Nikolas's POV
HINDImaalis ang tingin ni Nikolas sa bisita ng anak. May hawig talaga sila ng asawa ko. Mas pinabatang version lamang siya. They have the same color of eyes, the shape of their face and her nose just like my wife. Naipilig ko ang ulo ko dahil bakit kailangan ikompara ko ang asawa ko sa estrangherong babaeng ito. Walang-wala siya sa asawa ko. Walang makakapantay sa kanya.
"Thank you for visiting my daughter. I appreciate it." Tipid na usal ko habang seryoso lang ang mukha ko. Hindi makatingin ng maayos ang babae sa akin dahil sa seryoso kong tingin sa kanya. Tumikhim ako. Tumingin ako sa anak ko.
"Baby, doon muna ako sa room ko, mamaya na lang tayo mag-bonding, okay? Asikasuhin mo muna ang mga visitors mo." Wika ko, tumango naman ang anak ko. Hinagkan ang noo niya. Umalis ako na hindi na tumingin sa babae at sa batang kasama nito na busy sa pagkain.
Magmula nang mamatay ang asawa ko hindi na ako sanay magkaroon ng bisita sa bahay. Bukod sa mga pili lang na kaibigan ko ang nagpupunta dito sa bahay. Uminog ang mundo ko sa trabaho at sa anak ko. Pero madalas sa trabaho nakatuon ang atensyon ko. Wala akong oras para sa kanya. Kaya kung minsan nagi-guilty ako.
Sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap wala na ang asawa ko kahit limang taon na ang nakalilipas. Nananatili pa rin s'ya dito sa puso ko. Tanging s'ya lang ang babaeng mamahalin ko habang ako'y nabubuhay. Walang ibang makakapalit sa kanya kahit na ba sa babaeng kamukha ng asawa ko.
Chelsea's POV
HINDI makatingin ng diretso si Chelsea sa tatay ng katukayo niyang si Chelsea. Napakasungit ng aura ng lalaki para bang kakain ng buhay. Parang hindi yata kami welcome sa kanya. Sa pagsulyap palang sa akin para bang pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao. Alam ko naman hindi kagandahan ang suot ko. Yaya lang naman ako alangan naman magsuot ako ng gown at mayroon pang kolorete sa mukha.
"Ganoon ba ang Daddy mo napakaseryoso ng mukha? No offense, ha?" tanong ko kay Chelsea.
Napahagikgik siya sa tanong ko. "Mabait si Daddy ganoon lang siya kasi hindi sanay na nagdadala ako ng friends dito sa house. But I am assured you he's so kind and sweet," napahaba ang nguso ko sa sinabi niyang sweet. Ganoon pala ang batayan ni baby Chelsea sa sweet- seryoso ang hilatsa ng mukha.
Gusto kong matawa.
Nagkibitbalikat na lang si Chelsea kahit hindi siya makapaniwala na mabait nga ang Daddy n'ya. Parang hindi naman. Tingin ko pinipilit lang niyang magpakabait sa amin kanina dahil nasa harapan n'ya ang anak.
Pinagpatuloy na lang namin ang pakikipagkwentuhan sa isa't isa kahit sumasagi sa isipan ko ang guwapong mukha ng tatay ni katukayong baby Chelsea.
Nikolas's POV
"BABY, good morning," bati ni Nikolas sa anak.
Hinagkan niya ang pisngi ng anak nang puntahan ang silid nito. Pupungas-pungas itong napatingin sa 'kin at nginitian ako. Binuhat ko ang anak para pumunta sa banyo.
Ang anak ko na mismo ang gumagawa ng kanyang morning rituals. Sa edad na 4 years old napaka-matured na nito mag-isip-daig pa yata ako.
"I'm done, Dad." Wika nito nang lumabas ng bathroom.
Hinawakan ko ang isang kamay niya, sabay kaming bumaba ng hagdanan. Napakunot noo ako nang mapansin kong may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Nakaupo na roon ang sister inlaw ko na si Amy. Plano ko sanang ako ang magluluto ng umagahan namin ng anak ko. Naunahan na n'ya ako. Hindi ko expected na pupunta siya rito ng ganito kaaga. For pete sake it's only 6 AM. Ano naman ang gusto niyang palabasin sa amin ng anak ko?
"Good morning, Nik. Ipinagluto ko kayo ng breakfast ni baby Chelsea. " Wika nito.
Nakasuot ito ng apron na kulay pink. Gusto ko sana matawa sa hitsura niya dahil nakamake up pa ang hipag, magluluto lang naman s'ya. Ibang-iba talaga s'ya sa asawa ko. Still's so simple, yet she manages to be beautiful. My wife is just simple kaya nga minahal ko ng sobra. Bukod sa simplicity niya, napakabait pa ng asawa ko.
Lumapit si Amy sa anak ko upang hagkan ang kanyang pisngi. Napansin ko ang pagsimangot ng mukha ng anak ko. Sumunod naman niya akong nilapitan. Naasiwa ako ng bigla niyang hinawakan ang ibabaw ng dibdib ko. She kissed me, muntik na niyang mahalikan ang labi ko. Bahagya ko siyang itinulak dahil doon. Nabigla naman ito sa ginawa ko.
Napapansin ko lately lagi niya itong ginagawa sa akin. Pinagsawalang bahala ko lang dahil akala ko concern lang talaga siya dahil kapatid siya ng asawa ko. Na akala ko hindi niya sinasadya pero napapansin ko na parang sinasadya na n'ya.
"Let's take breakfast." Seryosong wika ko.
Ngumiti naman ang huli. Hindi ako sanay na ganito ang ginagawa nito sa amin ng anak ko. Sanay naman na kami na kaming dalawa lang, bukod sa yaya ng anak ko.
Hindi ako naghanap ng babaeng makakasama namin sa buhay magmula ng mamatay ang asawa ko dahil iisa lang talaga siya sa puso ko. My late wife, Camila.
Napatingin sa akin ang anak ko nang lagyan ng hipag ko ang plato ng anak ko. Napanguso na parang naiinis. Akmang lalagyan niya rin ang plato ko ng tumanggi ako.
"No, thanks, I can handle myself. You don't need to do this." Wika ko sa seryosong tono ng boses.
Para naman itong napahiya sa inasal ko. Binalewala ko lang ito. Alam niya dapat kung saan siya lalagay. After all she's not my wife, para asikasuhin kami ng anak ko. Hindi ko kailangan iyon.
"Chelsea, baby, eat your breakfast. Baka ma-late tayo." Utos ko sa anak ko. Ngumiti sa akin ang anak ko.
"Can I come with you, guys?" napatingin ako sa hipag ko. My forehead creased while looking at her intently.
"Huwag na Amy, you don't need to do this." Wika ko.
Gusto kong bumawi sa anak ko kaya ako dapat ang maghatid sa kanya. Puwede ko naman gawin ito araw-araw. Wala itong nagawa sa pagtanggi ko. Umupo na lamang ito ng tahimik sa tabi ko at hindi na umimik.
Chelsea's POV
Hinatid ni Chelsea ang alagang si Lilly sa school nito. Full time tigahatid na ako ni Lilly dahil hindi na makakabalik ang yaya nito na umuwi sa probinsya.
"Lilly, kainin mo itong baon mo, ha? Kahapon kasi ang dami mo pang tira. Huwag ka ng bumili pa sayang ang pera mo." Bilin ko sa kanya. Hinatid ko na ito sa room nito. Hinanap ng mata ko si katukayo pero mukhang wala pa siya.
"Opo, ate Chelsea." Wika nito habang nakangiti. Hinaplos ko ang mahabang buhok nito. Napalingon kami pareho ni Lilly nang may bumati sa amin.
"Hi, ate C1." Bati sa akin ni katukayong Chelsea. Aba, nakaisip ng itatawag sa akin ang bata. Maganda, parang B1 at B2 lang ang peg. Pareho kasi kami ng pangalan kaya dapat may tawagan kami sa isa't isa.
"Good morning, baby C2." Bati ko rin. Napasulyap ako sa Daddy ni C2 na seryoso ang mukha. Hindi man lang yata nasasayaran ng kahit tipid na ngiti ang labi nito. Panay nakasimangot. Hindi kaya pinaglihi ito sa sama ng loob ng nanay niya? Gustong matawa ni Chelsea sa sariling biro.
"Hi, po good morning." Bati ko sa kanya. Seryoso lang niya akong tiningnan. Tango lang ang tugon niya. Grabe suplado na nga hindi palakibo. Alanganin akong napangiti.
"Go to your room, baby. I'll fetch you after your class, okay." Anito sa anak. Nakasunod lang ang tingin ko sa supladong nilalang habang palayo.
"Ang sungit naman ng Daddy mo, baby C2. Ganoon ba palagi iyon?" bulong ko kay C2 baka kasi marinig ng Daddy niya.
"Mabait po si Daddy hindi lang talaga siya palangiti sa ibang tao." Ganoon ba yun? Napatango-tango na lang ako. Gayon man may mga ganoong klaseng tao. Hindi lang siguro siya sanay makipag-usap lalo pa at hindi naman niya kakilala.
Nikolas's POV
Hindi komportable si Nikolas sa bagong kaibigan ng anak. Kakaiba naman kasi ang babae. May pula kasi itong kulay ng buhok. Last time green ang kulay ng buhok nito kaya hindi ako masyadong tiwala. Mukha kasing hindi gagawa ng mabuti kahit na ba hawig siya ng namayapa kong asawa. Pansin ko rin ang pananamit nito, parang pang-kanto lang ang datingan. May punit kasi ang kupasing pantalon nito sa may bandang tuhod. Dapat naka-disente naman siya ng damit lalo pa't exclusive school ang pinuntahan niya. Napailing ako.
Nang makapasok na ako sa opisina ko nakita kong nakaupo si Larius sa sofa. Tila inip na inip sa paghihintay sa akin.
"Hey, bro! Sorry, hinatid ko pa kasi ang inaanak mo. Ano'ng pakay mo?" tanong ko dito. Dumiretso na ako sa table ko at umupo sa swivel chair. Tiningnan ko ang mga papers na pipirmahan ko ngayon araw.
"Nag-aalala ako sa girlfriend ko." Malungkot na sabi nito.
Naikwento nito kasi ang nangyari sa buhay nito. Magpahanggang ngayon ay may threat pa rin sa buhay nito. Kaya nga kinuha nilang personal bodyguard si Larius.
"Did you talk to her about it?" tanong ko.
I want to help them kasi kapatid ng nobya ni Larius ang asawa ko. Hanggang ngayon pinai-imbistigahan ko pa rin ang pagkamatay ng asawa ko. Hindi ako matatahimik hangga't walang nakukulong kung sino man ang mastermind ng lahat. Pumasok ang secretary ko upang ilapag ang kape sa table ko.
"May lead na ang imbestigador pero kailangan muna nilang ilihim kung sino ang mga mastermind. Baka makatunog mas lalo lang manganganib ang buhay nila." Uminom ako ng kape. Nag-aalala rin ako para sa anak ko. Kahit naman wala na ang asawa ko may posibilidad pa rin na guluhin ang buhay namin.
"Kailangan nating magdoble ingat. Maybe I need to hire a bodyguard for my daughter." Sabi ko kay Larius. Nakakapagtaka naman kung sino ang may pakana ng lahat ng kaguluhan sa pamilya ng asawa ko. Ilang beses ng may lead pero bigo pa rin na ma-trace kung sino 'yon. Para bang may taong sumasabotahe sa imbestigasyon.