Chapter 6

2320 Words
    I'm still on shocked because of Zeus. Why do I feel this heart beat? Feeling ko may sakit na ako sa puso sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Bakit kailangan maging ganito ang puso ko? Anong problema?     "Huy bruha!" I blinked my eyes twice at don lang ako parang nabuhusan ng malamig na tubig na nagpabalik sa reyalidad. Di ko man lang napansin na nandito na pala ako sa classroom namin. I'm still holding my chest para pakalmahin ang puso ko ng tumingin ako kay Yumi.      Nangunot ang noo ko ng maalala ko ang ginawa niya kanina. Kung di ko lang naman kasi siya hinabol baka di ganito ang pagtibok ng puso ko ngayon. Nakakainis talaga siya kahit kailan.       Tinignan ko ulit siya at inirapan. Hindi ko na lang siya pinansin kahit pa tinatawag niya ako. I walked towards to my sit at pinatong ang muka ko sa desk. Naramdaman ko na lang ang presence ng best friend ko na umupo sa tabi ko.       "What happened? Bakit ganyan ka? May sakit ka ba ha?" Hinawakan pa niya ang leeg ko to checked my temperature. "Wala ka namang sakit. Sorry na nga sissy." Niyakap niya pa ako from my head at nakisubsob na din gaya ko. Ang init tuloy!       Tumunghay na ako ng hindi ko na nakayanan ang init at tinignan ko siya ng masama. Siningkit ko pa lalo ang mga mata ko para malaman niya na galit talaga ako sakaniya at hindi ako nakikipagbiruan. Akala kasi niya lagi e, mabait ako. Hindi kaya. Minsan maldita din ako. Nakipagtitigan pa siya sakin and she's about to speak when our professor came. Save by the prof. Ayoko din munang ikwento sakaniya ang nangyari sakin e. I feel really really awkward. I really do.       After 2 hours of discussion natapos na din ang klase namin. Pinagagawa niya lang kami ng project, as usual. Create mini dream house ang project namin. Nabuhayan naman bigla ang dugo ko dahil don. Magagamit kasi ang creativity ko doon.       Inaayos ko na din agad ang gamit ko ng makalabas na ang iba ko pang mga kaklase ng bigla namang hinila nung babaeng katabi ko ang dulo ng buhok ko. Tinignan ko siya at muling sinamaan ng tingin. Di mo ko madadaan sa ganyan, Yumi. Tse!       Pigil ang pagtawa ko ng makita kong ngumuso siya. "Eto naman napaka-impakta e. Sorry na nga. Dahil lang dun nag-iinarte ka na? Gusto mo ba ng sampal ha?" Pinandilatan pa niya ako ng mata. Tss.   "Ikaw? Baka gusto mo?" Nakipag-tagisan na ako ng tingin sakaniya na para bang malapit ng may dumanak ng dugo doon. Maya maya lang ay parehas na din kaming natawa sa kalokohan namin.       Di din ako sanay ng magkaaway kami ni Yumi e. Parang kambal na din kasi kami. Kilalang kilala na namin ang bawat isa.       "Sissy naman. Bakit ka ba kasi nakasimangot kanina?" Seryosong tanong niya. Napatingin naman ako agad sa room namin para tignan ang mga classmate ko at buti na lang at wala na silang lahat. Hindi muna ako nagsalita at nauna na akong lumabas ng room at nakasunod lang naman siya sakin.       Sinimulan ko na ding magkwento kay Yumi. Lunch break naman kaya walang tao sa hallway. Lahat sila ay nasa cafeteria na at pinag-papantasyahan ang basketball team ng school. Bakit alam ko? Well, gawain ko kasi 'yon kaya alam na alam ko. Haha.       "Ha? Totoo ba yan?" Gulat na komento niya. Kinuwento ko na kasi sakaniya ang lahat ng nangyari bago ako pumasok sa room namin.       Tumango lang ako sa tanong niya at indi na siya nagsalita siguro inaabsorb pa niya ang ikinuwento ko.       Nagpunta muna kami sa tambayan namin at hindi muna kami dumiretso sa cafeteria. Alam niyo na kung ano yung tambayan na sinasabi ko? Sa field po kung san nag-papractice ang soccer team namin. If I am a fan girl to Jake mas worse pa sakin itong babaeng to. She's super duper fangirl. Hahaha.       Naalala ko pa nga one time, we go to a certain bar. Buti na lang we have connection kaya kahit minor pa lang kami ng time na yon ay nakapasok pa din kami sa loob ng bar.       *Flashback*       "Sissy, lika na." Pangungulit sakin ni Yumi Grace. Nandito kami ngayon sa room ko at nag-papractice ng sayaw. Yes. Mahilig kaming sumayaw na dalawa. This is just for fun, nothing serious. Kapag bored lang kami, we used to do this para mag-enjoy.       "Saan na naman ba?" I drink my water while waiting for her to speak.       "Punta na tayo sa bar dun sa may Kamuning." Muntik na akong malunod sa tubig dahil sa sinabi niya. Bar? Kelan pa siya nahilig mag-bar? Isa pa, we're just only 17. Hindi pa kami allowed pumasok sa ganon.       "I don't like. It's already 8PM na po oh?" Pinakita ko pa sakaniya ang cellphone ko with clock on it.       "Sige na please. May live band kasi ngayon dun." Hmm, this is not about that bar anymore. Kelan pa siya nahilig sa mga banda? Rakista na ba siya ngayon?       "Punks not dead ka na ba ngayon?" Pangaasar ko pa.       "Ano yun? San mo naman napulot yung word na yon?" Napaisip naman ako. San nga ba? Ewan ko din. Nagkibit balikat na lang ako bago muling tumingin sakaniya.       "Wala. Narinig ko lang dun sa anak ni Ate Mila. Huy, wag mo ng ibahin ang usapan. Ayoko basta."       "Manong, intayin mo na lang kami dito sa labas." Sabi ko sa driver namin.       "Ah, Ma'am, hindi po kayo pwede dyang pumasok. Mapapagalitan po tayo ng mga magulang niyo." Napakamot pa si Manong ng ulo.       "Hindi. May friend kami dyan sa loob. Sige na. Please wait for us na lang." Sabi ni Yumi dito. I have no choice kundi samahan itong babaeng to dito sa bar na sinasabi niya, kaya ang ending natuloy din kami. Kaloka!       "Ah, Manong. Don't tell Mom and Dad na lang about this okay?" Hindi na namin inintay ang sagot niya. We entered the bar. Napasinghap kaming dalawa ng makapasok ng tuluyan sa naturang bar. It's not an ordinary bar kagaya ng iba. Sosyal ito at hindi basta pipitchugin lang.       Anyway, nag-tuloy tuloy na lang kami sa loob. Kakatulak nito ni Yumi kaya mas napabilis ang paglalakad namin. She's really excited huh? May disco lights din sa loob nito, madaming tao, puro alak at amoy ng cigarettes ang nalalanghap sa loob. Gosh. Ganito ba talaga dito? Sorry. First time e. At hindi na mauulit to.       "Okay. Ladies and gentlemen. Let us all welcome 'The Bachelors'." Nagpalakpakan naman ang mga tao sa bar. Tinignan ko si Yumi at kulang na lang ay mabali na ang leeg niya sa kakatingin dun sa 'The Bachelors' na banda.       Maya maya lang ay lumabas na din yung apat na lalaki na siyang myembro ng banda. Parang kilala ko tong mga to ah. Naalala ko yung soccer player na super crush ni Yumi. Siya yung bokalista ng banda tapos ang tatlo pang lalaki ay mga schoolmates din namn.       Nilingon ko agad si Yumi sa tabi ko at halos mamula ang buong muka niya habang nakatingin sa stage. Sabi na e, may hidden agenda tong best friend ko. Nilingon naman niya ako at binigyan niya na lang ako ng 'I explain later' look. Yeah. You really need to explain this.       Si Phil yung vocalist. He is also holding a guitar, an electric guitar to be exact. He is Philip Renier Young. He is our soccer team captain and he is taking up Marine Transportation. Ang dami kong alam about him dahil sa bruha kong best friend. Lagi na lang niya kasi itong bukambibig sakin.       Hindi na lang ako nagsalita at tumingin na lang ako sa stage. Mas mabuti pang enjoyin ko na lang ang panonood. Mukang masaya naman atang makinig ng music.       Muli akong napatingin kay Phil. He's really handsome. No doubt kung bakit madami din siyang fan girls sa school. Mas sikat lang talaga ang grupo nila Jake dahil bukod sa mga gwapo ang mga ito ay talagang mayayaman ang apat. Pero si Phil? Parang may kakaiba sakaniya e. Di ko lang masabi kung ano.       *End of flashback*       "Sissy, anong inisip mo?" Tinignan ko si Yumi at umiling na lang ako.       "Wala. Iniisip ko lang kung gaano ka fangirl dyan sa lalaking yan." Sabay turo ko kay Phil.       "As if naman, di ka fan girl 'no? Swerte ka lang sakin ng mga 5% kasi naging asawa ka ng idol mo. Kami kaya ni Phil kelan?" Nilagay pa niya ang kamay niya sa baba niya at parang nagde-daydream pa. Psh.       Hindi na lang ako sumagot sa tanong niya. Bahala siya dyan. Paupo na sana kami sa upuan namin dito ng biglang nag-beep ang cellphone ko na nasa bulsa. Kinuha ko agad 'yon para makita kung sino ang nagtext sakin. Sino naman kasing magtetext sakin ng ganitong oras? Uhh, I bet, it's Mom.       +639154531275       Where the hell are you?       Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. Sino naman tong nagtext na to sakin. Maka-hell ha?       +639154531275       It's Jake.       Ewan ko ba kasi nung mabasa ko ang pangalan ni Jake ay literal na nagulo ang sistema ko. Muntik pa nga akong malaglag sa bench na inuupuan namin ni Yumi e. Sino ba naman kasing hindi magugulat if your husband s***h super idol texted you and F.Y.I lang, hindi ko din alam na alam pala niya ang number ko. Gosh. Kinikilig ako talaga! Hindi ko inaasahan na magtetext siya para tanungin kung nasan ako! Pambihira! Nakakakilig naman talaga o!       "Sissy, palapit na siya satin." Hindi ko na masyadong naintindi si Yumi kasi kinikilig pa din ako sa nabasa kong message. Nakakatawa lang na wala namang sweet words sa text pero kinilig agad ako. Sorry na OA lang.       "I think satin siya pupunta." Patuloy na sabi pa ng katabi ko. Hindi na lang ulit ako sumagot and I was typing my reply to Jake ng biglang hinawakan ni Yumi ang kamay ko. Don na ako lumingon sakaniya at ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa harap namin. Inangat ko naman ang tingin ko para tignan ang tinitigan niya at napailing na lang ako. Bakit kapag kinikilig to damay ang katabi? Lagi na lang akong kawawa. Hay naku!       Kaya pala. Kaya pala parang uod na nilagyan ng asin tong katabi ko dahil kay Phil. And there he is. Naglalakad na nga siya palapit samin at pasakit na din ng pasakit ang kurot niya sa tagiliran ko.       Gusto ko sanang umalis na kasi hindi ko na nareplayan si Jake dahil sa babaeng to. Pero pinagbigyan ko na lang, support naman niya ako sa pagkaka-baliw ko kay Jake so ganon din ang gagawin ko. Sayang lang kasi first message pa naman sana namin yun, ginulo pa nitong isang to. Aish! Bahala na nga!       "Hi, diba Architect students kayo?" Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya. Ang manly at ang lalim ng boses niya. I didn't expect it.       "Yes." Tipid na sagot ko. Laking gulat ko ng biglang tumabi sakin si Phil at nginitian ako. Napansin ko naman na biglang lumungkot si Yumi kaya mahina ko siyang siniko para siya na lang ang kumausap sa isang to. Haler? Eto yung 'knight in shining armor' daw niya kaya siya dapat ang kumausap dito. Not me.       "Lagi ko nga kayong napapansin dito. I'm Philip. You can call me Phil na lang." He smiled to us. He's really handsome pero mas gwapo pa din ang husband ko.       "I'm Yumi and she's Martha, my best friend." Ayan na si Yumi Grace nag-dada moves na.       "Oh. I see. Kaya pala parehas kayong maganda." Pambobola pa nito. I secretly rolled my eye balls! Sorry Phil pero di mo ko madadaan sa ganyan. Tignan ko naman ulit si Yumi at mukang kilig na kilig pa siya. Mukang sakay na sakay ang impakta sa pambobola ni Phil. Lukaret talaga oo!       "Thanks Phil." Pa-arteng sabi pa ni Yumi dito. If I know, kilig na kilig na yan.       "If you don't mind, dinner later? Para naman maging friends tayo?" Unlimited naman ang pagtango ni Yumi na para bang dog na car display, na tango lang ng tango.       "Okay lang sakin." Pa-kemeng sabi pa dito ni Yumi. Sila na kaya ang magtabi dito? OP ako pre! Out of place!       "Ikaw? Sama ka ha?" Nakangiting sabi naman sakin ni Phil. Hindi agad ako nakasagot.       Hala. Ano naman kasing isasagot ko sakaniya? Hindi naman ako pwedeng umalis para makisali sakanila kasi sure akong lagot ako kay Jake. Napabuntong hininga na lang ako kaya patago akong siniko ni Yumi na para bang sinasabing 'sumagot ka tapos sabihin mong di ka pwede'. Yes, di naman talaga ako pwede e.       "Sorry Phil ha. May lakad kasi ako tonight. Nice meeting you na lang. Sissy, alis na ako ha. Maiwan ko na kayo dito." Ngiting aso naman ang sinagot ng bestfriend ko. Mukang tamang tama ang pagiwan ko sakanila. Tinignan ko naman si Phil at tipid itong nginitian pero naka-kunot lang ang noo nito na para bang nagtataka.       "Ha? Wait, hatid na kita." Tumayo pa siya at lumapit sakin. Ha? Ako daw? Ihahatid pa? Ano ako bata?       "Hindi na Phil. Samahan mo na lang ang best friend ko dito." Pag-pipilit ko pa. Pero ayaw pa din niyang pumayag. Hinawakan pa niya ang braso ko ng sobrang higpit. "I can manage, Phil. Wag mo na akong ihatid. Please." Pakiusap ko. Pero umiling lang siya.       "Hindi. Gusto pa kitang makilala ng matagal e. Hayaan mo na lang akong ihatid ka." Pamimilit pa nito. Ang kulit naman pala nito eh. Nandyan si Yumi oh. Bakit ako pa ang gusto niyang makilala?       "Wag na sabi, Phil ka-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla na lang bumagsak sa sahig si Phil. Sa sobrang bilis ng pangyayari is the next thing I knew is hawak hawak na ni Phil ang bibig niya na may dugo habang nakahiga pa din sa sahig. Napatingin naman agad ako sa sumuntok kay Phil.          Jake?!       What is he doing here?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD