"Who's that guy?" Claire asked her partner while taking a rest.
"Ang tanong ko naman ay kung sino sa kanila ang tinatanong mo, partner. Kasi naman marami sila." Kibit-balikat nito.
Tuloy! Ang kilay niyang kasing lago ng mga bermuda grass sa harapan ng kanilang bahay sa America ay nagsalubong. Hindi lang iyon, ang noo niya ay nagkaroon ng mga linya. Kaso ang partner niya ay trip siyang asarin.
"Partner, ang makinis mong mukha ay nagkalinya na naman. Kahit ang iyong kilay na mas maitim pa sa gabi ay salubong na naman. Mamaya ay mahalata na tayo ng mga kapwa nating trainees dito," nakangisi pa nitong tugon.
Well, kapag nagkataon lamang na wala sila sa ilang buwang training sa Navy Seal ay baka napalipad na niya ito. Kaso dahil limitado rin ang panahong ilalagi nila sa nasabing lugar ay inismiran na lamang niya ito.
"That guy who always wears a black. Is he a mourner? It's been a while since we joined this training but I never see him in other colours," aniya.
"Kung hindi ako nagkakamali ay taga-London siya. Ayon sa aking narinig ay talagang hindi mahilig makisalamuha ang taong iyan. Ngunit sabi rin ng iba ay talagang masungit daw. Kumbaga ay nabibili ang bawat salitang lumalabas sa labi. Kung hindi raw ito kinakausap ay hindi na nagsasalita. Pero sa tanong mo kung sino siya ay wala akong maisagot dahil hindi ko naitanong sa kapwa nating trainees," paliwanag nito.
'Not bad!' she said in her mind!
"Well, makikita rin natin kung gaano ito katahimik. Pero sa ngayon ay sikapin nating makalapit sa kaniya. Ilang linggo na lang ang nalalabi sa training natin. After that, according to our trainors, there will be a deployment everyone of us. I'm just hoping that you and I will still remains as partners," pahayag na lamang niya.
"I'm hoping for that too, partner. It's a little bit embarrassing to say but having a friend like you is great. By the way, let's go back to our training ground. Alam mo namang ayaw na ayaw ng ating next trainor ang nahuhuli." Tumayo na nga ito saka inilahad ang palad upang tulungan siya sa pagtayo.
Hindi man siya sumagot subalit nakangiti naman niyang tinanggap ang palad nitong nakalahad.
SA kabilang banda, laking pasasalamat ni Martin Luther dahil pumayag ang boss niya sa military department sa London na sasabak siya sa navy seal training. Dahil na rin sa laganap na krimen ngunit wala namang nasasagot bagkus ay mas dumarami ang mga kapwa alagad ng batas na nagbibigay ng dumi sa kanilang departamento. Ngunit upang makapasok siya bilang trainee sa naturang departamento ay kailangan niyang maging strikto, ruthless man ay possessive. Hindi naman iyon mahirap para sa kaniya dahil talaga namang iyon ang ugali mayroon siya maliban na lamang sa ruthless. And most of all, he didn't used his full name in order to hide his real identity.
"Fantasising her, Mr Luther?" dinig niyang saad ng isang trainee.
"Huh! Who?" taas-kilay niyang tanong.
'Damn these madman! Why he keeps in touch with me?!' He silently cursed him.
"Bro, we have been here for few months. And that woman will be done here on her training as a navy seal two or three months later. But you and I still has a long journey ahead. And within those months that we are working together, observed you. I can say that only that American woman caught your attention here despite the fact that there are few of pretty ladies here," he said
Tama naman ito. Ang babaeng lihim niyang pinag-aaralan ang tanging nakakuha sa atensiyon niya. Ngunit ang lalaking nasa kaniyang tabi ay malapit na niyang mapatulan. Dahil bukod sa lapit ito nang lapit sa kaniya ay masyado pa itong pakialamero. Ganoon pa man, kahit naiinis na siya ay mas minabuti niyang idinaan sa magandang usapan.
"You are correct on that, bro. But sad to say that I don't have intention to seek an attention to any ladies here and more importantly, I am here because of my training and I want to be done here too. By the way, thanks for keeping in touch with me," aniya.
'I want you to be out of my sight, man! You are pestering my concentration. Don't make me into a real ruthless man!' Lihim tuloy siyang napangitngit.
Kung kailan siya naka-concentrate ay saka naman may lumapit sa kaniya at feeling close na close!
"Oh, man! Of course I will keep you as my companion here---"
Ngunit ang pananalita nito ay pinutol nang pagtunog ng kampana sa loob ng training ground. Kaya't imbes na magpatuloy sila sa kanilang konbersasyon ay dali-dali nilang inayos ang sarili saka nagtungo kung saan gaganapin ang pagsasanay nila sa kasalukuyan.
AS the time goes by!
"What are you doing here?!" Mahina man ngunit maaring mamatay ang lamok dahil sa diin nang pagkasabi.
"Supposedly, I will be the one who will ask you that question?! Who are you by the way? Why did you messed up?!" galit at pabulong ding tanong ni Claire sa lalaking basta na lamang humablot sa kaniya.
Pagkakataon na sana niyang malapitan ang taong matagal na niyang tinutugis. Dahil bago pa man siya sumailalim sa masusing pagsasanay sa navy seal ay bali-balita na ang mga mafias. Underground works and land crimes. Kaso mukhang mabulilyaso pa yata siya sa lakad niyang iyon dahil sa lalaking basta na lamang humablot sa kaniya palayo sa daan papasok sa MAHAL PALACE kung saan gaganapin ang meeting.
"No need for you to know who I am, Miss. Just go away from this place before anyone else can see you," muli nitong wika.
"Never! No one can dictate me what I am suppose to do. If there's someone who ahould stay away in this place, it's you not me! Now take off your damn hands from minde before I'll let you fly without wings!" gigil niyang tugon.
Ngunit sa tinuran niyang iyon ay mas bumangis ang hitsura nito. Subalit wala siyang pakialam kahit ano pa ang maging reaksyon nito. Dahil sa katunayan ay gustong-gusto niya itong pagsisipain. Bukod sa masyadong pakialamero ay gusto pa siya nitong utusang lumayo sa lugar na iyon.
SAMANTALANG todo pigil si Martin sa sariling emosyon. Galit at nerbiyos ang kasalukuyan niyang nadarama sa oras na iyon. Ang babaeng wala na yatang takot sa katawan ang tinulungan ngunit ito pa ang may ganang magalit. Wala naman sanang problema kung alam nitong ang pinasukang lugar at papasuking meeting ay pawang mga mafias ang kasali. Kaya nga niya ito nilapitan at nais palayuin sa lugar kaso mas matapang pa ito sa kaniya. Ganoon pa man ay pinigil niya ang sariling huwag itong patulan.
"Miss, for the last time, I will ask you to leave from this dangerous place. You entered on your gate of death. Giving you a tip by telling that you are in lions deen is the end of my merciful act. Again, get out from here if you want to make it through." He pleaded.
"Huwag mo akong diktahan sa nais kong gawin! Kung mamatay man ako sa labang ito ay wala ka na roon. Kaya't bitawan mo ako dahil nakakaabala ka na!" Pabagsak nitong binawi ang braso saka may pagmamadaling bumalik sa lugar kung saan niya ito hinablot.
Kaso ang kinatatakutan niyang mangyari ay nangyari na!
"Intruder! Alert everyone in this place that there's someone who slipped in!" dinig niyang sigaw nang nakakita.
Kaya't kahit siya ay naging intruder na rin sa imahe ng mga ito. Nandoon siya sa lugar na iyon dahil sa gaganaping meeting. Dahil siya ang nagpatawag para sa pagtitipong iyon. Kaso mukhang malabo nang makadalo siya o mas tamang sabihing sigurado siyang cancelled na dahil hindi na siya makadalo.
"That fearless woman is indeed hard-headed! Damnit!" Muling napakuyom ang palad niya dahil talagang sumugod ito.
Kaya naman ay wala siyang sinayang na oras. Bago pa man nila ito makita ay muli niya itong hinablot saka ikinubli at tinakpan ang bibig.
"Shut up, woman! I already warned you but you didn't listen to me! If you continue in fighting with me, I'll call all the men who are chasing you and they take you as well!" aniya sa boses na halos hindi na marinig.
Maaring sasalungat pa sana ito sa pahayag niya patunay lamang na pilit itong kumakawala sa pagkahawak niya. Ngunit ayaw niya itong mapahamak sa mismong imahe niya. Kaya't kahit ano mang pagpupumilit nito ay mas hinigpitan niya. Inilayo niya ito roon. Dahil sa katunayan ay natatakot din siya para sa kaligtasan nito.