHAPTER FIVE

1514 Words
"Oh, Mr Miller, you are finally here. Why you are so late?" salubong na tanong sa kaniya ng kapwa dadalo sa meeting. "Road problem, Mr Montenegro. Pero teka lang, bakit mukhang may kumosyon?" balik-tanong niya. "Tama ka, Mr Miller. Hindi ko alam kung kailan pa naging slackers ang mga tauhan natin." Dumilim ang mukha kasabay nang paglingon na wari'y may hinahanap. "What do you mean? I'm just late of ten minutes but it seems that there's a huge commotion. What it is?" He raised his eyebrows that makes him more serious. "Again, you are correct, Mr---" Kaso ang pagpaliwanag nito ay naputol dahil biglang lumapit ang isa sa unipormadong bodyguard. "Excuse me and forgive me for interrupting you, bosses. Pero nahuli na namin ang pangahas na pumasok dito---" Subalit kung pinutol nito ang usapan nila ay halos hindi na rin niya ito pinatapos. "What?! Pangahas na intruder?! Are you sure that you are doing your job properly? You are earning from the group but it seems that you are one of those slackers!" Galit niyang pahayag. Patunay lamang ang pagsipa sa upuan. Ilang sandali ring tahimik ang paligid dahil sa inasta niya. Dahil isa siyang ruthless at walang awa kapag may nagkamali. Kaya nga siya ang tinaguriang at niluklok na boss ng pinakamataas na MAFIA'S dahil sa talento mayroon siya. At sa narinig ay talagang uminit ang ulo niya. "Relax, Mr Miller. Mas mabuting bago tayo magsimula sa meeting ay kailangan nating makausap ang pangahas. I'm sure that there's someone behind this incident." Pagpapakalma sa kaniya ng kasama. Hindi na siya sumagot bagkos ay lukot ang mukhang lumakad. Kailangang magbayad kung sino man ang nangahas na pumasok sa kanilang teritoryo samantalang underground na nga. SAMANTALA, iginala ni Mary Claire ang paningin sa paligid. Kaso muling nanumbalik ang inis nang namataan ang larawan ng taong naging dahilan kung bakit nauwi sa wala ang lakad niya sa araw na iyon. "F*ck! Sino ba ang poncio pilatong iyon? Damn! Kung kailangan nakapasok ako sa lungga ng mga hayop ay saka naman biglang sumulpot ang hayop!" Dahil sa gigil ay walang awa niyang binasag at dinurog-durog ng pinong-pino ang photo frame. Hindi pa siya nakontento dahil muli siyang nagtatalak. "Ikaw na hinayupak kang nilalang, masuwerte ka ngayon dahil nakita mo ako. Pero huwag kang magpakasigurado dahil sa susunod ay--- Teka lang! Tama, siya nga! Siya ang kasama namin sa training---What a demon!" Sa inis ay pinagsisipa niyang muli ang dinurog-durog na frame. Kaya naman ay nagkalat pa lalo. "Sh!t! Damnit! Sino ba talaga ang hayop na iyon? Tang!na naman ah! Mukhang hindi lang sa kapuluan naglipana ang mga iskalawag!" Isang salita ay katumbas ng isang sipa. Kaya naman ang kawawang photo frame ay na-murder ng husto. Lalo at muling nanumbalik sa isipan niya ang kaso ng mga kasamahan niya sa FBI. Ngunit dahil sa kakulangan ng ebidensiya ay naisara rin. Kaso agad din niyang kinalma ang sarili dahil naulinigan niya ang pagpihit ng seradura. Then... "Ouch! I'm not enemy, Miss. My master sent me here to check on you! Release me!" malakas na saad ng lalaking pumasok. "Who is your master? Why did he want you to check on me? Answer me, id!ot! Now!" Patalak pa rin niya. Mahirap na ang basta na lamang magtiwala. She's in a lions den. And her life in in danger. That is why he need to be careful. "Damn you! Am asking you. Who sent you here?!" mala-kulog niyang tanong. Kaso! "You're such a hardheaded woman! Ikaw na nga ang inaalala ay ikaw pa yata ang may planong magpahuli!" Tinig ding sumagot sa tanong niya sa lalaking naka-backwards ang mga braso. "You again! F*ck? Sino ka ba talagang hayop ka?!" Ayaw niyang magpatalo sa lakas ng boses. "Aarrgghhh!" Dinig niyang daing ng binihag niya ng ilang sandali. Dahil basta na lamang niya itong binitiwan. Wala siyang pakialam kahit tumilapon ito. Kung may ninanais man siya sa pagkakataong iyon ay makaalis sa silid na iyon upang maipagpatuloy ang naudlot na plano. "Ako ang dapat magtanong sa iyo, Miss Smith---" Hot tempered as ever! Kaya't imbes na pakinggan niya ito ay lumipad siya na parang ibon. At bago pa nito mahulaan ang nais niyang gawin ay nasa likod na siya nito at itinutok ang hinablot na baril mula sa naunang pumasok. "Take me out of this room. Now!" "Paano kita masusunod samantalang---" "Shut up! Don't play games on me. Ibahin mo ako!" "No, Miss Smith. Hindi ako nakikipagbulahan sa iyo. Dahil sa katunayan ay ako lamang din ang makatulong sa iyo upang makalabas