3rd person's POV Maagang nagising si Martha para tapusin ang pagiimpake ng mga gamit niya. Dapat kagabi palang ayos na sana ang gamit nito pero dahil sa kakulitan ng asawa ay hindi na niya ito natapos. Isang malaking traveling bag and tote bag lang ang dala niya. Dapat nga isang maleta pa ang dadalhin niya buti na lang at naisip niya na hindi sila titira dun ng isang buwan. 3 days lang naman. Nandito na ang ilang set ng damit at mga toiletries na hindi pwedeng maiwanan. Nang macheck na niya na kumpleto na ang gamit ay pinatong na muna niya ito sa kama at bumaba muna. 2 o'clock palang ng umaga kaya may time pa siya para makapagluto. 4AM kasi ang call time nilang magkakaibigan at sa bahay nila naisipang magintayan. Napagusapan nila na Van na lang ni Aries ang gamitin para magkakasama