CHAPTER SIX

1550 Words
"What?! Damn that man! Sinasabi ko na nga ba eh!" Ngitngit na saad ni Claire dahil sa nalaman. Dahil sa tulong at pagpayag ni Martin Luther Miller ay muli silang nagsama. Nasa navy silang pare-parehas subalit nagpatuloy sila na wari'y hindi magkakakilala. Kung nag-uusap man ay pasekreto. "Yes, Ma'am. Matagal ko nang may hinala subalit mas malala pa pala sa inaakala natin," saad nito. Kaya naman ay mas nagngitngit ang kalooban ng dalaga. Halos isang taon na silang nasa Navy Seal. At wala na yatang magandang balitang nakarating sa kaniya. "WHAT did I told you? Don't talk to me while we are here?!" mahina man subalit maari namang mapisa ang kausap dahil sa bigat. Subalit umiling-iling ito kasabay nang pagbigay ng cake na solo piece. Kaya naman ay napatitig siya rito. Kaso ganoon pa rin. Napangiti ito bago tumango-tango. Hindi nga rin nagsalita. Bahagya lamang ang pagtango. "Hanep din ang taong iyon ah. Aba'y may pa-cake-cake pang nalalaman," mapang-asar na saad ni Dacascus. "Manahimik ka--- So, ito ang nais iparating ng lintik na iyon. Well, nice move by the way." She shrugged. Sa isipan ay humahanga siya. Dahil kahit nagmukhang may langgam dahil sa ginagawa nito ay naiparating pa rin nito ang ninanais. Sa loob ng solo piece cake ay may naka-roll na papel. Naglalaman ng impormasyon. Kaya't kailangan nilang mag-usap para sa susunod na plano. "Ayan, clear out mo na ang isip mo. May pupuntahan tayo mamayang gabi. Kaya't huwag ka munang maglandi." Baling niyang muli sa tauhan bago sinunog ang rolled paper. "Basta ikaw, Ma'am. Sasama ako basta huwag sa impeyerno dahil gusto ko pa ang makabalik sa FBI," sagot din nitong halatang nang-aasar. Subalit hindi na lamang niya iyon pinagtuunan ng pansin. Dahil may mangilan-ilang dumaraan sa kinaroroonan nila. Ayaw niyang mabulilyaso ang usapan nila. Kaya't kahit naiinis siya sa paraan ng pagtitig ng mga ito sa kaniya ay tiniis na lamang niya. SAMANTALA... LIBYA "Ginagawa n'yo ba ang trabaho ninyo o hindi?!" malakas na sigaw ni Bilal. Ang pinuno ng ikalawa sa pinakamataas na clan sa Gitnang Silangan. "Yes, boss---" "Kung ginagawa n'yo ipaliwanag mo ang ibig sabihin nito! Basahin mo ang nilalaman ng new paper na iyan!" Dahil sa galit na lumulukob sa kalooban niya ay muli siyang napasigaw kasabay nang pagbato sa dala-dalang pahayagan. Hindi na ito sumagot bagkus ay may pagmamadaling dinampot ang news paper saka binuklat. Ganoon na lamang ang pagkagulat dahil sa nakasaad. "Tama ang nakasaad diyan, Omar. Kailangan nating kumilos para sa bagay na iyan. Sabihan mo ang bawat membro na magkakaroon tayo ng meeting ngayon din. Nagkakaunawaan ba tayo?" tanong muli ni Omar. "Yes, boss!" Maliksi itong kumilos. Pinuntahan ang mga kasama. Samantalang, nang nakaalis na ang tauhan ay kumilos na rin siya. Kahit galit na galit siya sa pagkamatay ng isa nilang kasamahan sa karatig bansa na Lebanon. Even they are working covertly and unknown to the society, there's nothing wrong in taking care of their every move. "Magbabayad sila sa ginawa nilang ito kay Salim! Sigurado akong ang mga kanong iyon ang may kagagawan sa pagkamatay nito. Kung buhay ang kinuha nila ay ganoon din ang kabayaran!" ngitngit niyang muli habang panay ang pag-diyal sa telepono upang abisuhan ang mga kasama nila. SOMEWHERE down the country. Masayang nagsasayawan at panaka-nakang sumasabay sa kanta ang isa pang grupo ng mga kawatan. "Boss, sigurado akong sa oras na ito ay namamatay na sa galit ang Bilal na iyon," saad ng isa sa mga nandoon sa salitang Arabic o ang katutubong salita sa Gitnang Silangan. "Iyan ang gusto kong mangyari. Dahil nakakasawa ang pumapangalawa sa grupo nila. Tayo ang nauna subalit mas nangingibabaw ang sa kanila." Napaismid tuloy Salman dahil sa pagkaalala sa kapwa arabong sangkot sa ipinagbabawal ng pamahalaan. "Pero may inaalala ako, boss," sabad din ng isa sa mga tauhan. Kaso nabasa naman niya ang nasa utak nito. Kaya naman imbes na hintayin niyang magpatuloy ito ay siya na ang nagsabi. "Kung inaalala mo ang mga kanong iyon ay kalimutan mo na. Dahil may kasama tayo roon. Siya ang taga-balita sa atin kung ano ang galaw nila," pahayag niya. "Hindi lang iyan, boss. Sigurado akong may ihahandang counterattack ang kabilang panig. Kaya't kako, hindi ba't mas magandang maghanda tayo?" saad nitong muli. Kaso! "Paano ako naging pinuno kung hindi ko alam ang simpleng bagay? Natural! Dapat lamang na maghanda tayo kung gusto nating mapatumba ang grupo ni Bilal!" Paanong hindi siya mapapasigaw kung ang tauhan niya ay nagdudunong-dunungan na naman? Aba'y kung hindi lang kailangan niya ang tulad nito ay maaring patay na ito. "Pasensiya na, boss---" Subalit hindi na rin nito natapos ang paghingi ng paumanhin. Dahil ang isa naman ang humahangos na dumating. Amoy na amoy tuloy nila ang pawis nitong bumasa sa damit. "Ano ba! Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa inyong bago kayo humarap sa akin ay kailangang malinis kayong tingnan? F*ck! What a smell!" Tinakpan niya ang kaniyang ilong dahil dito. "Boss! Sa susunod mo na ako pagalitan at kahit parusan dahil talagang hindi ko na naisip ang bagay na iyan. Mas importe ang nais kong ipaalam sa iyo." Habol-habol man ang hininga ay nagawa pa rin nitong sumagot ng maayos. "Okay! Go ahead! Tell me what's that urgent news!" pigil na pigil ang pagbulyaw niya rito dahil na rin sa pahayag. Well, they are not just a thugs! All of them are in third from the highest clan of mafia's in Middle East. Kaya't upang mas hindi sila pag-iisipan at pagdudahan ng mga tao ay kumikilos at nagbibihis sila ng normal. "On the moves ang taga-kabilang grupo, boss. As we speak, siguradong nasa gate na sila. Boss, fully loaded silang lahat. How about you?" patanong nitong saad. "Don't worry. Because before they can reach the the gate, they will back out by their own. They are not a lowly thugs. They are just the same us who has a pride and name to protect." Tinapik niya sa balikat bago nagtungo sa tower at siya na mismo ang nag-check sa monitor. NAVY SEAL TRAINING CENTRE "Ano ngayon ang plano mo, Miller---" "Shut up! How many times do I have to tell you not to me with my real name when we are here?" Pamumutol ni Martin Luther sa dalagang mukhang naka-trip na naman. In a broad daylight, nasa secret room ito kasama niya. Pinuntahan ba naman siya samantalang umiiwas sila sa mata ng karamihan. "Ikaw na lalaki ka, alam kong marunong kang magsalita ng local na salita rito. Kaya't maari bang huwag kang mag-inarte? Well, nagtanong ako dahil kagaya mo ay hindi na rin makapagtiis sa kaguluhang hindi nasusulusyunan." Napakuyom ang palad ng dalaga dahil sa pagkaalala sa ibinalita ng isa sa mga tauhan niyang naiwan sa FBI. "Tama iyan, Mary Claire. Subalit hindi pa oras para sa bagay na iyan. Alam mo ang ibig kong sabihin. Maaring mauwi sa lahat ang pinaghirapan at sakripisyo natin oras na magpadalos-dalos tayo," paliwanag naman ng binata. SA narinig ay napabuntunghininga ang dalaga. Kung nagkataong nasa ibang pagkakataon sila ay nasapak na niya ito dahil binanggit ang buong pangalan. Dahil totoo ang tinuran nito. Kung may natutunan man siya sa pagtira sa training centre ay kahit saang bahagi ng mundo ay mayroong mga anay. Kaya nga siya sumabak sa Navy kaso iyon din ang katotohanan. Kung ano ang iniwan niya sa FBI ay ganoon din doon. Hindi na nga niya alam kung sino-sino ang magkakakampi at magkakalaban. Kung hindi nga lang sa misyon niya ay hindi siya mapapaniwala ng taong kaharap. Lalo at ito lamang ang maaring makatulong sa kaniya upang makaalis sa navy na walang makaalam sa mga tao ng kalaban nila. At isa pa ay kaduda-duda na ang lahat sa kaniya. "Kaunting tiis na lang, Claire. Dahil kahit gaano sila kagaling ay mas mananaig ang hustisiya kaysa silang mga anay," dinig niyang saad nito. "Well, tama ka naman diyan. Dahil sa katunayan ay gustong-gusto ko silang tiris-tirisin! Maraming buhay ang nasisira dahil sa kanila! How dare they are!" Ayon! Muling uminit ang ulo niya dahil sa mga peste. "That's it, Claire! Your eagerness or should I say 'tayo' dahil iyan din ang gusto ko. Ang kagustuhan nating mawala sa ating landas ang mga herodes ang nagtulak sa atin upang gawin ito. Still, kung kikilos tayo na walang paghahanda at wala sa oras ay buhay naman natin ang maaring mawala. So, all I'm asking from you is patient." Ilang buwan simula nang iniligtas niya ito sa kamuntikang pagkahuli sa Mahal Palace ay unti-unti niyang napag-aaralan ang ugali nito. Mainitin ang ulo nito subalit mapagkawang-gawa, matulungin sa mga kapwa navy trainees. Para sa kanilang mga alagad na ng batas ay madali na ang training kahit pa sabihing most of their times ay sa tubig. He really admires her impartiality and most of all, her braveness. She is a woman who never shows fear. BUT! As the days goes on! "Move! Move! Quckly!" "Swiftly and covertly, we must find the mole! There's a spy in our group!" "Hindi maaring hayaan lamang ang espiyang manatili sa grupong ito!" "Alam n'yo na kung ano ang parusa ng espiya. Kaya't oras na malaman ninyo kung sino ito ay kailangang mamatay na rin!" Isang araw ay iyan ang naririnig sa training centre. Dahil na rin sa isang sulat na kanilang natagpuan sa mailbox. Kaya naman ay muling nabahala ang mga tao roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD