Chapter 4

2288 Words
    "Oh? Anong nangyari sayo? Hello? Martha to earth? Ganun? Tulala lang ang peg?" Pangungulit ni Yumi sakin.                  Di ko kasi siya pinapansin simula kanina pa. Ewan ko. Sobrang affected ako sa nakita ko kanina. Diba? Pag fangirl dapat di na-huhurt kapag may nalilink or may naiissue sa idol nila? Pero, bakit ganito ako? Why am I hurt damn much? Siguro kasi asawa ko si Jake. Ako ang mas may higit na karapatan sa lahat ng babaeng lalapit sakaniya. Pero asawa lang ako sa papel. 'Yon lang.       "Sorry. May naisip lang ako." Pagsisinungaling ko.       "Naisip? Naisip mo siya for almost 4 hours? Seryoso?" Inirapan ko lang siya. Badtrip ako ngayon! Wag siyang ano diyan. "Okay okay. Sorry." Tinaas niya pa ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko siya sa mga pulis. I-papulis ko nga talaga siya diyan e, kapag di pa siya tumigil.       "Halika na nga. Balik na lang tayo sa room." Hindi na siya nakasagot sakin kasi hinila ko na ulit siya paalis sa cafeteria.       Pagpasok namin sa room ay siyang dating naman ng Dean ng department namin, department namin nila Jake.       "Hi, good afternoon everyone." She greeted us. Terror ang Dean namin na to. Masungit at mataray. Matandang dalaga daw kasi sabi nila.       "Good afternoon Ms. Castor." Walang buhay na greet namin sakaniya. Umupo siya sa upuan ng professor namin at humarap samin. Inayos niya ang salamin niya at nagstart ng magsalita.       "I am here because all of you need to attend the seminar for the Architect and Engineer Association. Next Thursday 'yon sa Laguna. So I'm expecting all of you to attend that seminar or else try to look for another course." Matatag na sabi nito. Psh. Sungit niya talaga. "You may now start asking."       Tumaas naman ng kamay yung course president namin na si Ginny. "All year level po ba to?"       "No. 3rd year and 4th year lang." Wah? 4th year? So kasama sila Jake? Lucky me. Kasi tourism ang course ni Marianne so it means she's not belong to this seminar. Walang malanding lalapit sa husband ko. Ang saya naman non! Yes!       "Is that for 1-day seminar only, Ma'am?" Tanong nung mayabang na kaklase namin na si Ronald. Feeling niya super gwapo siya, wala naman siya sa kalingkingan ng asawa ko.       After magtanong ni Ronald ay tumingin pa ito sakin at kumindat pa. He is always like that. Kaya, inirapan ko na lang siya. I have no time for that flirt. I am already married for Pete's sake.       "No. It will be a 3 day-seminar. So please bring all your belongings kasi wala na tayong uwian. Alam na to lahat ng professor niyo so you don't have to worry." Tumayo siya at naglakad na palabas ng room pero bago siya lumabas ay may sinabi pa siya. "Attendance is a must. Okay. Have a good day. Good bye."       3 days? Waaaah. 3 days magkakalayo ang asawa ko at ang hitad niyang girlfriend. Ang saya naman nun! Thank you po Lord!       After our Dean ay pumasok na din ang professor namin for lecture. I have 3 subjects pa this afternoon kaya baka abutin pa kami ng gabi dito sa school. Napapangiti naman ako every time naiisip ko na uuwi ako sa bahay namin ni Jake. Weird talaga!       Buong klase ay good mood lang ako dahil sa seminar na 'yon. Excited na ako and I can't hide it!       "Bye sissy." She kissed me in my cheeks at pumasok na siya sa kotse niya. I also do the same. Nilagay ko lang lahat ng gamit ko sa back seat at sumakay na ng kotse. Tapos na ang klase namin kaya pauwi na ako ngayon.       "Sissy, before I forgot. Punta ka pala sa bahay this Saturday. Birthday ni Mommy. Okay? See you!" I just nodded. Baka magtampo pa si Tita Gladys if di ako magpunta. Manang mana sakaniya si Yumi e, parehas silang matampuhin.       Inistart ko na ang kotse ko and started driving. I open my speaker kasi kung mamalasin ka nga naman naabutan ko pa ang traffic. Kapag bored and stress ako nakikinig lang ako ng music. I love music pero ewan ko ba kung bakit di ako biniyayaan ng galing sa pagkanta. Bakit ganun? Unfair 'no? Pero seryoso masyado kasing mahiwaga ang music for me. Kapag masaya ka kasi na-eenjoy mo ang kanta pero kapag malungkot ka naman naiintindihan mo ang lyrics. How life really is. Complicated. Just like me and Jake.       We're living in an exclusive subdivision in Alabang. Yung school naman namin sa Quezon City pa kaya malayo talaga kami.  