Martha’s POV "Hubby, dalian mo nga. Late na tayo nito e." Naiinis na talaga ako dito. Kanina pa kasi ako nagaantay sakaniya dito sa salas pero kanina pa siya sabi ng sabing malapit na daw siyang bumaba pero hanggang ngayon naman, wala pa din. Daig pa niya ang babae sa tagal kumilos e. Kinuha ko na lang ang phone ko ng magvibrate ito. From: Yumi Grace Sissy, nasan ka na? May practice daw kayo for Ms. Campus. Dalian mo! Eto na naman si Yumi Grace. Para ko siyang manager kung umasta. Habang nagtatype ako ng reply ko sakaniya ay siyang dating naman ni Jake. Salamat naman at natapos din siya. "Sino yang katext mo?" Selos naman agad tong si Hubby. Pinakita ko sakaniya ang phone ko para malaman niyang si Yumi ang tinetext ko. "Hahaha. Eto naman biro lang. May tiwala naman ako say
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books