3rd person's POV Hindi binibitawan ni Jake ang kamay ni Martha hanggang sa itigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Very elegant ito at sobrang ganda. Halos kasing laki lang din ito ng bahay nila Martha. Sabagay, mayaman din naman ang mga Go. Sila ang mayari ng pinakamalaking Mining Company dito sa bansa. Bumaba si Jake ng sasakyan at pinagbuksan niya ng pinto ang asawa. Pagka door bell nito, after 15 minutes ay may lumabas ng Maid. Pinagbuksan agad sila ng gate nang makita na si Jake ang nagdoorbell. "Sir Jake good afternoon po. Tatawagin ko lang po si Ma'am Anne." Dire-diretsong sabi nung Maid. "Pasok na po kayo." Dagdag pa niya ngunit umiling lang si Jake dito at mukang nagets naman nito ang ibig sabihin ng binata. "Sige po. Saglit lang po." Tumango na lamang s