dito." "Kung ganoon, ilabas mo ako ngayon din! Ikaw siguro ang amo ng lampang lalaki. Hindi bagay ang bodyguard! At isa pa, hindi mo pa sinagot ang tanong ko kanina. Bakit mo ako kilala?" KUMPIYANSA naman siyang magagawa niya ang bagay na iyon. Dahil siya ang big boss ng MAFIA CLAN nila. Subalit hindi mangyayari ang bagay na iyon o ang pagtulong sa babaeng walang takot sa katawan. Naiinis na rin siya dahil aminado siyang sinalakay ng takot ang kalooban nang tumunog ang alarm device. "Miss Smith, alam kong hindi madali ang magtiwala lalo na sa panahon ngayon. Subalit ako na ang nagsasabing ibahin mo ako. Dahil hindi lahat nang nakikita at naririnig natin ay tama. Kilala kita, oo. Dahil bukod na parehas tayong pumasok sa navy seal ay nag-background check ako sa iyo. Isa ka ring may posisyon sa FBI. Kaya't inuulit kong hindi ako ang kalaban mo kundi ako ang magdadala sa iyo sa tunay na kalaban." Malumanay at mahaba-haba niyang paliwanag. Marami pa sana siyang nais sabihin dito dahil karapatan din nitong malaman. Ngunit kulang pa siya sa ebidensiya. At ito ang pinakamaiksi at makatulong sa kaniya. SAMANTALANG sa narinig kahit may pagdududa ay dahan-dahang inilayo ni Claire ang kalibre 45 sa lalaki. Ganoon pa man ay pinanatili niyang seryoso ang ekapresyon ng mukha. "Go ahead, Mr Miller. Don't ask me how do I know you. It's useless to deny because as you are, I heard in the training centre about your name. I don't care whoever you arebut I want you to tell me what's going on here," aniya. "Again, parehas lamang tayo ng hangarin, Miss Smith. Ngunit kagaya nang sinabi ko kanina ay hindi tayo ang magkalaban. Kamuntikan ka na ring mahuli kanina. Alam kong may nais kang alamin pero kagaya mo ay iyon din ang punto ko. Kaso hindi sumabay ang mundo." Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Are a law enforcer? Base on how you speak, the way you delivered your message fluently, you are not one of those thugs!" Muli namang umigting ang panga ng binata dahil sa narinig. "You understimated them, Miss Smith. Thugs, by your ability, you can easily defeat them. But the group that you want to break in is not just a group. You are aware of that too. It's the biggest and highest mafia clan. If it's not because of me, you are a cold corpse now. Again, only you and I can help each other in order to succeed," pahayag niya. Samantalang sa narinig ay hindi na sumagot ang dalaga bagkus ay lumapit siya sa maliit na bintanang nakaharap sa karagatan. Hindi siya si Jose Rizal upang barilin nito nang nakatalikod. 'Makahulugan ang bawat salita ng hayop na ito. Bihasang-bihasa at kabisado niya ang palasyong ito. Samantalang ilang buwan ko ring isinaulo ang pasikot-sikot. Lumuwag na ba ang utak ko? Posible kayang ang Martin Luther Miller na hinahabol ko ay siya rin? Putcha naman kasi ang mga anay na ito! Di na lamang sila lumubog sa lupa!' Tahimik niyang ngitngit. NAIS namang matawa ni Martin Luther dahil dinig na dinig niya ang ipinagpuputok ng butse nito. Maari naman nitong itanong iyon sa kaniya kaysa naman bubulong-bulong samantalang naririnig naman. SA kabilang panig ng mundo. "So, ano na ang balita kay Agent Smith? It's been a while since she is in navy." "Well, according to my source, isa siya sa pinakamahusay na trainee. At hindi lamang iyon, dala-dala pa rin daw ang init ng ulo." Napatawa tuloy ang big boss sa kanilang departamento dahil sa sinaad nito. "Well, that's her biggest assets, officer. Ilang taon na rin nating kasama ang taong iyon kaya't dapat ay nasanay ka na rin sa ugali niya. By the way, officer. Kumusta naman daw ang tungkulin niya?" "Ayon din sa source ko ay lumakad siya. Kung hindi ako nagkakamali ay meeting ng highest mafia clan sa Mahal Palace." "Really, officer? Aba'y magandang balita iyan. Baka sakaling may makuha pa tayong impormasyon tungkol sa Mafia Clan na iyan. Aba'y para tayong mga naghahanap ng karayom sa buhanginan." Ang hindi niya alam ay lihim namang nagmumura ang kaharap. Dahil ayon sa report na natanggap ay nakatakas daw ito. Wala nga raw nakakaalam kung nasaan it. 'Damn her! Bakit ba kasi lagi siyang nakaharang sa aking daan? Nasa malayo na nga siya subalit problema pa rin ang dulot nit!" lihim na napangitngit ang olisyal. SUBALIT ang pagngingitngit niya ay binulabog ng malakas na pagsabog. Kaya naman ay dali-dali silang tumakbo palabas ng building. At ganoon na lamang ang gulat nila nang napagtanto kung ano ang sumabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD