Chapter 5

1927 Words
    I was rubbing my eyes nang lumabas ako ng kwarto. Kakagising ko lang kasi at hindi na ako nagpakaabala pang maligo muna. Later na lang siguro. Dumiretso na muna ako sa dining area to eat my breakfast. Maya-maya lang ay may umupo sa tapat ko. Muntik ng malaglag ang eyeballs ko sakaniya. He's wearing plain white tee pero napapanatili niya pa din ang kakisigan niya at syempre masyado siyang gumwapo. Nakakahiya sakaniya di pa ako naliligo kasi naman 10 o'clock pa ang klase ko. Isa pa, I am not expecting him na madadatnan ko siya dito ngayong umaga kasi usually naman hindi na kami nagkikita pa sa bahay. Minsan maaga siyang umaalis o di kaya di na siya umuuwi sa bahay. Nakakagulat tuloy na nandito siya sa harapan ko.       "Good morning." Nakangiting bati niya sakin. Maniniwala na sana ako sa pinapakita niya pero nagising ako sa katotohan ng magsalita si Lolo Fred na galing sa may garden namin. Dito kasi siya natulog kagabi. Dapat nga yung Lolo ko dito na din mag-over night pero nagkaroon ng emergency sa company kaya umuwi din siya kasama ang parents namin.       "Good morning din." I greeted him at malapad na nginitian ito. Wala lang feel ko lang na ngumiti para makita niyang maganda din ako. Lol! "Good morning po Lolo." Bati ko sa matanda.       "Oh, good morning iha. Wala ba kayong klase parehas?" He asked at umupo na sa pinakagitnang upuan sa tabi ko. Nasa left side ko kasi si Jake.       "Grandpa, meron akong pasok pero mamaya pang 10." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano? 10 din ang klase niya? Ang alam ko kapag Friday 1PM pa ang start ng klase niya. Psh. Oo na. Alam na alam ko na. Isa na naman to sa script niya.       "Ikaw iha?"       "Ah, 10 din po." Nahihiyang sabi ko.       "Okay good. Sabay naman ata kayong napasok. Tama ba ako? Aalis na din ako mamaya kasi may flight pa ako papuntang Canada for some business meeting."       "Ingat po kayo Lolo." Mahinhin kong sabi.       "Iha, you can call me Grandpa like what Jake is calling me." Tumango na lang ako. Eh sabi niya e, wala na akong magagawa.       "Ilang araw kayo don, grandpa?" Walang galang na tanong ni Jake. Hindi man lang marunong gumamit ng 'po' at 'opo' sa matatanda. Grabe talaga siya. Bad boy! Psh.       "I will be leaving for a week. I have 3 meetings there." Sagot ni Lolo Fred at nagsimula ng kumain.       "Ah." Eto na ang pinaka-ewan na sagot na nasabi ko. Parang ewan lang.       After a couple of minutes, we already finished our food. Nagpunta si Lolo -este Grandpa sa may living room at nagbasa ng dyaryo. While, me and Jake is pumunta na sa kaniya-kaniya naming kwarto para maligo. 7 palang naman kaya we have a lot of time pa to prepare.       Dumiretso na ako sa walk-in closet ko para mamili ng damit na isusuot. Wala kasing uniform sa University kaya always freestyle lang ang suot. Wala namang bawal kahit magshorts ka nga e, that's fine, syempre wag ka lang mag-bibikini kundi lagot ka sa mga manyak. Haha.       Black dress ang napili kong isuot na tinernuhan ko ng 3 inches na black heels. Nagsuot din ako ng mga accessories, yung gold chain, bracelet and ung apat kong rings, my wedding ring and my knuckle ring. Pinlantsa ko din ang brown kong hair para straight na straight and put some lipstick and konting make up. Tadaa! I'm ready to go.       Sinukbit ko na din agad ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Natigilan pa ako kasi magkasabay kami ni Jake na lumabas sa mga rooms namin. Mukang nagulat pa nga siyang makita ako. Haler? Jake, nakalimutan mo na bang nasa iisang bahay lang tayo? Hmp.       Maya maya lang ay tumingin na siya muka ko tapos sa suot ko. Bakit? Anong problema niya? Ayaw ba niya sa damit ko?       "Jake? Bakit?" Lakas loob na tanong ko kahit pa kinakabahan na ako sa way ng pagtingin niya sakin.       "Ah. Wala." Umiling iling siya at nauna ng bumaba ng hagdan. "Next time nga wag ganyan ang isuot mo. Masyadong revealing e." Dugtong pa niya. "Kaya di kita magustuhan e." Bulong lang yung huli niyang sinabi pero narinig ko pa din 'yon.       Oo na. Alam ko naman na di mo ko magugustuhan kahit kelan. Kahit ano pang isuot ko. Hays. Gusto kong umiyak pero sayang naman ang make up ko. Di ko na lang siya pinansin. I have no time to change my clothes. Kahit naman siguro mag-ayos ako ng bongga di niya pa din naman niya ako magugustuhan e.       "Ate, nasan si Grandpa? and Ja-ke?" Nahihiya pa akong itanong si Jake. Kababa ko lang kasi dahil pinakalma ko pa ang puso ko dahil sa sinabi ni Jake. Good mood ako, basta good mood ako.       "Ah Ma'am, si Sir Fred po ay umalis na. Di na daw po niya kayo maaantay tapos si Sir Jake po kakaalis alis lang din po." Iniwan na nga niya ako. Akala ko naman ay magkakasabay na kami papasok sa University pero di din pala.       Napatingin ako sa wrist watch ko at 8 AM pa lang. Ang aga pa para pumasok ako sa 10AM class ko. Nilingon kong muli si Ate Lina, iyong bago naming kasama sa bahay bukod kay Marie.       "Ah, ate Lina. Nasan po pala si Marie?"       "Si Marie po pumunta lang pong probinsya nila kakaunin daw po kasi Grandma."       "Ah okay." Nginitian ko na lang siya kahit masama ang loob ko kay Jake. Ayaw ko namang madamay ang mga taong nasa paligid ko dahil lang sa magaling kong asawa. Tsk. "Sige. Thanks Ate Lina ha." She smiled to me and naglakad na ako palabas ng bahay.       Maaga pa naman kaya nagdecide akong magikot ikot muna. I still have 1-hour pa naman para mag-relax at alisin sa isip ko si Jake. I think the garden will help me to relax. Paglabas ko ay halos malaglag ang eyeballs ko sa nakita. Sobrang ganda pala dito. Puro bulaklak at puro green na kulay ang makikita mo. May gazebo din siya sa gitna tapos may fish pond din. Ang galing ng nag-landscape ng bahay na to. Mas maganda sana dito kung masayang pamilya ang nakatira dito.       Tumingala ako kasi feeling ko any minute ay tutulo na ang luha ko. Ano ba yan, wala pa kaming isang linggong kasal napaka-iyakin ko na agad. Ang OA ko din talaga kahit kailan e.       Pinikit ko saglit ang mga mata ko para pigilan ang luha ko. Inikot ko na lang muli ang labas. Alisin ko muna sa isip ko si Jake kahit ngayon lang. Sa likod ng bahay ay may dirty kitchen tapos next sa dirty kitchen is yung veranda. Color white and black din ito. Ang sarap dito tumambay. Tanaw na tanaw mo kasi ang kabuuan ng garden.       Umupo ako sa couch at pinag-masdan ang lahat. Sobrang yaman talaga ng mga Villafuente para magkaroon ng ganitong bahay. Kaya siguro ang daming naiinggit sa posisyon ko ngayon. Pero di nila alam na hindi ako dapat kainggitan kasi wala akong kwenta para pilitin si Jake na pakasalan ako. So pathetic Martha!       Nakita ko din ang basketball court. Syempre, di pwedeng mawala sa bahay ni Jake 'yon. He's a basketball player kaya dapat meron talaga non dito. Tumayo ako ulit at naglakad lakad. Nasa right side naman ng bahay ay ang swimming pool. Maliit lang siya compare sa swimming pool sa mansyon nila Jake pero sobrang ganda dito kasi may mga halaman at bulaklak sa gilid. Para kang nasa paraiso kapag nandito ka.       Umupo ako sa lounger chair na malapit lang sa pool. Napaisip ako, siguro masaya si Jake kung si Marianne ang ititira niya dito. Bakit nga ba kasi ako pumayag sa arrange marriage na to? Kumbaga sa story ay sobrang cliche na to e. At ang ending ma-iinlove din si guy.     Pero, alam kong di mangyayari 'yon. As long na nakikita niya ako. Naiinis at nabbwiset lang siya sakin. Dahil sinira ko ang buhay niya.       Sorry Jake, nagmahal lang ako. Mahal na mahal kasi kita talaga e. Sana matutunan mo din akong mahalin pagdating ng tamang panahon.       Tumayo ako at pinahid agad ang mga luha sa pisngi ko. Umagang umaga ang drama ko. Naglakad na ako sa garahe para kunin ang kotse ko. Napatingin ako sa mga kotseng naka-parada dito. Ang mamahal at sobrang sosyal talaga. Nandito yung black ferrari na ginamit niya kahapon. Tapos may red Aston Martin, gray BMW, white na Mercedes Benz and last yung orange niyang McLaren. Siya na talaga. Rich kid!       Anyway, nagstart na akong mag-drive at ayokong malate baka sabunutan pa ako ng best friend ko. Nag-mana kay Dean Castor 'yon e. Bitter. Haha.       "Sissy!" Nakakahiya siya. Di ko siya nilingon para kunwari di ko siya narinig. Nagpatuloy lang ako sa pag-lakad papasok sa University. Kakarating ko lang kasi pero eto siya nakita pa niya ako. "Hoy babaeng brown ang buhok na naka-black na dress na hapit hapit. Akala mo sexy ka ha." Nang-asar pa to. Bahala ka dyan lalo kitang di papansinin.       "Sissy naman e." Tignan mo kung maka-angkla sa braso ko. Close kami? Diba sabi niya di ako sexy?       "Close tayo?" Pang-aasar ko at nag-patuloy pa din sa paglakad at nakasunod lang naman siya sakin.       "Oo, super close tayo at alam kong asawa mo si hmm." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi tinakpan ko na agad ang bibig niya. Tsk! Impakta talaga. "Sissy, ang baho ng kamay mo." Binitawan ko siya at sinamaan ng tingin. "Grabe ka. Yung lipstick ko muntik ng mabura. Buti na lang matte to." Dinilaan pa niya ako at nagtatakbo.       Akala ko college na kami? Pero parang grade 2 yung babaeng 'yon?       Sinundan ko na lang siya papunta sa room namin. Grr. Impakta talaga yung babaitang 'yon. Panira ng araw!       Nasa 3rd floor ang room namin kaya nanakbo pa ako sa hagdan. Nasa may last step na ako ng hagdan ng ma-out of balance ako. Pinikit ko na lang ang mata ko kasi ang daming estudyante sa paligid. Nakakahiya kung madadapa ako. Humanda talaga sakin yang Yumi Grace Lim na yan.       Inaantay ko ang pagbagsak ko sa semento at ang tawanan ng estudyante pero wala akong narinig. Nabibingi na ba ako at hindi ko sila marinig na tumawa? O dahil sa sobrang lakas ng tawa nila kaya hindi ko na marinig? Dahan dahan ko na lang minulat ang mga mata ko at laking gulat ko ng bumungad sakin ang mala-anghel na muka ng isang lalaki.       Sobrang gwapo niya sa malapitan. As in!       Parang nag-slow motion ang paligid. Tanging siya lang ang nakikita ng mga mata ko. Ang matangos niyang ilong, ang maganda niyang mga labi at ang maganda niyang singkit na mata.        Waaah. Ano to?! Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?       "Miss, okay ka lang ba?" He asked me with full of concern. Nabalik ako sa realidad dahil sa tanong niyang 'yon. Nakita ko sa likod niya si Jake kasama si Marianne. At ang sama ng tingin niya sakin. Sabagay wala na namang bago dun. He always sees me as his enemy, period. Napatingin naman ako sa mga kasama niya sina Clyde at Aries pala. Jusko po nakakahiya!       "Ah? Oo. Thank you, ha." Hindi ko na inantay ang sagot niya at mabilis akong umayos ng tayo at nanakbo paakyat sa taas.       Nung medyo nakalayo na ako sakanila ay hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Mahal ko si Jake at kaya kong gawin lahat para sakaniya pero bakit tumibok ang puso ng sobrang bilis nung nakaharap ko si Zeus?       Oh my! What's happening to me?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD