Martha’s POV "My love, kapag nagkababy tayo. Anong gusto mo? Girl or boy?" Tinignan ko siya habang nakahiga ako sa lap niya. Nakakatawa lang na naitanong pa niya 'yon sakin. "Sakin kasi gusto ko ng boy. At sigurado akong magmamana 'yon sakin. Gwapo na medyo bad boy. Hahaha." Natatawang sabi ni Jake. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ano sakaniya lang magmamana? Paano naman ako? "Haha. Joke lang. Syempre sayo magmamana yon. Magiging isa siyang mabait at sweet na babae. Masarap magluto at kapag ngumingiti ay sobrang ganda." Tapos kinindatan pa niya ako. Aba, bumabawi siya ah. Ayos na din, kasi kinikilig ako. "Kahit ano gusto ko, babae man or lalaki. Kasi syempre, ikaw ang ama. Kaya sigurado akong gwapo at maganda ang magiging mga anak ko." Natawa siya sa sinabi ko kaya naman pinisil n