Binaling ko na lang ang isip ko sa tugtog. Saktong sakto ang kanta sa nararamdaman ko ngayon.       ♪ Pangarap lang Kita - Parokya Ni Edgar ♪       Oo pangarap ko lang talaga si Jake at tanggap ko din na hindi ako magagawang mahalin nito kahit kailan. I also accept the fact that his heart already belongs to someone else. Sabi nga ni Mom, if mapagod na daw ako pwedeng pwede daw ako umuwi ulit samin. Pero, ayaw ko. Kaya kong tiisin ang lahat. Pangarap kong mapansin niya ako kaya as long na he needs me. I am always here for him. At oo tanggap ko naman na hanggang pangarap ko na lang talaga siya. Ang hirap naman talaga ng one sided relationship 'no. Di mo alam kung hanggang saan ka lang ba talaga lulugar.       Isa pa, sabi nga niya sa last rules niya, don't fall to him. Malas ko lang kasi mahal ko na siya simula pa lang.       Pinunasan ko na agad ang luha ko nang matapos ang kanta. Kapag nalaman to nila Mom at Dad lagot na talaga ako. Sino ba naman kasing magulang na gugustuhing umiiyak ang anak nila? Isang linggo palang kaming magasawa pero naiyak na agad ako. Grr. Tumigil ka na kasing pesteng luha ka. Ang OA mo. This is your choice naman kaya walang magagawa kundi ang magtiis.       Nag-simula na ulit akong mag-drive nang nawala na ang traffic. After almost an hour ng makarating ako sa subdivision namin.       "Good evening Ma'am." Bati sakin ng security guard ng subdivision. I just smiled to him at pumasok na din sa loob. 4 blocks away pa ang bahay namin from guard house. May mga neighbors naman kami pero di ko pa sila nakikita kasi layo layo din ang mga bahay dito. Tumigil ako nung nasa harap na ako ng gate namin. Napatingin ako sa katapat na bahay namin na mukang bagong lipat lang.       Pagbaba ko sa kotse ko ay napansin ko ang apat na kotse na naka-park sa loob. Nanginig naman bigla ang tuhod ko sa nakita ko. Gosh. Nasan ka na ba Jake? I need your help.       "Ma'am?" Nilingon ko yung tumawag sakin. Sino to? Lumapit siya sakin at kinuha ang mga gamit ko. "New maid niyo po ako dito." Ah. Bilis naman nilang maka-hanap ng bago naming kasama sa bahay. Kakatawag ko lang kay Mama Janet kanina e. Anyway, hindi 'yon ang kailangan kong isipin ngayon. Sina Lolo, nandito sina Lolo. Lagot na!       "Hi?" I smiled to her.       "Linda po." Pakilala nito. Tumango lang ako at muling nginitian siya bago pumasok sa loob ng bahay.       I followed her at bubuksan ko pa lang ang pinto pero nangangatal na agad ako sa kaba. Anong sasabihin ko sakanila? Wala si Jake kaya sure akong malalagot kami nito. But I have no choice, kundi pumasok na lang. Hindi naman pwedeng forever na ako sa labas ng bahay diba? Mas lalo lang makakahalata sila Lola. Hmp! Bahala na talaga si batman.       Pagpasok ko pa lang sa loob ay narinig ko na agad ang tawanan nila.       "Baby!" Tawag agad ni Mom ng makita ako. I don't know bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko papalit sakanila. Natatakot kasi ako sa sasabihin ni Lolo lalo na't hindi ko kasama si Jake. Malalagot kami nito pag nagkataon. Tapos hindi ko pa alam kung nasan ito. Lagot! Anong isasagot ko?!       "Apo, come here." Tawag na din ni Lolo sakin. Kinakabahan naman kasi ako. Nasan na ba kasi si Jake e?       Lumapit na sakin si Mom kasi hindi pa din ako kumikilos at bahagya niya akong kinurot sa tagiliran. Si Mommy talaga hilig mangurot. Lumapit na din ako sakanila. I kissed and hugged my Lolo and yung Lolo ni Jake. I also do the same to my Mom, Dad, Mama Janet and Papa Wilson and I sit beside my Lolo. Natetense talaga ako. Oh ghad!       "Where's your husband?" Lolo Fred asked me. He is Jake's grandpa.       "Na-sa sch-ool pa po." Gusto kong hilahin ang dila ko kasi ayaw dumiretso sa pag-sasalita. Nakakahiya tuloy baka mahalata ako.       "Bakit di kayo sabay umuwi? Can you text him baby?" Mama Janet said. Text him? Eh di ko nga alam ang number niya. Patay na talaga. Nakatingin pa silang lahat sakin.       I get my phone at kunwaring tinetext ko na lamang si Jake kahit hindi naman talaga. Kakainis naman.       "I'm here." Napalingon kaming lahat sa bagong dating. Gosh. Si Jake? Buti naman nandito na siya. Lumapit siya kila Lolo, Mom, Dad at sa parents niya. Tumingin siya sakin and sit beside me. He holds my hand and genuinely smile.       Nakatulala lang ako sa ginagawa niya. Nagulat akong lalo kasi biglang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Mas lalo tuloy bumilis ang t***k ng puso ko ng kintian pa nito ng halik ang noo ko. s**t! Kinikilig ako!       Nauntog na ba siya at naisip niya na ako na asawa niya ang dapat niyang kasama at di yung Marianne na 'yon? Sana naman po Lord.       Ano ka ba naman Martha? Eh artista iyang asawa mo! Nagkukunwari lang na mahal ka niya at ayos kayo kasi nandyan ang mga Lolo niyo. Feelingera ka! Asa ka namang mahalin ka ng asawa mo!       I mentally rolled my eyes.       "Anong ginagawa niyo dito Mommy?" He confidently asked. Buti pa siya hindi kinakabahan, samantalang ako o, namamawis na ang mga kamay. Tsk!       "Hm, your Lolo wants to see the both of you. Gusto niyang malaman kung anong progress niyong dalawa." Mama Janet looked to our hands na magkahawak. Nakaramdam naman ako ng pagka-ilang. "Nag-kakamabutihan na ba kayo?" Dugtong pa ng byenan ko at hinampas si Papa Wilson. Para siyang teenager kung kiligin. Eh wala namang kakilig kilig sa itsura namin. Ang higpit kaya ng pagkakahawak ni Jake sa kamay ko at parang di na makahinga ang kamay ko e. Psh.       "Yes, Mom. We're fine. Granpa and Lolo Steve, okay lang po kami. Diba wifey?" Ha ano daw? Parang nabingi naman ako sa huling sinabi niya. Wifey? I looked at him using my confused look. Pinandilatan niya lang ako ng mata tapos ngumiti sakanilang lahat. Isa talaga siyang artista. Ang galing niyang umarte.       "Ah, o-po. O-kay na po ka-mi ni Hubby." Pag-sagot ko. Nakita ko naman na masaya si Lolo Steve, Lolo Fred, Mama Janet and Papa Wilson sa sinabi namin. Sila Mom and Dad naman, alam ata nilang fake lang ang lahat ng to kasi naka-kunot ang noo nila.       "Ma'am/Sir, okay na po ang dinner." Sabi ni Linda na galing sa kusina.       Naunang naglakad papunta sa dining area namin sila Lolo. They are the best of friends since high school. Kahit nasa 70 years old na sila ay malakas pa din silang dalawa. Wala na kaming mga Lola ni Jake. My Lola died when I was only 5 years old kaya di ko na siya nakilala pa, si Jake naman ay namatay daw yung Lola niya 6 years ago lang.       Umupo si Lolo and Lolo Fred sa opposite side ng lamesa. Nasa gitna ako nakaupo at nasa left side ko si Jake na katabi si Lolo Fred and si Mama Janet sa right side ko naman katabi naman si Lolo Steve tapos nasa tapat namin ang parents ko. Hawak pa din ni Jake ang kamay ko. Pero di tulad kanina, hindi na masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito.       Walang gustong magsalita saming lahat. Siguro lahat kami ay kinakabahan. Maya maya lang naman ay binasag na din ni Lolo Fred ang katahimikan.     "Kamusta naman ang school niyo? Diba malapit ka ng maka-graduate apo? Gusto mo ba dun ka na sa company mag-trabaho?" Tanong niya kay Jake.       "Grandpa, ayaw ko pong ma-manage ng company." Walang kagatol-gatol na sagot nito.       " You can have both of them. You can work as one of our Engineer at the same time managing our company. Alam mo namang ikaw lang mag-mamana ng lahat ng pag-aari ng Villafuente." Natigilan si Lolo Fred at ngumiti. "Yan din ang ipapamana mo sa magiging anak niyo ni Martha in the near future. Diba iha?" Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Lolo Fred. Anak agad? Eh mahalin nga ako, hindi pa magawa ni Jake. Producing baby pa kaya?       "Right Jake. You need to learn to manage your company as well as Dominguez Company. Ikaw din ang magmamana syempre ng pagaari namin. Martha is my only grand daughter at ikaw ang asawa niya. So basically, sayo naka base ang pagmamanage ng dalawang kompanya." Kawawa naman si Hubby, este si Jake. Sakaniya lahat iaasa ang kompanya.       "And, you don't have to worry Apo. We will merge Villafuente and Dominguez Group of Company this year. So, please prepare yourself." Di na lang kami umimik. Even our parents ay sarado ang bibig kapag sila Lolo na ang nagsalita.       Si Lolo Fred ay strikto at serious type. Bibihira mo nga siyang makitang mag-biro at ngumiti. Kaya siguro kahit si Jake ay takot din sa Lolo niya. While, my Lolo is sobrang maka-lokohan. Lagi siyang nagbibiro at laging nang-aasar. Pero, once he is serious wag ka ng magtangkang sumagot sakaniya kundi lagot ka.       And, we both lucky to have our Lolo's in our life. I know, they will guide and help us for our marriage life. Sana lang pati pag-mamahal ni Jake sakin maituro nila Lolo. Hehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD