Chelsea's POV
Napabalikwas ako ng bangon ng mag-alarm ang aking clock. Napahikab ako at napainat ng aking dalawang braso. Napatingin ako sa mga kapatid kong natutulog pa. Inayos ko ang nakalilis na kumot at saka ako bumaba ng kama. Kailangan ko ng gumayak para pumunta sa palengke. Sabado ngayon kaya sa pagtitinda naman ang aasikasuhin ko. Kapag Monday to Friday yaya ang trabaho ko sa gabi naman singer sa isang banda. Kapag Sabado at Linggo maghapong pagtitinda sa palengke ang inaatupag ko. Wala na nga akong pahinga para lang kumayod ng maigi. Ayokong magutom ang kapatid ko at magkulang sa pangangailangan niya sa araw araw. Gusto kong maktapos siya ng pag-aaral. Malapit na siyang magtapos sa elementarya at sa susunod na taon mag high school na siya. Kahit dalawa na lang kami sa buhay pagsusumikapan kong maiangat ang buhay namin.
Nagluto na ako ng agahan at tanghalian ng kapatid ko. Iiwan ko na lang sila mamaya pa ang gising ng mga kapatid. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako para maghanda pagpunta sa palengke.
Bago ako umalis sinilip ko muna ang natutulog na kapatid tsaka ako lumabas ng bahay. Nakasalubong ko sa labasan ang kakilala kong nagtratrabaho bilang katulong sa isang village na puro mamayaman.
"Chelsea, tamang-tama at nakita kita papunta sana ako sa inyo." Saad nito.
"Magandang umaga ho, Aling Gina, ang aga niyo naman, ho. Ano pong atin?" Tanong ko.
"Naghahanap kasi ng yaya ang kakilala ko. Maghahatid lang naman sa school ng alaga n'ya. Hindi na kasi kaya ang bumiyahe at maghatid sa school ang matanda dahil na rin sumasakit na ang mga paa n'ya dahil sa katandaan na rin." Paliwanag niya.
"Pag-iisipan ko pa po. May hinahatid rin po akong bata, 'yung kapatid ng kaibigan ko. Wala pa po kasi 'yong yaya ng alaga ko, dahil umuwi ng probinsya. Akala nga po namin hindi na babalik pero sabi babalik pa s'ya pero wala pang araw kung kailan makakauwi. Kapag dumating na po sasabihin ko po sa inyo." Wika ko. May sinulat ito sa maliit na papel.
"Ah, sige ito ang number ko, kung sakali tawagan mo ako kapag okay na." Nakangiting wika nito.
Tumango ako. Binigay nito ang papel. Sinulyapan ko pa iyon bago s'ya hinarap. Nagpaalam na rin naman ito agad dahil nagpaalam lang sa amo na dadaan dito.
Habang naglalakad napansin ko ang lalaking nakatingin sa 'kin. Napahinto ako sa paglalakad ngunit bigla na lang itong umalis. Napansin ko ang hawak nitong camera.
Baka naman kinukunan lang niya ang paligid ng palengke hindi ako? Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Masyado akong paranoid mag-isip.
Maraming tao ngayong sa palengke dahil sabado. Maganda dahil maraming mamimili. Malaki ang kikitain ko ngayon.
***
Napainat ako ng kamay ng maubos ko na ang tinda ko. Maaga akong nakaubos ng paninda kaya maaga rin akong makakauwi.
Tatayo sana ako nang lumapit sa akin ang masugid kong manliligaw na si Jemuel. Kahit ilang beses ko nang binasted ngunit patuloy pa rin sa panliligaw. Sinabi ko na nga sa kanyang wala sa isip ko ang magkaroon ng relasyon ngunit sadyang makapal ang mukha n'ya. Ayaw makinig sa sinabi ko.
"Hi, Chelsea, magandang tanghali. Hatid na kita." Nginitian ko siya.
"Naku huwag na may dadaanan pa kasi ako." Rason ko kahit wala naman para lang makaiwaas sa kanya. Ayoko kasi siyang umasa kapag pinagbigyan ko s'ya kahit isang beses.
Plano ko rin daanan si Anna para kompirmahin kung darating ang yaya ni Lilly sa linggo. Maganda rin ang offer ni Aling Gina sa akin. Sigurado baka malaki ang sahpd ko roon.
"Sasamahan kita." Pamimilit nito. Gusto ko na ngang awayin ito dahil sobrang kulit n'ya.
"Naku huwag na baka mainip ka lang doon. Tsaka may aasikasuhin pa kasi ako. Ayoko naman makaabala pa sa 'yo." Wika ko.
Sana naman pumayag na s'ya. Ayoko ng may asungot kaya ayoko ng kasama siya. Nalungkot naman ang mukha nito. Wala naman akong pakialam kung malungkot s'ya.
"Ganoon ba?" Wika nito. Tumango ako.
"Ingat ka na lang sa pupuntahan mo." Tumango tsaka nginitian s'ya.
"Mag-iingat ako salamat. sige mauna na ako sa iyo."Paalam ko. Nilakad ko ang sakayan ng tricycle papunta sa kaibigan ko.
Sinalubong ako kaagad ni Lilly ng makapasok ako sa bakuran nila.
"Ate Chels!" niyakap n'ya ako kaya natawa ako. Parang ang tagal namin hindi nagkita kung makayakap ang bata.
"Naku namiss yata ikaw ng kapatid ko." Wikang saad ng kaibigan kong si Ana. Napatawa ako.
"Oo nga eh, kahapon lang naman tayo nagkasama, ah?" hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok.
"Siyempre kasi love kita ate Chels, eh." Wika nito.
Napanguso si Ana sa sinabi ng kapatid.
"Bakit ako hindi mo ako love?" Tanong ni Ana sa kapatid.
"Of course I love you rin ate. I love you both ni ate Chels kasi friends kayo, eh." Nakangiting wika niya.
"Doon ka muna magplay mag-usap lang kami ni ate Chels mo." Tumango si Lilly. Kumaway pa ito nang umalis.
"Sure ba na darating 'yung yaya ni Lilly? Pinuntahan ako ni Aling Gina kanina sabi niya naghahanap raw ng yaya 'yung kakilala niyang kasambahay sa Village nila. Eh, gusto ko sana dahil mukhang maganda ang pasahod doon. Baka kasi tanggapin ko na." Saad ko sa kaibigan.
"Oo. Tumawag kagabi pauwi na s'ya baka mamayang hapon nandito na 'yun." Nakangiting saad ni Ana.
"Puwede bang patext itetext ko lang si Aling Gina." Wika ko.
Nilabas ni Ana ang maganda niyang cellphone. Hindi pa ako makabili ng cellphone dahil wala naman akong pambili. Mas uunahin ko pang bilhin ang uulamin namin kaysa gadget.
"Salamat." Kinuha ko sa bulsa ang papel kung saan nakalagay ang numero ni Aling Gina.
"Hello Aling Gina si Chelsea po ito." Wika ko.
" Ikaw pala ano pumapayag ka na bang magtrabahong yaya?"
"Opo Aling Gina payag na po ako. Kailang po ba ako magsisimula?"
"Pumunta ka bukas sa address na isesend ko. Kakausapin natin ang kakilala ko." wika nito.
"Sige salamat po,"paalam ko. Narecieve ko ang text ng address na pupuntahan ko. Tiningnan ni Ana ang address na sinend ni Aling Gina.
"Wow, mukhang mayaman yang magiging amo mo ah? Exclusive village yan ng mga mayayaman." Tiningnan ko ulit ang address para ngang pamilyar. Sinulat ko ang address sa papel.
"Salamat, ha."
Pinuntahan ko ang address na binigay ni Aling Gina. Nang makababa ako ng taxi napakunot noo ako sa nakikita kong malaking bahay. Pamilyar sa akin ang bahay na ito. Hindi ito ang bahay ng katukayo kong si Chelsea? So ibig sabihin siya ang magiging alaga ko? Nawala ako sa iniisip ko ng sitahin ako ng guard.
"Hi Kuya natatandaan mo ba ako? Nagpunta na ako dito." Wika ko sa guard na nas harapan ng gate. Tinitigan ako ng guard. Napangiti ito.
"Oo, ikaw 'yung kasama ni Senyorita Chelsea. Ano'ng kailangan mo?" Tanong nito.
"Nandito po ba si Aling Gina?" balik tanong ko. Hindi ko na sinagot ang tanong niya.
"Chelsea nandito ka na pala." Napalingon kami ni Kuya Guard nang dumating si Aling Gina. Kasama niya yung yaya ni katukayong Chelsea.
"Hindi ba ikaw 'yung kaibigan ng alaga ko?" tanong ng matanda sa akin. Tumango ako at nginitian siya.
"Siya 'yung sinasabi ko sa'yo. Huwag kang mag-alala mabuting bata 'yan kaya hindi ka magsisisi siya ang kinuha mo." Pinamulahanan ako ng mukha. Nakakahiya naman parang ang laki ng tiwala sa akin ni Aling Gina.
"Pumasok na tayo sa loob tulog pa si Chelsea." Nakangiting saad ng matanda.
"O, siya mauuna na ako, ha? Baka hinahanap na ako ng amo ko," paalam ni Aling Gina.
"Salamat po ingat po sa pag-uwi" Tinapik niya ang balikat ko at nginitian.
Pumasok na kami sa loob ni Manang. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang Daddy ni Chelsea. Napatingin siya sa amin ni Manang.
"Nikolas narito na ang magiging yaya ni Chelsea. Siya iyong.." hindi naituloy ni Manang ang sasabihin nang magsalita si Sir Nikolas.
"I don't want her to be Chelsea's yaya. Hindi dapat kayo nagtitiwala sa isang tao na ngayon niyo lang nakilala." Seryoso nitong saad.
Hindi ako nakagalaw sa sinabi n'ya. Bakit naman ayaw n'ya akong maging yaya ni Chelsea? May ginawa ba akong masama sa anak n'ya at ganoon na lang ang pagkadisgusto n'ya sa akin? Kilala n'ya ba ako ng personal kung makasabi ng hindi maganda sa akin ganoon na lamang.
"Nikolas mabuting bata itong si Chelsea at magkasundo sila ng anak mo. Mas mabuti nga iyon para.."
"No, paalisin niyo na s'ya. My decision is final. Kukuha na lang ako ng yaya sa isang agency." Pinal na sabi niya. Napayuko ako dahil napahiya ako sa pinakita niyang kagaspangan ng ugali. May nagawa ba akong masama?
"Daddy, gusto ko si ate Chelsea ang yaya ko! Ayoko ng iba!"bBiglang sumingit ang katukayong si Chelsea. Magulo pa ang buhok niya mukhang kaka bangon sa higaan.
"Baby, hindi pa natin siya kilala kaya hindi ka dapat nagtitiwala sa kanya." Parang gusto kong mag-react sa sinabi niya. Hindi ako masamang tao.
"No, ayoko ng iba!" yumakap sa baywang ko si Chelsea habang ini-iling ang ulo.
"Manang kunin mo si Chelsea." Utos nito kay Manang. Tumalima naman ang matanda. Napasimangot ang katukayo ko habang masama ang tingin sa ama. Ako naman napapalunok at kaba ang nararamdaman.
"You can go now. Don't you ever come back here." Pagkasabi niyon tinalikuran niya ako. Napahiya ako sa ginawa niya. Napakasama ng lalaking ito. Paanong naging ama ni katukayong Chelsea mabait naman ang bata. Napaka judgemental niyang tao. Sayang ang pogi pa naman napakasama naman ng ugali.
"Ah, sige ito ang number ko, kung sakali tawagan mo ako kapag okay na." Nakangiting wika nito.
Tumango ako. Ibinigay nito ang papel. Sinulyapan ko pa iyon bago s'ya hinarap. Nagpaalam na rin naman ito agad dahil nagpaalam lang sa amo na dadaan dito.
Habang naglalakad napansin ko ang lalaking nakatingin sa 'kin. Napahinto ako sa paglalakad ngunit bigla na lang itong umalis. Napansin ko rin ang hawak nitong camera. Hindi kaya kinukunan lang niya ang paligid ng palengke at hindi ako ang kinukunan niya ng litrato?
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Masyado na akong paranoid mag-isip. Maraming tao ngayong sa palengke dahil Sabado. Maganda naman dahil maraming mamimili. Malaki ang kikitain ko ngayon sa tinda kong isda.