Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak. Mas doble pa ang pagtibok ng puso ko ngayon compare dun sa nasalo ako ni Zeus kanina. Para na tuloy akong may sakit sa puso dahil sa hindi na tama ang pagtibok nito ngayon.
Mukang kailangan ko ng magpa-check up. Tsk.
"Can you please walk faster." Literal akong nanigas ng marinig ko ang boses niya. Tinignan ko siya at magkasalubong ang dalawa niyang kilay.
Teka nga?! Walk faster daw? Eh nananakbo na nga kaya ako dito. Ang bilis kaya niyang maglakad tapos hila hila pa niya ko. What is his problem ba? May ginawa na naman ba akong ayaw niya? Naku naman!
Di na lang ako umimik at hinayaan ko na lang na kaladkarin niya ako. Enjoyin ko na lang yung moment namin ngayon, holding hands while pulling.
Natigilan naman ako sa pagtawa sa isip ko ng maisip ko bigla si Phil. Nakakahiya sakaniya. He just wanted to be our friend, na-suntok pa siya nitong asawa ko. After that suntok scene kasi, hinila na ako agad ni Jake palayo kay Yumi at Phil. Kaya hindi ko alam kung ano ng nangyari sakanila. At isa pa, hindi man lang tuloy ako nakahingi ng sorry. Hays, si Yumi na ang bahala don.
"Get in." Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at hindi ko na pala namalayan na nandito na kami sa parking lot ng school. Tinignan ko siya at mukang kalmado na naman siya at nawala na ang kunot sa noo niya pero wala naman akong nakikitang emosyon sa muka niya. Hindi ko talaga mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Pero sana lang, hindi siya galit sakin.
I followed his order at umupo na ako sa passenger's seat. Baka ma-super sayan na naman siya kapag hindi pa ako sumunod. Sumakay na din naman siya agad sa driver's seat at walang sali-salitang nagsimula ng magmaneho.
Bigla ko namang naalala ko na may klase pa pala ako. Mahina akong napamura. Bahala na nga si Yumi sa mga professor namin. Minsan lang naman tong mga ganitong moment namin ni Jake kaya sulitin ko na. Hindi siya nagsasalita kaya hindi na din ako umiimik habang nasa byahe kami. Kinakabahan man ako pero nagawa ko pang ikutin ang paningin ko sa kabuuan ng sasakyan niya. This is my first time riding in his car. I am very amused. Magara na nga ito sa labas mas magara at cool pa pala sa loob.
Tinigil ni Jake ang sasakyan niya sa tapat ng guard house and opened his window.
"Manong, paki-tabi na lang nung kotse na yan." Sabay turo niya sa auto ko. "Ipapakuha ko na lang sa driver mamaya." Tumango lang si Manong guard kaya umalis na din kami agad. Saglit naman akong natigilan sa nangyari. Ano yon? Bakit hindi man lang kami pinagalitan nung guard kasi diba nagka-cutting kaming dalawa?
Hay nako! Sabagay pala, sikat nga pala tong kasama ko. Ano ba yan! Tanong ko, sagot ko. Baliw na ata ako!
Nagkibit balikat na lang ako atsaka siya tinignan. Seryoso lang siyang nagmamaneho habang nakakunot na ulit ang noo na para bang iritado ito. Tsk. Baka sakin, naiinis siya sakin. Hays!
Buong byahe namin, hindi ako nagsasalita. Hindi din naman kasi niya ako kinakausap e. Baka kasi he prefers girls na hindi madaldal kaya kahit salitang salita na ako ay nagawa kong pigilan. Tumingin na lang ako sa bintana nang bigla namang umulan ng malakas. Na-stuck tuloy kami sa traffic. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong kausapin siya. Nangangati na kasi talaga ang dila ko kahit 30 minutes pa lang naman akong di nagsasalita. Haha. Ewan ko ba!
"San pala tayo pu-punta Ja-ke?" I asked him but he just looked at me with disbelief written all over of his face. Bakit? Di ko naman talaga alam kung san kami pupunta e. "Ja-ke?" Tawag ko pa.
"Can you please shut your mouth? Naririndi talaga ako sayo!" Galit na sabi niya. Napayuko na lang ako at hindi na ulit nagsalita. Tumingin na lang ulit ako sa labas ng kotse. Ang sungit naman niya! Parang nagtatanong lang e! Tsk.
It's still raining. May bagyo ba ngayon? Kanina pa kasi kami dito sa gitna ng kalsada. But still hindi man lang nausad ang traffic. Sa totoo lang nakakabingi na talaga!
Akala ko ay magsasalita at kakausapin niya na ako pero binuksan lang pala niya ang radio niya. Tahimik pa ding kaming dalawa at tanging radio lang ang maririnig mo sa loob ng sasakyan. Nakakabingi pa lang kasama ang lalaking to. Ayaw niya talagang magsalita e. Psh.
After a couple of minutes, sa wakas ay umandar na din ang kotse niya. Thank God, wala ng traffic kasi kung magtatagal pa yun baka mapanis na ng tuluyan ang laway naming dalawa. Hindi ba kasi talaga uso sakaniya ang magsalita? Gaano ba kamahal ang boses niya at parang ingat na ingat siya dito? Grr!
Mabilis na din kaming nakarating sa subdivision. Pinagbuksan naman kami agad ng gate ni Marie. He parked his car at dire-diretso lang siya palabas ng sasakyan niya. Napaismid na lang ako. Grabe ha! Di man lang niya ako pinagbuksan. Wala man lang talaga siyang ka-gentle gentleman sa katawan. Pambihira!
I have no choice kundi pagbuksan ang sarili. Alangan namang dito na ako forever diba? Sinundan ko na siya agad papasok sa loob ng bahay ng makababa ako. Paakyat na siya papunta sa kwarto niya ng abutan ko siya. Gustuhin ko man siyang tawagin ay baka lalo lang siyang magalit sakin. Kaya tahimik ko na lang siyang pinagmasdan.
Kahit naka-talikod siya, ang gwapo pa din niya talaga. Ang sexy pa ng likod niya. Grr. Ang swerte ko pa lang talaga at naging asawa ko siya. Nagka-asawa ako ng isang Greek God. Ang bait ko siguro noong past life ko kaya ganto ako ngayong kaswerte. Haha. Hihilingin ko na lang na sana someday ay mahalin na din niya ako.
"Hey. Tatayo ka na lang ba dyan?" Nagulat ako sa boses niya at dumagundong yon sa buong kabahayan. I blinked my eyes thrice at nasa harap ko na pala siya. Nakapagpalit na din nga siya agad ng damit. He's wearing blue coat and pants with black shirt sa loob. Tinamaan ng lintek oh! Ang gwapo gwapo niya talaga! Kaya siguro kahit asawa ko na siya, I'm still his fan girl. Hindi na ata magbabago yon e.
"H-a?" Umangat ang gilid ng labi niya dahil sa tanong ko.
"Tch. Oh, kunin mo." Inabot niya sakin ang isang color blue na paper bag. Kinuha ko naman agad yon kasi baka mag-sungit na naman siya sakin. Tinignan ko agad kung ano yung laman ng paper bag na binigay niya. It was Tiffany and co. It's a navy blue strapless gown na may beads na nagsisilbing design nito. Ang ganda! Medyo sexy siya pero sobrang ganda, parang pang prinsesa.
Napaisip naman ako bigla. Para san naman kaya to? Bakit niya kaya ako binigyan ng ganito? May party kaya kaming pupuntahan? Binalik ko na din sa loob ng paper bag ang gown at tinignan ko siyang muli. Nakaupo na siya sa sofa at busy sa cellphone niya.
Lumapit ako sakaniya para sana itanong kung para san to. "What?!" Naka-kunot noong tanong niya. Nahalata ata niya na nakatingin ako sakaniya. Sungit talaga niya. Pasalamat siya gwapo siya kundi naku!
"Anong gagawin ko dito?" Matapang na tanong ko.
"Psh." Hinagis niya ang cellphone sa may sofa at agad na tumayo. Grabe. Nakakatakot naman siya. "Ano bang ginagawa sa gown? Malamang sinusuot. Kainin mo kung gusto mo ba e." Grr. Patago ko siyang inirapan bago tumalikod sakaniya. Alam ko naman kung para san ang gown e. I'm just asking kung para san ang pag-susuot ko ng gown. I'm not that stupid naman e. "Change your clothes. I'll wait for you." Umupo siya ulit sa sofa at binuksan ang TV. "Please make it faster! I don't have all the time in the world." Pahabol na sabi pa nito at hindi pa din ako tinitignan.
Muli ko siyang inirapan at mabilis na umakyat sa taas. I don't have time para makipag-argue pa sakaniya. Nilagay ko sa kama ko ang gown na binigay niya sakin at dumiretso na sa CR para mag-freshen up. After doing my rituals ay lumabas na din agad ako sa CR at kinuha ang bath robe ko. Umupo ako sa tapat ng malaking salamin ko para mag-ayos.
Nag-powder lang ako and started to put some light make up. Kinulot ko na din ang dulo ng brown kong buhok para naman bumagay sakin ang gown na ibinigay niya. Kinuha ko na din agad ang gown na nakapatong sa kama ng makitang ayos na ako. Humarap ulit ako sa salamin para tignan ang lapat ng gown sakin at hindi ko maiwasang mapamura.
"s**t naman this! Ang ganda! Parang hindi ako." Umikot ikot pa ako sa harap ng salamin na para bang bata. I didn't expect na magmumuka akong prinsesa sa gown na ito. I love you na talaga Jake!
Umupo na ulit ako sa kama ko para magsuot ng jewelries na babagay sa suot ko. Silver earrings, yung necklace ko na may name ko at talong silver bracelet na manipis. And of course, di ko pwedeng kalimutan ang wedding ring namin. Proof that we're married. And it's legal!
Nang makita kong ayos na ako ay humarap akong muli sa malaking salamin ko. Muntik pa ngang malaglag ang eyeballs ko gawa ng reflection ko sa salamin. Ang ganda ko! Chos! Pero seryoso, sobrang sexy ng gown na ito, halos kita na nga ang boobs ko pero hindi naman siya masyadong daring. Tapos, kita din ang half ng legs ko. Pambihira! Ngayon ko lang napagtanto ang suot ko.
Sino kayang pumili ng gown na to?
Tsk. Nagkibit balikat na lang ako. Hayaan na nga baka kasi kapag nagreklamo pa ako mainis na lalo si Jake sakin. Lumabas na lang ako sa walk in closet ko at sinuot ang 3 inches’ white heels ko para iterno sa gown. Nung nasatisfied na ako sa itsura ko ay lumabas na din ako agad sa room ko habang dala dala ang silver pouch ko.
Pagbaba ko sa hagdan ay hinanap ko agad si Jake doon. Nandito lang yung sa living room kanina e. Pero wala akong makitang Jake Villafuente dito. Psh! Akala ko ba aantayin niya ako tapos siya pala tong wala dito. Walang isang salita! Kalerki!
"Martha, ano pa bang ieexpect mo sakaniya? Ha?" Nagpunta na ako sa kitchen, dining room at kahit sa garden pero wala siya. Nasan na ba kasi ang gwapong lalaking 'yon? Palabas na sana ako ng gate ng makita ko si Marie na kakapasok lang habang may dalang grocery bags.
"Wow Ma'am, ang ganda ganda niyo naman po." Bati niya sakin pagkakita nito. Na-concious naman ako bigla sa itsura ko.
"Hehe, salamat. Marie, nakita mo ba si Jake kung nasan?"
"Opo Ma'am, nasa may labas na po siya." Tumango na lang ako sakaniya at malapad na ngumiti. Naglakad na din ako agad palabas ng bahay para puntahan ang asawa ko. Natigilan naman ako ng pag-tingin ko sa labas ay madilim na pala. Sobrang tagal ko bang nag-ayos? Grabe naman. Naku baka bumuga na naman ng apoy si Jake nito! Patay na naman ako!
"Finally, you're here. Ang tagal mo." Nilingon ko siya at naglalakad na siya papalapit sakin. Natigilan pa siya ng humarap ako at parang nagulat siya sa itsura ko. Kita ko ang pagyuko niya at ilang sandali pa ay nagsimula na ulit siyang maglakad. Nasa bulsa ng pantalon niya ang isang kamay niya habang ang isa naman ay nakahawak sa buhok nito. Natigilan naman ako sa nakita ko. Sobrang gwapo niya talaga lalo na ng hawiin niya ang buhok niya. Ano ba yan! Kahit ata araw araw ko na siyang nakikita ay namamangha pa din ako angking kagwapuhan niya. Normal pa ba ako? O hindi na? Hays.
"Let's go." Inalalayan niya ako hanggang sa makapunta kami sa may garage. Pinagbuksan din niya ako ng pinto at nahiya naman ako bigla sa inakto niya. Nakaka-panibago naman kasi e bigla siyang naging gentleman ah. Lihim akong napangiti. Kilig na naman ang Lola niyo! Haha. Hindi naman nagtagal at pumasok na din siya at nagsimula ng mag-maneho. BMW ang gamit naming sasakyan papunta doon sa kung saan mang party ang pupuntahan namin tonight.
"Jake?" Saglit naman siyang lumingon sakin atsaka muling humarap sa daan. "San ba tayo pupunta?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang natatanong to. Pero hindi naman niya ako sinasagot.
"Basta." See? Yun lang ang naging usapan namin buong byahe kasi tumahimik na lang ako. Mukang ayaw naman kasi niyang sabihin e. Di ko na lang din siya pipilitin baka uminit pa ang ulo niya sakin. Mabuti nga casual na siya ang pakikitungo niya sakin ngayon. Masaya na ako sa ganito.
After 1 hour of travel ay itinigil ni Jake ang kotse niya sa isang hotel. Base sa pangalan ng hotel ay ang mga Villafuente ang nagmamay-ari nito. Bumaba naman siya agad sa sasakyan kaya sumunod na lang din ako. Pumasok kami sa hotel at lumapit naman siya sa receptionist.
"Good evening Sir Jake, nasa 5th floor na po sila." Sabi nung receptionist. Sa itsura pa lang nung babae ay mukang may gusto siya sa asawa ko. Sabunutan ko kaya siya? Hey wife here! Gusto ko sanang isigaw pero wag na lang. Tumango lang si Jake sakaniya at naglakad na ulit papunta sa may elevator. Nakasunod lang ako sakaniya na para bang hindi kami magkakilala. Ayoko din naman makisabay sakaniya kasi baka magalit pa siya sakin. Ayokong masira ang mood niya.
Kami lang dalawa ang nasa loob ng elevator. Hindi pa din naman niya ako kinausap, ni tingnan nga lang ay di niya din ginagawa. Bakit? Panget ba ang ayos ko? O kasi talagang ayaw naman niya akong kausap. Hay naku!
Tumunog na ang elevator sign na nasa 5th floor na kami. Naunang lumabas si Jake as usual bago ako sumunod. Napatingin naman ako sa paligid. Madaming tao dito. Puro mga naka-gown at suit ang mga bisita. Mukang may party nga dito sa hotel. Bakit naman kaya? Anong party? Kakainis naman kasi si Jake e ayaw pang sabihin sakin. Tch.
Sinundan ko lang si Jake at pumasok ito sa nagiisang pinto dito. Kung madaming tao sa labas eh mas madaming tao pala sa loob. May mga upuan at mga pagkain din sa loob.
Muli kong tinignan si Jake at tuloy tuloy lang ito papasok sa loob. Grabe di man lang niya ako magawang lingunin. Bahala nga siya. Umupo na lang ako sa may pinaka likod. Sobrang daming tao dito kaya nahihiya ako. May pagka-anti social kasi ako e. Pagod na din akong maglakad ng maglakad at sumunod ng sumunod sakaniya. Naka-heels kaya ako kaya ang sakit na ng paa ko. Kakainis naman kasi talaga si Jake e.
Inalis ko na muna ang heels ko para hilutin ang paa ko at hindi ko na napansin ang pagupo ng tatlong lalaki sa tapat ko. Round table kasi ito, bale 8 seater siya. Tinignan ko sila at hindi ko masyadong maaninag ang muka nila. Medyo madilim kasi dito sa hall kaya ganon.
"Kamusta na Martha?" Natigilan ako ng biglang magsalita ang isa sa tatlong lalaki. Ha? Ano daw? Sino ba ang mga to? Bakit nila ako kilala? Muli ko silang tinignan at nakangiti lang sila sakin.